THE FEELING when your mind was shouting no, but your heart and body were screaming yes, that’s what Mhel was feeling at the moment as Iuhence claimed her mouth like he was branding her. Abot-abot ang kaba na nararamdaman niya dahil nasa loob sila ng kotse nito na nakaparada sa gilid ng kalsada na hindi matao at bilang lang ang bahay.
Baka may makakita sa kanila. Shit!
She was wearing a miniskirt, kaya napakadali kay Iuhence na ipasok ang daliri nito sa loob ng panty niya.
Napaungol siya sa sarap na dulot ng daliri ng binata na nilalaro ang kanyang pagkababae. Hindi nagtagal ay ipinasok na nito ang daliri doon.
“Ahhh...” ungol ni Mhel habang nahihibang sa sarap na ipinapalasap sa kanya ni Iuhence.
She didn’t care if they were in the car. Wala nang inhibisyon sa katawan niya nang ibinuka pa lalo ang mga hita para sa binata, habang abala ito sa paghalik sa leeg niya, sa pagsipsip, at pagkagat sa kanyang balat. He was giving her a hickey. He was branding her and she didn’t mind at all.
Dumausdos ng upo si Mhel para masagad ng binata ang pagpasok ng daliri sa loob niya. She wanted his finger to be buried deep inside her core.
“Ohh...” She moaned as Iuhence finger-fucked her.
Napakasarap ng ginagawa nito. Napakapit siya sa gilid ng passenger seat para doon kumuha ng lakas. Mhel gritted her teeth to stop herself from moaning. Sinasalubong niya ang bawat pagpasok ng daliri ni Iuhence sa loob niya. The feeling of his finger filling her and fucking her was too much to bear, she orgasmed fiercely.
Habol ang hininga na napatingin siya sa binata na nahuli niyang matiim na nakatingin sa kanya. His eyes danced in satisfaction and triumph.
“While I was finger-fucking you — ” Inilapit nito ang mga labi sa mga labi niya. His eyes held her gaze. “ — naisip mo ba na ginagawa ko `yon dahil tinatakot kita at ginagamit?”
Even if her body was in the still spasmodic aftermath of her fierce orgasm and her thighs were still shaking because of her pleasure, she forced herself to stare back at Iuhence’s emerald eyes. “`Di ba, iyon ang rason mo kaya ipinasok mo ang daliri mo sa pagkababae ko? It’s my punishment, you said. Sino ka ba para parusahan ako? Kahit pa may nangyari na sa atin, you’re still a stranger to me. I don’t know anything about you other than your name.”
May dumaang estrangherong emosyon sa mga mata ng binata na kaagad din namang nawala. “A stranger, huh?” May pait at galit sa boses nito. “Kung iyon ang tingin mo sa `kin, suit yourself. Have fun with that.”
Naguguluhan si Mhel sa inaakto ni Iuhence. Para itong nasasaktan. Pero bakit naman ito masasaktan? Hindi niya alam kung ano ba talaga ang binabalak nito sa kanya. He confused her in so many levels.
He leaned back and started the engine of the car.
Umayos siya ng upo at tumingin sa labas ng bintana. She could feel her wetness soaking her panties and it felt so uncomfortable.
Hindi nagtagal ay huminto ang sasakyan sa isang sikat na restaurant. Napakunot-noo si Mhel. Walang imik na lumabas si Iuhence ng sasakyan, saka umikot para pagbuksan siya.
Hmm. Gentleman? She snorted. Yeah, right. Masyado itong bastos magsalita para maging gentleman.
Lumabas si Mhel ng sasakyan na hindi pinapansin ang kamay ng binata na nakalahad sa kanya. Taas-noo siyang naglakad papasok sa restaurant.
When the maître d’ approached them, naramdaman ni Mhel na may mainit na bagay na yumakap sa kanyang likuran. Nilingon niya kung ano iyon. Nakita niya si Iuhence sa likuran niya at inaayos ang leather jacket nito na isinampay sa kanyang balikat.
Nginitian siya ng binata pero inirapan niya lang ito. Akmang tatanggalin ni Mhel ang jacket nang pigilan siya ni Iuhence sa pamamagitan ng pagyakap uli sa kanya mula sa likuran.
“Don’t.” His voice was dangerously low. “Men are ogling your bare shoulders.” He growled. “Dapat ang damit mo, turtle neck o kaya naman long sleeves at denim jeans, hindi `yong naka-skirt ka.” May bahid na galit ang boses nito. “Don’t you know how tempting your legs are? It’s enough to give me a massive boner for fuck’s sake.”
Napapantastikuhang napatitig siya sa binata. “Are you for real?” natatawang tanong niya. “God, Iuhence. Manyak ka talaga—”
“Manyak na kung manyak.” Pinukol ni Iuhence ng masamang tingin ang mga lalaking nakatingin sa kanyang mga hita. “You should be covered from head to toe. They are not allowed to see your skin, damn it! Halika na,” yaya nito sa kanya. “Umalis na tayo sa restaurant na ito. Sa iba na lang tayo kumain. Doon sa walang lalaki na titingin sa `yo.”
Napailing-iling si Mhel at nagpakawala ng buntong-hininga. Naloloka siya sa pinagsasasabi ni Iuhence. Hindi niya alam kung nagpapatawa ito o ano. At saka, ano naman ang masama kung may tumitingin sa kanyang lalaki? Mas masahol pa nga ito dahil babae man o bakla na nasa loob ng restaurant ay nakatingin dito na para bang handa ang mga ito na sambahin ang binata. Pero walang pakialam si Iuhence. Nasa kanya lang ang mga mata at atensiyon nito.
“Maayos ang pananamit ko, Iuhence. Huwag mong pakialaman. At nagugutom na ako, kaya please lang, dito na lang tayo kumain,” pakiusap niya at hinayaan ito na makipag-usap sa maître d’.
“Good evening,” bati ni Iuhence sa maître d’. “I reserved a table for two earlier. I’m Iuhence Vergara. Lead us to our table.”
The maître d’ was a woman near her age. Hindi maitago sa mga mata nito ang paghanga sa kaguwapuhan ni Iuhence. Pasimple niyang inirapan ang babae. Kung makatingin ito sa binata ay parang gusto nitong kainin ang lalaki nang buhay. Lalong nadagdagan ang iritasyong nararamdaman niya. Peste!
Parang hindi nag-e-exist si Mhel sa paningin maitre’d na tanging kay Iuhence lang nakatingin. Slut!
“This way, Sir.” Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Tinaasan niya ito ng kilay. “And Madam.” Iginiya sila nito patungo sa second floor, sa teresa ng restaurant na nakaharap sa isang malaking garden.
“This is your table, Sir.” Pinaghugot pa talaga ng babae ng upuan si Iuhence.
Slut! Witch! Whore! Naiirita talaga si Mhel sa babae sa hindi malamang kadahilanan.
May pagmamalaking nginisihan niya ang maître d’ nang lumapit sa kanya si Iuhence at pinaghugot siya ng upuan. Taas-noong umupo siya at nakataas ang isang kilay na sinalubong ang tingin ng maitre’d. Hmp! Take that!
Wala siyang imik habang umo-order si Iuhence. Hinayaan niya lang ito na um-order para sa kanya. Nang dumating ang pagkain, walang imik din siyang kumain.
“Why are you silent?” basag ng binata sa katahimikan. “Ayaw mo ba akong kausapin?”
Nag-angat si Mhel ng tingin. “Wala ako sa mood na kausapin ka. Hangga’t hindi mo sinasabi sa akin ang dahilan kung bakit ginagawa mo ito sa akin, hindi kita kakausapin.” Inirapan niya ito.
“Come on, Mhelanie. Hindi naman `yon—” Napatigil si Iuhence sa pagsasalita nang tumunog ang cell phone nito.
LIHIM na napamura si Iuhence nang maputol ang sasabihin niya sana kay Mhelanie. Sino naman kaya ang istorbong tumatawag sa kanya?
Naiinis na sinagot niya ang tawag. “Hey, Iuhence Vergara, speaking.”
“Anak, ang daddy mo!” Nagpa-panic ang boses ng ina sa kabilang linya.
Nilukob siya ng pangamba. “Ano’ng nangyari kay Daddy?”
“Ang daddy mo, inatake sa puso.” Humagulhol ang kanyang ina sa kabilang linya. “Iuhence, anak, nasaan ka ba? Umuwi ka na rito. Kailangan kita rito. Please?”
Mabilis siyang napatayo sa sobrang pag-aalala. “Uuwi na ako. Wait for me.” Akmang aalis na si Iuhence nang maalalang may kasama siya. Fuck! He looked at Mhel who was about to eat her food. “Halika na. Ihahatid kita sa apartment mo. Kailangan ko na kasing umalis.”
Walang emosyon ang mga mata ng dalaga nang tumingin sa kanya. “I’ll stay. Sayang naman ang pagkain na in-order mo.”
Nagtagis ang mga bagang ni Iuhence sa katigasan ng ulo nito. “No! Ihahatid nga kita pauwi. Paano kung may mangyaring masama sa `yo? Or better yet, come with me to the Philippines—”
“Just go. At bakit naman ako sasama sa `yo? Ano ba kita? You are nothing but a stranger to me.” Walang emosyong ngumiti ito. “Leave. Leave me alone. Maaga pa naman at kaya ko ang sarili ko. Umalis ka na at huwag ka nang babalik pa. And please, don’t tell my father. Siguro naman sapat na ang pagbibigay ko ng katawan ko sa `yo para manahimik ka.”
Napatiim-bagang si Iuhence. That’s it? Pagbibigay ng katawan para sa katahimikan niya? Pagak siyang natawa.
“Hindi pa `yon sapat,” aniya at napipilitang iniwan ang dalaga sa restaurant. Fuck! Sana okay lang si Daddy.
PAGKABABA ni Iuhence sa kanyang private jet ay deretso siyang tumungo sa ospital kung nasaan ang kanyang ama. Naabutan niyang umiiyak ang ina habang nakaupo sa gilid ng hospital bed na kinahihigaan ng asawa.
“Mom,” tawag niya sa pansin nito. “Stop crying,” alo niya sa ina at niyakap ito. “I’m here. Dad will be fine. Malakas pa `yan sa kalabaw, eh.”
Habang nasa biyahe siya, sobrang pag-aalala ang nararamdaman niya. His mom would be heartbroken if something happened to his father. But no, his father was strong. Very strong. Naniniwala siyang walang mangyayaring masama rito.
Tumango-tango ang kanyang ina at tinuyo ang mga luha. “I know. Naaawa lang ako sa daddy mo. Hindi kasi nakikinig, eh. Sinabi nang bawal ang matatabang pagkain pero sige pa rin nang sige.” Tahimik na lumuha ang ina at niyakap siya. “Thanks for coming by the way. Alam kong busy ka sa babae mo sa Russia.”
Kumunot ang noo ni Iuhence. “Busy? Kanino n’yo po nalaman na babae ang pinagkakaabalahan ko?”
His mother rolled her eyes. “Calyx told me. Sabi niya, abala ka sa babae mo kaya nauna na silang umuwi sa `yo.”
Napatango-tango siya. “Ahh. May sinabi pa ba siyang iba?” Oh, Calyx, I’m going to kill you if you told Mom about Mhelanie.
“Wala na. `Yon lang.”
Thank God. “Magpahinga na kayo, Mommy. Ako muna ang magbabantay kay Daddy,” aniya.
His mother smiled. “Thanks, son.” Nahiga ang kanyang ina sa bakanteng higaan doon at nagpahinga.
Habang nagbabantay sa ama, tumunog ang cell phone ni Iuhence. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, napangiti siya.
“Hello, bud,” sabi niya sa kabilang linya. “How’s Timber?”
Tyron grunted. “Really, man? Ako ang tumatawag sa `yo pero ang anak ko ang kinukumusta mo? Anyway, Timber is fine.”
Mahina siyang natawa. “Bakit ka napatawag?”
Napabuntong-hininga ito. “Tomorrow is my birthday. You’re invited. Huwag kakalimutan ang regalo. No gift, no entry.”
He chuckled. “Okay. What time?”
“Before lunch.”
“Okay. I’ll be there,” sabi niya, saka tinapos ang tawag.
No gift, no entry. Hmm. Ano kaya ang magandang regalo para kay Timber? He really liked that kid. So cute. I’m sure mas cute pa ang magiging anak ko. Ang ganda kaya ni Mhelanie.
Natigilan si Iuhence sa naisip. Bakit ba pumasok ang babaeng iyon sa isip niya? Sa tigas ng ulo nito ay baka mamana pa iyon ng kanyang magiging anak.
ISANG linggo ring naratay sa ospital ang ama ni Iuhence at walang araw na hindi sila nag-alala ng kanyang ina. Ngayon ay maayos na ang kalagayan ng ama at uuwi na sila. Sa wakas. Nasa sasakyan na sila at pauwi sa kanilang bahay.
“Something is bothering you, my son?” anang boses ng ama na pumukaw sa malalim niyang pag-iisip.
Binalingan niya ito. “Paano n’yo po naman nasabi `yon?”
“I can sense it.” His father stated simply. “Is it a woman?”
“Yeah.” Bumuntong-hininga si Iuhence. He had this ‘no-lying’ rule with his father. “Don’t worry, Dad. I can take care of whatever is bothering me.”
Ngumiti ang kanyang ama. “I know, son. I perfectly know that. Hindi mo mapapalago ang shipping line natin kung hindi mo kaya kung anuman ang gumugulo sa isip mo. Basta palaging tatandaan ang pangaral ko sa `yo, kung hindi madaan sa santong dasalan—”
“Daanin sa santong paspasan,” pagtatapos niya.
Ginawa na iyon ni Iuhence kay Mhel, pero wala pa ring nangyari. Kung hindi pa paspasan ang nangyari sa kanila ng dalaga, hindi na niya alam ang tawag doon.
Mahinang tumawa ang ama. “At kapag hindi pa madaan sa santong paspasan?”
A devious smirk crept into his lips. “Kidnapin na `yan.”
Malakas na tumawa ito na pinatahimik naman ng kanyang ina.
“Kayong mag-ama talaga. Ano ba `yang pinag-uusapan n’yo, ha?” tanong nito.
Ngumiti lang ang ama ni Iuhence. “It’s a man talk, darling. Huwag mo nang alamin.”
Inirapan ng ina ang kanyang ama. “Whatever. Kayong mag-ama talaga.” Pinukol siya nito ng masamang tingin. “Ikaw naman, huwag kang makikinig diyan sa ama mo. Anong kidnapin? Noong nanliligaw pa lang iyan sa akin, tinanggihan ko. Ang ginawa ng loko-loko mong ama, kinidnap ako. And it wasn’t a good feeling, I tell you. Kaya huwag na huwag mong gagawin `yon. Makakatikim ka sa akin ng pingot.”
Ngiti lang ang itinugon ni Iuhence sa ina. “Mommy, mabait po ako, remember?”
His mother snorted. “Kapag tulog.”
Mahina siyang natawa. Tama ang ina. Hindi siya mabait. Walang mabait na tao na magbabalak na mang-kidnap ng babae. Babae na matigas ang ulo.
Stranger, huh? Well, Mhelanie, let’s get to know each other then.
IT WAS a long hot day for Mhel. As usual, marami na naman ang customer nila sa flower shop. Para makatipid, naglakad lang siya pauwi dahil malapit lang naman ang apartment niya sa flower shop. Maybe a fifteen-minute walk.
Napatingin siya sa kalangitan habang naglalakad. Medyo madilim ang langit kaya naman mas binilasan pa niya lalo ang paglalakad.
Napakunot-noo si Mhel nang makarinig ng mga yabag mula sa kanyang likuran.
Lumingon siya para tingnan kung sino ang may-ari ng yabag na iyon. Inatake ng takot ang puso niya nang makita ang isang lalaki na naka-cap at naka-leather jacket. Dahil medyo madilim na, hindi niya maaninag ang mukha nito.
Hindi mataas ang crime rate sa lugar nila pero mabuti na ang sigurado. Mas binilisan pa ni Mhel ang paglalakad. Nanginginig ang kanyang mga kamay sa sobrang takot nang marinig na mas bumilis din ang yabag ng nasa likuran niya.
Shit! Please, God. Help me.
Habol ni Mhel ang hininga sa sobrang takot. Pinagpapawisan ang kanyang mga kamay. Humugot siya ng isang malalim na hininga saka kinondisyon ang katawan at mabilis na kumaripas ng takbo.
Hindi pa siya tuluyang nakakalayo nang may matitipunong bisig na yumakap mula sa kanyang likuran.
“Let go of me!” she said in Russian. “Let go of me! Help! Help! Hel—” May panyo na tumakip sa ilong niya na may kakaibang amoy na nagpapahina sa kanyang katawan. “Who are you—” Hindi natapos ni Mhel ang sasabihin. Sumuko na ang mga tuhod niya na wala nang lakas at bumagsak ang kanyang katawan. Pero bago pa tumama ang katawan niya a semento, may matitipunong braso na sumalo sa kanya.
Habang unti-unting nawawala ang malay ni Mhel, isang tao lang ang nasa isip niya. Iuhence...