UMAGANG-UMAGA pero masama na ang mood ni Iuhence. Habang naglalakad papasok sa opisina niya, nakatiim-bagang siya at magkasalubong ang mga kilay. Madilim ang kanyang mukha at parang lalapain ang sino man na humarang sa kanyang dinaraanan. Pinangingilagan siya ng mga empleyado. Naiilang ang mga itong bumati ng “good morning” sa kanya.
Wala namang good sa morning ko.
Kahit ang kanyang sekretarya ay hindi siya binati ng “good morning.” Alam na alam ni Heather kung gaano siya ka-bad mood dahil araw-araw niya itong nasisigawan. Thankfully, hindi pa ito nagre-resign.
Pagkapasok sa opisina ay ang gabundok na mga papeles sa ibabaw ng mesa ang kanyang pinansin. Pero tulad ng nangyari kahapon at sa mga nakaraang araw, wala siyang napirmahan ni isa sa mga papeles na iyon. Tinitigan lang niya hanggang sa mukha na ni Mhelanie ang kanyang nakikita.
Palagi na lang ang babae ang laman ng isip ni Iuhence. Umaga man o gabi, palagi niya itong naiisip. At ang mas nagpapairita pa sa kanya ay ang maalala na hindi man lang nagpaalam nang personal sa kanya si Mhel. Nag-iwan lang ito ng sulat. Hahayaan naman niya ang dalaga na umuwi. Ihahatid pa niya ito at sasamahan.
Tuwing tumatawag siya sa bahay ng mga Tschauder sa Canada, palaging katulong ang sumasagot at ang famous word ng mga ito ay “Miss Mhelanie is busy.”
Can’t Mhel spare even one minute of her time?! Wala ba talaga siyang halaga rito?
Ni walang iniwan na palatandaan ang dalaga sa sulat kung babalik ba ito o hindi na. Umalis si Mhel nang walang paalam. Dapat matuto itong bumalik nang kusa. Kahit gustong-gusto niyang sundan ito sa Canada, pinipigilan siya ng pagtatampo niya rito.
He can’t function well because of her! Kasalanan ni Mhel kung bakit malapit na siyang mabaliw. Kaunti na lang, mawawala na sa tamang huwisyo ang utak niya.
“Get out of my office!” galit na sigaw ni Iuhence nang marinig ang pagbukas ng pinto, sunod ang mga yabag ng paa.
“May nasagap akong tsismis,” boses iyon ni Tyron. “Gusto mo bang marinig?”
Nitong mga nakaraang araw, panay ang bisita ni Tyron sa kanya sa opisina. Wala naman itong ginagawa kundi ang inisin at asarin siya.
Nagpakawala siya ng buntong-hininga at nagtaas ng tingin. “Ano’ng kailangan mo? I’m not in a good mood today, Ty. Baka talagang masuntok kita kapag nagalit ako sa kung anuman iyang tsismis na dala mo.”
Pero hindi man lang natinag ang lalaki at umupo sa visitor’s chair na nasa harap ng mesa niya. Ngumisi ito.
“Gusto mo bang marinig ang balita?” excited ang boses na wika ni Tyron. “You will really like this one. And anyway, huwag kang magalit sa presensiya ko. Dapat nga magpasalamat sa `kin.”
Tinapunan ni Iuhence ng matalim na tingin ang kaibigan. “Get out of my office, Zapanta. Wala akong dapat na ipagpasalamat sa `yo.”
“Of course, mayroon,” wika nito na may bahid na ngiti ang boses. “Ako lang naman ang mabuti mong kaibigan na palagi kang dinadalaw para alamin kung malapit ka nang mabaliw. May kilala akong doktor sa mental hospital, puwede kitang ipa-sched.” Binuntutan pa nito ng nakakainsultong tawa ang sinabi at mayamaya ay naging seryoso ang mukha. “By the way, you look like shit, man.”
Iuhence glared at Tyron. Kaibigan niya ito pero sa pagkakataong iyon, gusto niyang suntukin ang nakangisi nitong mukha.
“Ano ba ang kailangan mo?” paasik na tanong niya.
Mas lumapad ang ngisi ni Tyron. “Ayon sa balita, mukhang hobby mo ang magtanggal ng empleyado.”
“Hindi `yon totoo,” pagkakaila niya.
“Ows? So, you didn’t fire fifty employees just this week?”
Itinirik ni Iuhence ang mga mata. “They irritate the hell out of me!”
Tyron chuckled annoyingly. “Yeah? Sila ba talaga ang umiirita sa `yo o `yong kaalamang iniwan ka ni Mhelanie para sa pamilya niya? Pagkatapos ay hindi ka na niya binalikan?” Nakakainsultong tumawa ang kaibigan na mas lalong dumagdag sa iritasyon na nararamdaman niya.
Napatiim-bagang si Iuhence. Pinipigilan niyang sakalin ang kaibigan. To be honest, it would bring him great delight if he throttled this man to death. Pero malulungkot si Timber kapag namatay ang ama nito.
“Umalis ka na, Ty. Wala talaga ako sa mood,” aniya na pilit nagpapakahinahon. “Baka masapak talaga kita.”
Mahina itong tumawa saka tumayo at may inilapag na kulay-lilac na envelope sa kanyang mesa. “It’s a wedding invitation.”
“Sino ang ikakasal?” bored na tanong niya.
“Actually, para `yan kay Raine. Dumating `yan ngayong umaga lang. Ibibigay ko sa `yo in case na gusto mong tumayo riyan sa kinauupuan mo at sunduin ang babaeng bumabaliw sa `yo. Dahil kapag pinairal mo `yang ego mo, ewan ko na lang kung ano’ng mangyari sa `yo. Wala ka pa namang reservation sa mental hospital.”
Napakunot-noo si Iuhence. Tumingin siya kay Tyron. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
Inginuso nito ang wedding invitation na nasa mesa niya. “Buksan mo at basahin ang bawat letra at kataga. Para magising `yang natutulog mong kukote.” Tinalikuran siya nito pero tuloy pa rin ang pagsasalita. “At kapag nasa tamang daan na `yang utak mo, I just want to tell you that you’re plane is ready and Valerian is willing to fly it to Canada.” Nang makarating sa pintuan ng opisina niya, nilingon siya nito. “You’re welcome by the way.”
Nakatitig lang si Iuhence sa nilabasang pinto ni Tyron, saka bumaba ang tingin sa wedding invitation. Dinampot niya iyon, binuksan, at binasa.
Don Knight Velazquez & Mhelanie Tschauder Nuptial.
Parang sampung milyong ice bucket ang ibinuhos sa kanya dahil sa nabasa.
No! No way! Hell, no! She’s mine! Mine and mine alone!
Itinapon niya ang imbitasyon sa basurahan at naglakad palabas ng opisina.
Natigilan si Iuhence nang makitang nakatayo si Valerian sa gilid ng elevator at mukhang may hinihintay.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” naguguluhang tanong niya.
Tinanggal nito ang sunglasses na suot at nginisihan siya. “`Buti naman at nasa tamang huwisyo ka na. Halika na.”
Kunumot ang noo niya. “Ano’ng ginagawa mo rito?” ulit niyang tanong sa lalaki.
Valerian gave him a ‘duh’ look. “Kailangan mo ng piloto sa gagawin mo at nag-volunteer ako. I am a licensed pilot after all.”
“Oh.” Sumakay siya sa elevator at sumunod naman si Valerian. “Bakit ka ba nag-volunteer?”
Nagkibit-balikat ito. “Secret. Sa akin na lang `yon. Magpasalamat ka na lang.”
Umiling-iling si Iuhence at hinayaan na lang ito sa sekreto nito. Bahala na. Kailangan niyang makarating sa Canada para pigilan ang kasal ng babaeng pinakamamahal. Sa kanya lang si Mhel. He didn’t kidnap and made love Mhel just so she could marry another man! Siya ang pakakasalan nito at hindi ibang lalaki!
HININTAY talaga ni Mhel na dumating si Knight. Gusto niya itong makausap. Pagdating ng lalaki, hinila niya ito patungo sa greenhouse kung saan walang makakarinig sa pag-uusapan nila.
“May sasabihin ka sa `kin?” malamig ang boses na tanong ni Knight. “Hurry up. Hindi ikaw ang ipinunta ko rito. May business appointment ako sa daddy mo.”
Kinagat niya ang labi. Nag-iipon siya ng lakas ng loob para sa sasabihin niya.
“Mhelanie—”
“Huwag mo akong tawagin sa buo kong pangalan,” putol niya rito. “Isang tao lang ang may karapatang tawagin akong ‘Mhelanie.’”
Mataman siyang tiningnan ni Knight. Walang emosyon ang maganda nitong mga mata. “Siya ba ang rason kung bakit hindi ka pumapayag na makasal sa `kin?”
Hindi siya nagsinungaling. Tumango siya. “Oo. I love him.”
“Does he love you, too?” His voice was cold, unfeeling.
“Oo.” Sana nga mahal siya ni Iuhence.
“Kung mahal ka niya, bakit wala siya rito ngayon para ipaglaban ka sa daddy mo?” Parang may tumarak na kutsilyo sa puso ni Mhel sa sinabi ng lalaki. “Kung mahal ka niya, bakit wala siya rito ngayon para agawin ka sa akin?”
Iyon din ang katanungan ni Mhel. Kung mahal siya ni Iuhence bakit hindi siya nito sinundan sa Canada? Bakit wala ito ngayon sa tabi niya para ipaglaban siya sa kanyang ama? Mali ba ang hinala niya at nag-akala lang talaga siya na may espesyal na nararamdaman para sa kanya ang binata?
Nasaktan ang puso niya sa isiping baka tama si Knight. Hindi siya mahal ni Iuhence dahil kung mahal siya ng binata, sinundan na siya nito. Pero ni anino ni Iuhence ay wala siyang nakita.
“Hindi mo ako pag-aari para agawin niya ako sa `yo,” aniya.
“You will be.”
Umiling si Mhel habang nag-uumpisang mamalisbis ang kanyang mga luha. “No. Hindi. Tanging si Iuhence lang ang puwedeng magmay-ari sa `kin.” Tumingin siya sa mga mata ni Knight at hinawakan ang sinapupunan niya. “I’m pregnant, Knight. Buntis ako at si Iuhence ang ama. Gugustuhin mo bang maging asawa ako kahit na buntis ako at hindi naman sa `yo ang bata?”
Sa halip na sumagot, tinalikuran siya ng lalaki at lumabas ng greenhouse. Napaupo si Mhel sa pinakamalapit na bench at walang ingay na umiyak.
Iuhence, nasaan ka na? Please, take me away from here. I miss you so much. Please! I love you so much!
IUHENCE froze when he entered his private plane and saw his lunatic friends. Naroon si Calyx, Lander, Dark, at Ymar. Komportableng nakaupo ang mga ito at abala sa pagkain ng Pringles na hawak ni Calyx.
“Ano’ng ginagawa n’yo rito?” tanong niya.
Si Lander ang sumagot. “Moral support.”
Ngumisi si Calyx. “In case na nagsayang ka lang ng fuel sa eroplano dahil hindi ka naman pala importante kay Mhelanie, dadalhin ka namin sa Las Vegas at ililibre mo kami.”
Hinilot niya ang sentido. Ano bang klaseng mga kaibigan mayroon siya? “Magsilayas kayo sa eroplano ko.”
Nagsuot ng seat belt si Dark. “Kung ako sa `yo, Vergara. Uupo na ako kasi magte-take off na ang eroplano. Wala pa namang kaluluwa `yang si Valerian.”
Nakilala niya si Dark dahil kaibigan ito ni Valerian at naging kaibigan na rin niya kinalaunan. Si Valerian naman ay nakilala niya dahil pinsan ito ni Tyron. Naging kasosyo niya si Valerian sa ibang negosyo niya at naging magkaibigan na rin sila. Si Tyron naman ang maituturing niyang pinakamalapit na kaibigan, bukod kina Lander, Calyx, at Ymar na nakilala niya nang mag-aral siya sa Stanford.
“Paano naman siya mabubuhay kung wala siyang kaluluwa?” tanong ni Ymar.
“Uy, naniniwala ka sa kaluluwa?” Tumawa si Dark. “Akala ko ang mga doktor, hindi naniniwala sa mga ganyan. At saka, sabi ni Valerian, sapat na raw ang makapanindig-balahibo niyang kaguwapuhan para mabuhay siya sa mundong ibabaw. Kaya kahit wala siyang kaluluwa, nabubuhay siya.”
Iningusan ni Ymar si Dark. “At naniwala ka naman?”
“Hindi.” Dark chuckled. “Sinasakyan ko lang siya, baka bigla niya akong sakalin, eh.”
Napailing-iling na lang si Iuhence at naupo sa bakanteng upuan na katabi ni Dark. Mukhang wala na siyang magagawa sa mga kaibigan niya. Desidido talaga ang mga ito na sumama.
He buckled his seat belt and waited for the plane to take off.
Just wait for me, my Mhelanie. Parating na ako.
“Ikaw, Lander. May kaluluwa ka?” biglang tanong ni Calyx sa katabi.
“Kung wala akong kaluluwa, eh, di sana hindi kita isinama rito ngayon,” sagot ni Lander sa walang-buhay na boses.
“Oo nga pala,” ani Calyx habang ngumuya ng Pringles. “Sinundo mo pala ako para sabay tayong makatsismis.”
Iuhence tuned out the voices of his friends and thought of Mhel instead. I’m coming, honey. Hintayin mo lang ako.
ILANG minuto nang nakaupo si Mhel sa greenhouse nang pumasok si Nanny Mercy. Puno ng pag-aalala ang mukha nito habang papalapit sa kanya.
“Pinapapunta ka ng daddy mo sa library,” anito.
Bumilis ang tibok ng puso niya sa nerbiyos na naramdaman. Sinabi ba ni Knight sa kanyang ama? Oh, my God! I’m so dead…
Habang naglalakad patungo sa library, sobra-sobrang kaba ang nadarama ni Mhel. Nanlalamig ang kanyang mga kamay at pinagpapawisan siya nang malapot.
Nang makarating sa library, kumatok siya.
“Come in.” Her father’s faint voice came from inside the room.
Binuksan niya ang pinto at pumasok sa loob ng library. Ipinalibot niya ang mga kamay sa tiyan bilang proteksiyon sa kung anuman ang sasabihin o gagawin ng ama.
“Dad...”
Ang malamig nitong mga mata ang sumalubong sa kanya. Bumaba ang mga mata ng ama sa kanyang tiyan. “Get ready. We’re going to visit an OB-G yne.”