ANG PLANO ni Mhel ay magkulong sa kuwarto niya pagkatapos nilang maghapunan ni Iuhence. Lalabas lang siya ng kuwarto kapag bored na bored na. Pero walang nangyari sa mga plano niya. Pagkatapos maghapunan, niyaya siya ni Iuhence na magpahangin sa teresa at parang may sariling isip ang kanyang bibig na sumagot ng “sige.”
Kaya heto siya ngayon sa teresa, nakaupo sa duyan habang si Iuhence naman ay nakaupo sa mahabang sofa na malapit sa duyan. Thank God at hindi ito ganoon kalapit sa kanya. Baka bumilis na naman ang tibok ng puso niya. This man was not healthy for her heart and peace of mind.
Ilang minuto rin silang tahimik nang basagin ni Iuhence ang katahimikan.
“Sino ang first kiss mo?” tanong nito.
Nabigla si Mhel sa tanong ng binata. Nag-init ang kanyang mukha. “Bakit mo ba tinatanong `yon?”
“Just curious,” anito at nagkibit-balikat.
Nag-iwas siya ng tingin bago sumagot. “I had my first boyfriend when I was in college. You know, American boys.” Ibinalik niya ang atensiyon kay Iuhence. “Sex is like the life of a relationship.” She saw him tense up but she continued talking. “Si Daddy, sobrang istrikto. Hindi ako puwedeng makipag-flirt sa school kasi may mga mata doon si Daddy at tiyak na isusumbong ako kaagad. Hatid-sundo ako kaya hindi nakaporma ang boyfriend ko. Not even a kiss.”
A relieved sigh came out of Iuhence’s mouth. “`Tapos?”
“Nag-break din kami ni BF. `Tapos hindi na nasundan kasi mas naging mahigpit pa si Daddy.”
Kumunot ang noo ng binata. “Kung hindi na nasundan, ibig sabihin ba niyan ako ang first kiss mo?”
Inirapan ni Mhel ang lalaki nang makitang masayang-masaya ito sa nalaman. “So? Ano naman ngayon?” sikmat niya rito.
Inosente itong nagkibit-balikat. “Wala naman. I’m just inquiring.”
“Inquiring ka d’yan. If I know, you are gloating—”
“Gloating in happiness, that is.” He smiled. “I was your first kiss and I take pride in it.”
Itinirik niya ang mga mata. “Shut up, Iuhence,” aniya sa matalim na boses. “Ayoko sa mga mambobola.”
“Hindi naman kita binobola, ah,” depensa nito. “I’m stating a fact.”
“Iuhence, sa mukha mong `yan? I’m sure mambobola ka. Ilang babae na ba ang nabola mo? You have a flowery tongue that makes women swoon when they hear your voice and all that,” sarkastiko niyang sabi.
Marahang tumawa si Iuhence. Napaka-genuine ng tawang iyon. “Stereotyping much? Alam kong guwapo ako pero wala naman akong mala-garden na dila.”
“Sino’ng may sabing guwapo ka?” mataray niyang tanong. “Ang sinabi ko lang, flowery tongue.”
“Pareho na rin `yon. Sabi mo pa nga na sa mukhang kong ito? In that phrase of yours, nagpapahiwatig ka na na isa akong napakaguwapong nilalang.”
Nalukot ang mukha ni Mhel. “Ayoko sa mahanging lalaki.”
“Okay. From now on, magiging down to earth na ako.”
Tinaasan niya ito ng kilay. “Sinabi ko lang na ayoko sa hambog, magiging down to earth ka kaagad?” Napapantastikuhan talaga siya sa binata. “Ikaw na talaga, Iuhence. If I didn’t know better, I say you are trying to be on my good side and impress me afterwards.”
“What if I am? Is it working?”
Naging triple ang bilis ng pagtibok ng puso ni Mhel. Napatitig siya sa mga berdeng mata ni Iuhence na may kakaibang kislap.
“Marami pa ang kakainin mong bigas para ma-impress ako,” sabi niya. “At saka galit pa rin ako sa `yo sa pag-kidnap mo sa akin.” Napangiti siya nang may maisip na magandang ideya. “Or, you could send me back to Russia. I’m sure mai-impress ako n’on.”
Ngiting-aso ang naging sagot ng binata. “Sa tingin mo naman uto-uto ako para pumayag diyan sa pinagsasasabi mo?” He snorted. “You’re stuck here with me.”
“Hanggang kailan ba ako mananatili sa isla na ito kasama ka?” usisa niya. “Days? Weeks? Months?”
Nagkibit-balikat si Iuhence. “Hanggang sa gusto ko.”
Napaawang ang mga labi ni Mhel. “Are you for real? Nababaliw ka na ba? I have a life—”
“What life? A life hiding from your father?” Pagak itong tumawa. “Isipin mo na lang na ang isla na ito ay parang Russia. Hindi malalaman ng daddy mo na narito ka. Wala siyang malalaman. I’ll feed you. I’ll give you clothes. Hell, I’ll give you everything you want.”
“Bakit?” mabilis na tanong niya. “Bakit mo naman sa akin ibibigay ang lahat ng gusto ko?” Hindi niya ito maintindihan.
Biglang naging mailap ang mga mata ni Iuhence. “Wala lang.” Nahiga ito sa sofa at ipinikit ang mga mata.
Isang buntong-hininga ang kumawala sa kanya. Nagbabalak na siyang tumayo nang magsalita uli si Iuhence.
“Stay,” anito.
Hindi alam ni Mhel kung alin ang tinutukoy ng binata. Manatili siya sa kinauupuan o manatili siya sa isla? Well, she couldn’t do both.
Tuluyan na siyang tumayo. “Goodnight,” aniya at akmang hahakbang na papasok sa loob ng bahay nang pigilan siya ng binata sa palapulsuhan.
“Ay!” Naramdaman ni Mhel na nawalan siya ng balanse. Namalayan na lang niyang nasa ibabaw na siya ni Iuhence. “Iuhence! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?” Ilang dangkal na lang ang layo ng kanilang mga mukha.
Hindi sumagot ang binata, nanatili itong nakatitig sa mga labi niya. Mhel saw desire in his eyes. Kaya naman mabilis niyang ibinaba ang mukha at ipinatong iyon sa matitipuno nitong dibdib para hindi siya mahalikan ni Iuhence dahil alam niyang bibigay na naman siya at tutugunin ang halik nito.
A sigh escaped his lips. “Stay.”
May pagpipilian ba siya? Nakakubabaw siya rito at mahigpit siya nitong yakap, for fuck’s sake! Para namang may takas siya sa matitipuno at mamasel nitong mga braso. At hindi maitatanggi ni Mhel sa sarili na nag-e-enjoy siya sa yakap ng binata. Kahit anong tanggi niya, iyon ang katotohanan. Masarap talaga sa pakiramdam ang yakap ni Iuhence.
She was enjoying his embrace when she felt Iuhence’s ‘big and long’ friend poking her thigh. Napasinghap siya at hindi makapaniwalang tumingin sa binata! Iuhence has a fucking erection and it was now disturbing her thigh!
“Iuhence! You have a fucking erection!” singhal niya.
Tumawa lang ito. “Normal lang `yan, Mhel. A pretty woman is on top of me and I desire her, of course, I’ll have a massive erection.”
Napakagat-labi siya sa tinuran nito. Ang bold talaga ng lalaking `to.
Napailing-iling na lang si Mhel, saka ibinalik ang ulo sa pagkakahiga sa matipuno nitong dibdib. Ipinikit niya ang mga mata para lang sana magpahinga pero hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.
IUHENCE smiled when he heard Mhel snore lightly. Hindi niya alam na humihilik pala ang dalaga. That made him chuckle even harder but quickly stopped himself. Baka magising ito.
Gusto niyang dalhin ang dalaga sa kama para maging maayos ang paghiga nito pero natatakot siya na baka magising ito kaya naman hindi na lang siya gumalaw at ninamnam na lang ang kanilang posisyon. Hindi niya alam kung hanggang kailan ang mood ni Mhel na pumapayag sa mga gusto niya. Kaya susulitin na lang niya ang pagbabago ng mood nito.
Nang lumipas ang ilang minuto na hindi pa rin siya makatulog, ang buhok ni Mhel ang pinagdiskitahan ni Iuhence. Sinuklay niya iyon gamit ang kanyang kamay.
Saksi ang buwan sa pagpipigil niya na hindi angkinin ang dalaga sa kanila posisyon nila ngayon. He’s trying to be on her good side and he sure hoped it would work.
As he embraced Mhel, he felt peaceful. Sa unang pagkakataon sa buhay ni Iuhence, wala siyang ibang gustong puntahan maliban sa kung nasaan man siya ngayon. Nasa bisig niya ang babaeng nagpaparamdam sa kanya ng kakaibang damdamin. Damdamin na nagpapasakit sa kanyang ulo.
Iuhence never learned how to cook but because of Mhel, he was able to give it a try even if he failed. Nakakabigla iyon. He never wanted to be on someone’s good side, but for Mhel, Iuhence, being a person with no filter, had to keep a tight rein on his mouth. All his life, he hadn’t done anything to impress others, but it looked like it’s about to change now.
Ano kaya ang dapat kong gawin para ma-impress ang babaeng `to? Parang wala naman siyang magagawa. Ang mayroon lang siya ay kaguwapuhan, katalinuhan, at pera. And Mhel didn’t find those impressive. Wala itong pakialam kahit pa siguro pumila ang kababaihan sa kanya o kung marami siyang pagmamay-aring kompanya. That wouldn’t impress Mhelanie Lorenzo-Tschauder.
Ano ba ang makakapag-impress sa kanya? That’s the big question. If looked like he had to consult a how-to-impress-a-girl guru for this.
Iuhence sighed deeply and then closed his eyes to sleep. But how could he sleep when he’s housing a freaking massive boner? Bahala na!
NAGISING si Mhel na nakahiga sa malambot na kama. She frowned when she realized she had no recognition of the place. Did Iuhence bring me to this room? Hindi ito ang kuwarto niya.
Mabilis siyang bumangon at inayos ang sarili pagkatapos lumabas ng silid at hinanap ang binata. Nakita niya ito na nakasandal sa barandilya ng teresa at umiinom ng kape habang nakatingin sa karagatan. Parang napakalalim ng iniisip nito.
What’s with Iuhence and coffee? Paborito ba nito ang kape?
“Good morning,” aniya nang makalapit dito.
Humarap sa kanya si Iuhence, pagkatapos ay ginawaran siya ng halik sa mga labi na ikinagulat niya. “Good morning, too, sweetness.”
Natigilan si Mhel at napatitig dito. “Kagabi ‘honey,’ ngayon naman ‘sweetness’. Ano naman kaya bukas?”
Nang-aakit na ngumiti ang binata. “Stay tuned, sweetness. I have so many endearments at my disposal.”
Pinaikot niya ang mga mata. “Ayoko sa endearment. My name will do.”
“Mhelanie...”
Napatitig siya sa mga labi ni Iuhence habang binibigkas nito ang pangalan niya. She gulped when she felt a part of her body heat up. God! Malaki talaga ang epekto ng lalaking ito sa kanya.
“Mhelanie, stop staring at my lips.” Iuhence smirked. “If I didn’t know any better, you want a good morning kiss from me again.”
Napamulagat si Mhel at kasimbilis ng kidlat na nagbaba ng tingin. “H-hindi, `no!”
“Okay. Kung iyan ang sabi mo.” Pagkatapos ay inisang-hakbang ng binata ang pagitan nila at inilagay ang hintuturo nito sa kanyang baba. Iniangat ni Iuhence ang kanyang mukha para magtagpo ang kanilang mga mata. “Pero gusto ko ng good morning kiss uli. Would you let me... kiss you... good morning?”
Mhel was hypnotized by his emerald eyes that she couldn’t say no. Her lips had a mind of its own as she tiptoed and softly pressed her lips on Iuhence’s coffee tasting lips.
“Good morning and have a nice day ahead,” aniya at nag-iinit ang mga pisngi na pumasok sa bahay. Dumeretso siya sa kusina para magluto ng almusal.
HABANG nakatingin si Iuhence sa papalayong bulto ni Mhel, isang malapad na ngiti ang naglalaro sa mga labi niya.
May progress na ba ako? Unti-unti ko na bang napapasok ang pader na inilagay niya? Sana nga.
Inubos muna niya ang kape, saka hinanap ang dalaga. Nakita niya ito sa kusina na abala sa pagluluto.
Sumandal siya sa hamba ng pinto at pinakatitigan ang likod ng babae. Kapagkuwan ay bumaba ang tingin niya sa pang-upo nito. Mhel still had a freaking nice ass.
Hindi napigilan ni Iuhence ang sarili. He knew that he was trying to be on her good side but damn, he just had to do it. So he did. Lumapit siya kay Mhel at tinampal ang pang-upo nito.
Malakas na suminghap ang dalaga saka namumula ang mga pisngi na humarap sa kanya.
“Ikaw talagang lalaki ka! Ang bastos-bastos mo talaga!” Nanlilisik ang mga mata nito. “Wala ka ba talagang respeto sa `kin?”
Nanlaki ang mga mata ni Iuhence. “Of course may respeto ako sa `yo. I just wanted to slap that sinful butt cheek of yours. It has nothing to do with respect, Mhelanie.”
“Of course, it has!” Sasampalin sana siya ng dalaga pero nasalo niya ang kamay nito. “Argh! I hate you!” Itinulak siya ni Mhel sa dibdib at nagmamartsang umalis ng kusina.
Mhelanie’s good side, remember? pagpapaalala ng isip niya.
Napabuntong-hininga si Iuhence. “Ano’ng magagawa ko? My mouth has no filter, so does my hand and my actions. Gagawin ko ang gusto ko kapag gusto ko. Sino ba sila para diktahan o kontrolin ang galaw ko?” paghihimutok niya habang mag-isa na lang sa kusina.
Dumako ang mga mata ni Iuhence sa kawali at nakitang nasusunog na ang niluluto ni Mhelanie.
“Fuck!” he cursed as he tried his best to save the food.
MHEL was still fuming mad as she sat on a hammock while looking at the sea trying to calm herself. Ang bastos talaga ng lalaking `yon! Argh! Pati sa kusina, dinadala ang kabastusan! Argh!
Halos tatlumpung minuto na ang nagdaan mula nang mag-walk out siya sa kusina, pero hindi pa rin siya sinusundan ng lalaki. Not that she wanted him to follow her. No way! Manigas ito.
Pero parang nanunukso at nananadya ang pagkakataon, pumasok si Iuhence sa balkonahe na may dalang pagkain. Kung matatawag ngang pagkain ang nasa tray.
Kumuha ng upuan ang binata, inilagay iyon sa harap niya at umupo roon. He offered her the tray full of...
What the hell is that? Nagsalubong ang mga kilay ni Mhel. “Ano `yan?”
“Sinubukan ko at ngayon ay alam ko na na hindi talaga para sa akin ang pagluluto, pero pinagluto pa rin kita,” paliwanag ni Iuhence na hindi makatingin sa kanya. Para itong nahihiya. “And this is the only food that had survived my torture. An egg, but it looks like a charcoal now. That one is Spam— I know, I know. It doesn’t look like Spam to you.” Pagkatapos ay tinuro nito ang hindi niya kilalang pagkain. “And that is a tuna sandwich, which was tortured by me.” Tumikhim ito. “And that’s coffee, my specialty. That tastes good. Sigurado ako.”
Wala nga itong pag-asa sa pagluluto, pero wala sa tray ang tingin ni Mhel kundi sa mga kamay ni Iuhence na puno ng maliliit na hiwa at paso. Ano ba ang ginawa ng lalaking ito sa kusina?
“Gago ka talaga, ano?” sabi na lang niya.
Vulnerability showed on his emerald eyes as he looked at her. “Alam ko namang hindi mukhang pagkain, pero ginawa ko naman lahat ng makakaya ko—”
“Tinorture mo na nga ang mga pagkain, sinaktan mo pa ang sarili mo.” Kinuha niya ang tray na hawak ni Iuhence at inilapag iyon sa pinakamalapit na mesa, pagkatapos ay hinawakan ang mga kamay nito at sinuri. “Ang dami mong maliliit na hiwa,” aniya. “Ano’ng ginawa mo sa kusina? Pinaglaruan ang mga kutsilyo?”
Hindi alam ni Mhel kung guniguni niya lang pero nakita niyang namula ang mga pisngi ng binata.
Tumikhim si Iuhence. “I... ahm, the Spam meat loaf is slippery. `Tapos noong hinihiwa ko, biglang nag-slide palayo kaya daliri ko ang na-slice, pero hindi naman dumugo, kaunti lang… So yeah…”
“At `yong mga paso?”
“Sa pagprito.”
Napailing-iling siya. “Next time, huwag ka nang magluluto. Tingnan mo ang nangyari sa `yo.”
“I was just trying to be on your good side.”
Kumabog nang malakas ang dibdib ni Mhel. “Iuhence…” Napatitig siya sa binata dahil sa sinabi nito. Masuyo siyang ngumiti. “Mamaya na ang good side na iyan, gamutin muna natin `to.”
“Just kiss it and the pain will go away.”
Natawa siya nang mahina. “Nagpapaniwala ka naman do’n.”
“I believe it. Wanna try?” Hindi pa nga siya nakakasagot ay sinakop na ng binata ng halik ang mga labi niya.
Damn this man and his lightning speed moves.