noveltoon logo noveltoon
Iuhence Vergara (Possessive Series 2)

Chapter 15

Ch. 16 / 24 Feb 09, 2022

PAGKAPASOK ni Mhel sa penthouse ni Iuhence, naalala niya ang bahay nila sa Canada. Malaki rin iyon at maganda. Just like this penthouse. Parang napakasarap tumira doon.

Pero hindi kagaya ng penthouse ng binata, hindi niya matatawag na bahay ang bahay ng mga magulang niya kundi isang hawla na nagkukulong sa kanya.

But that’s all in the past, now, she’s with the man she should have married eight years ago. Ang ipinagkaiba lang ay hindi niya ito tatakbuhan tulad ng ginawa niya noon. Malaki ang posibilidad na baka ito pa ang tumakbo palayo sa kanya.

Iuhence Vergara now owned her heart, body, and mind. Hindi alam ni Mhel kung paano nangyari iyon. Basta nagising na lang siya na mahal na niya ito. Gusto niyang itanggi ang pagmamahal kay Iuhence pero hindi niya kayang gawin iyon. Kahit anong deny ang gawin niya, ang binata pa rin ang itinitibok ng kanyang puso.

Hindi lang siya kinidnap ni Iuhence, kinidnap din nito ang kanyang puso at ikinulong iyon sa isang lugar na hindi na niya iyon makukuha. Gusto niyang labanan ang nararamdaman pero kahit anong pigil niya, lumalabas pa rin. Every time he touched her, it felt like heaven. Every kiss felt like a sweet delight that needed to be savored. And when she looked into his emerald eyes, she could see her future and it scared her.

Pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ni Mhel sa binata kaysa sa takot na lumulukob sa puso niya. Noon, mas importante ang kalayaan niya para sa kanya, pero ngayon, wala na siyang pakialam sa kalayaan. Buong puso niyang ipagkakaloob ang sarili kay Iuhence. He could cage her in his heart and he would not hear any violent reaction from her.

Gusto niyang isigaw sa buong mundo na mahal niya ito. Gusto niyang malaman ng buong mundo na pag-aari niya ang binata.

Pero hindi naman niya puwedeng gawin ang mga bagay na iyon.

Una, hindi niya alam kung pareho sila ng nararamdaman. Duwag na kung duwag pero mas mabuti nang hindi niya malaman ang nararamdaman ni Iuhence para sa kanya kaysa harapan siya nitong i-reject at sabihing wala itong nararamdaman para sa kanya. Pangalawa, hindi niya pagmamay-ari ang binata. Wala siyang karapatan dito. And that thought hurt her so much.

“Tatayo ka na lang ba riyan?” pukaw ni Iuhence sa pag-iisip niya.

Napakurap-kurap si Mhel. “Ano’ng sabi mo?”

Kinunutan siya nito ng noo. “Okay ka lang? Kanina pa ako salita nang salita, hindi ka naman pala nakikinig.” May pagtatampo sa boses nito.

She gave him an apologetic smile. “Pasensiya ka na. May naisip lang ako. Ano ba ang sinasabi mo kanina?”

“Wala,” anito at isinara ang pinto ng penthouse. “It was nothing.” Kinuha nito ang bag na kanyang dala. “Ako na. Ilalagay ko sa kuwarto natin.”

Kumunot ang noo ni Mhel at nakita iyon ni Iuhence.

“Ayaw mo akong makasama sa iisang kuwarto?” madilim ang mukha na tanong ng binata. “Magsabi ka lang, hindi naman kita pipilitin.” Halata sa mukha nito ang pinipigilang pagtatampo sa kanya.

“Okay lang naman sa akin na makasama ka sa iisang kuwarto.” Nagulat lang siya na gusto pa rin siyang makasama nito sa iisang kuwarto. Makakaasa ba siya na hindi ito magbabago? “Nagulat lang ako.”

Does he still want me? Sana nga...

“Come on. I’ll show you our room,” anito at inilahad ang kamay.

Nang hindi siya gumalaw sa kinatatayuan, lumapit si Iuhence sa kanya at sinapo ang kanyang mukha. Matiim itong tumingin sa kanyang mga mata.

“May problema ba, Mhelanie?” tanong nito habang hinahaplos ang pisngi niya. “Mula nang umalis tayo sa isla, parang wala ka sa mood. You are here with me but you seem so far away. Ayaw mo ba akong makasama? Is it me? I’m sorry but I can’t let you go so you’re stuck with me.”

Matapang na sinalubong niya ang titig ng binata. “Hindi `yon ganoon. It’s not you. I’m... just... scared, Iuhence,” pag-amin niya. “Natatakot ako na baka ayaw mo na akong makasama kaya napagdesisyunan mong umalis na sa isla. Maybe it’s your way of saying I don’t want you anymore—”

“Hell would freeze over before that happens. You’re stuck with me like a tattoo.”

Nilakasan na ni Mhel ang loob. Her thumb caressed his lips. “Do you still want me, Iuhence? Do you still—”

“Silly woman,” umiiling-iling na anito, nakakunot-noo. “I will never stop wanting you, Mhelanie. Hanggang sa pumuti ang buhok ko, I will never stop wanting you. What happened to us in my island was like a dream and up until now, I am still dreaming. To be with a woman like you is a dream and I never want to wake up. If a man tries to wake me up, I will murder him. Cold blooded.”

Natawa siya sa sinabi ng binata. “Promise? You’ll never stop wanting me?”

Itinaas ni Iuhence ang kamay na parang nanunumpa. “I swear, hinding-hindi mangyayari `yon.”

Sapat na iyon sa kanya. Kahit wala silang relasyon ng binata, sapat na sa kanya ang pangako na binitawan nito para kahit papaano ay mapanatag ang kanyang puso na natatakot na baka iwan nito sa bandang huli.

“Okay.” Ngumiti si Mhel saka iniangkla ang braso sa braso ni Iuhence. “Lead the way to our room.”

Napangiti ito sa sinabi niya. “Our room,” ulit nito. “I like the sound of that.”

KINAGABIHAN, nasa sala sina Mhel at Iuhence, katatapos pa lang nilang maghapunan at napagdesisyunan nilang manood ng pelikula nang mag-ingay ang doorbell ng penthouse nito.

Naiinis na tumayo ang binata. “I’ll be back, honey.” Hinalikan siya nito sa mga labi bago umalis para buksan ang pinto.

Pagkalipas ng ilang minuto, bumalik si Iuhence sa sala at may kasama ito.

Nanubig ang mga mata ni Mhel nang makita ang nakangiting babaeng nasa likuran ni Iuhence.

“Raine...” sambit niya, saka tumayo. “Hey...”

Lumapit sa kanya si Raine at matiim siyang tiningnan. “Mhel? Ikaw ba talaga `yan?” mahinang tanong nito. “Saan ka ba nagpunta?” Puno ng pag-aalala ang boses nito. “Oh, my God, Mhel. Alam mo bang sobrang nag-alala sa `yo ang mga magulang mo?”

“Alam ko, pero ayoko muna silang pag-usapan,” pigil niya sa iba pa nitong sasabihin. Ayaw niyang makonsiyensiya dahil sa kanyang ginawa.

Ngumiti ang kaibigan at mahigpit siyang niyakap. “I miss you, bes. You missed my freaking wedding and the christening of Timber, my son. Alam mo bang ninang ka niya? Ikaw talagang babae ka! Pinag-alala mo ako nang malaman kong umalis ka at hindi nagsabi kung saan ka pupunta.”

Kumawala siya sa pagkakayakap ng kaibigan. “I’m here now. Stop worrying.” Tumuon ang mga mata ni Mhel sa lalaking nasa likuran ni Raine. “Ipakilala mo naman ako sa kasama mo,” nakangiting aniya.

Nangingiting pinagsalikop ni Raine ang kamay nito at ng lalaki. “This is my husband, Tyron Zapanta.” Puno ng pagmamahal na nginitian nito ang lalaki, saka bumaling uli sa kanya. “And this is my best friend, Mhelanie Tschauder.”

Nagkamay sila ni Tyron.

Damn. This man was freaking handsome.

“Nice to meet you,” aniya na may tipid na ngiti sa mga labi.

“Nice to meet you, too,” anang lalaki na may kislap ng kapilyuhan sa mga mata. “Bakit ka nandito sa penthouse ni Iuhence, if you don’t mind me asking?”

Biglang nag-init ang mga pisngi ni Mhel at dumako ang mga mata niya kay Iuhence na walang imik at nakangisi habang nakatingin sa kanya.

“I... ahm, ahh—”

“Go on, honey. Tell them,” Iuhence urged her while smirking.

Pinukol niya ito ng masamang tingin. “Ikaw kaya ang magsabi! You’re the one who kidnapped me!”

Ang namimilog sa gulat na mga mata ng mag-asawa ay nabaling kay Iuhence.

“Damn, man,” hindi makapaniwalang wika ni Tyron. “So totoo ang sinabi mong kikidnapin mo muna ang bride—”

Mabilis na tinakpan ni Iuhence ang bibig ni Tyron. “Shut up, Zapanta. Fuck it!”

Tinanggal ni Tyron ang kamay ni Iuhence na nasa bibig nito at nginisihan ang binata. “Sorry, bud. My mouth has no filter.” Puno ng sarkasmo ang boses nito. “Hindi ko kayang pigilan ang bibig ko na magsabi ng katotohanan.”

Kung nakakamatay ang tingin, kanina pa nakabulagta ang lalaki sa uri ng pagkakatitig ni Iuhence dito. “Fuck you, Tyron.”

Tumawa lang nang malakas si Tyron at bumaling sa kanya. “So, Miss Mhelanie, may tanong ako. Please, humor me.”

Tumaas ang isang kilay niya. “Ano `yon?”

“Hinarana ka ba ng ugok na ito?” tanong ni Tyron, sabay turo kay Iuhence.

Muling nag-init ang mga pisngi ni Mhel nang maalala ang panghaharana ni Iuhence. Doon nagsimula ang mabuti nilang pakikisama sa isa’t isa. Nang gabing iyon din niya natanggap na si Iuhence ang isinisigaw ng kanyang puso at katawan.

“Y-yeah. He did,” aniya. “He sang ‘ Troublemaker’ by Olly Murs.”

Humagalpak ng tawa si Tyron na kaagad naman pinatigil ng asawa nito.

“Stop laughing, Tyron, or else, sa sahig ka mamaya matutulog,” pananakot ni Raine sa asawa.

Kaagad namang pumormal si Tyron pero ang mga mata ay tumatawa pa rin. “Sorry, sweetheart. Natawa lang ako.” Binalingan nito si Iuhence na madilim ang mukha habang nakahalukipkip. “Manghaharana ka lang naman, pop music pa talaga?”

Iuhence glared at Tyron. “Fuck off! Lumayas ka sa penthouse ko. Layas!”

Tinawanan lang ni Tyron ang kaibigan.

Nakikita ni Mhel na bad mood na talaga si Iuhence kaya naman nilapitan niya ito at ginawa ang bagay na sa tingin niya ay magpapakalma rito.

Ginawaran niya ng halik ang pisngi ng binata. “Huwag ka nang magalit. For me, maganda ang kinanta mo.”

Iuhence smirked smugly at Tyron. “See? Did you hear that, Ty? Nagustuhan niya ang kantang kinanta ko.”

Umiling-iling si Tyron habang may misteryosong ngiti sa mga labi. “You got it bad, man. Magpa-check up ka na sa puso. Baka naman nag-iiba na ang tibok niyan.”

Napakunot-noo si Mhel dahil sa sinabi ni Tyron.

“Hindi na kailangan. I already know where my heart is leading me,” sagot ni Iuhence na lalong nagpagulo sa dati na niyang magulong pag-iisip.

Tyron smirked. “Good for you.”

Iuhence just rolled his eyes and gave her a brief kiss on the lips.

Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, hinawakan siya ni Raine sa kamay at hinila palayo sa dalawang lalaki.

“Hihiramin ko lang ang kaibigan ko sandali!” wika ni Raine habang hinihila siya.

“Raine, saan tayo pupunta?” naguguluhang tanong ni Mhel.

“Nasaan ang kuwarto mo?”

Itinuro niya ang silid na pinagdalhan ni Iuhence sa mga gamit niya. “Doon.”

Hinila siya ni Raine papasok sa nasabing kuwarto at pagkatapos nitong i-lock ang pinto ay humarap sa kanya. “Okay. Spill everything, Mhelanie. From the very beginning. And don’t lie. Kakatayin kita.” Matalim ang mga mata nito na nakatingin sa kanya.

“W-wala namang—”

“Ang sabi ko huwag kang magsinungaling.” Pinandilatan siya ng kaibigan. “I just saw my long-lost best friend-slash-my long lost sister kiss Iuhence Vergara, ang babaerong kaibigan ng asawa ko. Kilala ko si Iuhence at napakadali niyang magpalit ng babae na para bang nagpapalit lang siya ng damit. So tell me the truth, Mhel. Nag-aalala ako sa `yo, eh.”

Napakagat-labi siya. Raine was the only friend she had in college. And what choice does she have?

I think Raine deserves to know.

So, Mhel opened her mouth to speak.

WORRY was visible on Iuhence’s eyes as he looked at Mhel and Raine entering his room.

Fuck! Bakit ba ako natatakot? Alam ni Raine kung gaano siya kababaero noon. Paano kung sabihin nito iyon kay Mhelanie.

“Chill, man,” anang boses ni Tyron na pumukaw sa pag-aalala niya. “Hindi naman kakainin ng asawa ko si Mhelanie.”

Bumaling siya sa nakangising kaibigan. “Anong chill?” Nagtagis ang kanyang mga bagang. “Who knows what your wife was saying to Mhelanie right now—”

“Whatever it is, puro katotohanan iyon at walang halong kasinungalingan,” wika ni Tyron na walang emosyong nakatitig sa kanya. This man would really protect his wife in every way that he could. “I told you to stop womanizing and save yourself for the woman that you will love. But you laughed at my face and spurt some nonsense words. Nakakatakot ba, Vergara? Nakakatakot ba na husgahan ka ng babaeng mahal mo? Masakit ba na isipin na may malaking posibilidad na hindi ka tatanggapin ng mahal mo dahil sa hindi magandang nakaraan mo sa mga babae mo?”

Nagbaba siya ng tingin. “Yeah. Natatakot ako na baka hindi niya ako matanggap kapag nalaman niya. I already told her half of it, pero hindi lahat. I’m still working on how to get her trust. Ayokong biglain siya.” It took all his courage to admit that to Tyron. Damn it!

“Good for you.” Tyron smirked annoyingly. “Feel the fear, my man. Karma iyan ng mga babaeng pinaluha mo.”

“If Mhelanie is my karma, then I consider her my sweetest karma, and I don’t want that karma to leave my side. Kahit pa masaktan ako, I will still welcome my karma named Mhelanie. Siya ang karma na hahanap-hanapin ko at hindi ko pakakawalan.” Nagdilim ang kanyang mukha. “At kapag may umagaw kay Mhelanie, baka maging mamamatay-tao ako. I will murder anyone who will try to take her away from me.”

Tinapik ni Tyron ang balikat niya na parang pinapakalma siya. “Chill lang, bud. Ganoon din ang naramdaman ko noon nang makita kong magkahawak ang kamay ng asawa ko at si Dark. I want to torture him to death. But no good will come out of that. My advice for you is to chill and romance Mhelanie, hanggang sa hindi na niya gugustuhing umalis sa tabi mo.”

Natawa nang mahina si Iuhence. “`Yon ba ang ginawa mo sa asawa mo?”

There’s a triumphant smile on the bastard’s face. “Yeah.”

Napailing-iling siya. “Gumana naman kaya `yon kay Mhelanie? She is the kind of woman who loves freedom. Kaya nga siya umalis sa poder ng mga magulang niya kasi gusto niyang maging malaya. `Tapos ikukulong ko na naman siya.”

“Problema mo na `yon. Make her fall, bud. Do everything. Sige ka, iiwan ka niya kapag wala kang gawin,” pananakot nito at natakot naman siya.

Sabay silang napatingin ni Tyron sa pinto nang may sunod-sunod na kumatok doon.

Naglakad si Iuhence patungo sa pinto at binuksan iyon.

It was Train Wolkzbin. Humahangos itong pumasok sa loob ng bahay niya at patakbong lumapit kay Tyron.

“You need to help me!” Train said frantically, his breathing was ragged. “I think I’m falling for my wife. Ty, ano’ng gagawin ko?”

Nagkatinginan sila ni Tyron. Well, hell! Looked like he’s not the only one who has women problems.