noveltoon logo noveltoon
Iuhence Vergara (Possessive Series 2)

Chapter 19

Ch. 20 / 24 Feb 09, 2022

NAPAPITLAG si Mhel nang malakas na isinara ng ama ang pinto ng bahay nila pagkapasok. Mula nang umalis sila sa clinic ng kilalang OB-GYNE, hindi na ito nagsalita pa. Nararamdaman niyang sinusubukan nitong pakalmahin ang sarili. Naririnig niya ang malakas na pagtibok ng kanyang puso.

“Let’s talk, Mhelanie,” anang malamig na boses ng ama.

Nanlalamig ang mga kamay na humarap siya rito. “Daddy...”

Nakatiim-bagang ito. “Who?”

Napalunok siya. Sasabihin ba niya? Ano ang gagawin nito kay Iuhence kapag nagkataon? Pinili ng kanyang ama si Knight dahil mas makapangyarihan ito at mas marami ang pera at koneksiyon. Ngayong hindi mangyayari ang gusto nito dahil sa pagbubuntis niya, ano’ng gagawin nito? Baka pilitin ng ama si Iuhence na pakasalan siya. Ayaw niyang magpakasal sila ng binata kung wala itong pagmamahal sa kanya.

“I’m asking you for the second time, Mhelanie.” The coldness of his father’s voice could freeze Canada in summer. “Who is the father of your child?”

Hindi siya makatingin sa matalim na mga mata nito. Hindi niya kayang makipagtitigan dito.

“Mhelanie!” Her father’s voice boomed in every corner of their mansion.

“Dad...”

“Answer me, Mhelanie.”

“Daddy—”

“Who is the father, Mhelanie?” Biglang nag-iba ang timbre ng boses ng ama. Mula sa pagiging malamig ay naging malambot. “Does the father of your child love you? Is he going to marry you?”

“Hindi ko alam,” pabulong na sagot ni Mhel pero alam niyang narinig iyon ng ama. “Hindi ko alam kung mahal niya ako. Wala siyang sinasabi pero nararamdaman ko naman na mahal niya ako. And he is a good man, Daddy. Pananagutan niya ang pagbubuntis ko.” Sana nga tama ang iniisip niya.

“If he loves you like you claimed, why is he not here?” Naglakad palapit sa kanya ang ama at tumigil nang malapit na malapit na sila sa isa’t isa. “Who is he?”

Hinaplos ni Mhel ang tiyan. “Kilala mo po siya, Daddy. Kilalang-kilala.”

Lalong kumunot ang noo ng ama. “Who?”

“Siya ang nakahanap at nakakita sa `kin sa Russia. `Tapos kinidnap po niya ako at dinala sa isla niya sa Pilipinas. Those weeks with him in his island, `yon ang mga pinakamasasayang araw sa buhay ko. Noong una, galit na galit ako sa kanya. Pero nang lumaon na nakasama ko siya, nagbago ang lahat. Mahal na mahal ko siya, Daddy”

“The name, Mhelanie. Who is he?”

“Hindi mo kailangang malaman ang pangalan niya, Daddy. Hindi ko sasabihin. Alam kong sasaktan mo siya o kaya naman pipilitin mo siyang pakasalan ako. Hindi ko kayo hahayaang gawin iyon.” Matapang na sinalubong niya ang mga mata ng ama. “Mahal na mahal ko siya at hindi ako papayag na pilitin n’yo siyang magpakasal sa akin. Kahit naman hindi kami ikasal, alam kong pananagutan niya ang anak namin.”

Nagdilim ang mukha ng kanyang ama. “You don’t even know if he cares for you but still, you love this man?”

“Yes, Dad. I do. I love him.”

“For the love of God, Mhelanie! Just tell me who he is!” singhal nito sa kanya.

“No,” pagmamatigas niya.

“Mhelanie—”

“Excuse me,” agaw ng isang boses sa kanilang atensiyon.

Sabay silang mag-ama na bumaling sa pintuan.

“What are you doing here?” tanong ng kanyang ama kay Knight. “The wedding is off, remember?”

“Yes, I know. I am the one who called off the wedding,” wika nito. “But can I talk to Mhel for the last time?”

Malamig na tiningnan siya ng ama bago ito nagsalita. “Hurry up.”

Iniwan sila ng kanyang ama sa sala. Mukhang gusto sila nitong bigyan ng privacy.

Hindi gumalaw si Mhel sa kinatatayuan.

Si Knight ang lumapit sa kanya. Tumigil ito sa paglalakad nang ilang dangkal na lang ang layo ng kanilang mga katawan. Kapagkuwan ay dumukwang ito at inilapit ang bibig sa kanyang tainga.

“May mensahe ako para sa `yo mula sa kaibigan ko,” bulong nito. “Pero bago ko sabihin kung ano `yon. I have a favor to ask.”

“Ano `yon?”

Tumayo nang tuwid si Knight at namulsa. “My father’s birthday is tonight. At dahil nabigyan na ng imbitasyon ang mga dadalo sana sa kasal natin, mapapahiya ako kapag wala akong dinala na babae roon. I called off the wedding, pero ang daddy mo pa lang ang nakakalam n’on. So, I’m asking you kung puwedeng magpanggap ka munang bride-to-be ko. My father will disinherit me if I couldn’t bring a bride tonight. And he is dead serious.”

Walang kasalanan si Knight sa mga nangyari sa kanya. Ang gusto lang naman nito ay makapag-asawa nang sa ganoon ay makuha ang mana nito. At wala naman masama kung tutulungan niya ito.

“Okay. Payag ako.”

Hindi alam ni Mhel kung totoong nakita niya na tumaas ang gilid ng mga labi ni Knight na para bang may sinusupil itong ngiti. Guwapo si Knight at mas guwapo pa kapag nakangiti. Kahit nga sinusupil na ngiti, mas gumuwapo ang binata.

“ Muchas Gracias , Mhel.” He said “thank you very much” in Spanish.

“ De nada ,” aniya sa Spanish na ang ibig sabihin ay “ you are welcome” sa English.

Ikinangiti iyon ni Knight. Isang totoong ngiti. “You know Spanish?”

Sinuklian ni Mhel ang ngiti nito. “Medyo. May Spanish subject ako noong high school.”

“ Gran, ” anito na sa English ay ‘ great’ . “Aalis tayo ngayon din patungong Spain.”

Nanlaki ang kanyang nga mata. “Spain? Nagbibiro ka ba? Ang layo n’on. Hindi papayag si Daddy.”

“Sa Spain gaganapin ang kaarawan ng daddy ko. Ibabalik din naman kita pagkatapos. Ako na ang bahalang makipag-usap sa daddy mo.”

“Sige.” Iyon na lang ang nasabi niya.

Sa Spain? Hindi kaya mali ang desisyon niyang magpanggap na bride-to-be nito? Ang layo ng Spain sa Canada. It’s a seven to an eight hour flight.

Holy hell!

TULAD nga ng sinabi ni Knight, ito ang nakipag-usap sa kanyang ama. At sa gulat ni Mhel, napakadaling kausap ng daddy niya.

“P-payag po kayo?” gulat na gulat na tanong niya. “Payag po kayong sumama ako kay Knight papuntang Spain?”

Tumango ang kanyang ama. “Yes. It won’t be good for the baby if I cage you here in the house.” Nang banggitin nito ang salitang baby ay tumingin ito sa kanyang tiyan. “Go to Spain and enjoy.”

Halos lumuwa ang mga mata ni Mhel sa sinabi ng ama. Napalitan ba ng alien ang daddy niya? Imposible naman yata iyon.

“Sigurado po ba kayo, Dad?” paniniguro niya.

Tumango ito at bumaling kay Knight. “Take good care of my daughter and bring her back safely.”

Tumango si Knight. “Yes, Mr. Tschauder. I will take care of Mhelanie.”

“Good.” Ibinalik nito ang tingin sa kanya. “Take care and be safe always.”

“Opo, Dad,” sagot niya.

“Okay. You may leave,” wika ng ama.

Kaagad naman silang lumabas ni Knight ng library.

“Mag-eempake na ako ng mga damit ko—”

“No need,” pigil nito sa kanya. “Ako na ang bahala sa mga damit mo. I’ll buy you clothes in Spain. Mga damit na babagay sa panlasa ng daddy ko.”

Napangiwi si Mhel. “Istrikto rin ba ang daddy mo?”

“Kind of.”

Hindi na siya nagsalita pang muli. Nararamdaman niyang ayaw pag-usapan ni Knight ang ama nito at hindi naman sila ganoon ka-close para magtanong ng mga personal na bagay.

Iginiya siya ng lalaki palabas patungo sa nakaparadang Ferrari sa labas ng kanilang bahay.

Pagkasakay, mabilis na pinaharurot iyon ni Knight palayo.

Nilingon ni Mhel ang bahay nila. Nakaramdaman siya ng kalayaan nang makitang nakalabas din siya na hindi kasama ang ama. She felt free for the first time since she came back. Napakasarap niyon sa pakiramdam. Pero mas masarap sa pakiramdam kung nasa tabi niya ngayon si Iuhence.

HALOS masira ang doorbell ng bahay nina Mhel sa paulit-ulit at malakas na pagpindot ni Iuhence. Kailangan na niyang makita ang dalaga. Hangga’t hindi niya ito nayayakap, hinding-hindi siya mapapakali.

No! She can’t marry that man, damn it! Ako lang ang dapat niyang pakasalan!

Iuhence sighed in relief when the door opened showing the master of the house.

“Mr. Tschauder, Sir,” aniya nang makita na ang ama ng dalaga ang nagbukas ng pinto.

Bahagyang tumaas ang kilay nito nang makita siya. “Iuhence Vergara.” Tumiim ang tingin nito sa kanya. “What are you doing here in my house? Are you with your father?”

“Where’s Mhelanie? I need to see her. I need to talk to her. I need to hold her—”

“Why do you need to do those things, Mr. Iuhence Vergara?” putol nito sa iba pa niyang sasabihin.

Tinipon niya ang lahat ng lakas ng loob, saka sinalubong ang matiim na tingin ni Mr. Tschauder. “Sir, please, let me talk to Mhelanie.”

Walang emosyon ang mga mata nito nang magsalita. “Tell me, Mr. Vergara. Are you the one who kidnapped my daughter in Russia and brought her to your island in the Philippines?”

“Yes,” buong tapang na sagot niya pero hindi niya ikakaila na kinakabahan siya at nanlalamig ang kanyang mga kamay. “That’s me, Sir.”

“For you to kidnap my daughter, you must feel something special for her,” anito na may nang-uuyam na ngiti sa mga labi. “Am I right?”

“Yes, “ pag-amin niya, nagmamakaawa ang mga mata. “Please, let me talk to her, Sir.”

Nagpakawala ito ng isang buntong-hininga na parang may mabigat na dinadala. “Sure, you can talk to her. But Mhelanie is not here at the moment.”

“When is she coming back?” kinakabahang tanong ni Iuhence. May kakaiba siyang nararamdaman sa uri ng kislap ng mga mata ng matanda. “I’ll wait for her.”

Nagkibit-balikat ang ama ni Mhelanie. “I don’t know. She’s in Spain right now. Attending her wedding.”

“What?! No... no! Mhelanie...” Nanghihina na humakbang si Iuhence paatras at sinapo ang mukha. Natigilan siya nang may pumasok na ideya sa isip niya. Mabilis siyang nag-angat ng tingin. “Where and when is the wedding?”

“Ahm...” Umakto itong nag-iisip. “The wedding is tomorrow in the Velazquez Castle in Madrid.”

“Tomorrow?” Napangiti si Iuhence. “May oras pa ako. Maabutan ko pa siya. Hindi siya puwedeng ikasal sa lalaking `yon.” Parang wala sa sariling pagkausap niya sa sarili. He smiled at Mr. Tschauder. “Thank you, Sir. Thank you very much.”

Guniguni lang ba niya o parang may sinusupil na ngiti sa mga labi ang kaharap? Oh, well, wala siyang pakialam. Kailangan niyang maabutan si Mhelanie bago pa ito mag-“I do.”

Mabilis siyang tumakbo patungo sa nakaparadang Lamborghini—it’s a borrowed car from Lander’s LaCars company in Canada—sa labas ng mansiyon ng mga Tschauder kung saan naroon ang mga kaibigan niya na sinamahan siya sa kadahilanang kailangan daw niya ng moral support.

Sumakay si Iuhence sa kotse.

“Balik tayo sa airport,” utos niya kay Lander na siyang nagmamaneho.

Apat na pares ng mga mata ang tumingin sa kanyang direksiyon.

“Binasted ka?” tanong ni Calyx saka ngumisi. “Woohoo! Las Vegas baby!”

“Totoo? Nabasted ka?” nanlalaki ang mga mata na tanong ni Lander.

“So, ililibre mo kami sa Las Vegas?” tanong ni Dark na nakangiti.

“Idiots,” Ymar murmured under his breath then he looked at him. “Bakit tayo babalik sa airport?” Ito lang yata ang may matinong tanong sa apat.

“Pupunta tayo sa Spain,” maikling sagot ni Iuhence.

“Woohooo!” masayang sigaw ni Calyx na kaagad din namang napalitan ng kunot-noo. “Anong mayroon sa Spain? May bar ba sila roon katulad ng sa Las Vegas?”

Hindi niya ito pinansin at sinagot ang tanong ni Ymar. “Nasa Spain si Mhelanie at ikakasal na siya bukas.”

Mabilis na binuhay ni Lander ang sasakyan. “`Yon naman pala, eh. Let’s go and crash a fucking wedding.” Mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan pabalik sa airport kung saan naroon si Valerian at naghihintay sa kanila.