NAPABALIKWAS si Mhel at mabilis na iginala ang tingin sa kabuuan ng maliit niyang apartment. Walang Iuhence. Kumalma sa pagtibok nang mabilis ang puso niya.
Thank God it was just a dream. Nakahinga siya nang maluwag sa isiping panaginip lang pala ang lahat ng nangyari kagabi. Napakurap-kurap siya nang makakita ng nakatuping papel sa night stand.
Inabot niya iyon saka binasa ang nakasulat doon.
I’ll be back soon, honey. - Iuhence V.
Nabitawan ni Mhel ang papel at bumaba ang tingin sa kanyang katawan. Napasinghap siya nang makitang wala siyang saplot. Napahawak siya sa leeg at pinakalma ang puso na napakabilis ng tibok.
No! This is not happening!
Mabilis na bumangon si Mhel at tinungo ang maliit na closet para mag-empake. I have to leave. Now! Natigilan siya nang may makitang maliit na folded note sa ibabaw ng mga nakatupi niyang damit.
Kinuha niya ang papel at binasa ang sulat-kamay na naroon.
Don’t ever think of running away, honey. I can track you down in just a matter of seconds, Miss Mhelanie Lorenzo.
- Iuhence V.
Napaawang ang mga labi ni Mhel nang mabasa ang apelyido ng ina na kadugtong sa pangalan niya. No way! Alam na ng binata na ang ginagamit niyang apelyido ay ang sa kanyang ina. Mahahanap talaga siya nito kahit saan siya magpunta. Iuhence was one of the richest men in Asia and now competing to be one of the richest bachelors in the U.S. She watched news and read business magazines. Alam niyang maraming koneksiyon ang binata.
Napahakbang si Mhel palayo sa kanyang closet saka umupo sa maliit na mesa. Mabilis niyang dinampot at binasa ang maliit na papel na naroon.
Good girl. Hindi ko hahayaang tumakbo ka na naman. Now, I made you breakfast. It’s in that small box you called ‘refrigerator.’ Have a nice day ahead. Susunduin kita mamaya sa Dio Flower Shop pagkatapos ng shift mo. Take care, honey.
- Iuhence V.
Umawang ang mga labi niya. Hindi lang ang ginamit niyang pangalan ang alam ng binata, pati rin ang kanyang pinagtatrabahuhan. Jesus! Paano iyon nalaman ng lalaking iyon? Marahas siyang napailing. Bakit ba niya tinatanong iyon? He’s Iuhence Vergara. He had lots of connections.
Tumayo si Mhel at binuksan ang refrigerator. Natigilan siya nang makakita ng fried rice, bacon, tuna sandwich, at latte. Did that devil incarnate bought these or did he cook?
Nah. Sa mukha ng lalaking `yon? Hindi iyon marunong magluto.
Kinain niya ang biniling agahan ni Iuhence at pumasok na sa trabaho na ito pa rin ang nasa isip niya.
“Good morning,” bati ni Ayane sa kanya.
Magkasing-edad sila ni Ayane. Ayane was a professional florist at talagang napakaganda nitong gumawa ng bouquet. Tinuturuan siya nito pero hindi siya kasinggaling ng boss niya.
“Good morning, too,” ganting-bati ni Mhel, saka nagtungo sa likod ng counter.
Siya ang cashier at si Ayane naman ang nag-e-entertain sa mga customer. Wala kasi siyang alam sa mga bulaklak kaya nagpalit sila ng trabaho. Mabuti nga at tinanggap siya nito bilang empleyado kahit wala siyang alam sa mga bulaklak. Ayane was the nicest person she had had a privilege of meeting.
Ang dami nilang customer nang araw na iyon. Halos hindi makaupo si Mhel sa dami ng nagbabayad. Bandang tanghali nang magpaalam si Ayane na bibili ng kanilang pagkain. Palaging ganoon ang routine nila sa shop. Palagi siyang naiiwang mag-isa kapag lunch.
She was busy playing Soda Rrush when someone placed a stem of rainbow rose on the counter. One stem of that rainbow rose cost an arm and a leg. Hindi kasi normal na rosas ang rainbow rose. Isa iyong artificial rose na ginawa ni Ayane. May inilalagay ito na kung anong bitamina at kemikal sa bulaklak para maging kulay-rainbow.
“How much?” asked someone with a deep baritone voice. It sounded familiar but she’s too busy to care.
“One thousand rubles,” aniya na abala pa rin sa paglalaro. Rubles ang tawag sa currency sa Russia.
Naglapag ang customer ng one thousand rubles sa counter.
Nang mag-angat si Mhel ng tingin para sana ibigay ang resibo at bulaklak, wala na siyang nakitang tao. Lumabas siya sa counter at iginala ang tingin sa kabuuan ng flower shop pero wala talagang tao.
Bumalik siya sa likod ng counter at kinuha ang rosas na naroon. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makakita ng maliit na note na nakadikit sa tangkay niyon.
Kunot ang noong binasa niya ang nakasulat sa munting papel.
I forgot to greet you good morning. So, good morning, honey. Hope this flower can make your day beautiful. - Iuhence V.
Napaawang ang mga labi ng dalaga. Si Iuhence? Ang lalaking iyon ang nag-iwan ng bulaklak?
Napabuntong-hininga si Mhel, saka maingat na niyakap ang rosas. “Dahan-dahan lang puso. Huwag kang titibok nang mabilis, please? Kasi tulad ng rosas na bigay ng lalaking `yon, matitinik at masasaktan ka lang,” pagkausap niya sa puso na parang nakikipagkarera sa sobrang bilis ng tibok.
Tinanggal niya ang nakalagay na note at ibinasura iyon. Ang rosas naman ay inilagay niya sa vase na nasa counter.
Sa paglipas ng oras, pasulyap-sulyap si Mhel sa bulaklak na bigay ni Iuhence. Mabuti na lang at bumalik na si Ayane na may dalang pagkain kaya nawala sa bulaklak at kay Iuhence ang kanyang isip. Pero nang makabalik sa counter, panay uli ang tingin niya sa rosas. Mabuti na lang at tapos na ang oras niya sa trabaho at hindi na niya makikita ang bulaklak na nagpapatibok sa kanyang puso nang mabilis.
“I’m leaving, Ayane,” paalam niya.
“Take care,” anito.
Pagkalabas ng flower shop, napaatras si Mhel nang may pumarada na Bugatti Veyron sa kanyang harap. Alam na alam niya kung kanino ang kotse na iyon, pero wala siyang pakialam. Sa halip ay nagmatigas siya at naglakad palayo sa sasakyan. Papara na sana siya ng taxi nang bigla na lang may bumuhat sa kanya at parang sako ng bigas na isinampay sa balikat.
“Ang tigas ng ulo mo.” Boses iyon ni Iuhence.
“Iuhence! Put me down, you brute!” Pinagbabayo niya ang likod ng binata hanggang sa aksidenteng tumama ang nakakuyom niyang kamao sa pang-upo nito.
He let out a laugh. “You’re kinky, honey,” he said then he slapped her butt. Two times!
Napamulagat si Mhel sa ginawa nito. “Bastos ka talaga! Bastos! Bastos—”
“Nasarapan ka naman sa pambabastos ko sa `yo kagabi,” anito na may bahid na ngiti ang boses.
“You seduced me last night.” Her voice held conviction.
Tumawa lang si Iuhence. “Yeah, right.” Idineposito siya nito sa passenger seat at isinuot ang seat belt kahit na panay ang tulak niya rito. “Be still, woman!” Bakas ang iritasyon sa mukha ng binata habang nakatingin sa kanyang mga mata. “Kusa mong ibinuka ang mga hita mo para sa akin, Mhelanie. Ang ginawa ko lang ay halikan at hubaran ka. You were the one who parted your legs and if my memory serves me right, you were moaning in sheer pleasure last night.”
Nag-init ang kanyang mukha. “H-hindi—”
“What?” Iuhence snapped. “Bakit ba idine-deny mo na nag-enjoy ka sa ginawa natin kagabi? Wala namang masama kung aaminin mo na nasarapan ka sa ginawa natin.”
Halos malaglag ang mga panga niya sa mga binitawang salita ng binata. “You’re so bold,” hindi niya napigilang komento.
Ngumisi ito. “I hate sugarcoating my words. At saka totoo naman, `di ba? Sarap na sarap ka kagabi kaya huwag mong i-deny `yon. Mahilig ka lang talagang tumakbo sa katotohanan.” Pagkasabi niyon ay malakas nitong isinara ang pinto at sunod niyang narinig ang pagtunog ng lock.
Umikot si Iuhence patungo sa driver’s seat at sumakay. Pagkatapos ay pinaharurot nito ang sasakyan patungo sa kung saan man nito gustong pumunta.
IUHENCE was pissed. Damn it! Nasa level ten ang iritasyong nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Thanks to the beautiful woman sitting on the passenger seat of his Bugatti Veyron.
He’s having a fucking massive headache because of her. Mhel was as stubborn as a mule. Hindi nito matanggap ang nangyari sa kanila kagabi samantalang sarap na sarap naman. At ang mas dumadagdag sa iritasyon na nararamdaman niya ay kung paano ito tumingin sa kanya.
Puno ng pagtataka, kaguluhan, at pandidiri ang mga mata ni Mhel tuwing titingin sa kanya. Parang hindi ito namaos sa sobrang lakas ng ungol nito kagabi. Argh! This woman was making him crazy!
Kinansela pa nga niya ang kanyang appointments sa loob ng isang buwan. He asked himself “what the fuck did I do?” after that call with his secretary. Hindi ugali ni Iuhence na mag-cancel ng appointment, lalo na kung sa walang kuwentang bagay lang naman.
He looked at Mhel through the rear-view mirror of his car. Nakasimangot ito at nakahalukipkip habang nakakrus ang mga braso sa dibdib.
Oh, that yummy breasts of hers. Ipinilig niya ang ulo para mawala ang iniisip. Erotic images of him and Mhel on the bed kept on creeping into his mind since this morning. And every time those images got of past his defenses, his cock hardened instantly.
“Huwag mo akong tingnan,” asik sa kanya ng dalaga.
Pumalatak siya at umiling-iling. “May batas na ba ngayon na nagbabawal tumingin sa magagandang tanawin?”
Namula ang mga pisngi nito at napakurap-kurap si Iuhence. Damn, this woman looked more beautiful when blushing.
Mhel’s eyes widened, fear was visible on them. “Iuhence! Look at the road!” she shouted in panic.
Mabilis niyang ibinalik ang tingin sa dinaraanan at nilukob ng pangamba ang buo niyang pagkatao nang makitang malapit na silang bumangga sa isang ten-wheeler truck. Nanlaki ang kanyang mga mata at nabalot ng takot ang buo niyang pagkatao. Fear not for his life but fear for the life of the woman beside him.
“Fuck!” Malakas siyang napamura at mabilis na kinabig ang manibela pakanan, pabalik sa lane nila. “Fuck!”
“Kung saan-saan ka kasi nakatingin, eh!” galit na singhal ni Mhel.
Pinukol niya ito ng masamang tingin. “So it’s my fucking fault?”
“Yes! Ikaw ang nagda-drive, `di ba?” pagtataray nito. “So please lang, magdahan-dahan ka kasi hindi mapapalitan ng milyon-milyon mong salapi ang buhay ko—”
“Whoa! Just wait a fucking minute!” Sumisigaw na rin siya. Ang pinakaayaw ni Iuhence sa lahat ay kapag sinisigawan siya ng isang babae, maliban na lang kung nasa kama silang dalawa. “Paano naman napasok ang pera ko sa usapan natin?” Baka mabunggo sila kaya naman ipinarada niya ang sasakyan at humarap sa babae. “Bakit mo ba ako sinisisi? What happened was no one’s fault. Nakatingin ako sa `yo kaya muntik na tayong mabangga, pero hindi ko naman sinasadya `yon!”
“Bakit ka ba kasi nakatingin sa akin?”
“Kasi—” His words hung in the air, leaving a deafening silence. Bakit nga ba siya nakatitig sa babaeng katabi niya? Oh, I know. “You blushed and I was mesmerized by your beauty, I can’t look away. Sue me, damn me, curse me. Pero hindi ko talaga kasalanan kung bakit muntik na tayong mabunggo. Kasalanan mo kasi nagandahan ako sa `yo.” Yup. It’s Mhel’s fault, not his.
Nanlisik ang mga mata nito sa galit. “Anong kasalanan ko? Kasalanan mo! You’re the one driving the fucking car.”
“Don’t you fucking ever use that fucking word on me, Mhelanie! Nakakalimutan mo yata na isang tawag ko lang sa daddy mo, he’ll be here in an instant and he’ll drag you back to your prison cell called home.”
Napamulagat si Iuhence nang umanggat ang kamay ng dalaga at ginawaran ang pisngi niya ng isang malakas na sampal. Natigalgal siya sa ginawa ni Mhel. Never in his life did a woman slap him, not even his mother.
“You... slapped me,” he whispered, still in shock.
Buong tapang na sinalubong nito ang gulat niyang mga mata. “Mula nang makita uli kita, wala ka nang ginawa kundi takutin ako. Kahit siguro paulit-ulit na gawin ko ang gusto mo o kaya naman hayaan kitang angkinin ang katawan ko, sasabihin mo pa rin kay Daddy kung nasaan ako.”
Mapakla siyang natawa sa lumabas sa bibig ni Mhel. “Is that what you think?” Mabilis na tinanggal niya ang seat belt na suot at inilapit ang mukha sa mukha ng dalaga. “`Yon ba ang tingin mo sa nangyari sa atin kagabi?”
She shrank back. “M-may iba pa bang r-rason maliban d-doon?”
Nagdilim ang mukha ni Iuhence at nagtagis ang kanyang mga bagang. “Iyon pala ang tingin mo. And here I thought that it’s more than that.” Hinaplos niya ang mukha ng dalaga. She cringed at his touch and that made him madder than he already was. “I’m going to change that reason of yours. Because when I fucked you last night, I wasn’t thinking of that. Hindi ko alam na iyon pala ang tingin mo sa nangyari sa atin kagabi, bayad mo para patahimikin ako at hindi tawagan ang daddy mo. You just insulted me, honey. I’m badly wounded.” Inilagay niya ang kamay sa puso at umaktong nasasaktan habang nakatingin dito ang mga mata niyang walang emosyon. “At dahil iyon naman pala ang tingin mo sa nangyari sa atin kagabi, I’m going to ravish you here and now. Be warned that if you reject me, your father is in my speed dial. Hindi ako magdadalawang-isip na tawagan ang daddy mo para ibalik ka sa bahay n’yo,” pananakot niya sa dalaga.
Sinapo ni Iuhence ang mukha ni Mhel, saka inangkin ang mga labi nito sa isang mainit at mapusok na halik. It felt so good. It’s so fucking good to kiss her. So tasty. So sweet. So mind-blowing.
Nagsisinungaling siya. Hinding-hindi niya tatawagan ang ama nito. Kasama sa report ni Shun Kim ang impormasyong naghahanap ang ama ni Mhel ng lalaking nababagay sa anak nito, para sa pagbabalik ng dalaga ay nakahanda na kaagad ang kasal. He was one of those suitable grooms, but there’s no way in hell that he’d share Mhel.
Finders keepers, fuckers! She’s mine! And hell would freeze over before he handed Mhelanie Tschauder to her father. Over my hot well-toned body.