noveltoon logo noveltoon
Iuhence Vergara (Possessive Series 2)

Chapter 2

Ch. 3 / 24 Feb 09, 2022

I HATE weddings . Iyon ang nasa isip ni Iuhence habang nakatayo sa harap ng altar sa tabi ni Train. Pero wala siyang choice dahil siya ang best man ng kaibigan. Kung puwede nga lang na hindi um-attend ay hindi siya a-attend.

Bumuga siya ng malalim na buntong-hininga, saka bumaling sa katabi.

Mahina siyang natawa nang makita ang hitsura ni Train. He looked like a man who’s suffering from LBM. Sobrang lukot na lukot ang mukha nito at kahit pa siguro si Leonardo de Vinci ay hindi kayang ipinta ang mukha ng kaibigan.

“Chill, man,” natatawang sabi niya. “Look alive, bud. You look like a dead man walking.”

Pinukol siya nito ng masamang tingin. “Fuck off, Iuhence. I’m not in the mood today.”

Ngumisi siya. “Hindi ko puwedeng gawin iyon. I am your best man after all.”

Train puffed out an annoyed breath. “Ipaalala mo nga uli sa `kin kung bakit ikaw ang best man ko?”

“Kasi guwapo ako at gusto mong sa `kin nakatingin ang bride mo kaysa sa `yo,” nakangising sagot niya.

Umiling-iling ito at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. “Sana nga ikaw na lang ang nasa posisyon ko ngayon.”

Gumuhit ang disguto sa kanyang mukha. “Pare, kaya kong gawin ang lahat para sa `yo. I can even give you the moon and the sun, but I can’t trade places with you right now. Mag-isa ka sa kamiserablehan mo. Mandadamay ka pa, eh.”

Humarap sa kanya si Train, walang-buhay ang mukha. “`Di ba, kaibigan naman kita?”

“Yeah...” nag-aalangang aniya.

“Then take me away from here.” Napakaseryoso ng boses nito.

“Dude, you are so dramatic. Man up. Nasa altar ka na, eh. At saka, maghunus-dili ka naman, Train. Sisirain mo ang puri ko kapag itinakbo kita rito.”

Pinukol siya ni Iuhence ng masamang tingin ni Train at akmang sisinghalan siya nang biglang tumunog ang death march—este, wedding march pala.

Tinapik niya ang balikat ng kaibigan, saka umayos ng tayo. “Good luck, man. You’re going to need lots of it.”

THE RECEPTION was boring as hell. Parang mga stick ang ikinasal at ilang na ilang ang dalawa. Gustong pagtawanan ni Iuhence si Train. Halata ang disgusto sa mukha nito. Ang tanging masaya lang yata sa kasal na iyon ay ang mga magulang ng ikinasal.

Itinaas niya ang kamay para kuhanin ang atensiyon ng waiter. Agad naman itong lumapit sa kanya. Napatingin siya sa hawak nitong tray na may lamang isang kopita ng vodka.

“Do you speak English?” tanong niya.

Tumango ang lalaki. “A little. Not fluent.”

“That’s good enough.” Kinuha niya ang isang kopita ng vodka sa tray. “Can you get me a bottle of vodka please? I don’t think this—” Itinaas ni Iuhence ang kamay na may hawak sa kopita na may lamang vodka. “—can quench my thirst.”

Napatingin ang waiter sa hawak niyang kopita. “Sir, that vodka you are holding is already owned by someone. I was about to give it to her when you called my attention. I am sorry, Sir. I will get you another one.”

Tumaas ang kilay niya. “Her?”

“Yes, Sir.” May itinuro ito sa kanyang likuran. “That’s her.”

Magkasalubong ang mga kilay na tiningnan ni Iuhence ang babaeng itinuro ng waiter. Parang tinamaan siya ng kidlat nang makilala ang babae. Hindi na kulay-white-gray ang buhok nito, pero hinding-hindi siya magkakamali na ito ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Imposibleng makalimutan niya ang maganda nitong mukha na palaging laman ng mga panaginip niya mula nang umalis ito.

Hindi alam ni Iuhence kung ilang minuto siyang nakatingin sa dalaga na walang kaalam-alam sa kanyang presensiya. And like a cliché scene in movies, slowly, her head turned to him. Nang magtama ang kanilang mga mata, nabasa niya ang emosyong kumislap sa mga mata nito. Gulat, takot, at tapang.

“Mhelanie...” bulong niya sa pangalan ng babae.

Dumilim ang ekspresyon ng mukha ni Iuhence nang makitang bigla itong tumayo at nagmamadaling naglakad palabas.

Para namang hahayaan niya itong makatakas. Not this time, honey. I won’t let you run away this time. Over my hot well-toned gorgeous body!

THOSE soul-sucking emerald eyes stared at Mhel like he was looking right into the depths of her soul. Kahit gustuhin niya na mag-iwas ng tingin, hindi niya magawa. Parang may magnet ang tingin ng binata at nahihipnotismo siya.

Kinurot niya ang sarili para bumalik sa kasalukuyan.

Unti-unting binabalot ng takot ang puso niya. Bakit? Bakit ito nandoon? Bakit kailangang makita siya ng lalaki?

Parang may sariling isip ang katawan ni Mhel at tumayo. Pagkatapos ay malalaki ang hakbang na tinungo niya ang exit ng reception hall. Shit! Bakit naman kasi um-attend pa siya sa kasal na iyon? Bakit hindi niya nakita ang binata kanina sa simbahan?

Dapat niyang sisihin ang babae na katabi kanina na panay ang tanong tungkol sa mga bulaklak! Argh!

Nakahinga nang maluwag si Mhel nang tuluyan nang makalabas. Akmang tatakbo siya patungo sa kalsada kung saan may nakaparadang taxi nang may pumigil sa braso niya.

Sa isang kisapmata, naisandal siya sa pinakamalapit na pader at sinalubong ng kulay-berdeng mga mata ni Iuhence ang kanyang mga mata.

“Where do you think you’re going?” tanong nito sa mahina pero baritonong boses. His sexy and baritone voice gave her goosebumps.

Napalunok si Mhel nang maramdamang parang may kumiliti sa parteng iyon ng katawan niya dahil sa pagkakalapit ng katawan nila. Just like that passionate night they shared. Kung ano ang naramdaman niya nang gabing iyon ay iyon din ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.

“Saan ka pupunta?” Mahina pero matigas ang boses ng lalaki. “Alam mo ba kung ano’ng nangyari sa mga taong iniwan mo nang umalis ka?”

Nanliit si Mhel sa uri ng pagkakatitig nito sa kanya. She felt suffocated as she stared at the man’s emerald eyes. “Ah... Ahm, ah. N-naka—” Hindi siya makapag-isip ng sasabihin habang nakatingin dito.

Bakas ang galit sa mga mata ni Iuhence. “Saan ka nakatira ngayon?”

Napalunok siya nang maamoy ang mabangong hininga nito. Halos manginig ang mga tuhod niya. “D-Does it m-matter?”

“Yeah. It does,” anito na madilim ang ekspresyon ng mukha. “If I were you, sasabihin ko na kung saan ka nakatira. Kasi baka biglang umatake ang kademonyuhan ko at tawagan ko pa ang mga magulang mo na halos mabaliw sa paghahanap sa `yo. You wouldn’t like that, right? Nagtago ka nga nang walong taon para hindi mahanap. So, humor me.”

He was threatening her and she was threatened. Sigurado si Mhel na kapag tinawagan ni Iuhence ang kanyang ama ay pupunta kaagad iyon. Baka nga bukas ay naroon na ito.

“B-bakit ba gusto mong malaman k-kung saan ang b-bahay ko?” ninenerbiyos na tanong niya.

“I’m curious,” simpleng sagot nito.

“Curiosity killed the cat. Hindi mo ba alam iyon?”

“Yeah, I know that. But the cat has nine lives. Sa tingin ko naman ay mabubuhay pa siya nang matagal-tagal.”

Nagpakawala siya ng hininga at lihim na tinanggap ang pagkatalo. “Fine. I’ll show you my house. Pero kapag nakita mo na, umalis ka na.”

“Hindi ikaw ang magdedesisyon kung aalis ako o hindi. That’s my decision, not yours,” anito sa malamig na boses.

Hinawakan siya ni Iuhence sa kamay at hinila patungo sa parking lot. Nagpahila lang siya sa binata. Nasa state of shock pa siya. Someone found her. Ano na ang gagawin niya ngayon?

They stopped in front of a sleek black Bugatti Veyron. Hindi na nagulat si Mhel nang buksan nito ang nasabing sasakyan. Iuhence Vergara was after all a shipping magnate. The CEO and owner of the Pacific Pearl Shipping lines.

“Sakay na,” utos nito nang buksan ang driver’s seat. “Doon ka sa passenger seat at hindi sa backseat,” wika nito nang makita siyang akmang bubuksan ang backseat.

Humalukipkip siya. “No. Kung gusto mong malaman kung nasaan ang bahay ko, sa backseat ako— Ahhhh!” Malakas siyang napatili nang pangkuin siya ng binata at parang sako ng bigas na isinampay sa balikat.

Umikot ang paningin ni Mhel dahil sa kanyang posisyon. At dahil sa posisyon na iyon, napakalapit ng mukha niya sa pang-upo ni Iuhence. It still looks edible even when fully clothed.

Nag-init ang mukha niya nang pumasok ang imahen ng pang-upo ng binata sa kanyang isip. Mhel perfectly knew how edible his ass was.

Napahiyaw siya nang ideposito siya ng binata sa passenger seat. Mabilis na isinuot nito ang seatbelt sa kanya at isinara ang pinto. Akmang bubuksan niya iyon nang marinig ang lock. Naniningkit ang kanyang mga mata sa galit habang nakatingin sa hawak ni Iuhence na maliit na remote. Peste!

Pagkasakay, mabilis na binuhay ng binata ang makina ng sasakyan at pinaharurot iyon palabas ng parking lot.

Pagkalipas ng mahabang minuto, nakarating na sila sa labas ng maliit niyang apartment.

“Dito ako nakatira,” aniya at iminuwestra ang kamay sa apartment. “Masaya ka na?” puno ang sarkasmo na tanong niya.

“Ecstatic,” walang-emosyong sabi ni Iuhence saka hinila na naman siya palapit sa pinto ng apartment niya. “Gusto kong makita ang loob ng apartment mo. Let’s go.”

Napipilitang sumunod si Mhel sa binata. Ipinasok niya ang susi sa keyhole ng doorknob, saka pinihit iyon pabukas. Pagkatapos ay siya na ang naunang pumasok.

Nang makapasok si Iuhence sa loob, parang pagmamay-ari iyon ng binata. Komportable itong umupo sa couch na malapit sa bintana.

Ano ba ang binabalak ng lalaking `to?

IUHENCE didn’t want to be rude but Mhelanie’s apartment sucked. Para iyong bangkay na naaagnas na. Isang tingin pa lang niya ay parang isang langaw na lang ang pipirma sa apartment nito. `Good thing the whole apartment was neat and tidy, halatang babae ang nakatira.

“Ngayong nakita mo na ang loob ng apartment ko, please, umalis ka na.” Narinig niyang sabi ni Mhel.

Tumingin siya sa dalaga na nakakrus ang mga braso sa dibdib. “Honey, aalis ako kung kailan ko gusto. Okay?” Tumuon sa kanya ang matalim nitong mga mata. Kumunot ang noo niya. “Hindi na kulay-pula ang mga mata mo.”

“Contact lenses ang kulay-pula kong mga mata noon.” Tumaas ang kilay nito. “Ano ba talaga ang kailangan mo sa `kin, ha, Iuhence?”

Parang may sumipa sa dibdib niya nang marinig ang pagbanggit ng dalaga sa kanyang pangalan. Wala namang espesyal sa pagkakasabi nito sa pangalan niya, but the sound of her voice while she saying his name awakened the beast between his legs.

Oh, no. I’m in trouble.

Ipinilig ni Iuhence ang ulo para mawala ang inisiip niya. “Bakit ka nagtitiis sa maliit na apartment na ito kung puwede ka namang manatili sa isang penthouse? Your father is rich—”

“Eight years akong nakatira sa apartment na `to, kaya please lang, huwag mong insultuhin,” iritadong putol ni Mhel sa kanya.

“Kainsu-insulto naman talaga ang tinitirahan mo,” aniya sa nanunuyang boses. “Walang aircon. Napakainit.” Iminuwestra niya ang kamay sa kama. “Your bed looks like someone died on it.” Itinuro naman niya ang maliit na kusina. “It is very neat but still not equipped enough to even bake a cookie. And you don’t even own a coffee maker.” Dumako ang kanyang tingin sa sahig. “Malapit nang magiba ang sahig nitong apartment mo. At—” Naglakad siya patungo sa banyo at sumilip doon. “—ang liit ng banyo. No space for extracurricular activities like bathroom sex.”

NAPANGANGA si Mhel sa pinagsasasabi ni Iuhence. Grabe rin ang bibig ng lalaki. Sasabihin ang gustong sabihin nang walang-habas. Ang sarap busalan. Ang sarap ingudngod ng bibig nito sa “magigiba” nang sahig ng apartment niya.

“Una sa lahat, hindi ko kailangan ng aircon kasi bilang lang ang araw na mainit dito sa Russia.” Namaywang siya. “Pangalawa, I don’t bake cookies. Pangatlo, mumurahin lang ang apartment na `to kaya expected nang ganyan ang sahig. Pang-apat, huwag mong pakialaman ang banyo ko. At sino naman ang may sabing gumagawa ako ng milagro diyan sa banyo?”

Biglang may gumuhit na ngiti sa mga labi ng binata na para bang nasiyahan ito sa huli niyang tinuran. “Mabuti naman at hindi ka gumagawa ng milagro diyan.”

Papalayasin na sana ni Mhel ang lalaki nang tumunog ang cell phone nito. Mabilis na kinuha ni Iuhence ang cell phone sa bulsa ng Armani suit na suot at sinagot ang tawag.

“Hello? Iuhence Vergara, speaking.” Isang mahabang katahimikan ang namayani bago ito nagsalita. “That’s better. I want you to monitor the shipment of LaCars. Oh, and — ” Sadyang binitin nito ang sasabihin at tumuon ang tingin sa kanya bago nagsalitang muli, “— cancel all my appointments for a month. I’ll be very busy.”

Napalunok siya sa uri ng pagkakatingin ni Iuhence sa kanya. Hell! Why did he cancel all his appointments for a month? Ano ba ang nasa isip ng lalaking ito? Sana naman hindi siya puperwisyuhin ng binata sa loob ng isang buwan.

Tinapos ni Iuhence ang tawag, saka hinubad ang Armani suit na suot at tanging boxers lang ang itinira.

Napakurap-kurap si Mhel sa ginawa ng binata. He stood before her in all his glory. Napalunok siya at mabilis na nag-iwas ng tingin para itago ang pamumula ng kanyang mga pisngi dahil sa hubad nitong katawan.

“Iuhence! What the hell? Magdamit ka nga!” naeeskandalong sigaw niya.

Napaatras siya nang mag-umpisa itong humakbang palapit sa kanya.

“Ano’ng ginagawa mo?” Abo’t-abot ang kaba na nararamdaman ni Mhel nang tumama ang binti niya sa kama.

“Naglalakad palapit sa `yo,” painosenteng sagot ni Iuhence.

Napatili siya nang mawalan siya ng balanse at mapahiga sa kama. Napaawang ang mga labi niya nang kubabawan siya ng binata. Gahibla lang ang layo ng kanilang mga labi. Their eyes were locked together and her breasts were intimately pressed against his chest. Their closeness was making her feel hot all over. It’s making her wet down there.

Shit! This is not good!

“Say my name, Mhelanie,” bulong ni Iuhence sa mga labi niya.

Mhel hated her full name. Ayaw niyang tinatawag sa buong pangalan, pero nang si Iuhence ang tumawag sa buong pangalan niya, parang may kakaiba iyong hatid sa kanyang puso.

“Say my name, Mhelanie,” ulit nito.

Napalunok siya. “Iuhence...”

His emerald eyes darkened with desire. “Hmm. I like it.” Ibinaon ni Iuhence ang mukha sa leeg niya, saka siya hinalik-halikan doon. “Ang sarap sa pakiramdam kapag sinasabi mo ang pangalan ko.” Kinagat-kagat nito ang balat sa kanyang leeg. “It’s giving me a massive boner, honey.”

Pinigil ni Mhel ang sarili na mapadaing sa ginagawa ng binata. “A-ano ba ang sinasabi mo?”

Napasinghap siya nang dilaan ni Iuhence ang gilid ng tainga niya. Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang mahinang halinghing na gustong lumabas sa kanyang bibig.

“S-stop it, I-Iuhence,” nauutal na aniya, ang katawan ay nag-uumpisa nang mag-init.

Bahagyang binigyan ng binata ng distansiya ang kanilang mukha, saka matiim siyang tiningnan. May emosyon siyang nakikita sa mga mata nito na hindi niya mabasa.

“Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa mong pag-iwan sa `kin,” wika ni Iuhence. “Eight years had passed, Mhelanie. Pero wala pa ring nagbago.” He expertly slid his hand inside her panties. “And you’ll be punished for leaving me on the bed like that.” Pagkasabi niyon ay nilamukos nito ng halik ang nakaawang niyang mga labi.