noveltoon logo noveltoon
Iuhence Vergara (Possessive Series 2)

Chapter 6

Ch. 7 / 24 Feb 09, 2022

HINDI maiiwas ni Iuhence ang tingin sa babaeng mahimbing na natutulog sa isa sa mga upuan ng private jet niya. Nagising ito ilang minuto na ang nakararaan at kinailangan niyang paamuyin itong muli ng chloroform para makatulog uli. Baka kapag nalaman ni Mhel na nasa eroplano ito patungo sa pribadong isla na pagmamay-ari niya ay bigla na lang itong tumalon.

Alam niyang mas gugustuhin ng dalaga na tumalon sa eroplano kaysa ang makasama siya. Ganoon siya nito kaayaw. Well, at least, that’s what he thought.

“Damn, Iuhence. Kapag kinasuhan ka ng babaeng `yan ng kidnapping, huwag na huwag mo akong isasali.” Pumalatak si Calyx. “Bakit naman kasi pumayag pa akong sumama sa `yo, eh.” Puno ng pagsisisi ang boses nito.

“Pare, walang pumilit sa `yo, remember?” sabi ni Ymar na may nakatakip na diyaryo sa mukha. “Sumama ka kasi guilty ka dahil sinabi mo kay Tita Othella ang tungkol kay Mhel. The truth is wala ka namang ginawa, eh.”

“Excuse me?” Binalingan ni Calyx si Ymar. “Ako ang sumunod sa babaeng `yan sa kalye. Natakot siya sa akin kaya tumakbo siya—”

“At doon pumasok si Iuhence para dakipin at patulugin si Mhel,” putol ni Ymar sa iba pang sasabihin ni Calyx.

Pinukol ng masamang tingin ni Calyx si Ymar. “Eh, ikaw, ano ba ang nagawa mo?”

Tinanggal ni Ymar ang pagkakatakip ng diyaryo sa mukha nito at walang buhay ang mukha na dumako ang tingin kay Calyx. “My man, I am the CEO of YS Pharmaceutical. I own the chloroform that Iuhence used. Unlike you, may gamit ako.”

Mas tumalim ang mga mata ni Calyx.

“Hep-hep,” Ymar said. “Dont stare at me like that. Malay mo, panain ka na ni Kupido, `tapos kailangan mong kidnapin ang love of your life. Kakailanganin mo ang tulong ko.”

Sumimangot si Calyx. “Hindi ako papanain ni Kupido kasi hindi naman siya nag-e-exist. At saka hindi ko kailanman hihingin ang tulong mo kung magkaka-love life man ako, which is not going to happen by the way.”

Napailing-iling na lang si Iuhence habang nakikinig sa dalawa na mga accomplice niya sa pag-kidnap kay Mhel. Bakit ba niya naging kaibigan ang mga ito? Oh, yeah. Business partner niya ang dalawa at maituturing din niyang matalik na kaibigan. Mabuti na nga lang talaga at hindi siya naaapektuhan sa kabaliwan ng mga ito.

“Bakit mo ba kinidnap ang babaeng `yan ha, Iuhence?” tanong ni Ymar na pumukaw sa pag-iisip niya.

Binalingan niya ang kaibigan na nakatingin sa kanya at naghihintay ng sagot. “We need to know each other.”

Para siyang napugutan ng ulo sa pagkakatingin ni Calyx sa kanya. “At makikilala n’yo ang isa’t isa sa pamamagitan ng pagkidnap mo sa kanya?”

Tumango siya. “Oo.”

“And how are you gonna achieve that? When she wakes up, she’ll hate you,” ani Ymar.

Ngumiti si Iuhence at ibinalik ang tingin sa magandang mukha ng dalaga. “Buburahin ko ang galit na `yon sa pamamagitan ng halik ko at pag-angkin sa kanya. And then I will never be a stranger because the next thing she knew, I already own her heart, body, mind, and soul. And she wouldn’t have a choice but to stay with me for as long as I want her to.”

“Man, that’s gross,” Calyx said in disgust.

Natigilan si Iuhence sa sinabi ng kaibigan. Ganoon din ang sinabi niya noon kina Tyron at Raine. Napapangiting umiling-iling na lang siya.

NAPAUNGOL si Mhel nang magising. Nananakit ang buo niyang katawan na parang pagod na pagod iyon. Ano ba ang nangyari sa kanya?

Dahan-dahan siyang nagmulat at bumulaga sa kanya ang isang silid na hindi pa niya nakita sa tanang buhay niya. Where the hell am I? tanong niya sa sarili habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng silid na puno ng magagarang kasangkapan.

Umalis siya sa kama at tinungo ang pinto. Nang buksan niya iyon, bumulaga sa kanya ang malaking banyo. Napatingin si Mhel sa salamin na nakatapat sa kanya. Napamulagat siya nang makitang tanging oversized T-shirt lang ang suot niya. Dali-daling itinaas niya iyon at nagulat nang makitang wala siyang suot na panties!

Holy hell! No! She panicked.

Piece by piece, her memory of what happened were flashing before her eyes. Naaalala niya ang lalaking sumusunod sa kanya mula nang makalabas siya sa flower shop. Nang tumakbo siya ay may yumakap at may pinaamoy na panyo sa kanya.

Namilog ang mga mata ni Mhel sa takot. No. No. Hindi puwede! Baka kung ano na ang ginawa ng kidnapper na iyon sa kanya at—

Napatigil siya sa pag-iisip nang bumukas ang isa pang pinto at pumasok doon si Iuhence. Halos malaglag ang kanyang mga panga sa sobrang gulat.

It couldn’t be! Ito ba ang kumidnap sa kanya? Ito ba?

Sa isiping iyon, sinugod ni Mhel ang binata at pinagbabayo ang dibdib nito.

“Baliw ka talaga! Baliw ka! Alam mo ba kung gaano ako natakot?! Ha? Alam mo ba na halos manginig ako sa takot?! `Tapos ikaw lang pala `yon?!”

Pinagbabayo niya ang dibdib ni Iuhence hanggang sa mapagod siya at mawalan ng lakas. Hinayaan lang siya ng binata habang walang imik na nakatingin sa kanya. Galit na galit siya sa ginawa nito.

“Baliw ka na! Baliw!” Panay pa rin ang bayo ni Mhel sa dibdib ni Iuhence gamit ang kamao pero kulang na iyon sa lakas.

Pinigilan ng binata ang mga kamay niya at niyakap siya. “I didn’t mean to scare you.” Bumaba ang mukha nito sa mukha niya at sinakop ang kanyang mga labi.

Malakas niyang itinulak ito palayo at sinampal nang malakas. “Huwag mo akong mahalik-halikan!” aniya, nakatiim-bagang at nanlilisik ang mga mata. “Hindi lahat ay madadanan mo sa halik. Gago ka!”

Lumabas si Mhel ng kuwarto at tumakbo palabas ng bahay. Napasinghap siya at napatigil sa paglalakad nang makita ang malawak na karagatan.

“No...” Tumakbo siya patungo sa dalampasigan at iginala ang tingin sa paligid. Wala siyang makitang bangka. Tumakbo siya pabalik ng bahay at sinapo ang kanyang mukha. Mukhang wala ring ibang tao na naroon maliban sa kanila ng binata. “No... This couldn’t be... No...” She felt suffocated.

Pakiramdam ni Mhel nang mga sandaling iyon ay bumalik siya sa bahay ng mga magulang sa Canada na wala siyang magawa kundi ang magpakulong doon.

No! Not this time! No!

“You can’t run away this time, Mhelanie,” anang boses ni Iuhence mula sa kanyang likuran.

Galit niyang hinarap ang binata. “Nasaan ako? Saan mo ako dinala?”

Akmang susuntukin niya ito nang saluhin ni Iuhence ang kamao niya at hinila siya palapit sa katawan nito at sinakop ang kanyang mga labi. Bago pa niya makagat ang labi ng binata sa inis, pinakawalan na nito ang mga labi niya at ngumisi.

Nanlilisik ang mga mata ni Mhel. “Gago ka! Huwag na huwag mo akong hahalikan uli!” Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa ito pinaglalamayan. “Saan mo ako dinala?”

“Honey, you can kill me with your eyes and you can wound me with your words. But you can’t run away from me.” Idinipa ni Iuhence ang mga braso. “Look around. Tayong dalawa lang ang tao rito. Walang bangka o kahit na ano. You’re stuck here with me. Tanggapin mo na lang `yon. Good-bye freedom for you.”

Tinalikuran siya ng binata at naglakad patungo sa loob ng bahay.

Nang makarating sa pinto, humarap ito sa kanya. “Oh, and by the way, welcome to Iumhe Island. Welcome to my paradise.” Pagkasabi niyon ay tuluyan na itong pumasok sa loob ng kabahayan.

Napatingin si Mhel sa karagatan at bumalik ang tingin sa bahay. She had no choice. That insolent brute devil incarnate! Ang sarap pukpukin ng ulo gamit ang martilyo!

Nagmamartsang pumasok siya sa bahay at galit na naglakad na walang destinasyon hanggang sa makarating siya sa teresa na nakaharap sa karagatan. Natigilan si Mhel nang makitang naroon si Iuhence at umiinom ng kape. Hindi niya pinansin ang binata at tumingin lang sa karagatan.

Before, every time she looked at the sea, she felt peaceful and calm. Now, she felt anxious. Ano ang kahihinatnan ng pagdala sa kanya roon ni Iuhence? She could feel that her heart was already starting to welcome this man. Nararamdaman niyang kaunting tulak na lang, makakapasok na ito.

She ought to lock her heart and throw away the key. Kailangan niyang bantayan ang puso. Nararamdaman ni Mhel na hindi lang ang kalayaan niya ang mawawala kapag nakuha ni Iuhence ang kanyang puso. Kukunin nito ang lahat sa kanya. Her freedom, her heart, her mind, her body, and her soul. At hindi niya hahayaang mangyari iyon.

So please, heart, don’t fall for this man. I’m begging you.

You’re already falling dimwit, sagot ng puso niya. You might as well do something for him to catch you.

No! She would not fall for this man. Hindi niya hahayaang mawala ang kalayaan niya dahil lang sa lalaking ito. No way in hell!

“Ang lalim yata ng iniisip mo,” puna ni Iuhence na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

Nanatiling nakatingin si Mhel sa karagatan. “Bakit mo ba ako dinala rito? What could you possibly attain by doing this?”

Inilapag ni Iuhence ang tasa sa barandilya ng teresa bago sumagot. “Sabi mo, kahit paulit-ulit na ibigay mo sa akin ang sarili mo, I am still a stranger to you. I get that. Oo nga naman. Wala kang alam tungkol sa akin. So I’m going to change that by bringing you here. Dito, walang istorbo sa ‘getting to know each other natin.’ At wala kang takas of course.”

Hindi makapaniwalang napailing-iling si Mhel. “Ibang klase ka rin, ano? Mangingidnap ka para lang makilala kita. Baliw ka na talaga.” Pinipigilan niya ang sarili na suntukin ito. “Para ano naman kung makilala kita? Kahit pa malaman ko ang lahat ng tungkol sa `yo, walang magbabago.”

“Let’s see about that.” He picked up his coffee and then went inside the house, leaving her confused.

Ano ba ang pinaplano ng lalaking `yon sa `kin?

NASA kusina si Iuhence at naghahanap ng makakain para sa hapunan. Naalala niya na wala pala siyang stock na lutong pagkain. Wala ring cook. Ang tanging mayroon lang siya ay ingredients sa pagluluto.

Hell! What am I going to do now? Bakit naman kasi pinaalis ko ang lahat ng tao sa islang `to? Kailangan pa naman niyang pakainin ang maganda niyang bisita.

Mahinang napamura si Iuhence habang nagda-dial ng numero sa cell phone niya. After four rings, Mr. Chef picked up.

“Thanks, man. You save me from throttling that stubborn vixen! Bakit ko ba pinakasalan ang baliw na ito?” Halata ang galit sa boses ni Train.

Kumunot ang noo niya. “Ano’ng nangyari?”

“That stubborn woman put something in my food this morning.” Nanggigigil ang boses nito. “And then I’d been visiting the comfort room since breakfast! `Tapos ngayon-ngayon lang, umamin siya na nilagyan niya ng pampa-LBM ang pagkain na hinain niya. That bitch!”

Napailing-iling si Iuhence. “Tapos ka na?” mayamaya ay tanong niya. “Ako naman, puwede?”

Biglang nag-iba ang timbre ng boses ng kaibigan. “Bakit, pare? Mag i-emote ka rin?”

Itinirik niya ang mga mata. “No, Mr. Chef. Gusto ko lang malaman kung ano ang ingredients ng fried chicken at kung paano `yon lutuin.”

Nawalan ng imik ang nasa kabilang linya. Akala niya ay pinutol na ni Train ang tawag.

“What happened to my friend, Iuhence? Pinatay mo ba? Teka, saan mo inilibing ang katawan? Goodness! This is disastrous!” biglang sabi ng kaibigan.

He rolled his eyes. “Fuck you, Train.”

Tumawa ang nasa kabilang linya. “Kidding aside, man. What the fucking hell happened to my good friend, Mr. Iuhence-I-don’t-know-how-to-cook? Bakit bigla kang nagtanong, ha?”

Bumuntong-hininga siya. Sasabihin ba niya? Wala naman yata siyang choice dahil kapag hindi niya sinabi, siguradong gigisahin lang siya ni Train at hindi siya tuturuang magluto.

Muling bumuntong-hininga si Iuhence. “May babae kasi—”

“Whoa, whoa! What the fuck?! Ulitin mo nga uli ang sinabi mo.” Halata ang gulat sa boses nito.

“Gusto ko siyang ipagluto,” aniya.

“Okay.” Mukhang nakabawi na sa pagkabigla si Train. “Ano’ng gusto mong lutuin para sa kanya?”

“Fried chicken.”

“At hindi mo alam kong paano lutuin `yon?” hindi makapaniwalang tanong ng kaibigan. “Vergara, `yan na yata ang pinakamadaling lutuin sa lahat.”

“I’m not you,” reklamo niya.

Bumuntong-hininga ito. “Fine. May Wi-Fi ka ba riyan?”

“Yeah...” nag-aalangang sagot niya.

“Good. Skype tayo. I’ll show you. Just promise me one thing.”

“What?”

“Please, don’t burn down your kitchen.”

DAHIL sa sobrang pagkabagot, lumabas ng kuwarto si Mhel at walang direksiyon na naglakad-lakad sa kabuuan ng bahay hanggang sa makarating siya sa kusina.

Napakunot-noo siya nang makitang may kausap si Iuhence sa laptop. Kilala niya ang lalaking kausap nito. Si Train Wolkzbin. Mula sa pintuan ng kusina, naririnig niya ang pinag-uusapan ng dalawa.

“This better be good, Wolkzbin,” sabi ni Iuhence sa kausap. “Kapag hindi nasarapan dito si Mhelanie, pupuntahan kita diyan sa Budapest at ikaw ang piprituhin ko.”

Tumawa ang kausap ng binata. “Masarap akong magluto, Vergara. Ewan ko lang sa `yo. Naalala mo ba noong pinagluto mo ang mama mo? Muntik mo nang sunugin ang buong mansiyon n’yo.”

Nalukot ang mukha ni Iuhence. “Don’t remind me.”

“Okay. Step one,” Train said and Iuhence listened attentively. “Heat the pan and put oil. Damihan mo ang oil, masarap ang deep fried.”

Tumango naman si Iuhence at kaagad na ginawa ang sinabi ni Train.

Nang sabihin ni Train na ilagay na ang manok sa kawali, humiyaw si Iuhence dahil sumayad ang braso nito sa gilid ng kawali.

“Fuck! Shit! Fuck!” sigaw ni Iuhence at mabilis na hinugasan ang napasong braso. “Fuck! This fucking hurt.”

Tumawa nang malakas si Train. “Vergara, if you want to cook for your woman, you have to be hurt in order to do so.”

Nakasimangot si Iuhence habang ipinagpapatuloy ang pagpiprito ng manok.

Humilig si Mhel sa hamba ng pinto at matamang pinagmasdan ang binata. Unti-unti siyang napangiti. Nag-e-enjoy siya sa pinapanood. Natutuwa siya na nagpapakahirap si Iuhence na magluto para sa kanya.

Parang may kumikiliti na kasiyahan sa kanyang puso.

Malutong na nagmura ang binata nang tumilamsik ang mainit na mantika rito. Tumama yata iyon sa mata ni Iuhence dahil sinapo nito ang mata at tumigil sa paggalaw.

Nagpakawala siya ng buntong-hininga, saka pumasok sa kusina, pinatay ang laptop, at humarap sa binata. Hinawakan niya ang kamay nito at pilit iyong tinanggal sa pagkakasapo sa mata.

“Ano ba kasi ang naisip mo at naisipan mong mag-ala chef, ha?” malumanay ang boses na tanong niya.

Napakurap-kurap si Iuhence at tumitig sa kanya. “Mhelanie,” dumako ang tingin nito sa kawali. “Nagluluto ako ng pagkain natin.”

Itinirik ni Mhel ang mga mata at itinulak paupo ang binata sa bakanteng upuan malapit sa mesa. “Umupo ka riyan. Ako na ang magluluto.” Tinalikuran niya ito at nang may maalala ay humarap uli. “But I still hate you.”

Bumagsak lang ang mga balikat ni Iuhence at hindi na umimik.