PAGKATAPOS ikuwento ni Mhel kay Raine ang lahat ng nangyari mula nang unang pagkikita nila ni Iuhence hanggang sa pagdating nila kanina, tinitigan niyang mabuti ang kaibigan. Inaarok niya ang nasa isip nito. Mukhang dina-digest pa ni Raine ang mga impormasyong sinabi niya.
“So, you’re saying na may gusto sa `yo si Iuhence?”
Umiling si Mhel. “No. I’m hoping and assuming.” Napayuko siya. “I can read between the lines, Raine. Alam kong may pinapahiwatig siya. Confirmation na lang ang kailangan ko.”
Bumuntong-hininga si Raine. “Okay, fine. Sana nga ma-confirm na `yan. Ayokong masaktan ka, Mhel. Babaero `yang si Iuhence. Baka masaktan ka lang sa kanya.”
Tipid siyang ngumiti. “I know that. Sinabi nga niya sa akin na gago siya. And I believe him. But he’s the sweetest gago that I’ve ever met. And I love him.”
Napangiti ang kaibigan. “I never thought that this day would come na maririnig ko ang mga salitang iyon galing sa bibig mo. Mukha ngang masyado kang in love kay Iuhence.” Nanunudyo ang kislap ng mga mata nito. “Alam ba niya?”
“Hindi.” Nagbaba siya ng tingin. “Aamin lang ako kapag sigurado na akong mahal din niya ako. Ayokong mapahiya.”
“I feel you,” pagsang-ayon ni Raine. “Iyan din ang nasa isip ko noong mahalin ko si Tyron. Hinding-hindi ako aamin hangga’t hindi siya mauuna. Dapat lalaki ang mauna. Dahil ayokong mapahiya. Baka assuming lang ako.”
Tumango-tango si Mhel. “Tama.”
Nagkatawanan sila at napagdesisyunang lumabas ng kuwarto.
Nang makabalik sa sala, hindi lang sina Tyron at Iuhence ang nakita nila. Naroon din si Train Wolkzbin!
“Train!” tili ni Raine at niyakap ang lalaki. “Kumusta na ang buhay may-asawa? Sorry at hindi kami nakapunta sa kasal mo. Alam mo naman na takot sa airplane si Timber.” Ang tinutukoy nito ay ang anak na lalaki.
“Madam Raine.” Ngumiti si Train at niyakap ang babae. “I’m okay.”
Tyron growled. “Get your hands off my wife Wolkzbin! Baka baliin ko `yan!”
Hindi makapaniwalang binalingan ni Train si Tyron. “Man, kasal na kayong dalawa. Possessive ka pa rin?”
“So?” He glared at Train. “Basta bitawan mo ang asawa ko!”
Raine giggled and went to sit into Tyron’s lap. “Aww. Ang asawa ko talaga, napakaseloso.”
Sumimangot si Tyron. “Kiss me. Para hindi na ako magselos.”
Raine obediently obliged and Mhel felt envious. Sana maging masaya rin siya katulad ng kaibigan. Pero mukhang matatagalan pa bago mangyari ang gusto niya.
“Oh. I know you,” pukaw ni Train sa pag-iisip niya. Nang balingan niya ito, nakatingin ang lalaki sa kanya. “Ikaw iyong babae na nagdala ng flowers para sa kasal namin ni Krisz, `di ba?”
Tumango siya at nginitian ito.
Gumanti ng ngiti si Train, saka tumayo at akmang yayakapin siya nang magsalita si Iuhence.
“Touch her, Wolkzbin, and your arms will be detached from your body.” Iuhence threatened in a very dangerous voice that would scare the hell out of even the wildest animal in the forest.
Napatigil si Train sa akmang pagyakap sa kanya at nakangising binalingan si Iuhence. “Damn, my man. Hindi ko akalain na darating ang araw na magiging possessive ka sa isang babae. Nagyeyelo na ba ang impyerno?”
Hindi nga siya niyakap ni Train pero gumalaw naman ang kamay nito para tapikin sana ang kanyang balikat. Pero bago pa dumampi ang kamay nito sa kanyang balikat ay nagsalita na naman si Iuhence.
“Not even a tap, Wolkzbin.”
Train let out a dramatic sigh. “Ikaw na talaga, Iuhence. Puwede ka nang maging hari ng mga possessive.”
“Ah, so kapag may humawak na ibang lalaki sa asawa mo, okay lang sa `yo?” nakangising tanong ni Iuhence at tumayo para lapitan siya.
Biglang dumilim ang mukha ni Train at nagtagis ang mga bagang. “Touch my wife and die.”
Marahang tumawa si Iuhence at niyakap siya mula sa likuran. Ang baba nito ay nakapatong sa kanyang balikat. Nakikiliti si Mhel sa hininga nito na tumatama sa kanyang tainga.
Ang madilim na mukha ni Train ay biglang umaliwalas nang tumunog ang cell phone nito at tiningnan kung sino ang tumatawag.
“Hello, wifey?” There’s a silly smile on Train’s face. “Ah, sige. Uuwi na ako. Bye, wifey.” Tinapos nito ang tawag at nagpaalam sa kanila. “I have to go. Gabi na rin kasi, eh. Baka kaliskisan ako nang buhay ng asawa ko kapag hindi pa ako umuwi.” Pagkasabi niyon ay umalis na ang lalaki.
Sunod na umalis sina Tyron at Raine. Tumawag kasi ang ina ni Tyron at sinabing hinahanap na ang mga ito ni Timber at ayaw matulog kung hindi nakikita ang mommy at daddy nito. That’s so sweet. She wanted to see Raine’s son. Ang cute siguro nito.
Hinatid nila sa pintuan ang mag-asawa at hinintay na makapasok ang mga ito sa elevator bago nila isinara ang pinto. Pero hindi pa nga sila nakakahakbang palayo ay tumunog uli ang doorbell.
Binuksan uli ni Iuhence ang pinto at napatingin sila pareho sa babaeng nasa labas. May iniabot itong imbitasyon sa binata.
“Ms. Oquendo will be expecting you, Sir,” anang babae at umalis pagkatapos magpaalam.
Humarap sa kanya si Iuhence at ipinakita ang invitation. “This is an invitation to a charity ball for wounded and battered animals. Inimbitahan tayo ni Grace.” Ipinakita nito ang pangalan niya sa imbitasyon. “Pupunta ba tayo?”
Nagkibit-balikat na ngumiti si Mhel. “Yeah. Mukhang animal lover si Grace. Suportahan natin siya. I’m sure magdo-donate ka, mas makakatulong `yon sa adhikain niya na maalagaan ang mga wounded at battered animals.”
Tumango-tango si Iuhence. “Yeah. We should attend this ball.”
“Yeah.”
Natigilan siya nang sakupin ng binata ang kanyang mga labi. She kissed him back. Mukhang papagurin na naman siya nito.
Hindi na nagtaka si Mhel nang lumapat ang likod niya sa malambot na kama at wala nang saplot ang kanilang mga katawan.
Habang naglalabas-masok ang ari ni Iuhence sa kanyang pagkababae, napuno ng halinghing niya ang buong kuwarto. Sinasalubong niya ang bawat pag-ulos nito hangang sa labasan siya at naramdamang napuno ng katas ng binata ang kanyang sinapupunan.
And then a realization hit her. “Hindi ka ba talaga gumagamit ng condom?”
“Gumagamit,” sagot nito na nakakubabaw pa rin sa kanya at nasa loob pa rin niya ang kahabaan.
“Eh, bakit hindi ka gumagamit kapag nagtatalik tayo? Baka mabuntis ako—”
“Would that be so bad?”
Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata. “Are you... implying something?”
“Am I?” balik-tanong nito habang matamang nakatingin sa kanya.
Hindi sinagot ni Mhel ang binata. Sa halip ay ipinalibot niya ang mga binti sa baywang ni Iuhence, saka mas ibinaon pa sa loob niya ang kahabaan nito. Napaungol ang binata sa ginawa niya.
That’s it. Moan until you forget what we are talking about. Hindi rin kasi niya alam ang isasagot.
MHELANIE was clad in a Versace gown paired with Prada stiletto heels, courtesy of Iuhence Vergara. Naglakad sila ng binata papasok sa grand hall ng Oquendo Casino kung saan gaganapin ang charity ball. Hindi siya hinayaan ni Iuhence na magsuot ng mumurahing gown at wala siyang ibang pagpipilian dahil hindi talaga siya nito hinayaang lumabas sa penthouse hangga’t hindi iyon ang suot niya.
Nakapalibot sa kanyang baywang ang braso ng binata. He held her possessively in his arms. At kapag may lalaking tumitingin sa kanya nang may paghanga sa mga mata ay nagdidilim kaagad ang mukha ni Iuhence.
Sa halip na mainis sa inaakto nito, kinikilig siya. Iuhence looked so edible when he was being possessive.
“It was a mistake to let you wear that sexy immoral dress.” Iuhence hissed under his breath and guided her towards the exit. “Halika. Umuwi muna tayo. Magbibihis ka.”
Tinampal niya ang kamay ng binata na nasa kanyang baywang. “Tumigil ka nga, Iuhence. Ikaw itong nagpilit na isuot ang gown na `to. So suck it up, honey.”
Mas dumilim pa ang mukha ni Iuhence. “They are not allowed to see your bare back!”
“Whatever, Iuhence.” Mabilis na naglakad si Mhel palapit kay Grace nang makita niya ito. “Hello, Grace,” bati niya, saka nakipagbeso-beso sa dalaga.
Malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Grace. “Oh my, thank you at nakarating kayo.” Tumingin ito sa likuran niya. “Thanks for coming Iuhence. Sana mag-donate ka.”
Yumakap ang mga braso ni Iuhence sa kanyang baywang, saka hinapit siya palapit sa katawan nito. “Oo naman. Anyway, do you have a jacket or something to cover Mhelanie’s bare back?”
Tinaasan niya ng isang kilay ang binata pero hindi siya nito pinansin.
Sumulyap muna sa kanya si Grace bago nagsalita. “Wala akong available na jacket.”
Iuhence scowled. “Dapat talaga umuwi tayo, eh.”
Napailing-iling si Mhel. “Hayaan mo na nga ang damit ko. Okay lang `yon. Ikaw naman ang kasama ko, eh.”
Lumambot ang mukha nito. “Ayoko lang naman na may tumitingin sa `yo at `yong mga mata nila ay puno ng pagnanasa. Your body is mine to ogle. Akin lang `yan.”
Ginawaran niya ng halik ang mga labi ng binata. “Okay na?”
Kaagad itong ngumiti. “`Guess so.”
“Hey, Vergara,” anang bored at lalaking-lalaking boses mula sa kanilang likuran.
Sabay silang lumingon ni Iuhence. Hindi kilala ni Mhel ang guwapong lalaki na nasa harap nila ngayon. He had these tantalizing lazy eyes that added up to his gorgeousness.
“Valerian Volkzki.” Malamig ang boses ni Grace habang nakatingin sa bagong dating. “Salamat at pumunta ka.”
Valerian’s eyes darkened dangerously when he stared at Grace. “After this, we’re even.”
Malamig na ngumiti si Grace. “Even Steven, Mr. Volkzki.”
“Good. And for the record, hindi ko ginustong masagasaan ang pinakamamahal mong poodle. Kasalanan mo ang nangyari,” sabi ni Valerian at humarap kay Iuhence. “May isinend pala akong pictures sa e-mail mo. Malapit nang matapos ang construction ng AirJem Airline sa Singapore.”
“Thanks, man,” ani Iuhence at nagkamay ang dalawa Umalis si Valerian na hindi man lang nagpapaalam.
Bastos din, eh.
Humarap si Mhel kay Grace na may naglalarong ngiti sa mga labi. “What’s with you and that guy?” tanong niya.
“Muntik na niyang masagasaan ang poodle ko. Thank God at injury lang ang nakuha ni Valerian.”
“Valerian? `Yong lalaki?”
“No. Valerian ang name ng poodle ko. Bigay `yon ni Daddy kaya mahalaga sa akin `yon,” paliwanag ni Grace. “Sige, maiwan ko na kayo. Mag-uumpisa na ang auction.”
“Auction?” gagad ni Iuhence.
“Yes. We are auctioning men. Bachelors. Makakatulong ang pera na makakalap namin para sa mga aso na nangangailangan ng kalinga at pag-aaruga.” Ngumiti si Grace. “Enjoy you two,” anito at iniwan sila.
Napangiti si Mhel nang yakapin siyang muli ni Iuhence mula sa likuran.
“Trying to hide my bare back?” nanunuksong tanong niya.
Iuhence chuckled. “Yes, yes I am.”
Napangiti na lang siya at ninamnam ang init ng katawan nito.
Napakasarap sa pakiramdam na yakapin ng binata. She felt so lucky to be in his arms. Maraming mga babae na nakatingin sa kanya at puno ng inggit ang mga mata ng mga ito. Wala siyang pakialam.
“You want something to drink?” tanong ni Iuhence sa kanya.
“Nah. Patapusin muna natin ang auction, saka tayo kumain.”
“Sige,” anito habang nakayakap pa rin sa likuran niya at hinihintay na mag-umpisa ang auction.
NANG mag-umpisa ang sinasabing auction ni Grace, lahat ng kababaihan ay nag-agawan sa pagbi-bid para sa naguguwapuhang lalaki. Pataasan ang mga ito ng bid. Napapangiti na lang si Mhel. Mabuti na lang at hindi kasama si Iuhence sa kalalakihan na ino-auction. Baka itali niya ang binata sa kanyang baywang.
Napatigil sa pag-iisip si Mhel nang makitang umakyat sa stage si Valerian Volkzki na may dalang poodle na may benda sa paa. Nakita niyang nanigas sa kinatatayuan si Grace. Dahil malapit lang siya sa dalaga, kitang-kita niya ang tensiyon sa katawan nito.
Lumapit si Valerian sa microphone at nagsalita. “Hi, I’m Valerian Volkzki. And this poodle here is for sale,” anito at itinaas ang poodle. “Napakalungkot ng poodle nito. Whoever buys this poor poodle will have me for a month.” Then he flashed a sweet smile.
“No! That’s my poodle!” sigaw ni Grace na halata sa mukha ang pagkainis!
“Don’t be selfish!” A woman hissed at Grace. “Hindi mo `yan poodle. Nang-aangkin ka nang hindi sa `yo. Ikaw pa naman ang organizer ng charity ball na `to.”
“Oo nga. Mahiya ka naman,” sang-ayon ng isang babae. “Huwag kang selfish.”
Walang imik si Grace habang nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Valerian.
So, the bidding started.
Women bid. Even gays. Pataas nang pataas ang bid hanggang sa may nag-bid na babae na ikinatigil ng lahat.
“Five hundred thousand for my poodle,” bid ni Grace sa galit na boses. “Hindi ko kailangan ang lalaking may hawak sa poodle ko.”
Lahat ng mga mata ay tumuon kay Grace. Kahit sila ni Iuhence ay nagulat. Mukhang mahalaga nga kay Grace ang poodle nito.
“Valerian Volkzki is not someone you should mess with,” ani Iuhence habang nakayakap pa rin sa kanya. “Gaganti at gaganti iyan. Kawawang Grace.”
“Six hundred thousand!” Sigaw naman ng isang babae mula sa likuran nila.
Nawalan ng imik si Grace at nagbaba ng tingin. Nagtatagis ang mga bagang nito.
“Six hundred! Going once! Going twice—”
“One million for the poodle and for myself.”
Lahat ng nasa grand hall ay napatingin sa stage kung nasaan si Valerian na siya ring nag-bid ng one million.
“One million,” anang emcee nang makabawi sa pagkabigla. “Going once. Going twice. Sold to Mr. Volkzki.”
Lumapit na naman sa microphone si Valerian at nagsalita. “Because I bought the poodle, may karapatan akong pumili ng pagbibigyan ko sa sarili ko sa loob ng isang buwan.” Bumaba ito sa stage at lumapit kay Grace na nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa lalaki. “Here,” ani Valerian at ibinigay ang poodle kay Grace. “You have me for a month, my sweet .”
Kinuha ni Grace ang poodle at malalaki ang hakbang na umalis sa Grand Hall. Si Valerian naman ay nagkibit-balikat lang at tumalikod, pagkatapos ay lumapit sa kanila ni Iuhence.
“Hey,” anito. “May naalala pala ako. Hindi ko nasabi sa `yo na limang airplane pa lang ang bibiyahe from Singapore to anywhere in Asia. We need more planes. Hindi ba ikaw na ang bahala sa mga flights to U.S. and other continents?”
“Oo, ako na ang bahala do’n. By the way, what you did to Grace was rude, man,” wika ni Iuhence na parang naiinis.
Valerian smirked. “You want to know what’s rude?” Tumingin sa kanya ang lalaki. “Mhelanie Tschauder, right?”
Tumango siya.
“Kilala ko ang ama mo at despressed siya ngayon. Alam mo bang nasa ospital ang mommy mo ngayon? May board meeting kasi kanina ang lahat ng investors ng AirJem Airlines at isa roon ang daddy mo. Hindi siya nakarating dahil na-heart attack ang mommy mo. Alam `yon ni Iuhence kasi nabanggit ko `yon ng huli akong tumawag sa kanya.” Bumaling ito kay Iuhence. “So, who’s rude now?”
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Mhel sa narinig. No! Her mom! No! No! No! No!
Binaklas niya ang pagkakayakap ni Iuhence sa kanya at mabilis na hinanap si Grace para manghiram ng phone.
Nakita niya ang babae sa labas ng hall at sinusuklay ang buhok ng poodle.
“Grace, puwede ko bang mahiram ang cell phone mo?” tanong kaagad niya nang makalapit dito. “May tatawagan lang ako. Please? Hindi ko kasi alam kung nasaan ang cell phone ko. Hindi ko alam kung saan iyon inilagay ni Iuhence,” she said in a frantic voice.
“Sure.” Iniabot nito ang phone sa kanya. “Heto, o.”
Mabilis niyang kinuha ang cell phone at tinawagan ang number na ibinigay ni Raine sa kanya kanina. She memorized it in case of emergency.
“Hello? Raine Lynn Zapanta, speaking.”
Mahigpit siyang napahawak sa cell phone. “Raine, ako `to, si Mhel. Kailangan ko ang tulong mo.”
Walang pag-aalinlangan na sumagot ang nasa kabilang linya. “Sure. Ano’ng magagawa ko para matulungan ka?”