noveltoon logo noveltoon
Iuhence Vergara (Possessive Series 2)

Chapter 12

Ch. 13 / 24 Feb 09, 2022

“EARTH to Iuhence!” sigaw ni Valerian—ang pinsan ni Tyron na may-ari ng AirJem Airline—na ka-Skype ni Iuhence. “We’re talking business here, man. Kung wala ka sa mood, magsabi ka lang.”

Nasa gitna sina Iuhence at Valerian ng isang mahalagang business meeting. Dahil ayaw niyang umalis sa isla, sa Skype na lang sila nag-usap.

Napatingin siya sa laptop. “Sorry. Ano’ng sabi mo?”

Nagpakawala ng malalim na hininga si Valerian at nag-umpisa na namang magpaliwanag. “Pinag-uusapan natin ang AirJem Airlines na itatayo natin sa Singapore. I am reading you the freaking report and you are not fucking listening to me.”

Bumuntong-hininga si Iuhence. “Sorry, man. Puwede bang i-e-mail mo na lang sa `kin ang report?”

Bumuga ito ng marahas na buntong-hininga, saka hindi makapaniwalang tinitigan siya. “Fuck off, Vergara. Kung kanina mo pa sinabi `yan, sana hindi ko na kinansela ang meeting ko with Knight Velazquez.”

Napakunot-noo siya. “Knight Velazquez?” Pamilyar sa kanya ang pangalang iyon. “`Di ba, isa siyang Spaniard Count? At `di ba, siya ang may-ari ng Bank of Asia, Bank of Spain, at Bank of Middle East?” Napangiti siya. “Sobra-sobra na ba ang pera mo at kailangan mo nang magbangko? Mukhang pera ka kasi, eh.”

Ngiting-aso lang ang naging tugon ni Valerian sa kanya bago nito tinapos ang kanilang pag-uusap sa Skype.

Naiiling na natawang isinara ni Iuhence ang laptop, pagkatapos ay hinanap si Mhel. Natagpuan niya ang dalaga sa dalampasigan at nakatingin sa karagatan.

Naupos siya sa tabi nito.

“What is going on in that pretty little head of yours?” tanong niya.

Buong buhay niya, wala siyang pakialam sa iniisip ng mga babaeng dumaan sa kanyang buhay. Pero iba si Mhel. He wanted to know everything about her.

Gumuhit ang malungkot na ngiti sa mga labi nito. “Nami-miss ko na sina Mommy at Daddy. I wonder what happened to them.” Bumaling ito sa kanya. “Kapag bumalik ako sa kanila, ano kaya ang magiging reaksiyon nila? Magagalit kaya si Daddy? Iiyak ba si Mommy kapag nakita ako? Ang daming katanungan sa isip ko na masasagot lang kapag umuwi ako sa amin. Freedom was everything to me, siguro dahil masyadong mahigpit si Daddy. When I tasted freedom in Russia, it was the best feeling in the whole world. The very best.”

At wala siyang puso dahil ninakaw niya ang kalayaang iyon. He felt so fucking bad. Pero nagawa na niya. Wala nang magagawa ang kanyang pagsisisi.

Hinawakan ni Iuhence ang kamay ng dalaga at pinisil iyon. “Gusto mo nang umuwi? Ihahatid kita.”

Naguluhan siya nang umiling ito.

“Ayoko pa,” sagot ni Mhel. “Gusto pa kitang makasama sa islang `to.”

Napangiti siya. “Masaya ka ba na kasama ako?”

Tumango ito. “Oo. Masaya. I never thought that I could be this happy.” She smiled warmly at him. “So let’s stay here for a while.”

“Okay,” aniya, saka inakbayan ang dalaga at hinapit palapit sa kanya.

Nangangako siyang bukas, hindi na niya ito ikukulong sa isla. Mhelanie deserved to be free from this island. Kahit ilang oras lang.

Natigilan sa pag-iisip si Iuhence nang maramdamang may lumapat na malalambot na labi sa mga labi niya. Binalingan niya ang katabi na nakangiti sa kanya.

“You kissed me,” aniya na may munting ngiti sa mga labi.

Matamis na ngumiti ang dalaga. “Bakit parang nagulat ka? Mas sobra pa nga roon ang ginawa ko sa `yo.”

Lumapad ang kanyang ngiti. “Oo nga. Tandang-tanda ko. Hindi lang simpleng halik ang pinagsaluhan natin. Bawat gabi, ibang sarap ang pinapalasap ko sa `yo. Sumisigaw ka nga sa sobrang sarap, `di ba?”

Namula ang mga pisngi ni Mhel na ikinalapad lalo ng kanyang ngiti. So beautiful.

“Iyang bibig mo talaga, Iuhence. Walang preno,” sabi ni Mhel na namumula pa rin ang mga pisngi. “Kailangan mo bang sabihin `yon?”

Pinanggigilan niya ang namumula nitong mga pisngi at hinalikan iyon. “Mas gumaganda ka kapag namumula ang mga pisngi mo.” He looked at her with adoration in his eyes. “You are a dream come true. Alam mo ba `yon, Mhelanie?”

Umiling ang dalaga. Nakakahalina ang kislap ng mga mata nito. Hindi niya maalis ang tingin dito. Napakaganda talaga ni Mhel. At napakasuwerte niyang kasama niya ito sa isla.

NAGBABA ng tingin si Mhel mula sa pagtititigan nila ni Iuhence. Hindi kaya ng puso niyang makipagtitigan dito nang matagal. Para iyong sasabog sa sobrang bilis at lakas ng pagtibok.

“Do you want to ride with me?” tanong ni Iuhence pagkalipas ng mahabang segundo na hindi ito nagsalita at nakatingin lang sa kanya.

“Ride?” Namilog ang kanyang mga mata nang ibang “ride” ang pumasok sa isip niya. Kaagad na dumako ang kanyang tingin sa pagkalalaki nito. “As in ngayon na?” Napakagat siya sa kanya mga labi. “Pero umaga pa… Baka may dumaan na mangingisda, `tapos makita tayo.”

Isang pilyong ngiti ang kumawala sa mga labi ni Iuhence. “Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin.” Nanunudyo ang kislap ng mga mata nito. “Ride with me in my jet ski. Pero kung iyan ang gusto mong gawin, why not?” Binuksan nito ang butones ng jeans na suot. “Kumandong ka na. Umpisahan na natin `to.”

Malakas ang pakiramdam ni Mhel na parang pininturahan ng pula ang buo niyang mukha dahil sa sinabi ng binata. Pati ang kanyang mga tainga ay nag-iinit.

“D-dapat k-kasi s-sinabi mo, eh,” nauutal na sabi niya habang nag-iinit pa rin ang mga pisngi. “N-nakakahiya tuloy!” Tinakpan niya ang mukha gamit ang dalawang kamay, saka sumubsob sa likod ng binata.

Tumawa nang malakas si Iuhence.

“Kasalanan mo `to, eh,” paninisi niya habang nagtatago pa rin sa likod ng binata. “If you’re not freaking hot in your white shirt and faded jeans, hindi ko maiisip `yon.” Nakasimangot siyang humarap dito, nahihiya pa rin. “Nagiging mahalay na ako dahil sa `syo.”

“You’re welcome,” nakangising anito.

“Heh!”

Nakangiting hinaplos ni Iuhence ang nag-iinit niyang mga pisngi, pagkatapos ay inangkin ang kanyang mga labi na buong puso niyang tinugon. Napakalambot talaga ng mga labi ng binata, napakasarap halikan, hindi nakakasawa kundi nakakaadik.

Pinakawalan nito ang mga labi ni Mhel, saka siya tinitigan. “Come ride with me?” May pilyong kislap ang mga mata ni Iuhence. “Hubad na.”

Napamulagat siya. “P-pero sabi mo... j-jet ski.”

Natatawang hinalikan siya nitong muli. “Binibiro lang kita, Mhelanie.” Tumayo ito at inilahad ang kamay sa kanya. “Come on. Get up.”

Inirapan niya ang binata pero tinanggap naman ang nakalahad nitong kamay at tumayo.

Pinagsalikop ni Iuhence ang kamay nilang dalawa, saka siya iginiya patungo sa likurang bahagi ng isla. Nakakunot ang kanyang noo habang naglalakad sila ng binata. Gusto niyang magtanong kung saan ba siya nito dadalhin nang makakita siya ng kubo malapit sa tabing-dagat.

“Ano’ng mayroon sa kubong `yon?” hindi niya napigilang tanong ni Mhel.

“Our ride,” simpleng sagot ni Iuhence.

Nang makarating sa harap ng kubo, pinakawalan nito ang kamay niya, saka mag-isang pumasok sa kubo para ilabas ang jet ski at hinila iyon patungo sa dagat. Pagkatapos ay isinuot ng binata ang safety vest at humarap para isuot sa kanya ang isa pa.

“Para saan `to?” nagtatakang tanong niya.

“Para hindi ka malunod.” Hinalikan siya ni Iuhence sa mga labi, saka nginitian. “May pupuntahan tayong karatig-isla. Family friend namin sila. Baka kasi nababagot ka na rito, eh, kaya ipapasyal kita.”

Lumambot ang puso ni Mhel. Nag-aalala rin naman pala ito sa kanya. “Salamat,” nakangiti niyang sabi.

Hinalikan uli siya ni Iuhence. “For you. Anytime.”

Tumalon-talon ang puso niya sa kilig. “Halika na.”

“Let’s go.”

NANG tumigil ang jet ski sa dalampasigan ng isang isla, nakita ni Mhel ang isang babae na tumatakbo patungo sa kanila. Malapad ang ngiti nito at bakas ang kasiyahan sa mukha habang nakatingin kay Iuhence.

Tinulungan siya ng binata na bumaba sa jet ski. The sea-water was lapping on their feet. Sabog din ang buhok niya dahil sa malakas na hangin at basa ang pang-ibaba niyang damit.

Nang makalapit sa kanila ang babae ay kaagad nitong niyakap si Iuhence sa baywang. Kaagad na kinain ng selos ang puso ni Mhel sa nakita. Parang asawa nito ang binata na kakauwi pa lang galing sa malayong lugar pagkalipas ng mahabang panahon.

“Nali,” sabi ni Iuhence na parang naiilang na niyakap ang babae.

Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ni Mhel sa pagyayakapan ng dalawa. Damn it! She’s jealous of this woman who hugged her Iuhence like they had shared something special.

Your Iuhence? Kailan mo pa naging pag-aari si Iuhence Vergara? sarkastikong sabi ng isip niya.

Manahimik ka! paasik na sagot ni Mhel sa sarili.

Nakahinga nang maluwag ang puso niya nang maghiwalay ang dalawa.

“Oh, my God, Iuhence.” Parang nag-aakit ang ngiti ng babae. “Kumusta ka na? Ang tagal mo nang hindi bumibisita rito sa isla.” Parang nagtatampo ang boses nito.

Hmp! Napakasarap nitong ipakain sa pating!

“Ahm, yeah. Naging busy kasi ako, eh.”

Pinapungay ng babae ang mga mata na parang inaakit si Iuhence. Napakasarap nitong sakalin!

“Na-miss mo ba ako, Iuhence?” Hinaplos nito ang braso ng binata habang nagtatanong. “Because I miss you so much.”

Marahang tinanggal ni Iuhence ang pagkakayakap ni Nali sa leeg nito at binalingan siya, saka inakbayan.

“Nali, this is Mhelanie Tschauder. She’s special to me,” pagpapakilala ng binata sa kanya.

Special to him? Parang sasabog ang puso ni Mhel. Gusto niyang magtitili sa sobrang kilig pero kinadenahan niya ang nararamdan. Nang tingnan si Nali, madilim ang mukha nito at puno ng selos ang mga mata.

Hmm. Mukhang tama ang hinala ko. May gusto nga ang babaeng ito kay Iuhence. Pasensiyahan tayo. Akin si Iuhence.

Pinagsalikop niya ang mga kamay nila ng binata at doon natuon ang nanlilisik na mga mata ng babae.

“Nandito ba si Ninong?” tanong ni Iuhence kay Nali. “Siya ang ipinunta ko rito, eh.”

Sumimangot ang babae at niyapos na naman ang binata sa braso. “I miss you so much, Iuhence. I miss the time when we hang out in my room—”

“Nali, nasaan si Ninong?”

“And we sleep on the same bed—”

“Nali—”

“And remember the time when Dad caught us in that erotic position—”

“Nali!” Nagdilim ang mukha ni Iuhence at tumalim ang mga mata. “Nagtatanong ako kung nasaan si Ninong. Sagutin mo ako nang maayos.”

Namutla ang babae at pinakawalan ang braso ni Iuhence. “Nandoon sa loob ng villa,” sagot ni Nali at tinapunan siya ng masamang tingin.

“Salamat.” Iginiya siya ni Iuhence patungo sa villa na nakatayo malapit sa dalampasigan.

Pagkapasok, isang magandang babae ang sumalubong sa kanila. Unlike Nali, the woman has a friendly aura. Nginitian nito si Iuhence at nang makita siya ay bumakas ang gulat sa mukha nito.

“Hello, Iuhence,” anang magandang babae na may maamo at inosenteng mukha.

“Grace.” Sinuklian ni Iuhence ng malapad na ngiti ang babae. “Kumusta? Si Ninang, ayos na ba ang kalagayan niya? By the way — ” Inakbayan siya ng binata na ikinapula ng kanyang mga pisngi. “ — this is Mhelanie Tschauder. My special someone.”

Hayan na naman ang pagpapakilala sa kanya ng binata. Special someone? Hindi mapakali ang puso ni Mhel sa sobrang kilig. Kinikilig siya pero kailangan niyang itago iyon sa tipid na ngiti.

“Hi,” nginitian siya ng babae, saka inilahad ang kamay. “I’m Grace Oquendo. Kinakapatid ni Iuhence.”

Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. “Mhel Tschauder. Nice to meet you.”

Nang maghiwalay ang kanilang mga kamay, tamang-tama naman na pumasok sa villa si Nali at bumaba ang isang lalaki sa hagdanan na agad na sinalubong ni Iuhence.

“Ninong? Kumusta ka na? Ayos na ba ang lagay ni Ninang?” tanong ni Iuhence sa lalaki at nag-usap na ang dalawa.

Naiwan siya kasama si Grace.

Sinalubong ni Mhel ang tingin ng babaeng haliparot na may gusto sa Iuhence niya. Nali was frowning and glaring at her. Kahit noong naglalakad na ito patungo sa isang pinto, tinapunan siya ng matalim na tingin bago pumasok. At nakita iyong lahat ni Grace.

Dumukwang palapit sa kanya si Grace at pabulong na nagsalita. “Sorry about Nali. Nagseselos lang iyon. Parang may gusto yata siya kay Iuhence samantalang wala namang kaaya-aya sa kinakapatid ko. By the way, stepsister ko siya. Mabait naman `yon kapag tinotopak.”

Umasim ang mukha ni Mhel. “Pakisabi sa kanya na kapag hindi pa niya ako tinigilan sa matatalim niyang tingin, makakatikim siya ng mas matalim pa roon.”

Mahinang natawa si Grace. “I like you. Mukhang matapang ka. Bagay nga kayo ni Iuhence.”

Kinikilig siyang tumawa. “Sige lang, sabihin mo pang bagay kaming dalawa. Lumalaki ang mga tainga ko, eh. Pleasure my ears, please.”

“Bagay na bagay kayo. Okay na?”

“Okay na okay.”

Biglang sumeryoso ang mukha ni Grace na ikinakunot ng noo ni Mhel.

“What?” bahagyang kinakabahang tanong niya.

“A warning from me. Hanggang narito kayo, bantayan mo si Iuhence. Kilala ko ang kapatid kong `yon, medyo may-pagkamaldita. Baka ano’ng gawin niya, eh.”

Tumalim ang kanyang mga mata. “Over my hot, gorgeous, sexy body. Subukan lang niya at lulunurin ko siya.”

Bumalik na ang ngiti sa mga labi ni Grace. Akala siguro nito ay nagbibiro siya. Hell, no!

“Hindi ako nagbibiro,” walang buhay niyang sabi. “Lulunurin ko talaga siya.”

Natigil sa pagtawa si Grace at tumitig sa kanya. “Gusto ko ang ugali mo. I will name my poodle after you.”

Napanganga si Mhel sa babae. “Ano?”

“It’s not an insult,” mabilis nitong paliwanag. “I love animals so much. For me, it’s a big deal if I name my pet after you.”

“Thanks, pero,” napangiwi siya. “Puwedeng huwag ang pangalan ko? Nakakailang na kapangalan ko ang aso mo.”

Grace chuckled. “Okay, hindi na.”

“Thanks,” aniya na nakangiwi pa rin.