KUMUNOT ang noo ni Mhel nang magising isang umaga na wala si Iuhence sa kanyang tabi.
Saan naman kaya `yon nagpunta?
Mabilis din naman niyang naisip na siguro ay kausap ng binata ang sekretarya nito. Iyon na ang routine ni Iuhence sa loob ng dalawang linggo na na naroon sila sa isla. Pero kahit minsan ay hindi pa siya nagising na wala ang binata sa kanyang tabi. Ngayon lang.
At oo, magkasama na sila sa isang kuwarto. Natutulog sila sa iisang kama at ine-enjoy ang katawan ng bawat isa hanggang sa maubos ang kanilang lakas.
Nag-inat muna si Mhel bago umalis sa kama. Inayos niya ang sarili, saka lumabas ng kuwarto. Natigilan siya at napakunot-noo nang mapansin ang isang maliit na envelope na pakalat-kalat sa sahig. Puno ng kuryosidad na pinulot niya iyon, saka binuksan at binasa ang nakasulat sa papel na may mabangong halimuyak.
Good morning, Mhelanie. I hope you had a very nice sleep. Siya nga pala, may sorpresa ako para sa `yo. But first, go to the kitchen and eat your breakfast. I cooked it. Huwag magreklamo sa lasa, `yon lang ang kaya ng cooking skills ko. – Iuhence V.
Parang siraulong nakangiti siya nang mag-isa habang naglalakad patungo sa kusina. Nang makarating doon, nasa mesa na ang kanyang agahan na sigurado siyang tinorture na naman ni Iuhence.
While eating her breakfast—chicken soup that tasted awful, toasted bread that was very toasted, and coffee—may nakitang envelope si Mhel sa silya na kapareho ng envelope na nakita niya sa labas ng kuwarto kanina. Kinuha niya iyon at binasa na naman ang nakasulat sa scented paper.
Enjoy your breakfast. Pinaghirapan ko `yan. Don’t worry, walang gayuma `yan. Eat well. – Iuhence V.
Pagkatapos mag-almusal, binuksan ni Mhel ang cup board para sana kumuha ng baso dahil iinom siya ng tubig nang may makita na namang maliit na envelop. She opened it and read.
Mhelanie, if you found this then you must be thirsty for my kiss. Mwah. There you go. Anyway, are you ready to hunt down your surprise? If it’s a yes—I’m sure it’s a yes— go to the foyer and look for a bracelet. – Iuhence V.
Nawala sa isip ng dalaga ang pag-inom ng tubig. Mabilis na sinunod niya ang nakasulat sa maliit na scented paper. Pagkarating sa foyer, kaagad niyang nakita ang bracelet na tinutukoy ni Iuhence. The bracelet looked like a simple chain, but made of rose gold. Nang suotin niya iyon, bumagay ang bracelet sa maputi niyang balat.
Katabi ng bracelet ay isang maliit na envelope uli. Binuksan niya iyon at binasa ang nakasulat sa scented paper.
Isuot mo ang bracelet, `tapos pumunta ka sa dalampasigan. You’ll find a bottle there with your next clue on where to find your surprise. Happy hunting. – Iuhence V.
Naiiling na nagtungo si Mhel sa dalampasigan. Hindi niya alam kung bakit sinusunod niya ang pinagsasasabi ng lalaki pero nag-e-enjoy siya sa ginagawa at excited siyang malaman kung ano ang sorpresa ni Iuhence sa kanya.
Nang makakita ng bote, mabilis na tumakbo siya palapit doon at pinulot iyon. There’s a letter inside the bottle and a small white velvet box beside it. Una niyang binigyan ng atensiyon ang bote at inilabas ang maliit na sulat na naroon.
Mhelanie, go to the forest. Nakikita mo `yong malaking puno ng Narra malapit sa bahay? The trail starts there. Trust me; it’s going to be worth it. Dahan-dahan lang, baka makatapak ka ng ahas. Ha-ha! Just kidding. Walang ahas sa islang ito. Pina-cleaning ko na ang buong isla. By the way, before you do what I asked you to do, open the velvet box and put it on your bracelet. – Iuhence V.
Binuksan niya ang puting velvet box at may nakitang bracelet pendant. It was shaped into five letters. So small. So cute. The pendant was shaped into a word ‘PARTY’. At mayroon ding nakasulat na salitang ‘WILL’ sa likod ng cover ng velvet box.
Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin niyon. Ikinabit na lang niya ang pendant sa bracelet na suot, saka patakbong tinungo ang punong tinutukoy ng binata. Pagdating doon, may nakita na naman siyang envelope at pulang velvet box. Magkatabi ang dalawa. Kaagad niyang binasa ang sulat na laman ng envelop.
Thank you for trusting me, Mhelanie. Follow the trail and when you see a small lake, look for a bottle. Oh, and by the way, open the red box. – Iuhence V.
Binuksan ni Mhel ang red velvet box at kinikilig siyang napangiti nang makita ang charm pendant para sa bracelet niya. Again, the pendant was shaped into a word ‘RUSSIA’.
Kumunot ang kanyang noo. Iyon ang bansa kung saan sila nagkita uli. Iyon ba ang ibig sabihin ng pendant?
Ano `to? Remembrance?
Napangiti siya sa pendant bago iyon ikinabit sa bracelet. May nakasulat naman na ‘YOU’ sa likod ng cover.
WILL and YOU. Hindi niya mapigilan ang excitement na nararamdaman. Gusto na niyang malaman kung ano ang susunod na clue.
Lakad-takbo ang ginawa ni Mhel para makarating sa maliit na lawa na nakasaad sa mensahe ni Iuhence. Nang makarating doon, mahina siyang natawa at kaagad na hinanap ang bote.
Nang makita ang bote, mabilis niya iyong binuksan, saka inilabas ang maliit na naka-roll na papel na nasa loob niyon.
Kung binabasa mo `to ngayon, ibig sabihin ay safe kang nakarating sa lawa. Now, you see that big boulder on the left side of the lake? Behind that is another trail. Mapapansin mo kaagad iyon kasi… basta. Surprise. Oh, and don’t forget to open the violet velvet box. Enjoy. – Iuhence V.
Binuksan niya ang violet na velvet box na katabi ng bote at bumulaga sa kanya ang isa pang pendant na naka-shape naman sa salitang ‘KIDNAP.’ Mahina siyang natawa.
Really memorable. Sa likod ng box ay may nakasulat na ‘BE’.
WILL, YOU, and BE.
What’s next? Napakabilis ng tibok ng kanyang puso.
Pagkatapos ilagay ang pendant sa bracelet, tinungo ni Mhel ang boulder na tinutukoy ni Iuhence. Nang makalampas sa boulder, natigilan siya pagkakita sa nagkalat na pulang rose petals sa lupa. Pero hindi lang iyon basta nagkalat, the rose petals were making a trail towards a medium size box.
Mabilis siyang naglakad patungo sa box at walang pag-aalangan na binuksan iyon. Of course, there’s a letter and a hazel velvet box inside.
Wow. Nakaabot ka rito? Isipin mo na lang na nag-e-exercise ka. But no need, ang sexy mo na, eh. Baka may lalaking makakita sa `yo at magkagusto. No way! Akin ka lang! Okay—I’m getting off topic. Anyway, ito na ang huling clue. I’ll hope against hope that you’ll like it. Of course, follow the scattered rose petals and it will lead you to your surprise. Open the velvet box, please. Mwah. – Iuhence V.
Binuksan ni Mhel ang hazel velvet box at nakita niya ang pendant na may salitang ‘IUMHE’. At may nakasulat na ‘MY’ sa likod ng cover ng box.
Mabilis niyang ikinabit ag pendant sa bracelet at sinundan ang petals na nagkalat sa lupa. And those scattered petals led her to a breathtakingly beautiful meadow with a big blanket in the center and a basket full of junk food, soda, champagne, and fruits.
Standing two meters away from her was Iuhence. He looked dazzlingly drop-dead gorgeous in his faded jeans, white shirt, and simple slipper. Nakasuot din ito ng sombrero. Nang ngitian siya ng binata, nakaramdam siya ng pangangatog ng mga tuhod.
God! Being this breathtakingly gorgeous should be a crime. That smile nearly sent her knees to buckle. Hindi maiiwas ni Mhel ang tingin sa mga mata ni Iuhence. Para siyang nahihinotismo sa klase ng tingin nito. Nang mag-umpisang maglakad ang binata palapit sa kanya, para siyang pangangapusan ng hininga.
At nang tuluyan na itong makalapit, damang-dama ni Mhel ang napakalakas na tibok ng kanyang puso. Hindi na siya magtataka kung naririnig iyon ngayon ni Iuhence na ilang dangkal na lang ang layo sa kanya. Kahit anong pagpapakalma ang gawin niya sa puso, hindi iyon kumakalma. Patuloy lang iyon sa mabilis na pagtibok habang nagkakatitigan sila ng binata.
“I’m here.” Nagpapasalamat si Mhel na may lumabas na salita sa kanyang bibig.
Ngumiti si Iuhence at parang may nagliparang paruparo sa kanyang tiyan. Doon yata nagkampo ang mga paruparo.
“Yeah.” Hinawakan nito ang braso niyang may suot nang bracelet. Isa-isa nitong hinawakan ang mga pendant. “Party, doon tayo pormal na nagkakilala. Russia, after eight years, we met again and I was so damn lucky that day. Kidnap,” he grinned slyly. “You perfectly know what that word means. And then Iumhe, iyon ang pangalan ng islang ito.” Kinagat ni Iuhence ang ibabang labi at parang nahihiyang magpaliwanag. “The letter I and U in IUMHE are the first and second letter of my name. And the letters M, H, and E are the first three letters of your name.” Kumamot ito sa ulo na parang ninenerbiyos. “I named this island ‘Iumhe’ as a remembrance, that once upon a time, I met the woman who finally awakened my heart from its cold and long slumber.”
Nagwala ang puso ni Mhel sa loob ng dibdib niya dahil sa sinabi ng binata. Kinagat niya ang ibabang labi para itago ang kilig at sayang nadarama.
“Siyempre, hawak ko ang huling velvet box na para sa `yo. Pero bubuksan ko lang iyon kapag sinagot mo ang tanong ko.”
Kumunot ang noo niya. “Anong tanong?”
Kinuha ni Iuhence sa malalamig niyang kamay ang apat na velvet box na hawak. Una nitong itinaas ang kulay-puting velvet box. “White. Ito ang kulay ng buhok mo nang una kitang makita. And this has the word ‘WILL.’” Itinaas naman ng binata ang kulay-pulang velvet box. “Pula noon ang kulay ng contact lenses na suot mo nang una kitang makita. And this box contains the word ‘YOU.’” Sunod na itinaas nito ang kulay-violet na velvet box. “Violet ang motif nina Train at Krisz. Kulay-violet din ang ang suot mong gown nang makita kitang muli sa reception ng kasal ni Train. And this box contains the word ‘BE.’ Brown—” Itinaas ni Iuhence ang panghuling velvet box. “—is now the color of your hair. At nasa loob ng box na ito ang salitang ‘MY.’”
Inihulog ng binata ang apat na boxes sa damuhan at may inilabas na itim na velvet box. “This is the last box. Color black because it’s the color of night. And it reminds me of our night swimming. Please, open it,” anito.
Tinaggap ni Mhel ang box at binuksan iyon. Malapad na ngiti ang kumawala sa kanyang mga labi nang makita ang pendant.
The pendant was shaped into a name ‘IUHENCE.’
Natatawang napatingin siya sa binata. “Pangalan mo talaga?”
Tumango ito at kinuha ang pendant sa kamay niya, pagkatapos ay ikinabit iyon sa bracelet. “Huwag na huwag mong tatanggalin ang bracelet na `to. So they’ll know that you are mine and that I don’t share what’s mine.”
Malapad siyang napangiti habang nakatingin sa bracelet. Bigla siyang may naalala. Mabilis niyang tiningnan ang likod ng box pero walang nakasulat doon.
Kumunot ang noo ni Mhel. “Walang nakasulat?” pabulong niyang tanong sa sarili.
“Ito ba ang hinahanap mo?”
Mabilis siyang nag-angat ng tingin at nakitang tinanggal ni Iuhence ang cap na suot, saka itinapat sa puso nito.
And then she saw it! The word ‘DATE’ was written on the center of the cap.
“Iuhence…” Hindi siya makapaniwalang ginawa ng binata ang lahat ng iyon para lang yayain siya ng date.
Nginitian siya nito. “So, will you?” Dumukwang si Iuhence palapit sa kanya para gawaran siya ng halik sa mga labi. “Will you be my date, Mhelanie?”
Sino siya para tumanggi? Pagkatapos ng mga ginawa nito? Sobra-sobrang effort ang ibinigay ng binata para lang mayaya siyang mag-date.
“Yes,” nakangiting sagot ni Mhel. “It would be my pleasure.”
Nagliwanag ang mukha ni Iuhence. Iba ang kislap ng kasiyahan sa mga mata nito. Masarap pala sa pakiramdam na makitang masaya ang lalaking nagpapatibok sa puso mo.
Iginiya siya nito paupo sa picnic blanket at tumabi ito ng upo sa kanya.
“Sorry, ito lang ang naihanda kong pagkain,” anito.
Pinaikot niya ang mga mata. “Effort mo pa lang para yayain akong maka-date ay sobra-sobra na. Sapat na sa akin ang mga pagkaing ito.”
“Talaga? Okay lang?”
“Yes. Okay lang.”
“Thank you for saying yes.”
“Thank you for asking me,” aniya at humilig sa balikat ng binata. “Siya nga pala, anong oras ka nagising? Nang magising kasi ako wala ka na sa tabi ko, hindi lang ako sanay.”
“One AM.”
Napamulagat si Mhel at humarap sa binata. “What? One AM? Please, tell me that you are kidding.”
Umiling ito. “Ala-una dumating ang tao na inutusan kong bumili ng mga pendants. At siyempre kailangan kong ihanda ang pagkain natin, saka `yong mga sulat.” Nginitian siya nito, saka naghikab. “It was all worth it. My effort was not wasted.”
Her eyes softly stared at Iuhence. Halatang inaantok na ito pero nilalabanan lang iyon. Parang may humaplos sa kanyang puso. Sobra ang effort na ibinigay ng binata para lang yayain siya ng date at hindi niya iyon hahayaang mauwi sa wala dahil sa inaantok ito at kulang sa tulog.
Nangingiting lumuhod si Mhel, saka walang sabi-sabing umupo paharap sa kandungan ni Iuhence.
Pilya siyang ngumiti. “At dahil nagpuyat ka para sa akin at ayokong matulog ka sa date natin, let me erase your sleepiness.” Hinubad niya ang T-shirt ng binata at hinalikan ang matitipuno nitong dibdib.
“Oh. Mhelanie…”
Umalis siya sa pagkakaupo sa mga hita ni Iuhence. Lumuhod na lang siya sa picnic blanket habang bumababa ang kanyang halik patungo sa abs ng binata, hanggang sa dumako ang mga labi siya sa waistband ng pantalon nito.
She opened the fly of his jeans and his beautiful manhood sprung out and it was ready to battle.
Hinawakan ni Mhel ang mahaba at tayong-tayo nitong pagkalalaki at tumingin sa mga mata ni Iuhence na puno ng pagnanasa.
“It’s my time to ravish you, Iuhence.” Pagkasabi niyon ay ipinasok niya ang kahabaan nito sa bibig niya at pinaligaya ang binata sa abot ng kanyang makakaya.