noveltoon logo noveltoon
Darkest Touch (Dark Boss Series Book 1)

Chapter 7

Ch. 8 / 22 Feb 05, 2022

Chapter Seven

MAGTATANGHALI na nang magising si Jan Irish. Napuyat kasi siya sa kakaisip kay Tegan kagabi. Pero kahit medyo puyat, excited siyang harapin ang araw. Hindi. Excited siyang harapin si Tegan ngayong araw. Dapat niyang sawayin ang sarili sa kalandiang pinaggagagawa pero hindi niya mapigilan.

Kapag malapit sa kanya si Tegan ay lumalabas ang natural niyang kalandian sa katawan.

Pagkatapos maligo ay lumabas siya ng kuwarto niya at nagpunta sa kusina. At ganoon na lang ang gulat niya nang makita si Tegan na nagkakape at nagbabasa ng diyaryo.

Kagigising lang ba nito?

Tumikhim siya para makuha ang atensiyon ng lalaki. “Magandang umaga,” bati niya.

Ibinaba ni Tegan ang hawak na diyaryo saka bumaling sa kanya. “`Morning.”

Walang ngiti sa mga labi nito pero maaliwalas naman ang mukha. Mukha itong masaya kahit hindi nakangiti.

Akmang maglalakad siya para magtimpla ng kape para sa sarili nang pigilan siya ni Tegan.

“Sit.”

Napatigil siya sa paglalakad saka tumingin sa lalaki. “Ano?”

“Upo ka.” Tumayo ito at pinaghugot siya ng upuan. “Come on,” udyok ni Tegan nang hindi siya gumalaw sa kinatatayuan. “Sige na, upo na.”

Nagtataka man ay umupo siya sa silyang hinugot nito at tumingala sa lalaki. “Ano na namang trip mo ngayong umaga?”

Ngumiti ito at parang lumiwanag ang buong paligid ni Jan Irish. Damn this guy! Yes, he was not handsome like a prince but his charm really had a huge effect on her.

“Ilang araw na kasi kitang inaalila.” Hindi nawala ang ngiti nito sa mga labi. “Let me make you coffee.”

“O-okay.” Weird.

Sinundan ng mga mata ni Jan Irish ang bawat galaw ni Tegan. Hindi niya maiiwas ang tingin sa lalaki habang nagtitimpla ito ng kape para sa kanya. Naloloka na ba siya kung sasabihin niyang kinilig siya? Shit!

Nang ilapag ni Tegan ang kape sa harap niya, umupo kaagad ito sa kanyang tabi.

Hindi maiwasan ni Jan Irish na mapatitig sa braso nito na may pilat. Nakita niya ang mga pilat nito kagabi. She didn’t feel disgusted, she felt amazed at how he survived such scars.

Nang makita ni Tegan na nakatingin siya sa pilat nito sa braso, ini-expect na ni Jan Irish na itatago iyon ng lalaki. Pero nagulat siya nang hindi nito ginawa ang kanyang inaasahan. Nagpatuloy lang ito sa pagsimsim ng kape at walang pakialam kung nakatitig siya sa pilat nito.

Could she call it improvement? Hmm…

“Nakatulog ka ba nang mahimbing kagabi?” Nang ma-realize kung ano ang lumabas sa kanyang bibig, lihim niyang kinastigo ang sarili.

Shit naman, Jan Irish! `Yang bibig mo, please!

Tumaas ang sulok ng labi nito. “Yeah. I did.” Bumaling si Tegan sa kanya at hinuli ang mailap niyang mga mata. “Ikaw? Nakatulog ka ba nang mahimbing?” May kakaibang kislap ang mga mata nito.

Nag-iwas siya ng tingin. “O-oo naman.”

“O, ba’t ka nauutal?” Mahihimigan ang panunukso sa boses ng lalaki.

“Hindi, ah!” Nasapo niya ang bibig dahil napalakas ang kanyang boses niya. “Sorry,” nakangiwi niyang hingi ng tawad.

Mahina itong natawa dahilan para matigilan siya. Iyon ang unang beses na tumawa ito nang ganoon. Why is my heart beating so fast?

“Binibiro lang kita.” Bumalik ito sa pagsimsim ng kape. “Alam ko namang nakatulog ka nang mahimbing.”

Doon tumaas ang isang kilay niya. “Paano ka nakakasiguro?”

He gave him a sideway glance. “Binisita kita sa kuwarto mo kagabi.” Then he winked at her.

Naibuga ni Jan Irish ang kapeng iniinom at napaubo.

Kaagad namang inilapag ni Tegan ang tasang hawak saka lumapit sa kanya at hinagod ang kanyang likod. Nang makabawi at tumigil ang kanyang pag-ubo ay naiinis na sinuntok niya sa braso ang lalaki.

“Huwag ka ngang kumindat diyan at magsabi ng kung ano-ano!” naiinis niyang sabi. “Nasamid ako sa `yo, eh.”

Amusement danced in his eyes. “Totoo naman kasi, binisita kita sa kuwarto mo kagabi.”

Inirapan niya si Tegan. “Ewan ko sa `yo.”

“I even slept beside you,” dagdag pa nito.

“Ang creepy mo!”

Malakas itong tumawa. Siya naman ay natigilan at tiningnan ang pagtawa ni Tegan. His laughter stunned her. He looked really happy. Kung ano man ang nangyari sa kanila kagabi, mukhang nakatulong iyon para umaliwalas ang mood nito ngayong umaga.

Was it the kiss?

Should she kiss him often?

Urgh! Kalandian alert!

“Anyway,” he was still chuckling. “Gusto mong mamasyal?”

Nang hindi kaagad siya sumagot dahil nag-iisip si Jan Irish kung saan sila mamamasyal, kaagad na nawala ang masayang ekspresyon sa mukha nito.

“You can decline, it’s okay,” kaagad nitong bawi. “Naiintindihan ko kung ayaw mong makasama ang isang tulad ko.”

Umirap si Jan Irish. “Puwede ba, Tegan, tigilan mo ako sa mga ka-echosan mo. Of course, gusto kong mamasyal.”

Umaliwalas kaagad ang mukha nito. “Great! Let’s go?”

“Sure.”

Hinawakan nito ang kamay niya at pinagsalikop iyon. Kaagad na kumabog nang mabilis ang tibok ng puso ni Jan Irish. Iba talaga ang epekto ng lalaking ito sa kanya. Nakakaloka.

Hinila siya ni Tegan papunta sa sasakyan nito saka siya pinagbuksan ng pinto ng passenger seat.

“Hop in.”

Kaagad namang sumakay si Jan Irish at mabilis na umikot si Tegan para sumakay sa driver’s seat. And then Tegan maneuvered the car out of the driveway.

“Saan tayo pupunta?” tanong niya ng nasa daan na sila.

“Sa hindi marami ang tao.”

Nagsalubong ang mga kilay niya. “Bakit naman?”

“Ayoko sa maraming tao.” Humigpit ang hawak nito sa manibela. “Baka tuksuhin ka nila dahil kasama mo ako. I don’t want that for you.”

Umingos siya. Heto na naman ang lalaking ito. Nakakairita na.

“Sa mall tayo,” sabi ni Jan Irish.

Bigla nitong inapakan ang break dahilan para mapasubsob siya. Mabuti na lang ay may seat belt siyang suot.

“Tegan!” She glared at him.

Bumaling ito sa kanya na may pagtataka sa mukha. “Anong sa mall? Maraming tao do’n. Do you want people to laugh at you because I’m with you?” He was asking as if the answer was obvious.

Inirapan niya ang lalaki. “Sa mall tayo.”

“But Jan Irish—”

“Sa mall nga tayo.” May finality sa boses niya kaya wala itong nagawa kundi ang sundin ang kanyang gusto.

Twenty minutes later, they were entering the mall entrance.

Napangiti si Jan Irish. Matagal-tagal na rin mula nang huli siyang mag-malling. Excited na siya!

Pinagsalikop niya ang mga kamay nila ni Tegan dahil binitiwan nito ang kamay niya nang makapasok sila sa mall. Hinila siya ng lalaki papunta sa escalator.

“Doon tayo sa `taas,” yaya niya kay Tegan na sunod-sunuran lang sa kanya. “Doon tayo,” turo ni Jan Irish sa isang boutique na paborito niyang puntahan kapag nagmo-mall siya.

Pumupili na siya ng damit nang mapansin niyang kanina pa walang imik si Tegan. Tumigil siya sa ginagawa saka humarap sa binata.

Walang imik siyang pinagmamasdan ng lalaki.

Tinaasan niya ng kilay si Tegan. “Ano?” Iminuwestra niya ang kamay sa men’s department. “Mamili ka na ng para sa `yo.”

Tegan didn’t move. He just stood there. Looking at her.

Ano ba ang nangyayari sa lalaking ito?

Bago pa niya masita ang kakaibang ikinikilos ni Tegan ay may tumawag sa kanyang pangalan.

“Jan Irish, is that you?” tanong ng isang matinis na boses. “Oh. My. God.”

Mariing napapikit si Jan Irish. Kilala niya ang boses na iyon. It’s none other than one of her “sosyal fake” friends, Josephine.

Pekeng ngumiti si Jan Irish kay Josephine. May kasama itong lalaki na hindi naman kaguwapuhan.

“Hey, girl,” bati niya sa babae.

Ang lapad ng ngiti ng bruha. “I’m so happy to see you. Na-receive mo ba ang message ko? May reunion tayo, sagot ko lahat.”

Hindi nawala ang pilit na ngiti sa kanyang mga labi. “Ahm, I’ll think about it and I’ll let you know.”

“Okay,” maarteng sagot ni Josephine saka inihilig ang ulo sa balikat ng lalaking kasama nito. “By the way, this is James. My boyfriend.”

Nginitian ni Jan Irish ang lalaki na kung makatingin sa kanya ay parang hinuhubaran siya. “Hi. Nice to meet you.”

“It’s a pleasure to meet you,” sagot ni James.

Nakipagkamay siya sa lalaki at naramdamang pinisil nito ang kanyang kamay. Pasimple niyang tinarayan si James saka binawi ang kamay niya.

“How about you, Jan Irish, my boyfriend ka na ba?” usisa ni Josephine sa kanya. “Last time I checked, wala, `di ba?” Parang nang-iinsulto ang tono ng pananalita nito.

Irritation filled her. How dare this bitch!

Bumaling siya sa kanyang tabi, nag-e-expect na makita si Tegan pero wala roon ang lalaki. Nang hanapin niya ito, nakita ni Jan Irish na naglalakad ito palayo sa kanya.

Parang may kumurot sa puso niya habang nakatingin sa papalayong bulto ni Tegan. It only meant one thing. He didn’t want to be seen with her. Bakit ang kitid at babaw ng pag-iisip nito?! Nagtatagis ang mga bagang na ibinalik niya ang atensiyon kay Josephine.

“Wala akong boyfriend,” sabi niya.

Halatang nasiyahan si Josephine sa kanyang sinabi dahil napangisi ang babae.

“`Di ba, may kasama kang lalaki kanina nang makita kita?” usisa ni Josephine. “Akala ko boyfriend mo, bagay pa naman kayo.” Maarte itong tumawa. “Kahit pala pangit namimili ng babae. Just like when we were in high school and in college, wala pa ring pumapatol sa `yo.”

Taas-noo niyang sinalubong ang tingin ni Josephine saka malamig na ngumiti. “Wala akong boyfriend dahil hindi naman ako lumalandi kaagad sa kahit na sinong lalaki na nagpapakita ng interest sa `kin. Hindi kasi ako katulad mo, Josephine.” She then leaned on and whispered on Josephine’s ear. “And I think your boyfriend wants me. Just like how your boyfriends in high school wanted me more than you.”

Nanlisik ang mga mata ni Josephine na tinarayan siya saka nagmamartsang umalis sa boutique kasama ang boyfriend nitong nilingon pa siya at kinindatan.

Nagtatagis naman ang mga ngipin na hinanap niya si Tegan. Umakyat na yata ang dugo niya sa ulo dahil galit na galit na siya. Gusto niyang pagtatadyakan at pagsusuntukin ang lalaki.

Argh!

Nasaan ba ang pesteng lalaking iyon?!

Sasabog na si Jan Irish sa galit nang makita si Tegan na nakatayo sa harap ng men’s department ng boutique at namimili ng polo.

Malakas niyang hinampas ang likod nito. Mabuti na lang at walang malapit na saleslady para makita ang ginawa niya at marinig ang kanyang mga sasabihin.

“What the fuck?!” Magkasalubong ang kilay na humarap si Tegan, pero nang makita ng lalaki na siya ang nasa likuran nito, nawala ang pagkakakunot ng noo nito at napalitan ng pagtataka. “Bakit ka nanghahampas?”

Nagtagis ang mga bagang ni Jan Irish. “Nagtatanong ka pa. Iniwan mo ako do’n!” She hissed at him. “Pinagmukha mo akong tanga sa harap ng letseng babaeng `yon!”

Gumuhit ang pagtataka sa mukha ng lalaki. “Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Bigla mo na lang akong iniwan. Akala ni Josephine, boyfriend kita pero bigla mo na lang akong iniwan. Alam mo bang kung ano’ng pinagsasasabi niya sa `kin?”

Bigla nawalan ng emosyon ang mukha nito. “Hindi mo naman ako boyfriend.” Tumiim ang mga bagang nito. “And didn’t you realize that maybe I left you there para isalba ka sa sobra pang kahihiyan. Sa tingin mo, hindi ka niya ipapahiya kapag nakita niya tayong magkasama?”

Mapait siyang ngumiti at umiling-iling. “Didn’t you realize, that maybe, I don’t give a shit about what other thinks? Eh, ano naman ngayon kung pagtawanan nila ako, eh, masaya naman akong kasama ka. Gago!”

Nagmamartsa siyang umalis palabas ng boutique at nagmamadaling lumabas ng mall. So much for enjoying the day.

Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa bahay niya. Ang nakakabaliw. Ang address ng bahay ni Tegan ang naibigay niya.

BAGSAK ang mga balikat ni Tegan nang makauwi sa bahay niya. Um-absent pa talaga siya sa opisina para lang mayaya niyang mamasyal si Jan Irish.

But looked where it got him? Fucking failure.

Iniwan lang naman niya kanina ang babae dahil ayaw niyang mapahiya ito nang dahil sa kanya. He didn’t want that for her. Sa hitsura niya, siguradong pagtatawanan ito dahil kasama siya. Ayaw niyang maging dahilan para mapahiya ito.

Siguradong hindi na ito babalik sa bahay niya. Fucking failure! Fucking annoying! And he was a fucking asshole and worthless! Tama lang na hindi na ito magpakita sa kanya.

Fuck. Shit.

Padabog na itinulak ni Tegan nang pabukas ang pinto ng kotse saka naglakad papasok ng bahay. Sinalubong naman siya kaagad ni `Tay Berto.

“Sir Tegan,” puno ng pag-aalala ang boses nito. “Mabuti at narito na kayo. Si Miss Jan Irish kasi, parang nagdadabog na pumasok kanina. Ni hindi ako pinansin nang subukan kong magtanong kung ano’ng nangyari.”

Nanlaki ang kanyang mga mata. “Narito siya?”

Tumango ito. “Oo. Kapapasok lang niya kani-kanina lang.”

Shit. Malalaki ang hakbang na nilampasan niya si `Tay Berto at nagmamadaling nagpunta sa kuwarto ni Jan Irish. Malakas ang bawat katok na kanyang pinapakawalan.

Nag-e-expect na siya na hindi nito bubuksan ang pinto kaya laking gulat niya nang bumukas iyon at humarap sa kanya si Jan Irish. Walang emosyon ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.

“Ano’ng kailangan mo?” Her voice was icy. So cold. No emotion.

Ano nga ba ang kailangan niya?

Tumaas ang isang kilay nito. “Ano nga ang kailangan mo?” mataray nitong tanong.

Tegan looked deep into Jan Irish’s eyes. “Ito ang kailangan ko.” Pagkasabi niyon ay sinakop niya ng mainit na halik ang mga labi ng babae.

Fuck, yeah. This was what he wanted. This was what he needed.