Chapter Seventeen
PABAGSAK na umupo si Jan Irish sa kanyang upuan saka malakas na napabuntong-hininga. Hindi na siya nagtaka nang makitang papalapit sa kanya ang iba niyang katrabaho.
“Congratulation, Jan,” nakangiting bati ni Janice. “May naka-interview din sa wakas kay Mister Galvante.”
Tipid siyang ngumiti. “Oo nga, eh.”
“Ang galing mo talaga sa tsismisan, Jan,” sabad naman ni Nena.
Ngumiti siya nang tipid kay Nena. “That’s what I’m good at.”
“Totoo bang pumatol ka sa isang may asawang lalaki?” biglang tanong ni Kei.
Nanigas si Jan Irish sa kinauupuan at marahan siyang tumingin kay Kei. “Nabasa mo ba ang article na inilabas ng nasabing diyaryo para linisin ang pangalan ko?”
Tumango si Kei.
Jan Irish smiled coolly. “Ganoon na talaga ang mga tao ngayon, mahilig manira ng kapwa.”
Nagkibit-balikat si Kei. “`Buti nga binawi nila ang article na una nilang inilabas. Kung hindi, siguradong ikaw ang laman ng tsismis ngayon.”
Ngumiti lang siya saka inayos ang mesa na medyo makalat. Nakaramdam siguro ang tatlo na ayaw na niyang makipag-usap kaya nagpaalam na ang mga ito.
“Miss Vallega,” tawag ng editor in chief nila.
Mabilis siyang tumayo at humarap dito. “Yes, Ma’am?”
“Nabasa ko na kagabi ang article na pinasa mo tungkol kay Mister Galvante.” Ngumiti ito. “Nagustuhan ko ang article. Ipa-publish iyon sa susunod na buwan.”
Tumango siya habang nakangiti. “Salamat po.”
Tumango ang editor in chief. “Good job.”
Nang makaalis ang boss niya, nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Jan Irish saka mariing ipinikit ang mga mata. Biglang pumasok sa isip niya si Tegan.
Ano kaya ang ginagawa nito ngayon? Iniisip din ba siya ng lalaki? Did he really love her like he said in his letter for her? Would he read the article that she wrote?
Malalim uli siyang napabuntong-hininga saka dumilat. Kinagat niya ang ibabang labi saka umupo ulit. Napaigtad siya nang marinig na nag-ingay ang kanyang cell phone. Sinagot niya iyon kaagad nang makitang ang kanyang ama ang tumatawag.
“Papa, napatawag ka.”
“Anak, nag-usap na tayo. Ngayong araw ang simula ng training mo para sa pag-take over ng business natin.”
Napabuga siya ng marahas na hininga. “I know, Papa. Gagawa pa ako ng resignation. Mamayang hapon pa ako makakapunta diyan sa opisina.”
“O, sige.” His dad sighed. “Hihintayin kita sa office ko.”
“Opo.”
Nang mawala ang ama sa kabilang linya, nagpakawala siya ng malalim at malakas na buntong-hininga.
Kagabi, one on one silang nag-usap ng kanyang ama. Gusto nitong i-take over na niya ang kompanya nila dahil matanda na raw ito at hindi na nito kaya. Nakonsiyensiya naman siya at pumayag sa gusto nito. Pinagbigyan na siya ng pagkakataon ng mga magulang na gawin ang lahat ng gusto niya. Kaya tama lang na gawin na niya ang gusto ng kanyang mga magulang.
It was just a give-and-take process.
Binuksan ni Jan Irish ang laptop na dala saka nag-umpisang mag-type sa Microsoft Word ng resignation letter na ipapasa niya sa editor in chief niya.
“SIR, PLEASE, refrain from moving. Your face is in the process of healing,” sabi ng nurse kay Tegan habang binubuklat niya ang magazine na ipinadala sa kanya ni Nykyrel mula sa Pilipinas.
“Sorry—”
“Don’t speak, Sir.” Galit na ang boses ng nurse na naglalagay ng bondage sa mukha niya, maliban sa kanyang mga mata. “Do not move—”
“My life and happiness depend on the magazine on my hand. I got to read this,” inis niyang sagot.
Iningusan lang siya ng nurse saka tinapos ang pagbebenda sa kanyang mukha. Binuklat niya ang magazine at binasa ang article na sinulat ni Jan Irish Vallega.
Tegan took a deep breath before he read the article.
‘UGLY’.
Napangiti siya sa title na ginamit ni Jan Irish. Siya talaga iyon. Isang lalaking nasira ang mukha at naging pangit. And it was his biggest insecurity.
Bumaba ang mga mata ni Tegan sa article at inumpisahan iyong basahin.
Don’t deny it. Don’t lie to yourself. We all know that once in our life, we judge a person based on his physical appearance. That’s human nature. That’s us. But what we don’t realize is, we are the cause of their deep scars that even time can’t heal.
We tell jokes about how bad they look, we laugh and they would just laugh with us, pretending to be okay, pretending that the joke didn’t stab them right on the heart. We think that it’s okay to joke around with people who are ugly because they always smile with every joke we make. But what we don’t know is that they are hurting inside, their heart is bleeding and pleading and shouting to society to stop. Don’t be fooled by their small smiles, calm faces or serious fa ç ade, those emotions hide deep wounds that we have caused.
We may not see it, but these people crave to be accepted by society. They crave to be normal, to be loved and to be welcomed with open arms. But instead, we welcome them with painful jokes and taunting laughter.
I know all these because I met a man named Tegan Galvante. A man with money, power and connection. A man that we love to gossip around because of his ugly face. A man with scars that runs too deep. Call it anything you want, but I had the privilege of knowing the man behind his ugly scars.
And I want to share with you all my interviews with him. The interviews that changed both of our perspectives, our understanding, our beliefs and our lives.
Tatlong katanungan lang ang naroon sa interview na sinabi ni Jan Irish pero hitik na hitik naman sa sagot at impormasyon tungkol sa kanya. Walang binura, walang binago at walang itinago. Isiniwalat nito lahat ang tungkol sa kanya.
He should be angry at her for letting the public know his deepest secret, but apparently, he was not feeling the anger. He actually felt free from his past. And that was thanks to Jan Irish Vallega, the love and light of his life.
“You’re done now?” Halata ang iritasyong sa boses ng nurse. “I have to check some parts of your face.”
“Yes. I’m done.”