noveltoon logo noveltoon
Darkest Touch (Dark Boss Series Book 1)

Chapter 4

Ch. 5 / 22 Feb 05, 2022

Chapter Four

NASAPO ni Tegan ang ulo nang magising siyang parang pinupukpok ng martilyo ang ulo niya. Shit! He felt so bad, he wanted to punch someone. He groaned as he pushed himself up.

Nang makaupo siya sa kama, hinilot niya ang sentido at pinilit na makabangon sa kama kahit pa nga umiikot ang kanyang paningin. This was what happened when he consumed too much alcohol. Good fucking heavens!

Dumeretso siya sa banyo at naligo, pagkatapos ay nagbihis at lumabas ng kanyang kuwarto.

Masakit pa rin ang ulo niya habang naglalakad papunta ng kusina. “`Tay Berto?” malakas na tawag niya nang makapasok sa kusina. “Puwede mo ba akong ipagtimpla ng kape—” Napatigil siya sa pagsasalita nang makita si Jan Irish. Kumunot ang noo niya. “Ano’ng ginagawa mo rito?”

“Katulong mo ng isang linggo,” sagot ng babae. Nakita niyang may inilagay ito sa maliit na bowl at inilapag sa mesa saka tumingin sa kanya. “It’s chicken soup. Makakatulong `to sa hangover mo.” Tinanggal nito ang apron na suot at ibinalik sa sabitan niyon at inayos ang medyo gusot na damit. “Sige, uuwi na ako sa bahay. May kailangan pa akong gawin, eh.”

Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan hanggang sa mawala sa harap niya si Jan Irish. Mayamaya ay bumaba ang tingin niya sa chicken soup na nasa mesa. It smelled delicious but he was stunned. Pinagluto siya ng babae? Pero bakit? Tamang-tama namang pumasok si `Tay Berto sa kusina.

“`Tay Berto.”

Kaagad na umaliwalas ang mukha ng matandang lalaki. “Sir Tegan, kumusta ho? Sana nabawasan ang hangover n’yo.” Bumaba ang tingin nito sa soup na nasa mesa at bumalik ang tingin sa kanya. “Pinapasabi pala ni Miss Jan Irish na kumain ka raw at huwag matigas ang ulo.”

Umingos siya para itago ang gulat at pagtatakang nararamdaman. “Bakit ko naman siya susundin?”

“Kasi siya lang naman ang nag-alaga sa `yo nang mawalan ka ng malay sa sobrang kalasingan.” Sumeryoso ang ekspresyon sa mukha nito. “Inalagaan ka niya, Sir, kaya makinig ka sa kanya.”

Napakunot-noo siya. Mababakas ang pagkalito sa kanyang mukha. “Anong klaseng pag-aalaga?”

“Binuhat ka namin papunta sa kuwarto mo. Siya ang nagpunas sa katawan mo pagkatapos ka naming maihiga sa kama mo.”

Holy shit! Namilog ang mga mata ni Tegan at bahagyang namutla ang mukha dahil sa kaba. “N-nakita ba niya ang mga pilat ko sa katawan?” he asked, slightly panicking.

Umiling naman si `Tay Berto. Nakahinga siya nang maluwag. Thanks heavens.

“Pero tinawag mo siyang Stella dahil sa sobrang kalasingan,” sabi ni `Tay Berto.

Tegan facepalmed. “Shit.”

Ngumiti si `Tay Berto at iminuwestra ang kamay sa soup. “Kumain ka na, Sir Tegan. Si Miss Jan Irish mismo ang nagluto niyan para sa inyo.”

Napatango na lang siya. Umalis si `Tay Berto sa kusina. Napatitig siya sa chicken soup.

Iniluto iyon ni Jan Irish? At inalagaan siya ng babae habang lasing siya? Why did his heart feel like it was beating so darn fast like a raging bullet?

Napakagat-labi si Jan Irish nang makabalik siya sa simple niyang tahanan. Nadatnan kasi niya ang kanyang ina na naghihintay sa kanya sa labas ng pinto.

“`Ma!” gulat niyang sabi saka hinalikan ito sa pisngi bilang pagbati. “Kumusta ho? Ano hong ginagawa n’yo rito?” Nakakagulat na makita ang kanyang ina sa isang lugar na alam niyang hindi nito nakasanayang puntahan. “May kailangan kayo sa `kin?”

May inabot itong sobre sa kanya. “Gusto kong pumunta ka. Kapag hindi ka nakarating, magtatampo ako sa `yo at ang papa mo.”

Natigilan si Jan Irish. Mayamaya ay binuksan niya ang sobre. Lihim siyang napamura nang makitang imbitasyon iyon para sa nalalapit na birthday ng kanyang ina. Masquerade ang tema ng party.

Ibinalik niya sa loob ng sobre ang imbitasyon saka nginitian ang ina. “Sige, `Ma. Dadalo ako.”

Ngumiti sa wakas ang kanyang mama. “Thank you, Irish.” Hinalikan siya ng ina sa noo. “Sige, aalis na ako. Mag-iingat ka palagi, ha? At kung may kailangan ka, huwag kang mag-aalangang bisitahin kami, ha? You know that your papa is just waiting for you to return home.”

Nanatili siyang nakangiti. “I’ll stay here for a while.”

Her mother tapped her cheek, smiled, bid her good-bye, and then left.

Nakahinga siya nang maluwag nang mawala sa paningin niya ang Limousine na sasakyan ng kanyang ina.

Mabilis siyang pumasok sa apartment niya at naglagay ng ilang pares ng damit sa backpack. Kanina, nang mapagdesisyunan niyang umuwi, napagdesisyunan din niyang manatili na lang muna sa bahay ni Tegan Galvante. Kukuha lang siya ng mga damit na isusuot habang naroon sa bahay nito.

Tegan Galvante made her a curious little cat. Gusto niyang malaman ang lahat ng tungkol sa lalaki. Kung sino at ano si Stella sa buhay nito. Kung ano ang nasa likod na kuwento ng mga pilat nito sa katawan. Kailangan niyang malaman ang lahat tungkol sa lalaki. At iyon na ang pagkakataon niya. She finally had the chance to know everything. This was an opportunity she won’t miss.

Nang mailagay lahat ng kailangan sa backpack ay kaagad siyang lumabas ng apartment habang dala-dala si Mittens. Mayamaya ay kumatok siya sa katabing apartment at kaagad naman iyong bumukas.

“Hi, Ursula,” magiliw niyang bati. “Puwede ko bang maiwan si Mittens sa `yo ng ilang araw?” Ursula is a cat lover, kaya naman kampante siyang iwan si Mittens sa pangangalaga nito.

Magiliw na ngumiti si Ursula. “Sige.” Kinuha nito si Mitten sa braso niya saka hinaplos ang ulo. “Aalagaan ko siya.”

“Maraming salamat, Ursula,” sabi niyang nakangiti. “Patingin-tingin din sa garahe ko. Iniwan ko lang kasi doon ang sasakyan ko.”

“Sige. Okay lang. Narito lang naman ako sa bahay.”

“Thanks.”

Nagmamadali siyang umalis at pumara ng taxi saka nagpahatid sa bahay ni Tegan Galvante.

Time to work for a living.

UMAKTONG walang narinig si Tegan nang bumukas ang pinto ng bahay. Alam niyang si Jan Irish ang dumating. Naamoy kasi niya kaagad ang pamilyar nitong pabango.

“Miss Jan Irish, natutuwa ako at nakabalik ka na.” Boses iyon ni `Tay Berto.

“Ako rin ho.” Napakagiliw ng boses nito. “Matutulungan ko na ho kayo rito sa bahay. Siyanga pala, Mang Berto, ang ganda ng hardin n’yo. Puwede ba akong tumulong minsan?”

“Ikagagalak ko `yon, hija,” masayang sagot ni `Tay Berto.

Hindi napigilan ni Tegan ang sarili, nag-angat siya ng tingin at nagtama ang mga mata nila ni Jan Irish. Hindi niya alam na nakatingin pala ito sa kanya. Kaagad itong nag-iwas ng tingin, siya naman ay lihim na napangiti.

So, she’s looking at me? Why? Wala namang magandang tanawin sa mukha niya.

“Miss Jan Irish, samahan ko na ho kayo sa maid’s quarter—”

“No need,” putol ni Tegan sa ibang sasabihin ni `Tay Berto. Parang hindi niya kayang patulugin doon ang babae. “Ako na ang maghahatid sa kanya.”

Imagination lang ba iyon ni Tegan o talagang nakita niyang ngumiti nang tipid si `Tay Berto? Oh, well...

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa pang-isahang sofa saka matiim na tinitigan si Jan Irish na nakatingin sa ibang direksiyon.

“Come on,” sabi niya. “I’ll show you to your room.”

Nakita niyang tumango si Jan Irish kaya naman nauna na siyang naglakad at sumunod ito sa kanya.

Pinili ni Tegan ang kuwarto na katabi ng kuwarto niya para doon muna pansamantalang manatili si Jan Irish. Sinabi niya rito noong una na walang ibang kuwarto sa bahay na iyon maliban sa kuwarto niya pero nagsinungaling siya. For some reason, gusto niyanng sa kama niya matulog ang babae.

Tegan opened the door. “Dito ka matutulog.”

Sumilip ito sa loob ng kuwarto saka tumingin sa kaniya. “Akala ko walang ibang kuwarto ang bahay na `to maliban sa kuwarto mo?”

Ilang segundo siyang napipilan. “I lied.”

She frowned. “Why?”

“Just because.”

Tumaas ang kilay nito pero hindi na nagpumulit pang malaman kung bakit nagsinungaling siya. “Sigurado ka ba na dito ako sa kuwarto na `to? Akala ko ba maid mo ako sa loob ng isang linggo?”

Tumaas ang sulok ng labi niya nang marinig ang salitang “maid”. If only this woman knew what he was thinking when he made that “maid” deal with her.

“Sigurado ako.” Humakbang siya paatras. “Go ahead. Pumasok ka na, `tapos ipagluto mo ako ng lunch. May ibang ginagawa si `Tay Berto, eh.”

Tumango si Jan Irish saka pumasok sa loob ng kuwarto. Naglalakad siya pabalik sa sala nang isara nito ang pinto ng kuwarto.

“Aasa na ba akong naka-move on ka na, Sir Tegan?” sabi ng boses ni `Tay Berto na gumulat sa kanya nang makabalik siya sa sala.

Humarap siya sa pinanggalingan ng boses saka nagkibit-balikat.

Ngumiti si `Tay Berto. “Isang linggo lang bang mananatili rito si Miss Jan Irish?”

Doon siya napangiti sa tanong na iyon. “Tingnan natin.”

Mahinang natawa ang kausap. “Sana ma-extend pa, Sir.”

Mahina siyang natawa saka umupo sa pang-isahang sofa. Kanina pa gumagana ang isip niya kung paano mapapanatili nang matagal ang dalaga sa bahay niya.

PINALIBOT ni Jan Irish ang paningin sa kabuuan ng kuwarto na pansamantala niyang tutulugan habang naroon siya sa bahay ni Tegan.

Itinabi niya ang backpack saka naupo sa gilid ng kama. “Haaayyy…” Pabagsak niyang inihiga ang katawan sa malambot na kama. “Mukhang balak akong alilain ng lalaking `yon kasi sa magandang kuwarto ako pinapatulog.” Napasimangot siya. “Mukhang babawi ang loko sa pamamagitan ng kuwarto na `to. Hmp.”

Bumangon siya saka lumabas ng kuwarto. Nakasalubong niya si Mang Berto sa hagdan habang pababa siya at paakyat naman ito.

“Mang Berto, ano ho bang paboritong pagkain ni Sir Tegan?” tanong niya sa matanda. “Pinapaluto kasi niya ako ng hapunan.”

Umaktong nag-isip ang matanda. “Hmm…” Nag-isang linya ang kilay nito habang nag-iisip. “Wala namang paborito si Sir Tegan, pero masasabi kong marami ang nakakain niya kapag nagluluto ako ng sinigang na baboy.”

Napangiti siya. “Piece of cake.” Bigla siyang na-excite. “Alam ko kung paano magluto ng sinigang na baboy.”

Tumawa ang matanda. “Sige, aabangan ko ang ulam natin mamayang hapunan.”

Malapad na ngumiti si Jan Irish saka excited na nagpunta sa kusina. Noong nasa high school siya, palagi niyang kinukulit ang kusinera nila na turuan siyang magluto. Nakulitan siguro ito sa kanya kaya tinuruan siya pero nang malaman ng kanyang mama, pinatigil ang kusinera nilang turuan siya. But that didn’t stop her. She was determined to learn and she did. Isa iyong napakagandang achievement sa buhay niya.

Bago inihanda ni Jan Irish ang ingredients, hinanap muna niya ang pressure cooker para mas malambot ang karne kung iyon ang paglulutuan niya. Pagkatapos ay inumpisahan na niyang magluto.

Pagkalipas ng isang oras sa kusina, luto na ang ulam. Naamoy na niyang masarap ang kanyang pagkakaluto. Thanks God. Hindi man niya aminin sa sarili, pero gusto niyang ma-impress si Tegan Galvante. At alam niyang hindi kasama ang magpa-impress sa kanyang trabaho.

Good God. Bakit ba kasi nagustuhan niya ang lalaki? Hayun tuloy, nagpapa-impress siya ngayon. Letse itong atraksiyon na nararamdaman niya para kay Tegan.

Huminga nang malalim si Jan Irish saka naghain sa hapag-kainan. Pagkatapos ay hinanap niya si Tegan para sabihing handa na ang hapunan. Natagpuan niya ang lalaki sa likod bahay, nakaupo ito sa isang swing, pero hindi gumagalaw.

Tumikhim siya para kunin ang atensiyon nito. Kaagad namang lumingon sa kanya ang lalaki.

“Nakahanda na ang hapunan,” sabi niya sa pormal na boses. Nakatutok ang kanyang mga mata sa braso nitong walang parte na walang sunog na pilat.

Mukhang napansin iyon ni Tegan dahil kaagad nitong ibinalik mula sa pagkakatupi ang sweat shirt na suot nito para itago ang braso.

“Sige, susunod ako.”

Tumango siya at akmang hahakbang na paalis nang marinig niyang nagsalita ito.

“On second thought,” he said, “stay.”

Bumaling siya sa lalaki. “Ha?”

Iminuwestra ni Tegan ang kamay sa isa pang bakanteng swing na katabi nito. “Sit.”

Hindi na niya kailangan pang pilitin pa. Ang katawan na niya ang sumang-ayon para mas mapalapit pa sa lalaki. Umupo si Jan Irish sa swing saka pilit na itinikom ang bibig kahit pa nga ang dami niyang tanong.

“Sabi ni `Tay Berto,” basag ni Tegan sa katahimikan. “Ikaw raw ang nag-alaga sa `kin kanina nang malasing ako.” Bumaling ito sa kanya. “Pinunasan mo raw ang katawan ko.” Tumikhim ito. “Anyway, n-nakita mo ba ang mga pilat ko? They’re disgusting to look at so i have to apologize. Sa susunod, huwag mo nang gagawin `yon, ha? Hindi naman parte ng trabaho mo na makita ang nakakadiri kong balat.”

There he was again, dragging himself down. Siguro, sanay na talaga si Tegan na palaging issue sa mga taong nakakasalamuha nito ang balat na puno ng pilat at nandidiri ang mga taong iyon. Good God.

“Nag-alala ako sa `yo kanina,” sagot niya saka tumayo mula sa pagkakaupo sa swing. “But you don’t have to worry about anything, your skin and scars don’t disgust me. They amaze me, actually. Because i know that behind those ugly-looking scars lay a very painful memory. Still, you manage to survive and keep living. That’s what amazes me.” Pagkasabi niyon ay nauna na siyang naglakad pabalik sa kusina.

TEGAN often wondered why Stella left him. And he was sure as hell that it was about his ugly scars and disgusting skin. And then here came a woman who never got disgusted of how ugly he was.

She was even amazed by his scars. Dapat ba niya iyong paniwalaan? O iyon lang ang paraan nito para mas makakuha pa ito ng maraming impormasyon tungkol sa kanya?

She might be planning to charm his heart without him knowing it. Pero plano man nito o hindi na patibukin nang mabilis ang puso niya, sa tingin niya magtatagumpay ito.

His heart had been mowed and ground ever since he got the scars. Sobra-sobrang sakit na ang naramdaman ng puso niya. His heart was vulnerable yet cold. Someone just had to know where to hit the right spot. And it looked like Jan Irish did.

Napailing-iling na lang siya sa tumatakbo sa kanyang isip. Holy hell. His life really was a living nightmare. And his heart was now in danger of falling into an unknown territory.