Chapter Fifteen
SA BABA nakatuon ang mga mata ni Jan Irish habang walang tigil siyang pinapagalitan ng kanyang mga magulang. Hindi siya umimik, hindi siya sumagot at hindi niya pinagtanggol ang sarili. Kasalanan naman talaga niya. Nagmahal siya ng lalaking may asawa na pala.
“Sino ang lalaking `to, ha? Sabihin mo sa `min, Irish!” Galit na ang kanyang mama. “Bakit ba ayaw mong sabihin sa `min?”
“Pinoprotektahan mo ang lalaking `yon, `no?” sabad ng kanyang ama. “Pinoprotektahan mo ang walang kuwentang tao!”
Nanatili siyang tahimik.
“Sagutin mo kami, Jan Irish.” Nanggigigil na sa galit ang kanyang ama. “Sino ang lalaking kasama mo kagabi?!”
Nanatili siyang hindi umiimik.
Bumuga ng malakas na buntong-hininga ang kanyang ama. “You are disgracing our family’s name, Jan Irish. Ni minsan, hindi ko inasahan ito na magagawa mo. Matalino kang babae. How could you do this?”
“Irish, anak,” mahinahon na ang boses ng kanyang ina. “Sabihin mo na lang sa `min kung sino siya. Para naman makagawa kami ng aksiyon para protektahan ang pamilya natin.”
Huminga siya nang malalim saka tumingin sa kanyang mga magulang. “I’m sorry for what I did. I really am. Alam kong mali ang mahalin ko ang isang lalaking may asawa na, pero mahal ko talaga siya. I don’t want to be a mistress, Mama, pero iba ang sitwasyon namin at hindi n’yo `yon maiintindihan. All you care about is our family background and how the socialite sees us. You see, wala akong pakialam sa kanila. Ang lalaking `yon na tinatawag n’yong walang kuwenta, mahal ko `yon at napakarami na nang sakit ang pinagdaanan niya. And that’s what makes him worth it in my eyes.
“I don’t care what other people think, I only care about what you think, kaya nga ako umuwi. Pero kung alam ko lang na tatawagin n’yong walang kuwenta ang lalaking mahal ko, hindi na lang sana ako umuwi rito.”
Napailing-iling ang kanyang ama habang sapo ang sentido. “Anak naman, may asawa `yong tao, pinatulan mo pa? Hindi ka naman siguro mawawalan ng lalaki sa mundo. Nandiyan si Daniel na gustong-gusto ka at hiningi ang kamay mo sa `kin.”
Tumalim ang mga mata niya habang nakatingin sa kanyang ama. “Please tell me you didn’t give my hand to that man—”
“Anak, para din naman `to sa ikabubuti mo—”
“Ikabubuti ko o ng negosyo mo?” Tumaas na ang boses niya habang nangingilid ang luha sa mga mata. “How could you do this to me, `Pa?”
“Jan Irish, this is for your own good. Kapag nakasal ka na kay Daniel, magiging maayos na ang lahat—”
“Gusto n’yo akong magpakasal sa taong hindi ko mahal?” Tumayo siya at matalim ang mga matang pinagpalit-palit ang tingin sa kanyang mga magulang. “Hindi n’yo ako mapipilit na magpakasal, itaga n’yo `yan sa bato. Mamamatay muna ako bago n’yo ako ipakasal sa Daniel na `yon!”
Nagmamartsa siyang umalis sa sala at humihikbing tumakbo papunta sa dati niyang kuwarto. Habang tumutulo ang luha sa pisngi, panay ang dasal niyang sana ay matapos na ang issue na iyon. Gusto na niyang makita si Tegan.
“THESE pictures can be used to annul your marriage with Stella,” sabi ng Attorney ni Tegan na si Atty. Evren Yilmaz. “Puwedeng-puwede natin itong gamitin sa korte para maging grounds ng annulment n’yo.”
Those picture of Stella kissing and groping another man had always brought him pain. Ni sa hinagap ay hindi naisip ni Tegan na magagamit niya iyon para ipa-annul ang kasal nila.
“Salamat naman at magagamit pala natin `to.” Malungkot ang ngiti niya. “My heart and my ego always bleed everytime i look at these photos. Masakit na makitang may kahalikang iba ang asawa mo. Tanggap ko na hindi na siya babalik sa `kin at hindi na ako makakahanap ng kapalit niya sa buhay ko kaya hindi ko naisip o hindi ako nagka-interest na ipa-annul ang kasal namin. Pero nagbago `yon nang makilala ko si Jan Irish.”
Tipid na ngumiti si Atty. Yilmaz na nasa late fifties na ang edad. Isa ito sa mga taong hindi nandidiri sa kanyang hitsura.
“I can pull some strings para mapabilis ang pagproseso ng annulment.”
Tumango siya. “I would highly appreciate that.” Nakahinga siya nang maluwang. “Mabibigyan mo ba ako ng eksaktong oras o petsa kung kailan maaaprubahan ang annulment ng kasal namin ni Stella?”
Tumaas ang sulok ng labi nito. “Give me three months. `Yan na ang pinakamabilis na proseso na magagawa ko.”
Kumunot ang noo ni Tegan. “Hindi ba kakailanganin diyan ang pirma ni Stella?”
“Kailangan nga natin para mapadali ang proseso, pero huwag mo nang isiping `yon. Ako na ang bahala do’n. Ako ang kakausap sa kanya. Just wait and I’ll call you with updates.”
Nakahinga nang maluwag si Tegan. “Thanks, Attorney.”
“Don’t mention it, Mister Galvante.” Tumango ito saka tumayo mula sa pagkakaupo sa pang-isahang sofa sa sala ng bahay niya. “Sige, maiwan na kita. Aasikasuhin ko na `to.”
“Sige. Maraming salamat.”
Nagkamay silang dalawa bago ito lumabas sa bahay niya.
Akmang pupunta siya sa kanyang kuwarto nang bumukas ang pinto ng bahay at pumasok doon si Stella na may malapad na ngiti sa mga labi.
“Hey, hubby,” she chirped.
“Hi,” pormal niyang balik bati dito saka humarap kay Stella habang nakapamulsa. “Siyanga pala, pakiempake ng mga gamit mo na nasa isa sa mga kuwarto ng bahay ko.”
“At bakit?” Nakataas ang isang kilay nito, halatang galit.
“Kasi pinapalayas na kita sa bahay ko.”
Bigla itong namutla. “A-ano?”
“You heard me, pinapalayas na kita.” Walang emosyon ang mukha niya. “I’ll send you to a very famous and expensive hotel. No worries.” He smiled coldly. “Babayaran ko naman ang stay mo roon sa loob ng isang linggo. And i suggest na sa loob ng isang linggo na `yon ay maghanap ka ng trabaho o kaya naman ay maghanap ka ng ibang lalaking mauuto mo at gagawin mong bangko. Because I’m done with you, Stella.”
“No! You can’t do this to me!” galit nitong sigaw sa kanya.
“Actually…” He smirked at her. “ i can.”
Nanggagalaiti sa galit si Stella habang nagpapadyak ang paa sa sobrang frustration.
“You monster! Hindi mo sa `kin puwedeng gawin `to!” galit nitong sigaw sa kanya. “Demonyo ka! Halimaw ka! Asawa mo ako, hindi mo ako puwedeng palayasin!”
“Watch me.” Tinalikuran niya ang babae at lihim siyang nagpasalamat nang makita si `Tay Berto na papasalubong sa kanya. “`Tay Berto, siguruhin n’yong bago maghapunan nakaalis na si Stella sa pamamahay ko.” Malamig siyang ngumiti. “Dalhin mo siya sa Zapanta’s Hotel at bayaran mo ang pang-isang linggong stay niya roon, `tapos iwan mo na siya.”
“No! You can’t do that to me!” sigaw ni Stella.
Hindi niya pinansin si Stella saka umakyat sa hagdan papunta sa second floor ng bahay niya.
Sana naman sa mga ginawa niya, maging sapat na iyon para unti-unting umayos ang buhay niya.
“PINAGMAMALAKI mo sa amin na isa siyang disenteng tao at pupuntahan ka niya rito sa bahay, pero tatlong araw na ang nakakaraan, wala pa rin.” Parang nang-iinis ang boses ng kanyang ama. “Sino ba ang lalaking `yon, ha?”
Nanatili siyang tahimik at itinuon lahat ng atensiyon sa agahan niya.
“Jan Irish, sagutin mo na ang tanong namin.” Parang nawawala na nang lakas ang ina niyang pilitin siya.
“Kapag hindi mo sa `min sinabi, mapipilitan kaming ipakasal ka kay Daniel—”
“Hindi n’yo ako matatakot sa ganyan. Hindi ako magpapakasal kay Daniel,” inis na bigla niyang sabi at umalis sa hapag-kainan.
Walang destinasyon siyang naglakad hanggang sa mapansin niyang nasa greenhouse siya ng kanyang ina. Naupo siya sa bench na nasa gilid saka niyakap ang sarili.
It had been three days. Hindi lang ang ama niya ang naiinip, pati rin siya. Nangako si Tegan na magpapakita ito sa kanya kapag naayos na nito ang lahat. Nasaan na ang lalaki? Ganoon ba katagal bago nito maayos ang lahat ng dapat ayusin?
Naninikip ang kanyang dibdib dahil sa sobrang pagka-miss kay Tegan. Gusto na niyang mayakap at mahalikan ang lalaki. She missed him. She wanted to see him. Pero bantay-sarado siya ng kanyang mga magulang.
Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. “I miss you,” she whispered into the air. “Please, come see me.”
Napahikbi siya habang naglalaro sa isip ang alaala ng masasayang pinagsamahan nila ni Tegan. Walang patid sa pagpatak ang mga luha niya habang ang puso ay nangungulila pa rin para sa lalaki.
Nasaan ka na ba, Tegan? It had been three days already.
“Anak, Jan Irish?” Boses iyon ng kanyang ina. “Narito ka ba?”
Mabilis niyang tinuyo ang mga luha saka tumayo at humarap sa ina. “Yes, `Ma?”
“Your father wants you at the breakfast table.” Sa unang pagkakataon mula nang makauwi siya, may munting ngiti ito sa mga labi.
Nagtataka man at naguguluhan, sumunod siya sa kanyang ina sa breakfast table kung saan naroon ang ama at naghihintay.
“`Pa, ano’ng kailangan n’yo sa `kin?” walang emosyong tanong niya.
Inilapag nito ang diyaryo na binabasa saka may itinurong article doon. “Sinasabi dito sa diyaryo na paninirang puri lang sa `yo ang unang balitang lumabas na pumatol ka sa isang may asawang lalaki. At sinabi din dito na humihingi ng tawad ang kabuuan ng newspaper team dahil nagpagamit sila para siraan ka.” Para itong nakahinga nang maluwag pero may pagdududa pa rin sa mga mata nito. “Kung ayaw mong makasal kay Daniel, ipakilala mo sa `min ang lalaking `to.”
Para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil sa lumabas sa diyaryo. “Kakausapin ko ho siya.”
“Good.” Tinupi ng kanyang ama ang diyaryo at matiim na tumingin sa kanya. “Nalinis ang pangalan mo sa diyaryo at sa ibang tao, pero para sa amin ng mama mo, alam namin ang totoo. Ang boyfriend mo ay kasal na sa iba. And somehow, he has something to do with the newspaper article cleaning your image and taking the blame for it. Kaya gusto namin siyang makausap para alamin kung ano ang plano niya sa `yo.”
Nagbaba siya ng tingin. “Hindi ko pa siya nakakausap mula nang ihatid niya ako rito. Pero nangako naman siyang kakausapin ako pagkatapos ng lahat ng `to.”
“Sige, basta ipakilala mo siya sa `min.”
Tumango siya saka nagpakawala ng malalim na hininga. Talaga bang solve na ang problemang inumpisahan ni Stella?
Sana nga.
PUNO nang poot ang mukha ni Stella habang nakatingin kay Tegan. At hindi maintindihan ni Tegan iyon. Bakit ba ito nagagalit sa kanya na dapat nga siya ang magalit sa babae?
“I’m not gonna sign that,” nagtatagis ang mga bagang na sabi nito. “Hinding-hindi ka makakawala sa `kin. Hinding-hindi ka magiging masaya sa piling ng babaeng `yon! Hindi sapat ang isang daang libong piso para pirmahan ko `yan!”
Umakyat ang dugo niya sa kanyang ulo. “Ganoon ba? Sige, huwag mong pirmahan, i can always pull some strings. May pera ako, i can do it. Ang tanong…” Bahagya pa siyang dumukwang palapit kay Stella. “Ano’ng mangyayari sa `yo?”
Natigilan ito. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
Bumaling siya kay Atty. Yilmaz at tinanguan ito.
Atty. Yilmaz smiled at Stella coldly. “Look at these.” Ipinakita ng abogado ang mga larawan na nasa malaking brown envelop. “These photos are enough to annul your marriage.” Pagkatapos ay may kinuha itong USB sa bulsa. “And a copy of your sex video with Congressman Dela Fuerte three months after my client was burned.” Mas lalong lumapad ang ngiti ni Atty. Yilmaz nang makitang namumutla si Stella. “You see, we have enough grounds to use, pero kapag inilabas namin ito, mapapahiya ka sigurado. And my client wanted a peaceful annulment process. That’s why we’ll give you one hundred thousand to sign the papers.”
Tumaas ang sulok ng labi ni Stella. “Attorney, hindi ako bobo. Siguro nga mapapa-annulled mo ang kasal namin ni Tegan pero bibilang ka ng taon bago mo makuha `yon dahil wala ang pirma ko.” Tumingin si Stella sa kanya. “At hindi magugustuhan ng mga magulang ni Jan Irish na isang lalaking kasal sa iba ang makasama ng nag-iisang nilang anak. And you really think they can accept you?” May panunuya sa boses nito. “You really think they will welcome you in open arms if ever we annulled our marriage?” Nakangising umiling ito. “Hindi, Tegan. Hindi nila matatanggap na ang magiging manugang nila ay mukhang halimaw.
“Yes, Jan Irish accepts you, but they are not Jan Irish, they don’t share the same understanding for you. So huwag kang mag-ilusyon na magiging masaya ka pagkatapos nito.”
Sapol ng mga binitiwang salita ni Stella ang puso at kaluluwa niya na umaasa na magiging masaya siya sa piling ni Jan Irish pagkatapos nito. Hindi niya naisip ang iisipin ng mga magulang ng babae o mga relative at kaibigan.
In that moment, all his hope was crushed into tiny pieces.
“Pipirma ka ba o hindi?” tanong ni Atty. Yilmaz kay Stella na pumukaw sa kanyang diwa.
“Hindi.” She smirked. “I have nothing to lose.”
“Sayang din ang one hundred thousand,” pangungumbinsi rito ni Atty. Ylmaz. “Wala kang pera at malapit nang mag-expire ang pag-stay mo sa hotel na `to.”
Nakita ni Tegan ang pagdadalawang-isip ni Stella. Halata iyon sa mga mata nito. “Ayoko pa rin. One hundred thousand is just too low.” Pinagkrus nito ang mga paa at ngumiti. “Lumayas na kayo rito. Wala kayong mapapala sa `kin.”
Atty. Yilmaz shrugged. “Okay. But I’ll be back before your stay in this hotel expires.”
Sabay silang lumabas ng abogado sa kuwarto ni Stella saka sumakay ng elevator.
“She won’t sign the papers. Ano na’ng gagawin natin ngayon?” Inihilamos niya ang mga kamay sa mukha. “I thought she would. I know Stella. Mukha siyang pera.”
“I suggest you raise the payment. Gawin mong isang milyon. tingnan natin kung hindi pa siya pumirma.”
“Sige. Bumalik tayo ngayon din—”
“No, Mister Galvante. Babalik tayo sa ikapitong araw niya rito sa hotel. Tingnan natin kung hindi pa niya tanggapin ang pera.”
Bumuga siya ng marahas na hangin. “Sana nga tanggapin niya.”
From the hotel, Tegan went straight home. Sumalubong sa kanya ang napakatahimik niyang bahay.
His heart clenched in pain. Alone. Again.
Nagpakawala siya ng marahas na buntong-hininga saka nagpunta sa kanyang kuwarto. Hinubad niya ang polo na suot at napatitig sa mga pilat niya sa braso, sa dibdib at sa may tiyan. They looked disgusting and horrendous even for him.
At sa ikalawang pagkakataon mula nang masunog siya, humarap siya sa salamin at tiningnan ang sarili doon.
He looked like a freaking monster! Nothing had change in his monstrous appearance. Ngayon nagtatanong siya, paano nasisikmura ni Jan Irish na makita siyang nakahubad? Paano nito nasisikmura na makipag-usap sa kanya, na halikan siya at yakapin? Ni hindi nga niya kayang sikmurain ang kanyang hitsura.
He wanted to be a better man for Jan Irish. Gusto niyang maging maayos ang lahat sa buhay niya bago muling magpakita sa babae.
Seeing his face and body for the second time in the mirror, he realized that Jan Irish did not deserve a monstrous-looking man beside her. She deserved someone better, someone she could be proud of in front of her friends. And that was not him.
Ayaw ni Tegan ang mala-halimaw niyang mukha ang makasama ni Jan Irish hanggang sa pagtanda.
He wanted the best for her.