Chapter Nine
TINITIGAN ni Jan Irish ang sarili sa salamin. Maingat siyang humugot ng isang malalim na hininga habang pinagmamasdan ang sarili. Matagal na panahon na ang nagdaan mula nang magsuot siya ng ganitong kagarbong damit.
Clad in Versace gown, Prada stiletto and a Gucci handbag, Jan Irish felt like she was back to being the Vallega’s chains of companies only heiress. Hindi maikakaila ng damit na suot niya kung sino talaga siya sa kabila ng pagpupursige niyang mamuhay nang normal at hindi mabuhay sa karangyaan at pera ng kanyang mga magulang.
Kahit noong nasa college pa siya, ayaw niyang maging parte ng elite society. Gusto niya ng normal na buhay na may totoong mga kaibigan. Oo nga at mayaman ang pamilya niya pero nasisiguro ni Jan Irish na lahat ng kaibigan niya ay peke ang pakikitungo sa isa’t isa.
Jan Irish hated the people in the elite. They thought highly of themselves. Kaya nga umalis siya sa poder ng kanyang mga magulang pagkatapos na pagkatapos niya ng college.
But tonight, she had to be the elusive Vallega’s heir. Birthday ngayon ng kanyang ina. Dapat siyang maging pormal at kagalang-galang.
“Anak, halika na sa `baba. Hinihintay na tayo ng ama mo,” sabi ng kanyang ina na gumising sa naglalakbay niyang diwa.
Huminga siya nang malalim saka nakangiting naglakad palapit sa ina na puno ng paghanga ang mga matang nakatingin sa kanya.
“You look beautiful, darling,” her mother complemented her.
Ngumiti lang si Jan Irish saka isinuot ang maskara.
Magkahawak-kamay na naglakad ang mag-ina. Nang makalapit sa kanyang ama ay umangkla ang braso ng ina sa braso ng kanyang ama.
Ngumiti siya. Even after all these years, her parents still loved each other dearly.
“Ikaw na ang mauna, anak,” sabi ng kanyang ama. “Kami raw dapat ang panghuling bababa, eh.”
Mahina siyang natawa saka maingat na naglakad pababa sa hagdan, pababa sa malaking solar sa labas ng mansiyon nila, pababa sa maraming taong nakangiti pero alam niyang peke naman.
Napaigtad si Jan Irish nang marinig ang pagsigaw ng isang baritonong boses na parang ipinapakilala siya.
Her parents hired a herald like in medieval times? Napailing-iling na lang si Jan Irish. Ano pa ang silbi ng maskara niya kung ipapakilala naman siya?
“Miss Jan Irish Vallega, daughter of Mr. And Mrs. Jonathan Vallega, the heiress to Vallega’s chain of companies.” The herald informed the visitors.
Kahit nakaramdam ng hiya si Jan Irish, nanatiling nakataas ang kanyang noo at glamorosang bumaba ng hagdan.
Chin up. Tummy in. Back straight. And walk with glamour. Iyon ang paulit-ulit na nagpe-play sa utak ni Jan Irish habang bumababa siya sa hagdan. And when she reached the last step, her eyes settled on a man wearing a half mask, situated on the left side of his face. At kahit hindi niya nakikita ang kabuuan ng mukha, kilalang-kilala ni Jan Irish kung sino ang lalaking katitigan niya.
“Tegan…” bulong niya.
Nawalan ng buhay ang mga mata nito saka umatras bago umalis.
Jan Irish’s heart sank. Gusto niyang sundan si Tegan pero hindi niya puwedeng gawin iyon. Siguradong agaw-eksena ang gagawin niya. Ayaw niyang sirain ang birthday celebration ng kanyang ina.
Lumapit sa kanya ang kababatang si Daniel. Pilit niyang pinasaya ang aura ng kanyang mukha.
“Irish, it’s been a long time,” sabi nito at kinuha ang kanyang kamay saka hinalikan ang likod niyon. “Kumusta ka na?”
Gustong mapangiwi si Jan Irish. Si Daniel ay masugid niyang manliligaw mula pa noong high school sila, at mukhang hanggang ngayon ay may feelings pa ito sa kanya.
“Ayos lang ako.” Pasimple niyang binawi ang kamay saka humarap sa kanyang mga magulang na nakangiting bumababa sa hagdan.
Napuno ng kasiyahan ang puso ni Jan Irish. Nagpapasalamat siya na masaya ang mga magulang niya.
“Happy Birthday, `Ma,” nakangiting bati niya sa ina nang tuluyan na itong makababa kasama ang kanyang ama.
Hindi niya binate ang ina kanina dahil abala ito sa pagpapaganda.
Puno ng pagmamahal na nginitian siya ng kanyang ina. “Salamat, Irish.”
“Mamaya na po ang regalo ko,” nangingiting sabi niya.
Napailing-iling ang kanyang ina. “Kahit wala, Irish, ayos lang. Sapat nang narito ka.” Hinawakan siya nito sa kamay. “Stay with us as I greet our guests,” yaya nito.
Kaagad namang tumango si Jan Irish. Ayaw niyang maiwan kasama si Daniel.
Matamis na ngiti ang nakaguhit sa mga labi ni Jan Irish habang kasama ang mga magulang na isa-isang pinupuntahan ang bawat mesa at kinakausap ang mga bisita.
Wala siyang imik habang nasa tabi ng kanyang mga magulang. Sumasagot lang siya kapag may nagtatanong sa kanya. Kahit bored na siya sa paglilibot sa bawat okupadong mesa, nanatili pa rin siyang nakangiti.
“Good evening, everybody,” bati ng kanyang ama nang makalapit sila sa panghuling mesa. “I hope you’re enjoying the party.”
“The drinks are great, Mr. Vallega,” sabi ng lalaking may-edad na na may hawak ng kopita na puno ng alak. “It’s exquisite.”
“Happy Birthday, Mrs. Vallega,” sabi naman ng ibang nasa mesa.
“Thank you,” nakangiting tugon ng kanyang ina na bahagya pang yumukod. “And thank you for coming.”
“It’s our pleasure,” sabad ng isang may-edad na babae.
Ngumiti ang kanyang ama. O, siya, maiwan na muna namin kayo. Enjoy the party.”
“Thanks, Mr. Vallega,” sabay-sabay na sabi ng mga bisitang nasa mesa.
“Tapos na kayong maglibot?” Hindi naitago ni Jan Irish ang sarkasmo sa boses.
“Irish, you knew that it’s the right thing to do to your visitors,” sagot ng ama.
Pasimple siyang umingos at bumulong. “Mga buwisita kamo.”
Pinalibot ni Jan Irish ang tingin sa kabuuan ng malaking solar. Hinahanap ng mga mata niya ang lalaking nakatitigan niya kanina. Nasaan kaya si Tegan? Saan ito nagpunta? Ano kayang iniisip nito ngayon?
She was feeling worried when she heard his father’s voice.
“Oh, is that you, Mr. Galvante?” sabi nito na parang nagulat. “Muntik na kitang hindi makilala sa suot mong maskara.”
Mabilis na nag-angat ng tingin si Jan Irish mula sa pagsusuri ng suot niyang gown at napatitig sa binatang nasa unahan nila.
Umawang ang mga labi ni Jan Irish nang makita si Tegan. He looked good in his tuxedo. Wala siyang pakialam sa mukha nitong may pilat, napaka-hot pa rin nito sa suot.
Damn!
“Mr. Vallega,” magalang na nakipagkamay si Tegan sa kanyang ama. “Good evening.” Bumaling ito sa kanyang ina at bahagyang yumukod. “Happy Birthday, Mrs. Vallega.”
Ngumiti ang kanyang ina. “Thank you, Mr. Galvante.”
Ang mga mata ni Tegan ay dumako sa kanya. “Good evening, Ms. Vallega.” Mahihimigan ang kakaibang emosyon sa boses nito. “It’s nice to finally meet the Vallega’s chain of companies heiress.”
Itinikom niya ang bibig. Walang emosyon ang mukha ni Tegan at halata niya ang sarkasmo sa boses nito.
“Maiwan ka muna namin, Mr. Galvante,” sabi ng kanyang ama. “Kailangang paupuin ko ang aking esposa, alam kong pagod na siya.”
“Of course, Mr. Vallega,” sabi ni Tegan.
“Enjoy the party, Mr. Galvante,” paalam ng kanyang ama kay Tegan saka bumaling sa kanya. “Jan Irish? Halika na.”
Akmang hahakbang siya pasunod sa mga magulang nang biglang lumapit sa kanya si Daniel.
“Mr. Vallega, may I dance with your beautiful daughter?” tanong ni Daniel sa kanyang ama.
Without asking her permission, her father answered. “Of course, Daniel.”
Simpleng nagtagis ang mga bagang ni Jan Irish at kinalma ang sarili na naiinis sa pagpayag ng kanyang ama. Daniel was a good catch, but not her type. Puro lang kasi kaguwapuhan at katalinuhan ang kaya nitong ipakita sa kanya. Wala itong puso. He didn’t have the asset that she was looking for in a man. And he was not Tegan.
Ngumiti si Daniel at inilahad ang kamat sa kanya. “Shall we, my lovely Irish?”
Pinigilan ni Jan Irish na irapan si Daniel. “Sure.” Ang sarap nitong tanggihan pero maraming tao, siguradong mapapahiya ito.
Malapad ang ngiti ni Daniel habang iginigiya siya sa dance floor. Nang mapadaan siya kay Tegan, naramdaman niyang nagkabungguan ang kamay nila ng lalaki. Kung hindi man siya pinaglalaruan ng imahinasyon, pinaglandas nito ang hintuturo sa mga daliri niya at pasimpleng pinisil iyon.
She felt the electricity of their touch.
Jan Irish glanced back at Tegan. Naglalakad na ito palayo sa kanila. Her heart sank. Lalong sumakit ang puso niya nang mag-umpisa ang tugtog at sapilitan siyang nakipagsayaw kay Daniel.
Habang sumasayaw ay panay ang tingin niya sa kanyang paligid, hinahanap ng mga mata si Tegan pero hindi ito makita.
Nasaan ba si Tegan? May kasayaw ba itong ibang babae? Naramdaman niya ang paninikip ng dibdib sa naisip. Masakit sa damdamin na may ibang babaeng yumayakap kay Tegan.
Kumuyom ang kanyang kamay. Parang pinipilipit sa sakit ang puso niya sa isiping may ibang babae itong kayakap habang nagsasayaw.
Jan Irish was close to tears when he heard that familiar baritone voice.
“May I cut in?”
Mabilis na kumawala siya sa pagkakayakap ni Daniel at humarap sa may-ari ng boses.
“Excuse me?” Mahihimigan ang iritasyon sa boses ni Daniel.
“I said may I cut in?” tanong ulit ni Tegan.
“Hindi—”
“Of course, Mr. Galvante,” putol niya sa hindi pagpayag ni Daniel saka kaagad na lumapit kay Tegan. “Let’s dance.”
Nagtatagis ang mga bagang na humakbang palayo sa kanila si Daniel.
“Hey,” sabi niya saka iniyakap ang braso sa leeg ni Tegan.
“Jan Irish,” may diin ang pagtawag nito sa kanyang pangalan.
“Dance with me, Tegan,” pabulong niyang sabi.
Si Jan Irish na ang nagpalibot sa braso ni Tegan sa kanyang baywang saka yumakap ulit sa leeg nito.
Mahabang katahimikan ang namayani sa kanila bago iyon binasag ng lalaki.
“So you’re rich.”
“My parents are, not me.”
“Ano’ng pinagkaiba? Ikaw ang tagapagmana.”
“Wala akong pakialam sa yaman ng mga magulang ko.”
“Kung ganoon, bakit hindi mo sinabi sa `kin?”
“Importante ba `yon?” balik tanong niya. “Wala namang nagbago kung mayaman man ako o hindi—”
“You could have any man you want.”
Natigilan si Jan Irish saka tiningala ang mukha ng kausap. “Anong sabi mo?”
“You could have any man you want, Jan Irish,” ulit ni Tegan sa walang emosyong boses. “Bakit ako? Pinaglalaruan mo ba ako? Is it because I’m ugly and—”
“Oh, shut up,” galit niyang sabi.
“No.” Humigpit ang hawak nito sa kanyang baywang. “Siguradong maraming lalaking nagkakagusto sa `yo, at isa na roon ang lalaking kasayaw mo. Bakit ako? Bakit ako ang pinagbigyan mo ng sarili mo? Dahil ba sa pangit ako at madali mong mapaglalaruan? Is that it?” Nagtatagis ang mga bagang nito. “Was I a good entertainment to you? Fuck it, Jan Irish, you were my maid, for fuck’s sake!”
Nanatili siyang nakatitig sa lalaki. “Tegan, wala namang kinalaman sa katayuan ko sa buhay ang pagiging maid ko sa bahay mo. It’s for my job.”
His face became hard and cold. “So I’m just a job for you.”
“No—”
“Yes, I am,” sabi nito. “Alam ko `yon mula sa umpisa.”
“Tegan naman, stop being irrational—”
“I have to go.” Kumawala ito sa pagkakayakap niya saka humakbang paatras.
“Tegan—”
“Have a good night.” Pagkasabi niyon ay iniwan siya ng lalaki sa dance floor.
Kumuyom ang kamay ni Jan Irish at taas-noong umalis sa dance floor at naghanap ng mauupuang bakanteng mesa.
NATAPOS ang birthday party ng ina ni Jan Irish na wala siya sa mood. Pinipilit lang niyang maging masaya para sa kapakanan ng kanyang mga magulamg.
“Uuwi ka na ba? Puwede kang manatili sa dati mong kuwarto,” pamimilit ng kanyang ina habang nasa gate siya ng kanilang mansiyon.
“`Ma, kailangan kong umuwi sa bahay. May gagawin pa ako, eh,” sabi niya saka niyakap ang ina. “Mag-iingat po ako, huwag kayong mag-alala.”
“Fine,” napipilitang pagpayag ng ina. “Tawagan mo ako kapag nakauwi ka na.”
“Yes, po, `Ma.”
Lumabas siya ng gate.
“Anak, ihatid ka na kaya ng driver natin?”
“`Ma, ayos lang ako.” Nginitian niya ang kanyang ina saka isinara ang gate. “Tatawag ako kaagad kapag nakauwi na ako.”
Nagmamadali siyang naglakad palayo sa bahay. Hindi naman nakakatakot sa subdivision nila dahil marami ang nagpapatrolyang mga security guard. Hindi pa siya gaanong nakakalayo sa bahay nila nang may tumigil na sasakyan sa unahan niya.
Kinakabahang napatigil siya bigla sa paglalakad.
Bumukas ang driver’s seat at lumabas doon si Tegan.
“Tegan…” sabi niya sa pangalan nito habang ang kanyang puso ay napakabilis ng tibok.
Tumingin ito sa kanya. “Sakay na.”
Tumingin siya sa kotse ng lalaki at ibinalik ang paningin sa lalaki. “Akala ko galit ka.”
Umikot ito sa passenger seat at binuksan iyon. “Sakay na.”
Itinago ni Jan Irish ang masayang ngiti. Mabilis siyang sumakay sa kotse nito. Nang isara ni Tegan ang pinto ng passenger seat, umikot ito papunta sa driver’s seat.
Umayos siya ng upo at hinintay si Tegan. Mabilis ang tibok ng puso niya habang naghihintay na makasakay ang lalaki. Sana naman hindi ito ganoon kagalit tulad ng kanyang inaakala.