Chapter Fourteen
HINDI mapigilan ni Jan Irish ang luhang namamalisbis sa kanyang mga mata. Naninikip ang dibdib niya at magulong-magulo ang kanyang isip sa mga nangyayari sa buhay niya. All she wanted was to be loved by Tegan. Hindi niya akalaing may kaakibat palang gulo ang pagmamahal na inaasam niya.
“I’m sorry. Kasalanan ko `tong lahat.” Puno ng pagsisisi ang boses ni Tegan habang nakaupo ito sa tabi niya.
Nakaupo silang dalawa sa gilid ng swimming pool sa isang pribadong vacation house ni Tegan sa Tagaytay. Doon siya dinala ng lalaki nang sunduin siya sa kanyang bahay kanina bago magtanghalian.
“Hindi mo `to kasalanan.” Kumuyom ang kamay niya. “Kasalanan `to ni Stella.”
Bumuntong-hininga si Tegan. “Kung sana binigyan ko na lang siya ng pera, eh, di sana—”
“No.” Nagtagis ang kanyang mga bagang. “Hindi ka isang bangko, Tegan. Hindi puwedeng kung kailan niya gustuhin ay puwede ka niyang hingan ng pera. Pinaghirapan mo ang perang nilulustay niya. Walanghiya siya!”
Bumaba ang tingin ni Tegan sa paa nitong nakalublob sa swimming pool. “Kasalanan ko pa rin ang lahat ng `to.” Bumuga ito ng marahas na buntong-hininga. “This is all my fault, Jan Irish. Hindi kaagad ako nag-file ng annulment kasi hindi naman ako umaasa na may babae pa akong mahahanap na tanggap kung ano ang hitsura ko. Palagi kong binibigay ang gusto ni Stella kasi pakiramdam ko, utang-na-loob ko sa kanya `yon. She didn’t get her happy ever after with me because of what happened. It was my way of saying I’m sorry.”
Her heart clenched in pain for Tegan and their situation.
Niyakap ni Jan Irish ang lalaki mula sa tagiliran saka hinalikan ito sa pisngi. “Wala akong pakialam sa babaeng `yon. Ang importante sa `kin, hindi ka niya gawing bangko—”
“Jan Irish,” pigil nito sa iba pa niyang sasabihin saka humarap sa kanya. “Wala akong pakialam sa sarili ko. I could give Stella millions just to shut her up. Pero alam kong walang kasiguraduhan `yon.”
Umiling siya. “No. Don’t do that. Mamimihasa ang babaeng `yon. Kaya ko ang sarili ko.”
“Pero sinisiraan ka niya. I can’t take that!” Tegan exclaimed in anger. “Hindi ko kayang mabasa sa diyaryo na sinasabihan kang malandi at walang delikadesa, na hindi ka disenteng tao, na isa kang desperadang babae na pumatol sa may asawa na! Alam kong nasasaktan ka, Jan Irish, matapang ka lang talaga kaya naitatago mo sa `kin ang sakit na nararamdaman mo.”
Nagbaba siya ng tingin. “Huwag mo nang isipin ang nabasa mo sa diyaryo.” She sighed. “Wala namang katotohanan `yon, eh.”
“Pero, Jan Irish—”
“Tama na, Tegan.” Pinisil niya ang braso nito. “I’m fine.”
Tegan blew a loud breath. “Ayaw muna kitang iuwi sa lungsod.” Mahihimigan ang lungkot sa boses nito. “I want to keep you safe here, by my side.”
“Tegan…” Humigpit ang yakap niya sa lalaki. “Kailangan natin `tong harapin. Walang mangyayari kung magtatago tayo. You have to face Stella, and I have to face my parents. Wala akong pakialam sa ibang tao, maliban sa iniisip ng mga magulang ko.”
Ginawaran siya nang masuyong halik sa mga labi ni Tegan. “I don’t want to lose you, Jan Irish. At pakiramdam ko, mawawala ka sa `kin kapag iniuwi kita.”
“Ayaw ko rin namang mawala ka, pero kailangan natin `tong harapin. Staying here, hiding from everyone won’t do us any good.”
Bumuntong-hininga ito. “Kahit ngayong gabi lang? Please, Jan Irish? Gusto kitang makasama.”
She smiled. “Sige. Mananatili tayo ngayong gabi. Pero bukas, uuwi na tayo, ha?”
“Sige.”
Alam niyang napipilitan lang si Tegan, nararamdaman iyon ni Jan Irish. Kaya nga pinagbigyan niya ang lalaki na makasama siya ngayong gabi. Dahil kahit siya, napipilitan lang ding umuwi. Kailangan niyang harapin ang mga magulang tungkol sa issue na pinakalat ni Stella sa diyaryo.
Hinawakan niya ang pisngi ni Tegan at ibinaling iyon paharap sa kanya. Nang magpantay ang mukha nilang dalawa, ginawaran niya ng halik sa mga labi ang lalaki. Kaagad namang tinugon ni Tegan ang halik niya at niyakap ang kanyang katawan.
“Hmm…” she moaned when Tegan’s kisses moved down to her neck. “Tegan…”
Napadaing ulit si Jan Irish nang maramdamang minamasahe ni Tegan ang mayayaman niyang dibdib. Hindi siya umangal, hinayaan niyang romansahin ang katawan niya ng lalaki. Nasasarapan naman siya sa ginagawa nito.
Napangiti na lang siya nang ihiga nito ang katawan niya sa gilid ng swimming pool saka siya kinubabawan.
“Tegan…”
He kissed her lips. “You mean so much to me, Jan Irish.” Tinitigan siya ng lalaki habang sinasabi iyon. “Ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay ko at hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa `kin.”
Iniyakap niya ang mga braso sa leeg ni Tegan. “Importante ka rin sa `kin, Tegan. At ayoko ring mawala ka.”
“Hindi ako mawawala.”
“Sana nga.” Hinaplos niya ang mukha nito. “Sana nga hindi ka mawala.”
“Hinding-hindi ako mawawala, Jan Irish.”
Pinanghawakan niya ang lumabas sa bibig ni Tegan. Sana nga hindi ito mawala, hindi iyon kakayanin ng puso niyang magmamahal dito.
“What now?” Nanunukso ang kislap ng kanyang mga mata. “Itutuloy ba natin `to?” Tumuon ang mga mata niya sa magkadikit nilang katawan.
Tegan smiled. “I would love to.”
He kissed her neck and nipped it. Jan Irish moaned at that. Lalo siyang napadaing nang tanggalin nito ang blusa niyang suot at sinunod ang kanyang bra.
“Hmm…” Tegan stared at her breast lustfully. “I love you breast.”
Masuyo nitong hinawakan ang mayayaman niyang dibdib saka pinaikot ang dila sa naninigas niyang nipple.
“Oh!” Napaigtad ang katawan niya dahil sa kiliti at sarap na dulot ng dila nito. “Tegan!”
Bahagyang kinagat ni Tegan ang nipple niya saka dinidilaan iyon nang paikot na lalong nagpapabaliw sa kanya.
“Tegan…” Napaliyad siya sa sarap.
“I want you so much, Jan Irish,” bulong ni Tegan sa kanya habang hinahalikan ang likod ng tainga niya.
Nararamdaman ni Jan Irish ang matigas nitong pagkalalaki na kumikiskis sa gilid ng kanyang hita.
“O, ano pa’ng hinihintay mo?” tanong niya sa lalaki.
“Your permission.” Tumaas ang sulok ng labi nito. “Baka kasi ayaw mo, eh.”
She rolled her eyes. “Hubaran mo na ako.”
Ngumiti si Tegan. “Totoo?”
Tumango siya. “Sige na… gusto ko rin naman.”
Hindi na niya kailangan pang sabihan ulit si Tegan. Kaagad na binuksan nito ang pantalon niyang suot saka ibinaba iyon kasabay ng underwear niya.
Nagtaasan ang balahibo niya nang maramdaman ang lamig na lumukob sa kanyang katawan dahil sa kahubdan. Pero kaagad din naman iyong napalitan ng init nang maramdaman ang dahan-dahang pumapasok ang mainit nitong kabahaan sa kanyang pagkababae.
Napakagat-labi siya. “Ohhh, God…”
Kakaibang kiliti at sarap ang hatid niyon sa kanya. Gusto niyang sumigaw sa sobrang sarap na nararamdaman sa kanyang kaibuturan pero pinipigilan niya.
“Tegan… Oh… shit…”
“Jan Irish…” Tegan moaned her name. “Jan Irish. Oh, fuck.”
Yumakap ang kanyang mga binti sa baywang ni Tegan at sinalubong ng balakang niya ang bawat ulos nito, bawat bayo na nagpapahibang sa kanya sa sarap.
“Oh! Oh!” Mariing nakapikit ang kanyang mga mata. “Tegan. Oh!”
Palakas nang palakas at pabilis nang pabilis ang bawat pagbayo nito sa kanyang pagkababae. Nahihibang na siya sa sarap, napapasabunot siya sa kanyang ulo.
“Tegan! Tegan! Tegan!” She was chanting his name. “Oh, God, Tegan! Oh, Tegan.”
Napakaingay niya habang binabayo ni Tegan ang kanyang pagkababae. Mahahaba ang mga ungol na lumalabas sa bibig niya. Napakasarap ng bawat pagsagad ni Tegan sa loob ng pagkababae niya.
“Fuck!” Tegan cursed softly. “I’m coming.”
“Me, too. Me, too, Tegan…”
Pareho silang hinihingal habang inaabot ang sukdulan ng kanilang kaligayahan. They were both moaning in sheer pleasure and bliss as they moved their bodies to reach their peak. And when they did, Jan Irish saw stars over her close eyelids and Tegan howled in ecstasy.
HINDI makatulog si Tegan habang nasa tabi niya at kayakap ang babaeng nagmamay-ari na ngayon ng puso niya. Puno ng pag-aalala at takot ang kanyang isip.
Nag-aalala siya para kay Jan Irish at natatakot na baka mawala ito sa kanyang tabi.
Bukas, babalik na sila sa lungsod. Natatakot siya. Ayaw niyang malayo sa kanya ang babae.
Tegan sighed and kissed Jan Irish’s forehead. “I will never ever leave you, Jan Irish. I can’t.”
Mahigpit niyang niyakap ang babae saka hinalikan ulit sa pisngi at sa noo.
Napaigtad si Tegan nang marinig na nag-ingay ulit ang cell phone ni Jan Irish. Hindi niya mabilang kung ilang beses na iyong nag-ring mula nang matulog ang babae.
Maingat na inalis niya ang braso na ginawang unan ni Jan Irish saka inabot ang cell phone nitong nasa maliit na mesa na katabi ng kamang hinihigaan nila.
Balak niyang patayin ang tawag at patayin ang cell phone pero natigilan siya nang mabasa ang pangalan ng tumatawag.
Papa Calling
His heart thumped faster. Ang ama ni Jan Irish ang tumatawag. Sasagutin ba niya o papatayin?
Bago pa siya makapag-isip, parang may sariling isip na pinindot ng daliri niya ang Accept button. Kinakabahang inilapit niya ang cell phone sa tainga.
“Jan Irish! You better tell me where you are or i will hire a detective and i will not stop until—”
“Hello?”
Nawalan ng imik ang nasa kabilang linya.
“Sino `to?” mayamaya ay tanong ng nasa kabilang linya. “Bakit ikaw ang sumagot sa tawag ko? Nasaan si Jan Irish?”
“Natutulog na ho.”
Napamura ang nasa kabilang linya. “Bakit kayo magkasama?”
Hindi siya nakasagot.
“Sagutin mo ako!” Tumaas ang boses nito.
“Sinundo ko ho siya kanina sa apartment niya pagkatapos kong mabasa ang inilabas na balita ng diyaryo na wala namang katotohanan.”
“Ikaw ba ang boyfriend niya?”
Boyfriend? He was hoping that he was. “Oho.”
“May asawa ka ba?”
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at inihilamos ang kamay sa mukha. “Mayroon ho.”
“Gago ka! Bakit mo `yon ginawa sa anak ko!” Galit na ito. “May asawa kang tao—”
“Sir, matagal na kaming hiwalay ng asawa ko—”
“Wala akong pakialam! Iuwi mo ang anak ko!”
Huminga siya nang malalim. “Iuuwi ko ho siya bukas ng umaga.”
“Good. Ideretso mo siya rito sa bahay. Gusto kitang makausap nang personal. Siguro naman alam mo kung nasaan ang bahay ko?”
“Oo, alam ko.”
“Good. At kapag may nangyaring masama sa kanya, mananagot ka sa `kin. Hindi ako mangingiming ipakulong ka.”
“Yes, Sir.”
“Good.”
Nawala na ang kausap na nasa kabilang linya. Napabuntong-hininga siya. Kailangan na talaga niyang iuwi si Jan Irish. Tama si Jan Irish. Kailangan nilang harapin ang issue na iyon. Hindi nila iyon mareresolba kung magtatago sila. They had to come out and address the issue and settle it.
At sisiguruhin ni Tegan na magbabayad si Stella sa ginawa nito. Ako, puwede niyang saktan pero hindi si Jan Irish.
HINDI mapakali si Jan Irish habang nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Tegan. Panay ang hinga niya nang malalim para makalma ang sarili na kinakabahan.
Kinakabahan siya sa mangyayari sa kanila ni Tegan.
Nagsalubong ang mga kilay ni Jan Irish nang tumigil ang sasakyan ng lalaki sa labas ng pamilyar na malapad na gate.
“Ano’ng ginagawa natin dito?” tanong niya sa lalaki na mahigpit ang pagkakahawak sa manibela.
“Inihatid ka.”
Natigilan siya. “Bakit dito?”
“Kasi dito ang bahay mo.”
“Tegan, doon mo ako ihatid sa apartment ko—”
“No. Dito na. You’ll be safe here.”
Gusto niyang sumalungat sa gusto ni Tegan, pero siguradong mag-aaway sila. At nasisiguro niyang susunduin siya ng kanyang ama sa apartment na tinutuluyan.
“Sige.” Hinalikan niya sa pisngi si Tegan. “Ingat ka, okay?”
“Ikaw rin.” He kissed her on the lips. “Huwag kang lalabas ng bahay. Let me take care of this issue, okay?”
“Pero—”
“Please, Jan Irish?” Bumuga ito ng marahas na hininga. “Let me do this, okay? Mas lalaki ang issue kung makikisali ka. Hayaan mong ako ang umayos nito.”
Napabuntong-hininga siya. “Sige.”
“Salamat.” Tegan smiled and kissed her on the lips one last time. “I’ll see you soon. After this.”
Tumango siya at nginitian ito. “Hihintayin kita.”
“Pangako.” He claimed her lips. “Makikipagkita ako kaagad sa `yo kapag natapos na ang issue na `to.”
Niyakap niya nang mahigpit si Tegan saka lumabas ng sasakyan nito. Naluluha siya pero pinipigilan niya iyon. Dapat siyang magpakatatag para sa lalaki. Dapat maging matapang siya para sa nararamdaman niya para dito.
Madali siyang nakapasok sa gate ng malaking mansiyon na pag-aari ng kanyang mga magulang. Doon niya hinayaang tumulo ang kanyang mga luha na kanina pa gustong kumawala sa kanyang mga mata.