noveltoon logo noveltoon
Darkest Touch (Dark Boss Series Book 1)

Chapter 6

Ch. 7 / 22 Feb 05, 2022

Chapter Six

HINDI alam ni Jan Irish kung inaalila ba siya ni Tegan Galvante o hindi. Kaninang umaga, tinulungan siyang magluto ng lalaki. Kaninang tanghalian naman, tinulungan siyang maghugas sa dahilang gusto nitong mabasa ang kamay. At ngayong gabi naman ay tinutulungan siyang magligpit ng pinagkainan nila.

Tegan was confusing the hell out of her.

Kaya naman naglakas-loob na siya at nagtanong. “May pinaplano ka ba?”

Napatigil ito sa paglilinis ng mesa at tumingin sa kanya. “What?”

“Are you planning something?” Binitawan na niya ang pinggan na hinuhugasan saka nakapamaywang na humarap kay Tegan. “Ano ba talaga ang trip mo sa buhay?”

“Ha?”

“Bakit mo ba ako tinutulungan?”

Kumunot ang noo nito. “Masama ba?”

Tinaasan niya ito ng isang kilay. “ Sir Tegan, nakakita ka na ba ng katulong na tinutulungan ng amo niyang maglinis? Wala, `di ba?”

“Oh.” Mukhang naiintindihan pa lang nito ang kanyang himutok.

Inirapan niya si Tegan. “Doon ka nga sa kuwarto mo at manood ng TV. Sinisira mo ang concentration ko.”

Nawalan ng emosyon ang mukha nito. “I know that my face bothers you and I—”

“Oh, just shut up.” Pinandilatan niya ang lalaki. “Hindi ang pangit mong mukha ang nakakasira sa concentration ko. It’s your presence! Kapag malapit ka, kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit. So please, Tegan, leave me alone.”

Napatanga sa kanya si Tegan. Parang hindi ito makapaniwalang tumingin sa kanya. “Say, what?”

Inirapan niya ang lalaki saka bumalik sa paghuhugas ng pinggan. Napakarami na niyang sinabi. Ayaw niyang malaman nito na may nararamdaman siya para sa lalaki. Hindi naman ito maniniwala.

“Jan Irish.”

“Leave me alone.”

“Jan Irish—”

“Umalis ka na. Hayaan mo na ako.”

“No, it’s not that, its—”

Galit siyang humarap kay Tegan. “Puwede ba, tigilan mo ako!”

Kinagat nito ang ibabang labi na parang nagpipigil magsalita. And he looked so damn sexy doing it. Damn his burned scars.

“Kasi,” may tinuro ito sa paa niya. “May ipis.”

Nanlaki ang mga mata ni Jan Irish. Dahan-dahang bumaba ang tingin niya sa kanyang paa at naroon nga ang ipis, katabi ng kanyang paa. Kasabay ng panlalamig ng buo niyang katawan sa nakita ay ang malakas niyang tili.

“Ahhh!!!” she squealed and then ran towards Tegan.

Wala na siya sa tamang pag-iisip. She was scared of cockroach! Yumakap siya nang mahigpit kay Tegan nang makalapit siya sa lalaki. Kaagad naman siyang binuhat ng lalaki habang mahigpit siyang nakakapit sa leeg nito at ang mukha ay nakabaon sa leeg.

Oh, God! I hate ipis! Oh, God! Oh, God!

Bahagyang nawala ang takot ni Jan Irish nang maamoy ang mabango nitong leeg. Parang switch ng ilaw na naging aware siya sa posisyon nilang dalawa at kung gaano kalapit ang mga katawan nila.

Her breathing became uneven.

And it looked like Tegan already realized their position because she felt him still.

Slowly, Jan Irish pulled away from his neck and was surprised when she saw Tegan staring at her.

Napalunok siya. “P-puwede mo na akong ibaba.”

“Bakit?” Tumatama ang mabango nitong hininga sa kanyang mukha. Ganoon sila kalapit sa isa’t isa. “Does my scar bother you?”

Napakurap-kurap siya at nairita na naman. Ilang ulit ba niyang dapat sabihin sa lalaking hindi siya apektado?

“Your scar doesn’t bother me.” Umangat ang kamay niya para haplusin ang mukha nito.

Jan Irish was expecting Tegan to flinch away but he didn’t. Sa halip, nang lumapat ang kamay niya sa mukha nitong may pilat, napapikit ang mga mata nito. It looked like he was savoring the feeling of her hand on his face. Parang ngayon lang may humaplos sa pisngi nito. And something tugged her heart. She felt drawn to touch him even more.

And she did.

She caressed every scar he had on his face and then slowly, she place a soft kiss on his scarred cheek. That was the time he flinched like someone had hurt him.

Malalaki ang mga matang bumaling ito sa kanya, halatang hindi makapaniwalang hinalikan niya sa pisngi ang lalaki.

Nahihiya siyang napakagat-labi. “Sorry.”

Lumambot ang ekspresyon sa mukha nito. “Don’t be.”

“Galit ka?” may takot na tanong niya.

“May dapat ba akong ikagalit?” Ang mga mata ni Tegan ay matiim na nakatingin sa kanya.

Mas bumaon pa lalo ang ngipin niya sa kanyang ibabang labi. “`D-di ba, ayaw mong hinahawakan ka? N-nagalit ka nga noon nang subukan kong hawakan ang pilat mo.”

Something flashed in his eyes. Was it desire? Anger? Confusion? She was not sure.

“Something’s changing,” sagot nito habang unti-unting lumalapit ang mga labi nito sa mga labi niyang unti-unti namang umaawang.

“What’s changing?” she asked in a whisper.

Their lips were so near.

“You’re…” Ilang hibla na lang ang layo ng mga labi nila. “Changing…” His lips brushed against hers. “Me.”

With that, he claimed her lips in one hot kiss and Jan Irish felt her world spin.

His lips felt so soft against hers. And when his lips moved, she couldn’t help the soft moan that escaped from her lips. Humigpit ang yakap niya sa leeg nito at nag-umpisa siyang tugunin ang halik ni Tegan. Walang pag-aalinlangan sa bawat galaw ng kanyang mga labi. Walang pagdadalawang-isip sa bawat paggagad niya sa mga labi nitong parang uhaw na humahalik sa kanya.

Namalayan na lang ni Jan Irish na lumapat na ang likod niya sa ibabaw ng mahabang mesa at gumagapang na ang halik ng lalaki papunta sa kanyang leeg, pababa sa mayayaman niyang dibdib.

Sa sobrang gulat sa namalayan niyang posisyon, malakas niyang naitulak si Tegan palayo sa kanya at niyakap ang sarili. Mukhang nahimasmasan din ang lalaki dahil marahas itong napailing-iling.

“I’m sorry,” kaagad nitong hingi ng paumanhin. Hindi ito makatingin sa kanya nang deretso. “It’s just been… too long. Hindi ko nakontrol ang sarili ko. Forgive me.”

Too long? Nakaramdam siya ng awa kay Tegan. Natatakot ba talaga rito ang mga kabaro niya? How long had he been celibate? She was a curious cat. Pero hindi niya tatanungin ng ganoon ang lalaki. Nararamdaman niyang mapapahiya ito sa tanong na iyon. At siguradong iisipin na naman ni Tegan ang mga pilat nito sa mukha at katawan.

She didn’t want him to ever drag down himself just because of those scars.

“I’m sorry, Jan Irish, if I offended you.” Bumalatay ang sakit sa mukha nito. “You must have been disgusted by me. Sorry,” sabi nito saka nagmamadali siyang iniwan sa kusina.

Napakagat-labi siya at binitiwan ang pagkakayakap sa sarili. Gusto niyang habulin si Tegan at sabihin dito ang tunay niyang nararamdaman nang mga sandaling iyon. Malayo ang nararamdaman niya sa pandidiri. Pero hindi niya magawang gumalaw. Sa halip ay dumapo ang kamay niya sa kanyang mga labi at hinaplos iyon.

The kiss they shared… it felt wonderful for her. She hoped that he felt the same way, too.

GUSTONG tadyakan ni Tegan ang sarili. Paano niya nagawa iyon? Paano niya nakalimutan kung saan siya dapat lumugar? Pangit siya, at nasisiguro niyang nandidiri na ngayon sa kanya si Jan Irish.

How could he be so mindless! And how dare he hope that she might like him, the same way he did to her! Kalokohan lang ang umasa siya. Kalokohan ang kanyang nararamdaman. Hinding-hindi nito mararamdaman ang kanyang nararamdaman.

Fuck him for hoping. And fuck her for kissing him back! That kiss was a fucking mistake!

Sinipa niya ang pinakamalapit na malaking vase sa sobrang frustration na nararamdaman. Hindi na nakakagulat na nabasag iyon at nagkapira-piraso.

“Fuck!”

Sinabunutan ni Tegan ang sariling buhok sa sobrang frustration at malakas siyang sumigaw sa sobrang galit sa buhay niya at sa mundo. Walang makakarinig sa kanya kahit magsisigaw siya dahil soundproof ang kanyang kuwarto.

Napaupo siya sa sahig habang sapo-sapo ang kanyang ulo. Hindi niya namalayang may tumutulo na palang luha sa kanyang mga mata.

“Fuck it!” Mabilis niyang tinuyo ang luha saka hinilamos ang mga kamay sa mukha.

He was already done with this shit! Tapos na siyang magpakamartir at tanga. Natapos na iyon kay Stella. Pagkatapos ngayon naman kay Jan Irish na niya binubuhay ang parteng iyon na pinatay na niya. She resurrected it. And now, his heart was like a damaged goods again. And that was just because of one kiss.

Fuck!

He should have known better!

Nagtatagis ang mga bagang ni Tegan nang may kumatok sa pinto ng kanyang kuwarto.

Natigilan siya. Sisigawan sana niya ang nasa labas nang maisip na baka si `Tay Berto iyon.

“Bukas `yan.” He choked.

Dahan-dahang bumukas ang pinto.

Nanatili siyang nakatungo habang sapo ang kanyang ulo. Alam ni Tegan kung sino man ang makakita sa kanya ay iisiping pinagsakluban siya ng langit at lupa.

“Ayos lang ako, `Tay Berto,” sabi niya. “Puwede bang kunan n’yo ako ng scotch sa bar? Gusto kong maglasing ngayon.”

“I like it.”

Napamulagat siya at mabilis na nagtaas ng tingin nang marinig ang nagmamay-ari ng boses. Parang nag-uunahan sa pagtibok ang puso niya nang makita si Jan Irish sa may pintuan. Pero kaagad din niyang sinaway ang puso niya.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” walang emosyon niyang tanong kay Jan Irish.

She fidgeted. “Kasi… Ahm…” Halatang kinakabahan ito.

“Spit it out,” pagalit niyang sabi.

Siguro, gustong sabihin sa kanya ni Jan Irish na nandidiri ito sa halik na pinagsaluhan nila. At siguradong natatakot itong sabihin iyon kaya kinakabahan ang babae.

“Spit it out, Jan Irish,” he said coldly. “I don’t have all night.”

Bumalatay ang sakit sa mukha nito at kaagad siyang nakonsiyensiya. Fuck!

“Galit ka ba?” mayamaya ay tanong nito.

Mapakla siyang tumawa. “Why? Does it matter?”

“Galit ka nga.” Humakbang palapit sa kanya si Jan Irish saka lumuhod sa harap niya para magpantay ang kanilang mga mukha. “Galit ka ba sa `kin?”

“Bakit nga? May magbabago ba kung sasagutin ko `yan?” antipatiko niyang tanong.

Bumuntong-hininga ito. “I’m sure, iniisip mo na nandidiri ako sa `yo.” Napailing-iling si Jan Irish at tumaas ang kamay para haplusin ang pisngi niyang may pilat.

Napapikit ang mga mata ni Tegan. Jesus! This felt so good! Why did he want what he couldn’t get?

“And I also know that words wouldn’t cut it. Ikaw pa, hindi ka naniniwala kahit isampal pa `yon sa pagmumukha mo,” dagdag nito.

Dumilat si Tegan saka tumingin sa babae. “Ano ba ang ginagawa mo sa `kin?” mahina niyang tanong.

She gave him a soft smile. “I rather show it, yeah?”

“Show what?” naguguluhang tanong niya.

“This.” Masuyong sinapo ni Jan Irish ang kanyang pisngi saka siya hinalikan sa mga labi.

His mind stopped. All he could think about was Jan Irish’s lips on his, and the way they moved as they caressed his lips. Tegan groaned at the delicious taste. Fuck! She tasted so good.

Hindi napigilan ni Tegan na yakapin ang baywang nito at hapitin paupo sa kanyang mga hita. Wala na siyang pakialam kung ano ang magiging reaksiyon ni Jan Irish. He wanted her, damn it! And he will have her.

Ang tagal na niyang nagpipigil. Mababaliw na siya kung itutulak siya ng babae palayo sa pangalawang pagkakataon.

Para siyang teenager na nakaramdam ng saya nang hawakan ni Jan Irish ang balikat niya saka siya hinapit palapit dito. It felt so good. So amazing. And he wanted more. More of this. More of her.

Iniwan niya ang mga labi ni Jan Irish at pinagapang ang kanyang mga labi sa leeg nito. Matagumpay siyang ngumiti nang marinig ang munting halinghing ng babae.

“Tegan…” she moaned softly. “Uhm…”

Hinawakan ni Tegan ang laylayan ng suot nitong blouse saka hinila iyon pataas hanggang sa mahubad ang damit. Itinapon niya ang damit sa kung saan at masuyong sinapo ang mayayaman nitong dibdib na natatakpan pa ng kulay rosas na bra.

He kissed the valley of her breasts as he cupped them… and then he looked up at her.

“Itulak mo na ako ngayon,” sabi ni Tegan kay Jan Irish na nakatingin din sa kanya. “Because if you don’t, I won’t be able to stop.”

His eyes were begging. Hindi niya alam kung ano ang pinagmamakaawa niya. Ang itulak siya ni Jan Irish para magising siya sa kabaliwang gagawin o ang hayaan siya ng babae para magawa na niya ang gusto mula nang makita ito.

She rolled her tongue over her lips. “I have one condition.”

Kinabahan siya. “Ano?”

“Let me see your scars first.”

Bumadha ang takot at pag-aalala sa mukha ni Tegan. Takot na baka pandirihan siya ng babae at pag-alala na baka kapag nakita nito ang mga iyon ay tumakbo si Jan Irish sa sobrang pandidiri.

He was scared! Fuck it!

Ibinuka niya ang mga labi para magsalita pero naunahan na siya ni Jan Irish na itaas ang laylayan ng suot niyang t -shirt.

Fucking hell!

Pigil ni Tegan ang hininga habang hinihintay ang magiging reaksiyon nito. Todo-todo ang mabilis na pagtahip ng puso niya habang pilit na binabasa ang ekspresyon sa mukha ng babae.

Tegan waited impatiently. Nakatatak na sa isip niya na negatibo ang magiging reaksiyon nito. All women who saw his body found him disgusting and he was already used to it.

But Jan Irish didn’t show any negative expression on her face. Instead, it softened as she stared at his scars. Halos lahat ng parte sa likod niya at kalahati sa harap niya ay puno ng pilat. And Jan Irish didn’t look disgusted. Should he dare hope? Can he breathe now?

“Hindi naman pala lahat nasunog,” komento nito habang hinahaplos ang pilat niya sa tagiliran.

“Says who?” Hindi siya makatingin dito nang deretso. Nahihiya siya. His pink and purple scars disgusted him, too. The way the skin wrinkles and the texture. It was hideous to look at. “That scars runs down towards my left thigh, legs and feet. Halos kalahati ng likod ko ay nasunog din. Fortunately, my penis survived.” Kinain niya ang hiya at pinilit ang sariling na tumingin sa mga mata ni Jan Irish. “Now that you have seen my scars, what happens next?”

Parang may sumakal sa puso ni Tegan nang umalis ito sa pagkakaupo sa kanyang hita. Pero agad din iyong nawala nang hawakan nito ang kamay niya at hinila siya patayo.

“Jan Irish,” he sighed heavily. “Please stop torturing me.” Nagmamakaawa ang mga mata niya. “Umalis ka na lang at kalimutan na lang natin ang nangyari dito.”

Tumango ito mayamaya ay ngumiti. “Aalis ako kasi hindi pa ako handang ibigay ang hinihingi mo sa `kin. But I’ll never forget what happened here.” Masuyo siyang ginawaran ng halik sa mga labi ng babae. “And I like the kiss. I enjoyed it really.” Humakbang itong palayo sa kanya patungo sa pinto ng kuwarto. And before she left, she looked back at him and smiled. “And I don’t think you’re disgusting. Actually…” Kinagat ni Jan Irish ang ibabang labi. “I think you’re hot.” Pagkasabi niyon ay nagmamadali itong umalis ng kanyang kuwarto.

Tegan just stood there with a small smile on his lips and his heart beating rapidly.