noveltoon logo noveltoon
Darkest Touch (Dark Boss Series Book 1)

Chapter 18

Ch. 19 / 22 Feb 05, 2022

Chapter Eighteen

One year later…

“M A’AM, may ipinadala pong folder si Mister Vallega para sa inyo,” sabi ng secretary ni Jan Irish na ang tinutukoy ay ang kanyang ama. “Pinapasabi po ng nagpapadala na trabahuhin daw po ninyo ito agad.”

Huminga muna siya nang malalim bago tinanggap ang envelop. “Thanks, Dana.” Nginitian niya ang babae. “Puwede mo ba akong bilhan ng kape sa coffee shop sa `baba? Hindi pa kasi ako nag-aagahan, eh.”

“Yes, Ma’am.” Kaagad na umalis ang sekretarya niya para bilhan siya ng maiinom.

Binuksan ni Jan Irish ang envelop na pinabibigay ng ama niya saka inilabas ang mga papeles na laman niyon. Nang mabasa niya ang nakasulat sa papel, tinawagan niya ang kanyang ama.

“Papa, ano’ng gagawin ko sa mga papeles na `to?” agad niyang tanong sa ama nang sagutin nito ang tawag. “Okay naman po lahat, ah.”

“Yes, I know. But I want you to check the lot and the house,” sagot ng kanyang ama sa kabilang linya. “Gusto ko kasing mag-focus ka ngayon sa real estate at ito na ang pagkakataon mong matuto.”

“Akala ko ba, ikaw muna sa real estate ngayon?” Bumuga siya ng marahas na hininga. “`Pa, ang dami kong ginagawa. Ang dami kong trabaho.”

“Naghihintay na sa bahay `yong kliyente mo, Jan Irish. Medyo nagdadalawang-isip pa siyang bilhin ang bahay kasi kailangan pa raw niya ng go signal ng asawa niya. That’s why I’m sending you there. Siguruhin mong bibilhin niya ang bahay at lupa.”

Nalukot ang kanyang mukha. “Papa, katabi lang ng bahay natin ang bahay na `to. Ikaw na lang kaya.”

“Anak, nandito ako sa Davao ngayon. May kausap akong investor.”

Jan Irish groaned. “Fine. I’ll do it!” napipilitan niyang sabi saka nayayamot na pinutol ang tawag.

Tamang-tama naman na kapapasok lang ng sekretarya niya na may dalang kape para sa kanya.

“Heto na ho, Ma’am.”

Nginitian niya si Dana. “Thanks.” She sipped a small amount of coffee. “Siyanga pala, hold my calls and appointment. May kailangan lang akong puntahan na kliyente.”

“Yes, Ma’am.”

Nang makaalis si Dana, tumayo si Jan Irish mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair saka inayos ang damit na bahagyang nagusot. Isinuot niya ang Gucci coat na regalo sa kanya ng ina nang nagdaang Pasko. She then picked up her car keys, her coffee, then she walked out of her office.

Nang makalabas ng building nila, sumakay na siya sa kanyang kotse saka pinaharurot iyon papunta sa bahay na nasa tabi lang ng bahay ng kanyang mga magulang.

Agad na pumasok si Jan Irish sa gate ng katabing bahay ng kanyang mga magulang na bahagya nang nakaawang. Mukhang naroon na nga ang kliyente niya. Kinabahan siyang bigla. Pahamak naman kasi itong papa niya. Wala siyang masyadong alam sa real estate pagkatapos ay siya pa ang pinahawak nito.

I’ll do my best. Jan Irish smiled. As always.

Maingat siyang humugot ng malalim na hininga saka naglakad papasok ng bahay. Nasa sala pa lang siya ay may naririnig na siyang boses ng isang lalaki. Medyo may kalayuan ito sa kanya.

Sinundan ni Jan Irish ang baritonong boses hanggang sa makarating siya sa likod-bahay kung saan naroon ang maliit pero napakagandang hardin.

Pero hindi ang magandang hardin ang nakakuha sa kanyang atensiyon kundi ang matangkad na lalaking nakatayo at nakatalikod sa kanya habang nakikipag-usap sa cell phone.

Sumikdo ang puso niya dahil sa pamilyar nitong bulto. It couldn’t be him, bulong ng kanyang puso.

“No. I want that investment now. I don’t want it later. I. Want. It. Now.” May diin ang bawat pagbigkas nito ng mga salita. “And ready the annual report. Kailangan ko `yan bukas—No, James, you listen to me. Ako ang boss mo.”

Her heart won’t stop beating. His familiar body built and his familiar voice. No. It can’t be him. Baka guni-guni lang niya ang nakikita at naririnig dahil sa sobrang pagka-miss niya kay Tegan. Ilang beses na ba niyang pinagkamalan ang ibang lalaki na si Tegan lalo na kapag nakatalikod?

“Yes. I know,” sabi ng lalaki. “Ihanda mo na ngayon, kailangan ko `yan bukas. Kapag wala pa `yan, I will fire you, James. I’m serious.”

Tumikhim siya. “Hi. You must be our client,” pormal ang boses niyang sabi. “I’m Jan Irish Vallega. Nice to meet you.”

Jan Irish saw the man still when he heard her voice. Ang puso niya ay wala pa ring tigil sa malakas na pagkabog.

It’s not him! Get a hold of yourself, Jan Irish!

“Are you interested to buy the house?” Inumpisahan na niya ang trabaho. “Malaki ang bahay na `to at maganda para sa mag-asawang nag-uumpisa pa lang bumuo ng pamilya. Your kids will love it here.”

“How about you, Jan Irish?” Lumingon sa kanya ang lalaki at nagtama ang mga mata nila. “Do you love it here? Do you like the house?”

Umawang ang kanyang mga labi at nabitawan niya ang envelop na hawak kasabay ng panlalaki ng mga mata habang nakatingin sa lalaking nasa harap niya.

“T-Tegan?” sabi niya habang nanginginig ang mga labi.

Ngumiti ang lalaking nasa harap niya. “At your service, honey.”

Halos mahulog ang panga ni Jan Irish habang hindi makapaniwalang nakatitig sa kabuuan ng mukha ng lalaki.

“I-is that…” She was stuttering in shock and nervousness. “I-ikaw… A-ano’ng n-nangyari—Anong… Ikaw b-ba `y-yan?”

Tegan smiled and Jan Irish swore; her knees nearly turned to jelly.

Pasimple siyang humawak sa hamba ng pinto papunta sa hardin para doon kumuha ng lakas para hindi siya mabuwal sa kinatatayuan.

“Hey.” He smiled again. “I miss you.”

Nanghihina ang mga tuhod ni Jan Irish dahil sa ngiting nakaguhit sa mga labi ni Tegan. His smile was making her heart thump crazy and her knees were buckling as they stared into each other’s eyes.

Kung noon, napakaganda ng ngiti ni Tegan para sa kanya, ngayon, mapupugto yata ang kanyang hininga dahil sa simpleng ngiti nito.

“T-Tegan…” Hindi pa rin niya maalis ang mga mata sa lalaki. “A-anong…. Bakit…”

Tegan took a deep breath and walked towards her. There was a small smile on his sexy lips and it was sending her heart into frenzy.

“H-huwag ka ngang ngumiti.” She really couldn’t look away at his face. Nauutal siya. “At huwag mo akong titigan nang ganyan.” Naiilang siya. “Naaano ako, eh… Basta. May ano…”

Umangat ang kamay ni Tegan saka hinaplos ang kanyang pisngi. Napapikit si Jan Irish nang lumapat ang likod ng kamay nito sa kanyang pisngi. It felt so good. It had been a year without Tegan’s touch. She missed him. So much.

Did he miss his touch, too? O baka naman may iba nang humahawak dito?

Sa katanungang iyon, dumilat siya saka humakbang paatras.

Pain crossed his eyes and she instantly regretted stepping away from him.

Ipinilig niya ang ulo saka tumingin sa mukha nito. “A-ano’ng nangyari sa `yo?” Umangat ang kamay niya saka hinaplos ang pisngi ng lalaki na ni munting pilat ay wala siyang makita. “Bakit ang guwapo mo?” hindi mapigilan niyang tanong. “Ano’ng ginawa mo sa Tegan ko?”

“Ako pa rin naman `to. Ang Tegan mo. Wala na nga lang `yong mga pilat,” sagot nito.

Bumaba ang kamay niya sa butones ng suot nitong polo saka binuksan ang mga iyon.

“You want me now?” Nanunudyo ang ngising nakaguhit sa mga labi nito.

Sinuntok niya ang tiyan ng lalaki pero siya ang napangiwi dahil may katigasan ang tiyan nito.

“Anong mayroon sa tiyan mo at parang bato?” inis niyang tanong.

“I work out thrice a week.”

Nang mabuksan lahat ng butones sa polo nito, binuksan niya iyon saka nakahinga nang maluwag nang makita ang mga pilat nito na sanhi ng pagkasunog. His scars still ran deep, from his shoulder blade down to his abdomen and legs.

“You look relieved,” komento ni Tegan habang nakamasid lang sa reaksiyon niya.

Tumango siya saka hinaplos ang pilat nito sa matitipunong dibdib. “I got worried for a second. Akala ko, wala ka nang pilat.” She caressed his scarred chest and looked at Tegan’s handsome face. “Bakit ang guwapo mo? Ito ba talaga ang hitsura mo noon?”

“You’re questioning my face?” Nagdilim ang mukha nito. “Wala akong iniba sa mukha ko. Genuine `yan. Pinatanggal ko lang ang pilat ko. That’s it.”

“O, bakit ka galit?” Na-miss niyang tuksuhin ang lalaki. “Wala naman akong sinabing pinabago mo ang mukha mo. I can see the scarred Tegan from this handsome face of yours.” She softly slapped his left face. “Guwapo mo.” Tinampal naman niya ang right face nito. “Ang guwapo mo talaga.”

Nakakunot pa rin ang noo ni Tegan. “Eh, bakit mo sinasampal ang mukha ko?”

“Hindi lang ako makapaniwala na itong guwapong mukha na ito ang nasa likod ng pilat mo.”

“Better believe it.” Cockiness was visible on his voice.

Umingos siya. “Okay. Sabi mo, eh.”

Nalukot na naman ang mukha nito. “Hindi mo man lang ba ako na-miss?”

Tinaasan ito ng kilay ni Jan Irish. “Bakit naman kita mami-miss, eh, umalis ka nang walang paalam, `tapos bumalik ka na pala, hindi ka man lang nagparamdam.” Tinarayan niya ang lalaki. “Actually, I’m just here to sell you the house and nothing else.”

Lalong dumilim ang mukha nito. “I wrote a letter—”

“Hindi `yon sapat.”

“Jan Irish, I left for you. Kasi gusto kong maayos na ako pagbalik ko.” He looked so angry and in pain. “I went to the U.S. para ipaayos ang mukha ko, para matanggal ang pilat ko. They have ways on how to fix your skin in a very remarkable way. I did that for you, para hindi kita maipahiya kapag kasama mo ako. Para kahit paano, maipagmalaki mo naman ako.”

Her heart was smiling, pero hindi pa siya tapos sa panti-trip sa lalaki.

“Hindi naman ako nahihiya kapag kasama ka, ah. Pinagmamalaki naman kita. Hindi mo kailangang ipatanggal ang pilat sa mukha mo para sa `kin.”

Bumagsak ang balikat nito. “I thought you’ll be happy to see me handsome and all that.”

“Hindi ako mababaw na tao, Tegan. Wala akong pakialam sa hitsura mo. I like the way you are.”

“So ano, magpasunog ako ulit para bumalik ang dati kong pangit na mukha?” sarkastiko nitong tanong.

“Puwede.” She matched his sarcastic smile with her own. “Pero dapat nasa loob ako ng nasusunog na penthouse tapos ililigtas mo ako.”

Nawala ang emosyon sa mukha nito. “At iiwan mo ako, just like Stella?”

Pinaikot ni Jan Irish ang mga mata. “I’m not Stella. At hindi kita iiwan kasi hindi ka naman magpapasunog. Baliw.” Pinanggigilan niya ang pisngi ng guwapo nitong mukha. “Sayang ang mukhang ito, ang guwapo, kaya siguro nagustuhan ka ni Stella noon. Makalaglag-panty pala ang kaguwapuhan mo, eh.”

His face remained stoic. “`Yon din ba ang magiging rason mo para magustuhan at tanggapin ako ngayon?”

Pinakatitigan ni Jan Irish si Tegan saka napailing. Yes. The new Tegan now was confident on the outside, on the looks department. But in the inside, insecurities still ran deep on him.

“Tegan, you perfectly know na wala akong pakialam kung ikaw ang pinakapangit sa mundo.” Ibinalik niya ang pagkakabutones ng polo nito saka tinapik-tapik ang baba ng lalaki. “But I do admit, you’re very handsome and it’s scaring me.”

“Scared of what?” kunot-noo nitong tanong.

“Scared of other women liking you,” kinakabahan niyang pag-amin. “Call me selfish or whatever, ayokong may ibang babaeng magkakagusto sa `yo kundi ako lang.”

Nagliwanag ang mukha nito. “They can like me all they want, but I only like one girl, and it’s you.”

Nag-cartwheel ang puso ni Jan Irish sa kilig at saya ng sinabi nito. “Talaga lang, ha? Wala kang naging babae doon sa Amerika? I’m sure, sa guwapo mong `yan, marami na ang nagkakandarapang maikama ka.”

He chuckled softly. “Jealous?”

“Hindi, `no.” Umingos siya. “Eh, di makipagtsuktsakan ka sa ibang babae. Paki ko naman.”

“Anong tsuktsakan ?” tanong nito samantalang halata naman kung ano ang ibig niyang sabihin. “Enlighten me.”

“Heh!” inis niyang sagot habang kinakain ng selos ang buong pagkatao niya.

Tumaas lang ang sulok ng labi ni Tegan saka tumuon ang tingin sa envelop na nabitawan niya. “Ano `yan?”

“`Yong mga papeles para sa bahay na `to.”

Tumango ito saka pinalibot ang tingin sa bahay, pagkatapos ay tumingin ito sa kanya. “Nagustuhan mo ba ang bahay?”

Tumango siya. “Maganda.”

“Really?” He grinned. “Then you’ll love this.”

Bigla na lang siyang hinawakan ni Tegan sa pupulsuhan saka hinila papunta sa second floor, sa master’s bedroom.

“Ano’ng ginagawa natin dito—” Words escaped from her mouth as her eyes roamed around the room.

Napakaganda ng kuwarto. Gustong-gusto ni Jan Irish ang bawat sulok ng kuwarto. Pati ang maliit na veranda na nasa kanang bahagi ay nakakuha sa kanyang interes.

“Well? Nagustuhan mo ba?” pukaw sa kanya ni Tegan.

Humarap siya sa lalaki. “Oo.”

Ngumiti si Tegan saka nanatiling nakaharang sa pinto. “What now?”

“Bibilhin mo ang bahay?”

“Do you like the house?”

“Oo.”

“Then, yes, I’ll buy it.” He smiled at her. “Nakikita ko sa mga mata mo, napakarami mong tanong para sa `kin.”

“Tama ka. Ang dami kong tanong.” Kinagat ni Jan Irish ang kanyang ibabang labi. “Where have you been?”

Tegan smiled. “In the U.S.”

“Anong ginawa mo ro’n?”

“Fix my face and fix my life. So when I see the woman that I love again, she’ll be proud of me in front of her family and friends.” Matiim ang tingin nito sa kanyang mga mata.

Woman that i love. Naalala ni Jan Irish bigla ang sulat na iniwan ni Tegan para sa kanya. That ‘PS: I love you’ thing. Totoo ba talagang mahal siya ng lalaki? Or he was just saying it? Who knows?

“May special ka bang babae sa buhay mo ngayon?” Kinakabahan siya. “Hindi mo kailangang sagutin `yon kung ayaw mo,” bawi niya.

He nonchalantly unbuttoned his polo. “Of course, sasagutin ko `yon.” Paisa-isang binuksan ni Tegan ang butones ng polo habang matiim na nakatingin sa kanya. “Nakakahiya naman kung hindi.”

“Hindi na kailangan.”

Tuluyan na nitong nahubad ang polo at hinayaan iyong malaglag sa sahig. “Sino ang espesyal na babae sa buhay ko?” Naglakad ito palapit sa kanya. “Ikaw.”

Lalong kumabog nang mabilis ang puso niya. “Ako?”

“Oo. Ikaw.” Tumigil sa paglalakad si Tegan nang nasa harap na niya at ilang pulgada na lang ang layo ng mga katawan nila. “Ikaw ang espesyal na babae sa buhay ko, Jan Irish.”

Her heart was flipping and beating wildly.

“Okay.” Iyon ang sabi niya pero sa loob-loob ni Jan Irish ay gusto niyang ilapat ang mga labi sa labi ni Tegan. “Next question; last time you had sex.” Nahigit niya ang hininga sa sariling tanong at tumingin kay Tegan. “Well?”

Kinakabahan siya sa magiging sagot nito.

Tumaas ang sulok ng labi ng lalaki. “Hmm… that would be a year ago. With you. Pero gusto kong maging updated. And that would involve you and me, in that bed. Naked. Now.”

Dahan-dahan nitong hinubad ang pantalong suot dahilan para manuyo ang kanyang lalamunan.

“Come on, Jan Irish. Don’t you want to make love to me?” He took his boxer shorts off; he was now standing naked in front of her. “Don’t you miss me at all? Don’t you miss the feeling of me filling you, moving inside of you? Because I do.” Pinagdikit nito ang katawan nilang dalawa. “I really miss you, Jan Irish.”

Naglalaban ang puso at isip niya. “Kung na-miss mo ako, bakit hindi ka nagpakita sa `kin?” Mahihimigan ang pagtatampo sa boses niya. “Bakit hindi mo kaagad ako pinuntahan nang makabalik ka?” Nanunumbat na siya.

“Kasi may mga kailangan pa akong ayusin.” Hinawakan siya ni Tegan sa magkabilang balikat at dahan-dahang hinubad ang cardigan niyang suot. “Isang linggo pa lang naman ako rito.” Slowly, he took of her sleeveless blouse, leaving only her bra on. “I miss you so much.” Binuksan ni Tegan ang butones ng slacks na suot niya saka hinila iyon pababa. “Hindi mo alam kung gaano kita na-miss sa mga sandaling magkalayo tayo.” Hinagod nito ng tingin ang kanyang katawan, puno ng pagnanasa ang mga mata nito.

“Totoo ba ang PS doon sa sulat na iniwan mo?” Napakabilis ng tibok ng kanyang puso.

“Yes. I’m in love with you, Jan Irish. Still am.” He looked deep into her eyes. “The only question is, do you feel the same way?”

Gumuhit ang isang nang-aakit na ngiti sa kanyang mga labi saka ini-unhook ang bra niya. “Kailangan ko pa bang sagutin `yon?” Itinapon niya ang bra sa sahig. “Why don’t I just show you the answer to that question?”

Tegan smiled. “Show me then.”

Napatitig si Jan Irish sa mukha ni Tegan. “Ang guwapo mo talaga.”

Ngiting-ngiti ang loko. “Thanks.”

“And i miss you, too.”

“Really?”

“Yes.” She pressed her bare chest to his. “I miss you every day.”

“Me, too.”

Hinaplos niya ang mukha ni Tegan habang puno ng paghanga na nakatitig sa lalaki. “Ang guwapo mo.” Mahina siyang natawa. “I can’t get enough of your handsomeness.”

“Nasanay ka kasi na pangit ang mukha ko kaya ganyan ang reaksiyon mo ngayon.” Tegan smiled and her knees nearly buckled. “Can i kiss you now?”

“Yes.”