noveltoon logo noveltoon
Darkest Touch (Dark Boss Series Book 1)

Chapter 11

Ch. 12 / 22 Feb 05, 2022

Chapter Eleven

NAKANGITI si Jan Irish habang pinaghahanda ng agahan si Tegan. Balik na ulit siya sa pagiging katulong sa bahay nito. Napilit din niya sa wakas ang lalaki na maging katulong siya ulit nito; kapalit ng pagsagot ng lalaki sa mga katanungan niya. This time, it was not one question per week but one question per day.

“You look radiant this morning,” komento ni Tegan.

Napaigtad sa gulat si Jan Irish. Hindi niya namalayang nakapasok na pala sa komedor ang lalaki.

Nakangiting humarap siya. “Good morning.”

“Good morning.” Hinalikan siya ni Tegan sa mga labi. “Ikaw ang nagluto?”

Tumango siya. “Pinagpahinga ko muna si `Tay Berto.” Pinaupo niya ito sa hinugot niyang upuan. “Kain ka na. Papasok ka pa sa office, `di ba?”

“Yep.”

“Kain ka na,” sabi niya pagkatapos ay kinuha ang notebook at ball pen na itinabi niya kanina at tumabi ng upo sa lalaki. “May tanong ako.”

Nabitin ang pagsubo ni Tegan saka natatawang tumingin sa kanya. “Tanong kaagad? Hindi ba puwedeng kumain muna ako?”

Natatawang inirapan ito ni Jan Irish saka inilapag ang notebook at ball pen sa ibabaw ng mesa.

“Oo na, kakain muna.”

Pinisil ni Tegan ang ilong niya saka nito ipinagpatuloy ang pagkain. “Magtanong ka na,” natatawang sabi nito.

Excited na kinuha ulit ni Jan Irish ang notebook at ball pen saka nagtanong. “Bakit ka nasunog?”

Napakasimple ng tanong niya pero lahat ng emosyon sa mukha ni Tegan ay nawala. His face became stoic.

“Do you really want to know?” tanong nito sa walang emosyong boses.

Nanikip ang dibdib ni Jan Irish. “Yes.”

“Really? O baka naman gusto ng mga taong tsismosa na malaman ang totoo?”

Para siyang sinampal sa sinabi nito. “Kung hindi mo sasagutin, ayos lang.”

Akmang aalis siya nang pigilan siya sa braso ng lalaki. “Galit ka?”

“Hindi.”

“Liar.”

Her lips thinned. “Nangako kang sasagutin mo, tapos ngayon hindi naman pala. Sana nagsabi ka noong una pa lang na pili lang sa tanong ko ang sasagutin mo. Ayos lang naman sa `kin.”

“You’re being unfair to me, Jan Irish.” Nawalan ng emosyon ang mga mata nito. “Baka nakakalimutan mong personal kong buhay ang ipa-publish n’yo sa magazine. Alam kong trabaho mo lang ako, but can you give me some time?”

Napabuntong-hininga si Jan Irish. “Tegan, hindi lang naman dahil sa pansariling kapakanan kaya ginagawa ko `to. I believe that through this interview, you will be able to accept and love yourself. Naniniwala akong sa pamamagitan ng pagsagot mo sa mga tanong ko, mababawasan ang sakit na nararamdaman mo na pilit mong itinatago sa buong mundo.”

Tegan chuckled coldly. “Accept myself?” Napailing-iling ito at nagtagis ang mga bagang. “How could I accept myself when people couldn’t even accept me? People say they don’t care about your look as long as you’re beautiful or handsome inside. They say it’s the inside that counts.” Mapakla itong tumawa. “That’s bullshit, Jan Irish. That’s plain hypocrisy. There is no inner beauty. Matagal ko nang tanggap na ang lipunan, hindi tatanggapin ang isang katulad ko na pangit. People judge. People destroy you. At ako ang pruweba do’n.”

“Tegan…” Akmang hahaplusin niya ang pisngi ng lalaki pero pinigilan nito ang kamay niya.

“No, Jan Irish. Don’t.” Umiling ito at mapait na ngumiti. “Before i was burned, i had lots of friends. Lots of connections. Lots of admirers. I had so many people that looked up to me and adored me. Noong nangyari ang aksidente at nasunog ako, apat na buwan ako sa ospital pero mabibilang ko lang ang taong bumisita sa `kin. And those are my true friends. Alam mo kung ilan sila?”

Jan Irish’s heart was in so much pain for Tegan. “Ilan?”

“Apat lang.” He blew a loud breath. “Out of all the hundreds and thousands friends that i had that time, apat lang ang nag-effort na bisitahin ako. Ang rason nila, kasi mabaho raw ako. Oo nga naman, my skin had been burned, and it was slowly healing. May amoy talaga ako nang mga panahong `yon.” Natawa ito nang mahina pero wala iyong emosyon. “It was okay though. I understand. Pero alam mo `yong hindi ko maintindihan?”

“Ano?”

“They said love conquers all. They said that love knows no boundaries. They said that love will heal any wounds. Naniwala ako do’n noon. I should have known that it was all bullshit.” Nagtagis ang mga bagang nito, tumalim ang mga matang mamasa-masa. “Bakit? Kasi iniwan ako ng taong akala ko, kasama ko hanggang sa huli.” Doon tumulo ang isang butil ng luha sa mga mata nito. “We had a vow. We promised in front of God that in richer and poorer, in sickness and in health, till death do us part.”

Napaawang ang mga labi ni Jan Irish at pakiramdam niya ay nabiyak ng ilang piraso ang puso niya sa sobrang sakit. She felt suffocated at she stared back at Tegan’s teary eyes. It couldn’t be!

“You’re…” Nanginginig ang boses niya, natatakot siyang magtanong. “I-ikaw… k-kinasal ka?” Nahulog ang ilang butil ng luha sa kanyang mga mata. “M-may asawa ka?”

Nagkapira-piraso ang puso ni Jan Irish nang tumango si Tegan. Pakiramdam niya, niyurakan nito ang buo niyang pagkatao.

“No…” Umiling siya at nanghihinang napaupo sa upuan niya kanina. “No…”

Umalis si Tegan sa pagkakaupo saka lumuhod sa harap niya at sinapo ang kanyang mukha.

“Look at me, honey.” Mahihimigan ang pakiusap sa boses nito.

Sinalubong niya ang nangungusap nitong mga mata. “Please, Tegan, sabihin mo sa `king hindi mo ako ginawang kabit.” Napahagulhol siya. “Oh, my God. I don’t want to be a mistress!”

Umiling ito habang tinutuyo ang mga luha sa kanyang pisngi. “You are not a mistress. You are more than that to me. Oo, kinasal ako kay Stella, pero nang masunog ako, apat na buwan ako sa ospital. Sa loob ng dalawang buwan, nasa tabi ko siya, noong ikatlo, nakahanap na siya ng iba, sa ikaapat na buwan, iniwan na niya ako.

“She left me, Jan Irish. She left me because she couldn’t stand how ugly her husband was. She left me because i looked like a monster. Iniwan niya ako, Jan Irish. Iniwan niya akong mag-isa. At alam mo ba kung ano’ng mas masakit? Nasunog ako para iligtas siya kasi nasusunog ang penthouse ko na tinitirhan namin noon at nasa loob siya. I endured the pain of my skin burning just so I can save her. Pero hindi pala sapat ang pagmamahal ko sa kanya. Dapat pala, guwapo ako para maipagmalaki niya ako sa iba.”

The pain in Jan Irish’s heart was too much. The pain of knowing that Tegan was already married and the pain of what he had been through because of Stella was too much. Siguro, kung nasa harapan niya ang babaeng iyon, baka napatay na niya ito.

“Bakit hindi mo sa `kin sinabi?” pabulong niyang tanong habang tumutulo ang mga luhang hindi niya mapigilan.

Tegan looked deep into her eyes. “Because when I saw you, I felt something stirring inside of me. Hope. I hoped that you’ll be different from the others and you are. Natakot akong sabihin sa `yo kasi alam kong aalis ka, iiwan mo rin ako kapag nalaman mong kasal na ako. Hindi ko hahayaang umalis ka. I knew it was selfish of me but I don’t care. I saw acceptance in your eyes and i want more.”

“Pero sana sinabi mo sa `kin ang totoo. You should have given me a choice.” Humikbi siya.

“A choice to what? To leave me?” Marahas itong umiling. “I couldn’t let you leave. Because if you do, something inside of me will die. As unbelievable as it may seem, tanggap mo ako, ayos lang sa `yo kung ganito ang hitsura ko. Noong una, hindi ako naniniwala. Pero pagkatapos ng nangyari sa `tin, nagbago ang isip ko. I believe you, damn it. I believe you.”

Humugot siya ng isang malalim na hininga at hinaplos ang parte ng pisngi nitong nasunog.

“Tegan, tanggap kita kahit ganyan ang hitsura mo, ilang ulit ko ba iyong dapat sabihin sa `yo? Pero ngayon, sa mga nalaman ko… na kasal ka pala… ” Inihilamos niya ang mga kamay sa sariling mukha. “It changes everything.”

Marahas itong umiling. “No!”

“Yes!” balik sigaw niya sa lalaki. “My God, Tegan, kasal ka hanggang ngayon, `tapos may nangyari sa `tin. Baliktarin man natin ang mundo, magbigay man tayo ng rason para i-justify ang mga ginawa natin, lalabas at lalabas pa rin na kabit mo ako.”

“No… No, Jan Irish. No…” His eyes were begging.

Pinatigas ni Jan Irish ang puso niya. Hindi siya puwedeng madala sa nangungusap na mga mata ng lalaki. Tumayo siya at humakbang palayo kay Tegan na nakaluhod pa rin.

“Kumain ka na,” sabi niya. “Doon lang ako sa kuwarto ko.”

Hindi niya hinintay ang sagot ni Tegan. Malalaki ang hakbang na nagpunta siya ng kuwarto at doon ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman nang mga sandaling iyon.

She was in love with a married man. Together or not, the fact still remained that Tegan Galvante was married. And that broke her already shattering heart.

SASABOG na ang ulo ni Tegan sa pag-iisip kung ano ang gagawin para manatili sa piling niya si Jan Irish. Hindi ito puwedeng mawala sa kanya. Hindi niya kakayanin. She was the light of his life. Without her, he would be in the dark again.

“Sir Tegan!” Ang walang emosyong boses ni `Tay Berto ang pumukaw sa malalim niyang pag-iisip.

Bagsak ang mga balikat na nilingon niya ang matandang lalaki. “Ano ho `yon?”

“May bisita ka.”

Kumunot ang kanyang noo. “Sino?”

“Nasa sala.” Pagkasabi niyon ay tinalikuran siya ni `Tay Berto.

Nagtataka si Tegan sa inaakto ng matandang lalaki. Wala itong emosyon sa mukha.

Napabuntong-hininga siya saka nagpunta sa sala. Magulo pa rin ang isip niya habang naglalakad kaya hindi niya napansin ang babaeng nakaupo sa mahabang sofa na para bang isa itong reyna.

“It’s been a long time, my love.”

Tegan froze when he heard that voice and endearment. Tumuon ang kanyang mga mata sa nagsalita. Parang nawala ang lahat ng dugo sa kanyang katawan nang makilala ang nagsalita.

“Stella…”

She smiled sweetly at him, just like before. “Kumusta ka na?”

Kumuyom ang kamay niya. Sagad ang galit niya sa babaeng ito. “Heto, pangit pa rin.”

Gustong matawa ni Tegan nang makitang tumingin ito sa kanya at nakita ang disgusto sa mga mata nito.

Stella looked away. Hindi nito kayang titigan ang kanyang mukha.

His lips thinned. “Ano bang ginagawa mo rito? Ano bang kailangan mo?”

Bumalik ang matamis nitong ngiti sa mga labi. “I need money. And since asawa naman kita, you’ll provide it for me, yeah?”

Nagtagis ang kanyang mga bagang. “Nasaan na ang perang ibinigay ko sa `yo noong isang taon?”

“Ubos na.” Nagkibit-balikat ito na parang wala lang ang paglulustay ng pera niya. “Bibigyan mo naman ako, `di ba? It’s your responsibility after all.”

Tegan took a deep breath. “Hindi kita bibigyan.”

Napanganga si Stella at bumakas ang galit sa mukha. “How dare you! That’s your payment for me!”

“Payment for what? You marrying me?” Sarkastiko siyang tumawa. “I already paid you enough, woman. Wala ka nang makukuha sa `kin.”

Tumalim ang mga mata nito. “Baka nakakalimutan mo, kasal tayo. What’s yours is mine.”

Tumaas ang sulok ng labi niya. “Yes. That’s true. Pero nang iwan mo ako at sumama ka sa ibang lalaki, i think that ended whatever hold you have in me. Kung dadalhin mo sa korte ang karapatan mo sa pera na pinaghirapan ko, feel free. I’ll see you there.”

Hindi makapaniwalang tumingin ito sa kanya. “Anong nangyari sa `yo? Hindi ka naman ganito dati.”

“People change, Stella.” Tinalikuran niya ang asawa. “And I assure you, wala kang makukuhang pera sa `kin kahit isang centavo. Tapos na ang pagiging bangko ko sa `yo.”

“Paano na ako? Wala akong pera.” Kaawa-awa ang boses nito. “Saan ako titira, sa kalsada?”

Tumigil si Tegan sa paglalakad saka bumaling kay Stella. “I may look like a monster, but I am not one. Dito ka tumira sa bahay kung gusto mo. Pero wala kang aasahang pera sa `kin. `Yan ang tandaan mo.”

Iniwan niya si Stella sa sala na hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

Tegan had Jan Irish to thank for his bravery in front of Stella. Noon, binibigyan niya ng pera ang babae dahil pakiramdam niya, hindi ito naging masaya sa buhay may-asawa dahil sa kanya. It was his way of saying sorry for being ugly. But now, he won’t give even a centavo to Stella. Jan Irish thought him to accept and love himself, and that was what he was going to do.