noveltoon logo noveltoon
Darkest Touch (Dark Boss Series Book 1)

Epilogue

Ch. 22 / 22 Feb 05, 2022
Prev Next

Epilogue

Epilogue

“PLEASE,

please, be a girl,” Tegan prayed. “Please, be a girl,” dasal niya habang nasa delivery room ang mahal niyang asawa at nanganganak. “Please, maging babae ka sana.”

“Pina-ultrasound n’yo na lang sana ni Irish para alam ninyo ang gender ng baby,” sabi ng ina ni Jan Irish na kasama niyang pumunta sa ospital.

Bumaling siya mother-in-law niya. “We want it to be a surprise, `Ma.”

Ngumiti ito. “Sana nga babae, `no? Para mabawasan naman ang testosterone sa bahay. Nao-overpower na kaming mga babae, eh. Dalawa lang kaming babae ni Irish, samantalang lima kayo kasama na ang tatlong apo kong lalaki.”

Mahina siyang natawa. “Nao-overpower na ba, `Ma?”

Inirapan siya ng biyenan. “Oo. Ang dami n’yong lalaki sa bahay.”

Natawa na lang si Tegan sa sinabi ng biyenan. Oo nga, marami na silang lalaki sa bahay.

Pinatibag ni Tegan ang pader na humahati sa bahay na binili niya sa tabi ng bahay ng mga magulang ni Jan Irish. Kaya naman halos iisa na lang ang bahay nila.

“Daddy! Daddy!” sigaw ng ikatlo nilang anak ni Jan Irish na lalaki na tumatakbo palapit sa kanya. “Lumabas na po ba si Mommy?”

Sinalubong niya ang anak saka kinarga. “`Di ba, sinabi ko sa `yong huwag kang tumakbo?”

“Sorry po.” Ngumiti si King. “Excited na kasi akong makita si baby sister, eh.”

“Not sure pa `yan, anak.” Ginulo ni Tegan ang buhok nito. “Hindi pa lumalabas, eh.”

Napasimangot ito. “Sabi ni Kuya Prince, babae daw.”

“Sana nga anak.”

Napangiti si Tegan nang makita ang panganay na anak na si Duke na naglalakad palapit sa kanila kasama si Prince at ang lolo ng mga ito. Dala ni Duke ang mga gamit ng bata samantalang si Prince naman ay dala ang mga gamit ni Jan Irish.

Duke was fifteen years old and Prince was twelve.

“`Pa, bakit sumama pa kayo?” Ibinaba niya si King saka kinuha ang dalang bag ng ama ni Jan Irish. “Sa bahay na lang sana kayo nagpahinga.”

Medyo may-katandaan na ang ama ni Jan Irish at palaging nananakit ang tuhod at likod.

“Ayos lang, anak,” sabi nito sa kanya. “Ipinagmaneho naman kami ni Berto.” Katulad nito, may-katandaan na rin si `Tay Berto pero malakas pa naman at matigas din ang ulo. “Saka walang kasama ang mga apo ko. Kawawa naman.”

Napailing na lang si Tegan. May katigasan din ang ulo ang ama ni Jan Irish. Sinabihan na ito ng doktor na magpahinga pero hindi nakikinig.

“Upo kayo, `Pa.” Iminuwestra niya ang kamay sa sofa na kinauupuan niya kanina. “Pahinga muna kayo.” Binalingan niya si Duke. “Ibaba mo na `yang dala mo. Magpahinga ka na rin.”

Duke just nodded and sat.

Napabuntong-hininga na lang si Tegan sa ugali ni Duke. Ito ang anak niyang hindi palasalita, samantalang si Prince ang pinakamahilig mang-asar. Si King naman ay ang pinakapilyo sa tatlo.

“Paano kung lalaki na naman ang anak ni Mommy?” tanong ni Prince sa kanya habang may lollipop na nakasalpak sa bibig nito. “`Tapos bakla pala?”

Pupukulin sana niya ng masamang tingin si Prince pero naunahan na siya ni Duke. Tinabig nito ang paa ni Prince.

“Manahimik ka nga,” saway ni Duke kay Prince. “Baka ikaw ang bakla.”

Bumungisngis si King. “Bakla. Bakla. Bakla.”

Kumuyom ang kamay ni Prince at humarap kay Duke. “Suntukan tayo gusto mo?”

Umingos si Duke saka mabilis ang mga paa na sumipa kay Prince na mabilis namang nasalag ni Prince. Normal na iyon sa dalawa. Minsan nga, nagsisisi siya na pinag-aral niya ang dalawa ng tae kwon do at judo.

Nagtagis ang mga bagang niya. “Aherm.” Tumikhim siya. “Gusto n’yong paluhurin ko na naman kayo? Sabi ko, `di ba, na bawal mag-away?”

“Sorry,” nakasimangot na hingi ng tawad ni Prince sa kanya.

“Sa kuya mo ka manghingi ng sorry.”

Hindi maipinta ang mukha ni Prince. “Sorry, Kuya.”

“It’s okay,” Duke said then closed his eyes.

Papangaralan sana ni Tegan ang mga anak nang lumabas ang doktor na nagpapaanak sa asawa niya.

“Mister Galvante…” Nakangiti itong lumapit sa kanya. “Maayos na ang lagay ng mag-ina mo.”

Nakahinga siya nang maluwag. “Lalaki ho ba, Doc?”

“Babae.”

“Thanks God,” halos sabay-sabay nilang sabing lahat.

Napangiti ang doktor. “Isang malusog na babae ang anak n’yo, Mister Galvante. Congratulation.”

“Thanks, Doc.”

Nang makaalis ang doktor ay nagkanya-kanyang bigay na ng pangalan ang mga anak niya sa kapatid ng mga ito.

“Duchess,” sabi ni Tegan. “That would be her name.”

Natahimik ang lahat hanggang sa nagsalita ang ina ni Jan Irish. “Ngayon pa lang, natatakot na ako para kay Duchess. Maraming bubugbog sa magiging mga manliligaw niya,” komento nito.

“Walang manliligaw kay Duchess.” Siya at ang tatlo niyang anak na lalaki ay pare-parehong nagdilim ang mukha. “Patay sila sa `kin,” sabay-sabay nilang sabi ng tatlo niyang anak.

Mahinang natawa ang ama ni Jan Irish. “God bless, Duchess.”

“No,” matalim ang mga matang sabi ni Tegan. “God bless to the poor soul who will try to win her heart. Maraming kamay ang tatama sa mukha at katawan niya.”

“Yeah.” Duke smirked. “God bless him.”

Tegan smiled. Mukhang hindi siya mahihirapang protektahan ang nag-iisa nilang babae. Sama-sama sila ng kanyang tatlong lalaking anak na poprotekta dito.

Wakas