noveltoon logo noveltoon
Darkest Touch (Dark Boss Series Book 1)

Chapter 20

Ch. 21 / 22 Feb 05, 2022

Chapter Twenty

HINAWAKAN ni Jan Irish ang kamay ni Tegan at pinisil iyon nang mapansin niyang kinakabahan ang lalaki. “Relax. Hindi ka naman kakainin ni Papa, eh,” natatawang sabi niya.

Huminga ito nang malalim. “Nang bilhin ko ang bahay sa tabi ng bahay n’yo, siya talaga ang sadya ko. Gusto ko siyang makausap, eh. Hindi ko alam na ikaw na pala ang namamahala sa negosyo n’yo.”

Ngumiti siya. “Basta relax ka lang. Mabait naman si Papa, eh.”

“Hindi kaya niya ako barilin?” kinakabahan nitong tanong.

Mahina siyang natawa. “Walang baril si Papa.”

“How sure are you?”

“Fifty percent.”

Napasimangot ito. “Jan Irish naman, eh.”

Natawa siya ulit. Ang sarap talagang tuksuhin si Tegan. Nakakawala ng stress.

Pareho silang natigilan nang marinig na may tumigil na sasakyan sa labas ng bahay.

Humugot ng malalim na hininga si Tegan. Si Jan Irish naman ay tumayo para sa salubungin ang mga magulang.

“Naku, mahal. Ang tanda ko na para bumiyahe pa. Nakakapagod,” sabi ng boses ng kanyang papa. “Next time, si Jan Irish na ang papupuntahin ko do’n.”

Narinig niya ang mahinang pagtawa ng kanyang mama. “Ikaw naman kasi, hindi makapaghintay. Sinabi ko nang ipagpabukas na lang `yang appointment mo sa Davao para si Irish ang pumunta pero matigas `yang ulo mo.”

“Mahal naman, dapat nga nilalambing—” Natigilan sa pagsasalita ang kanyang ama nang tumuon ang tingin sa kanilang dalawa ni Tegan sa sala.

“Good evening ho, Mr. and Mrs. Vallega,” agad na bati ni Tegan sa mga magulang niya. “I’m Tegan Galvante, in case you are wondering.”

Nawala ang pagkakakunot ng noo ng kanyang ama. “Mister Galvante, ikaw pala `yan.” Ngumiti ito. “It’s nice to see you with a handsome face again. Mukhang pinaayos mo na rin sa wakas ang mukha mo. Hindi kita nakilala, ah.”

Tegan smiled. “Oho.”

“It’s a good thing that you did it.” Mahihimigan ang kasiyahan sa boses ng kanyang ama. “Gusto ko ngang i-suggest `yon sa `yo noon pero baka ma-offend kita kaya hindi ko na lang sinabi—”

Tinapik ng kanyang mama ang braso ng kanyang ama dahilan para matigil ulit ito sa pagsasalita saka pasimpleng itinuro ang magkahawak nilang kamay ni Tegan.

Agad na nawala ang ngiti sa mga labi ng papa niya. “Bakit ka narito sa bahay ko, Mister Galvante?” Naging pormal ang pakikipag-usap nito kay Tegan.

Tumingin muna sa kanya si Tegan bago nagsalita. “I’m here to ask Jan Irish’s hand in marriage.”

Parang bombang sumabog iyon sa mukha ng kanyang mga magulang dahil halata ang gulat sa mga mukha nito sa sinabi ni Tegan.

“Ano’ng sabi mo?” Ang ama niya ang unang nakabawi.

“I want to marry your daughter,” Tegan said.

Nanatili ang gulat na ekspresyon sa mukha ng kanyang ama. “Ano?” Napakurap-kurap ito. “Bakit? Hindi naman kayo masyadong magkakilala. May dapat ba akong malaman?”

Sumulyap sa kanya si Tegan, pinisil ang kamay niya saka bumaling ulit sa kanyang mga magulang.

“I met Jan Irish a year ago. Hindi ko alam kung matatawag na relasyon ang mayroon kami noon, pero para sa `kin, siya ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. I wanted to marry her then, pero…” Nagbaba ito ng tingin na parang nahihiya. “Hindi pa annulled ang kasal namin ni Stella.”

“So, ikaw pala ang nagpaiyak sa anak ko.” Mahihimigan ang galit at pagtitimpi sa boses ng kanyang ama. Ikaw pala ang nang-iwan sa kanya. Bakit mo ginawa `yon sa anak ko!”

“Papa—”

“Huwag kang makisali sa usapan, Jan Irish! Go to your room, now!” Naglabasan ang ugat nito sa noo dahil sa galit.

“Pero, Papa—”

“Halika na, Jan Irish.” Nilapitan siya ng kanyang mama, hinawakan sa braso at pilit na hinila palayo kay Tegan.

“`Ma, bitawan mo ako.” Nagpupumiglas siya sa hawak nito. “Kailangan ako ni Tegan sa tabi niya—”

“Anak, hayaan mo si Mister Galvante na harapin ang ama mo nang mag-isa. Let him prove himself to your father.”

Natigilan siya at napalingon kay Tegan. Nakikita niya ang determinasyon sa mga mata nito. And it made her calm down.

“I’ll be fine.” Tegan smiled at her. “I’ll see you again later?”

Tumango siya. “Kaya mo `yan.”

Tegan’s smile widened. “For you, kakayanin ko.”

Gusto niyang yakapin ang lalaki pero hinila na siya ng kanyang mama papunta sa second floor ng bahay nila.

KABADO si Tegan habang kaharap ang ama ni Jan Irish sa loob ng opisina nito sa bahay. Doon siya dinala ng ama ng babae nang makaalis sina Jan Irish at ang mama nito sa sala.

Tumikhim siya para doon kumuha ng lakas ng loob. “Sir—”

“Mahal mo ba ang anak ko?”

Sinalubong ni Tegan ang mga mata ng ama ni Jan Irish para makita nito ang sensiridad niya sa anak nito. “Oho. I love your daughter, Sir. She’s the woman who gave light to my dark world. At wala akong balak pakawalan siya.”

“Kung ganoon, bakit mo siya iniwan?” Walang emosyon ang mukha nito.

“I left for her and also for myself. Gusto kong ayusin ang buhay ko bago ko siya harapin ulit pagkatapos ng nangyari noon. Gusto ko ring maipagmalaki niya ako sa harap n’yo at sa mga kaibigan niya.” Huminga siya nang malalim. “I wanted to fix my life before i start a new life with Jan Irish.”

“Kahit baguhin mo pa ang mukha mo, hindi pa rin kita matatanggap.”

Parang may sumuntok sa puso niya sa narinig. “Sir, mahal na mahal ko ho si Jan Irish—”

“Ilalayo ko siya sa `yo. Kung kailangan ko siyang dalhin sa ibang bansa at itago sa `yo, gagawin ko.”

Hindi makapaniwalang nakatingin siya sa ginoo. Pain was spreading through his heart. Parang sinasakal ang puso niya sa sakit at takot.

“Sir, please, mahal ko ho si Jan Irish.” He didn’t know why, maybe because of fear of losing Jan Irish, a lone tear rolled down his cheek. “Please, Sir, I beg you. Huwag n’yong ilayo sa `kin si Jan Irish. Mahal na mahal ko ho siya. Huwag n’yo siyang ilalayo… huwag po. Mahal ko siya… Mahal na mahal…”

Habang nagmamakaawa siya sa ama ni Jan Irish ay nag-iisip na ng paraan si Tegan kung paano hindi nito mailalayo sa kanya ang babae. He won’t let this man take away the woman that he loved. Gagawin niya lahat ng kaya niya para makasama si Jan Irish. Kaya niyang gawin ang kahit na ano para sa babaeng minamahal—

“Kailan ang kasal?”

Natigilan siya. “Ho?”

Ngumiti ang ama ni Jan Irish na kanina ay napakaseryoso. “Kailan ang kasal n’yo ng anak ko?”

Umawang ang kanyang mga labi. “Payag ho kayo?”

Nagkibit-balikat ang kaharap. “Do I have a choice? Mukhang gusto rin naman ng anak kong makasal sa `yo. At saka hindi ako tanga para hindi maisip na baka may nangyari na sa inyo ng anak ko. Gusto kong panagutan mo siya.” Then a small soft smile appeared on his lips. “And you shed a tear, Mister Galvante. Bilang lang ang lalaking iiyak para sa babaeng mahal nila. Men don’t cry, and if they do cry for a woman, then she must mean the world to him.”

“Thank you, Sir.” He couldn’t stop himself from grinning from ear to ear.

“You’re welcome, Mister Galvante.” He smiled. “Or should i call you, Tegan from now on?”

That put a happy smile on his face. “Yes. Thank you.”

“Sige, alis na. Siguradong hinihintay ka na ni Jan Irish. Nasa third floor, south wing ang kuwarto niya. And please, keep it PG, okay?” Nanunukso ang ngiti nito sa mga labi. “No SPG in my house until you two get wed.”

Ang lapad ng ngiti niya. “Yes, Sir.”

Magmamadali siyang lumabas ng opisina ng ama ni Jan Irish saka pinuntahan ang kuwarto ng babae.

They had to plan their wedding. Pronto .

JAN IRISH was pacing nervously in her room as she waited for Tegan. Abot-abot ang kabang nararamdamam niya habang naghihintay. Pinagdarasal niyang sana ay naging maayos ang pag-uusap ng papa niya at ni Tegan.

Mabilis siyang napalingon sa pinto nang bumukas iyon at nakahinga nang maluwag nang makita si Tegan.

“Tegan…” Sinugod niya ng mahigpit na yakap ang lalaki. “Ano’ng nangyari sa pag-uusap n’yo ni Papa? Pinagalitan ka ba niya? Ano’ng nangyari?”

Kumawala ito sa pagkakayap niya saka siya hinalikan sa noo. “Everything is fine. Okay na. Pumayag na ang papa mo na magpakasal tayo.”

Nakahinga siya nang maluwag. “Hindi ka niya pinagalitan?”

Nagkibit-balikat lang si Tegan. “It doesn’t matter, Jan Irish. I deserve it anyway.” Hinaplos nito ang kanyang pisngi. “What matters now is that your father already agreed to let us get married. Kahit yata bugbugin ako ng papa mo, ayos lang, basta pumayag lang siyang magpakasal tayo.”

Napuno ng kasiyahan ang puso niya. “You really want to marry me that much?” tukso niya sa lalaki.

“I’ll be damned not to.” Hinalikan siya ni Tegan sa mga labi. “Masyado kitang mahal, Jan Irish. Hindi ko kakayaning gumising ulit sa loob ng isang taon na hindi ka nakikita at nakakasama.”

Niyakap niya ang lalaki saka inihilig ang ulo sa dibdib nito. “Mahal din kita, Tegan. Mahal na mahal.”

Niyakap nito ang kanyang baywang. “Kailan mo gustong magpakasal?”

“Bukas,” nakangiting sagot niya.

“Puwedeng next month?”

Mahina siyang natawa. “Bakit next month pa?”

“Kasi gusto ko, grandioso ang kasal natin.”

Napasimangot si Jan Irish. “Okay lang naman sa `kin kung hindi en grande, eh.”

“Hindi `yon okay sa `kin.” Sinapo ni Tegan ang mukha niya at pinakatitigan siya. “You’ll only get married once, Jan Irish. Gusto kong maging memorable `yon sa `yo.”

Lumambot ang mukha niya. “Thank you.”

“I love you.”

She smiled lovingly at him. “I love you, too, honey.”