noveltoon logo noveltoon
Darkest Touch (Dark Boss Series Book 1)

Chapter 16

Ch. 17 / 22 Feb 05, 2022

Chapter Sixteen

AGAD na tiningnan ni Jan Irish ang kanyang cell phone nang magising siya kinabukasan. Tiningnan niya kung may ipinadalang mensahe sa kanya si Tegan o kung tumawag ba ito. Disappointment hit her heart hard when she didn’t receive any of the two from Tegan.

Apat na linggo na ang nakakaraan mula nang huli silang magkita ng lalaki. Miss na miss na niya ito. Gusto na niyang makita at makasama ang lalaki. Excited na siyang ipakilala ito sa kanyang mga magulang na ngayon ay naiintindihan na ang sitwasyon ni Tegan.

She told her parents everything but his name. Now they understood, at araw-araw maghihintay siya sa pagdating nito pero bigo siya palagi. Walang Tegan na dumarating sa bahay nila. Walang Tegan na nag-message o tumawag sa kanya. At walang Tegan na sumagot sa mga tawag niya.

Nadudurog ang puso niya sa bawat araw na nagdaraan na hindi niya nakikita si Tegan. Natatakot siyang baka nagkabalikan na ito at si Stella. And loneliness and pain must stop! Hindi na niya kayang maghintay pa sa pagdating nito kaya siya na mismo ang pupunta sa bahay ng lalaki pagkatapos niyang mag-agahan.

Sana nga lang, payagan siya ng kanyang mga magulang.

Lumabas si Jan Irish sa kanyang kuwarto at nagpunta sa breakfast table kung saan naroon na ang kanyang mga magulang na nag-aagahan.

“Good morning, `Ma, `Pa,” bati niya sa mga ito.

“Good morning din sa `yo, anak,” sabay na bati sa kanya ng mga magulang.

Ngumiti siya. “`Ma, `Pa, puwede na ho ba akong makalabas dito sa bahay? Kailangan ko na kasi talagang ipasa nang personal `yong article na pinasulat sa `kin, eh.”

Ang mapanuring mga mata ng kanyang ama ay kaagad na tumuon sa kanya. “Sigurado ka bang `yon lang ang pakay mo sa labas?”

Napakagat-labi siya. “I want to see him, too.” Ayaw niyang magsinungaling sa mga ito. “Kailangan ko siyang makita para matanong ko kung kumusta na ang annulment case niya at kung may balak pa ba siyang magpakita sa `kin.”

Napailing-iling ang kanyang ama. “I hate seeing you sad, Jan Irish. Pero mapipigilan ba kita?”

Umiling siya at ngumiti. “Hindi po.”

“Sige, basta bago mag-alas-sais ng gabi, nandito ka na sa bahay, maliwanag?”

“Yes, `Pa.” Bumaling siya sa kanyang ina. “Salamat po, `Ma.”

Maganang nag-agahan si Jan Irish, pagkatapos ay masayang naligo at nagbihis saka umalis ng bahay gamit ang kotse na binili ng kanyang ama noong birthday niya.

Magaan ang kanyang pakiramdam habang nagmamaneho papunta sa bahay ni Tegan. May ngiti sa mga labi niya nang i-park ang kotse sa labas ng bahay nito at lumabas sa kanyang sasakyan.

Humugot siya ng isang malalim na hininga at pinindot ang doorbell ng bahay nito.

Nilukob siya ng excitement nang makitang bumukas ang pinto. Ang lapad ng ngiti niya nang makita si `Tay Berto.

“`Tay Berto!” Hindi niya mapigilang yakapin ang matanda. “Na-miss ko ho kayo.”

“Na-miss ko rin ho kayo, Miss Jan Irish,” magiliw na sabi ni `Tay Berto nang pakawalan niya ang matandang lalaki sa mahigpit na pagkakayakap.

Ipinalibot niya ang tingin. “Nasaan po si Tegan? Nandito po ba siya ngayon o nasa opisina?”

Natigilan siya at napakunot ang noo nang makitang bumakas ang lungkot sa mukha ni `Tay Berto.

“Nasaan po si Tegan?” Kinakabahan na siya. “Nandito po ba siya? Kasama ba si Stella?”

Parang pinupunit ang puso niya sa bawat paglipas ng segundo na hindi nagsasalita si `Tay Berto.

“`Tay Berto naman, sagutin n’yo naman ho ako. Nandito ba si Tegan o magkasama sila ngayon ni Stella?”

Umiling ang kausap. “Matagal nang pinalayas ni Sir Tegan si Stella.”

Nakahinga siya nang maluwag. “Eh, si Tegan ho, nasaan siya?”

Iminuwestra nito ang kamay papasok sa loob ng kabahayan. Nauna na itong naglakad at pumasok habang siya ay nasa likuran ni `Tay Berto at nakasunod.

Bumalik ulit ang excitement niya na makita si Tegan.

“Pumasok ka na lang sa loob Miss Jan Irish,” sabi ni `Tay Berto habang nakatayo sila sa labas ng kuwarto ni Tegan. “Sabi niya sa `kin na kapag pumunta ka raw rito ay papasukin kita kaagad sa kuwarto niya.”

Jan Irish beamed at `Tay Berto. “Salamat po.”

“Maiwan na kita,” sabi nito na bakas pa rin ang lungkot sa mukha. “Ipaghahanda kita ng meryenda.”

Nang makaalis si `Tay Berto, excited siyang pinihit pabukas ang pinto at pumasok sa loob. Ang excitement na nararamdaman ni Jan Irish ay unti-unting naglaho nang hindi makita si Tegan sa loob ng kuwarto.

“Tegan?” tawag niya sa pangalan nito. “Tegan? Nandito ka ba? Tegan?”

Bumagsak ang kanyang balikat at wala sa sariling tumuon ang mga mata sa gitnang bahagi ng kama kung saan mayroon nakatuping puting papel.

Kumunot ang noo niya. And out of curiosity, she picked the paper up and read the content.

To my dearest Jan Irish,

As you read this, I’m already in another country missing you. I will miss your smile, your laughter, your kisses and your embrace. Siguro, habang binabasa mo `to, nababaliw na ako sa pagka-miss sa `yo, pero kailangan ko `tong gawin.

You told me to be a better man for myself and not for others. You see, mahirap `yon. I want to be a better man for you and that will never change. You are my inspiration and my motivation to be a better person than I am now. Ginagawa ko lang naman ang lahat ng ito para sa `yo, para maging deserving ako na makasama ka. I know, it’s stupid for me not to say goodbye in person, pero hindi ko kaya. Baka kapag nagpaalam ako sa `yo nang personal, hindi ako makaalis kasi hindi ko kayang mawalay sa `yo, kaya pinili kong isulat na lang ang pansamantala kong pamamaalam sa `yo.

Alam kong pupunta ka sa bahay, alam ko kasi na ikaw ang tipo ng tao na gagawin ang lahat makuha lang ang gusto. At alam kong gusto mo na akong makita. But I’m so sorry, honey. You won’t be seeing me for a year or so. Alam kong kagaguhan ang umalis na hindi nagpapaalam sa `yo, pero kailangan ko itong gawin para sa `yo at para sa sarili ko.

And as selfish as this may sound, I’m begging you to wait for me. Hintayin mo ako dahil hindi ko kakayanin na sa pagbalik ko ay may ibang lalaki ka nang kasama. That would kill me, Jan Irish. Umalis ako para sa `yo at babalik ako para sa `yo. Kailangan ko lang ayusin ang buhay ko. Gusto ko, kapag nagkita tayo uli, wala na akong sabit, wala nang Stella na manggugulo at maipagmamalaki mo na ako sa pamilya at sa mga kaibigan mo.

I’m hoping that you would wait for me, Jan Irish. And if you couldn’t and you find a man worthy of your love and devotion while I’m gone, it would kill my heart, but i will let you go to be happy with him. Just know that I’ll be looking at you and loving you from a far.

-Tegan Galvante

PS: I love you.

Tinuyo ni Jan Irish ang mga luhang namalisbis sa pisngi niya habang binabasa ang sulat na iniwan ni Tegan. Masakit sa puso na mawalay sa taong minamahal pero alam niyang ikabubuti ni Tegan ang pansamantalang paglayo para ayusin ang buhay nito.

Her heart was aching. Ang tanging pagpakalma na lang niya sa pusong nasasaktan at nangungulila ay ang sinabi ni Tegan na babalik ito para sa kanya.

As stupid as it maybe for others, she believed in him. Naniniwala si Jan Irish na babalikan siya ni Tegan. Naniniwala siyang magkikita pa sila ulit. At sa pagkakataong iyon, naayos na nito ang dapat ayusin sa buhay nito. Alam niyang sa pagbabalik ng lalaki ay mas masaya at successful na Tegan ang makikita at makakasama niya.

Ibinalik ni Jan Irish sa pagkakatupi ang papel at ibinulsa iyon saka hinaplos ang higaan ni Tegan at inamoy ang unan nito. Naroon pa rin ang pamilyar na amoy ng lalaki. Hindi niya napigilan ang mahiga sa kama nito at yakapin ang unan at kumot nito.

Oo, tanggap niyang umalis na si Tegan pero masakit pa rin. Nabibiyak pa rin ang puso niya sa isiping wala na ang lalaki. At kahit anong pigil ni Jan Irish, kumawala ang hagulhol sa kanyang mga labi. Ang hagulhol at iyak ng isang pusong nasasaktan at naghihintay sa pagbabalik ng minamahal.

WALA sa sariling ipinasa ni Jan Irish sa editor in chief ng magazine na pinagtatrabahuhan niya ang interview niya kay Tegan saka umuwi sa bahay ng kanyang mga magulang. Agad siyang sinalubong ng mga ito.

“O, anak, nagkausap ba kayo nitong boyfriend mo na ayaw mong pangalanan?” agad na tanong ng kanyang ama.

“Ano’ng napag-usapan n’yo?” tanong ng kanyang ina.

Humugot siya ng isang malalim na hininga saka ngumiti. “Umalis po siya—”

“Iniwan ka niya?” Bumadha ang galit sa mukha ng kanyang ama. “Makakatikim sa `kin ang hayup na `yon—”

“`Pa, he left for me.”

Natigilan ito. “What do you mean?”

“Umalis siya para ayusin ang buhay niya. Gusto niyang maging karapat-dapat daw siya sa `kin sa pagbabalik niya.” Kinagat ni Jan Irish ang ibabang labi para pigilan ang maluha na naman. “And I’ve decided to wait for him. I love him and i believe him when he says he’s going to come back for me.” Ngumiti siya. “Puwede na po ba akong magpahinga?”

Walang imik na tumango ang mga magulang niya at hinayaan siyang umakyat sa hagdan.

Nang makapasok sa kanyang kuwarto ay ini-lock ni Jan Irish ang pinto at doon ibinuhos ang luhang kanina pa niya pinipigilan sa harap ng kanyang mga magulang.