Chapter Five
HABANG kumakain sila ni Tegan, pareho silang walang imik. Parehong nakatutok ang kanilang mga mata sa pinggan. Humahanap ng magandang tiyempo si Jan Irish para makapagtanong kay Tegan.
Ang dami niyang gustong malaman. Nangangati ang lalamunan niya sa kagustuhang magtanong at malaman ang katotohanan, pero pinipigilan niya ang sarili. Ayaw niya. Baka magalit ito at palayasin siya.
Tumikhim si Jan Irish para basagin ang katahimikan. “Ahm, ano’ng gagawin ko pagkatapos nito? May ipapagawa ka pa ba sa `kin?”
Tinapos muna nito ang pagkain bago sumagot. “Tupiin mo na lang ang mga damit ko na natapos mong labahan kahapon at ilagay mo `yon sa closet ko. I expect my clothes to be clean and neat by tomorrow.”
Tumango siya habang nag-uumpisa na namang mainis. Buwisit na lalaki. Gagawin na naman siyang alila. Ang sarap batukan!
“And after that, you rest,” dagdag nito.
Doon tumaas ang isang kilay niya. “Rest? Puwede pala?”
Bumuntong-hininga si Tegan saka bumaling sa kanya. “Kung ayaw mong tupiin ang mga damit ko, magpahinga ka na lang.” Pagkasabi niyon ay tumayo na ito.
“Teka lang…” pigil niya sa lalaki.
Bahagya itong bumaling sa kanya. “May kailangan ka pa?”
“May tanong ako tungkol sa mga pilat mo—”
“You don’t get to ask questions,” putol ni Tegan sa kanyang sasabihin. “One question, one week of being a maid. Nasagot ko na ang isa mong tanong. Sa susunod na linggo ka na puwedeng magtanong ulit.”
Bumagsak ang mga balikat ni Jan Irish. Damn! She was hoping na sana, hindi nito maalala ang deal nilang iyon.
Ibinalik niya ang atensiyon sa pagkain nang makaalis ang lalaki. Naghihimutok pa rin ang kalooban niya, hindi para kay Tegan kundi para sa kanyang sarili. Dapat pinag-isipan niya ang tinanong dito at hindi sa padalos-dalos na paraan.
Urgh! This was annoying!
Naiinis na inubos ni Jan Irish ang pagkain sa pinggan saka mabilis na nilinis ang hapag-kainan. Hinugasan niya ang mga kinainan nila. Pagkatapos ay nagpunta siya sa kuwarto ng lalaki para tupiin ang mga damit nitong nilabhan niya.
Habang nagtutupi ang mga damit ay pumasok si Tegan sa loob ng kuwarto. Nagpanggap siyang hindi ito nakita at nagpatuloy sa pagtupi.
Ganoon din naman ang ginawa ng lalaki, nahiga ito sa kama at pumikit na para bang wala siya roon.
Mukhang sa kanilang dalawa, siya ang mas apektado kasi siya ang naiinis.
Nagdadabog na inilagay ni Jan Irish ang mga damit ni Tegan sa closet nito. Napepeste siya sa hindi niya malamang kadahilanan.
Umirap siya nang marinig na bumangon ang lalaki. Sana matisod ito para naman makabawi siya sa pang-aalila nito sa kanya. Hmp!
Aatras na sana siya at isasara ang closet nang tumama ang likod niya sa matitipunong dibdib ng lalaki. Nakaramdam siya ng kakaibang kuryente sa katawan dahil doon.
She gasped and quickly turned around.
“Tegan!” she said in shock.
Mukhang hindi apektado ang lalaki sa pagkakalapit ng katawan nila dahil komportable nitong inabot ang isang polo shirt, dahilan para magdikit ang mga dibdib nila. Nararamdaman niya ang pagkaipit ng mayayaman niyang dibdib sa matipuno nitong dibdib.
She couldn’t move because she was trapped.
And Tegan took his sweet time reaching and getting his polo shirt. And when he finally did, he looked at her again.
“Bakit ang bango mo?” tanong nito at inilapit ang ilong sa kanyang leeg.
“H-hindi pa ako n-naliligo,” sagot niya. Gusto niyang batukan ang sarili. Smooth talking, Jan Irish!
“Hmm…” Tegan just hummed and took a step back. Ang mga mata nito ay nasa kanya pa rin. “Aalis pala ako. May pupuntahan ako.”
“Pero gabi na.” Lumabas iyon sa bibig ni Jan Irish bago pa niya iyon napigilan.
“And so?” Tumaas ang makakapal nitong kilay. “May reklamo ka?”
Umiling siya. “W-wala ho, Sir.”
Pumasok si Tegan sa banyo para magbihis dahil nang makalabas ito, nakapagpalit na ng damit ang lalaki at handa nang umalis.
“Matulog ka na pagkatapos ng ginagawa mo,” sabi nito saka lumabas ng kuwarto na hindi man lang tumitingin sa kanya.
Pinakawalan ni Jan Irish ang hiningang kanina pa niya pinipigilan saka naupo sa gilid ng kama ni Tegan.
“Saan naman kaya pupunta ang lalaking `yon, eh, gabi na?” Umingos siya. “Baka kay Stella,” wala sa sariling dagdag niya.
Parang may kumurot sa kanyang puso. What the hell? Saan naman nanggaling iyon? Nakakabuwisit.
Pabagsak niyang inihiga ang katawan sa malambot na kama ni Tegan saka tumitig sa kisame. And before Jan Irish could drag herself away from Tegan’s room, she fell into the bed and slept.
MAY DALANG isang supot si Tegan na puno ng pambabaeng gamit nang makabalik siya sa kanyang bahay. May laman iyong body wash, shampoo, lotion, conditioner, at kung ano-ano pa. Wala siyang mga ganitong gamit sa bahay niya. He knew this stuff because of Stella. Palagi itong nagpapabili sa kanya noon.
Kaagad siyang nagpunta sa kuwarto ni Jan Irish para ibigay dito ang pinamili niya. Ganoon na lang ang gulat niya na wala sa kuwarto ang babae.
Umalis ba siya? I guess so.
Bigla siyang nakaramdam ng iritasyon. So she left then. Bullshit!
Galit siyang nagpunta sa kuwarto niya at pumasok. At ganoon na lang ang gulat niya nang makita si Jan Irish na natutulog sa kanyang kama.
“What the hell…” sabi niya habang naglalakad palapit sa babae.
She looked comfortable sleeping in his bed and something tugged his heart. Napailing-iling siya saka akmang bubuhatin si Jan Irish para ilipat sa sariling nitong kuwarto nang bumuka ang mga labi nito at tinawag ang pangalang hindi niya inaasahang marinig na sasabihin nito habang natutulog.
“Tegan…”
Parang gustong kumawala ng puso ni Tegan sa kanyang dibdib. He won’t let himself hope. Maybe she was having a nightmare. Nakakatakot naman kasi talaga ang pagmumukha niya.
Napabuntong-hininga na lang siya saka napatitig kay Jan Irish. Ginigising ng babaeng ito ang matagal na niyang ibinaong emosyon. He had been there… He had felt that emotion they called love. And it ruined him. Ipinangako niya sa sariling hindi na siyang masasaktan ng isang babae kahit kailan. At ngayon, heto na naman. Heto na naman ang isang babaeng nasisiguro niyang hindi maganda ang maidudulot sa kanya.
He should push her away. He should… He must… Alam niya iyon sa sarili. Pero bakit hinahayaan niyang manatili sa bahay niya ang babae? Ano ba talaga ang tunay na agenda niya? Hindi niya alam kung bakit niya iyon ginagawa.
“Pasensiya na, Sir Tegan…” That voice dragged him out from his reverie.
Napakurap-kurap siya at bumaba ang tingin sa babae na nasa kama na ngayon ay gising na.
KINABAHAN si Jan Irish nang makitang nawalan ng emosyon ang mukha ni Tegan at nag-isang linya ang mga kilay nito.
“What makes you think that you can sleep in my bed?” tanong nito sa malamig na boses na sumigid hanggang sa kanyang kalamnan.
Nagbaba siya ng tingin saka umalis sa kama nito. “Pasensiya na, hindi ko napansing nakatulog na pala ako.”
Tumaas ang isang kilay nito. “Oh, really? Hindi mo talaga napansin?”
Kumunot ang noo niya at nainis. “Sinasabi mo bang pinlano kong matulog sa kama mo?” She scoffed. “Sorry to disappoint you, Mister Galvante, you are not that special.”
Pain crossed his eyes and Jan Irish knew she hit the right spot. And she felt awful.
Mapait itong ngumiti. “I know.”
Parang may sumuntok sa puso niya sa naging sagot ng lalaki! Argh! Jan Irish! Bakit ba hindi ka muna nag-iisip bago magsalita? Gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa kataklesahan pero huli na. Nakasakit na siya ng damdamin.
“I’m sorry,” sabi niya saka nagmamadaling lumabas sa kuwarto nito. Hindi siya dumeretso sa sariling kuwarto at sa halip ay nagpalibot-libot siya sa malaking bahay. Sa kakaikot ay nakarating siya sa isang tagong music room na malapit na sa basement.
Pumasok siya sa music room. Everything was full of dust. Mukhang ilang taon nang walang pumapasok sa music room na iyon. I wonder why?
She sat on the chair in front of the grand piano as she looked around. Mukhang isa itong magandang music room noon, pinabayaan lang mabulok. Tumuon ang kanyang mga mata sa piano na nasa harap niya.
Sinubukan niya kung gumagana iyon kaya pinindot ni Jan Irish ang isang tiklado. She smiled when it sounded perfect in her ears. Noong bata pa siya, isa ang piano lesson sa mga sapilitang pinapaaral sa kanya ng ina na nagustuhan niya.
Jan Irish fell in love with the melody it made every time she pressed the key. At matagal-tagal na rin mula nang huli siyang tumugtog ng piano. Her fingers missed the feeling of pressing the keys. Kaya naman hindi niya napigilan ang sarili.
Her hands started pressing the keys to create a wonderful music. Nakapikit ang mga mata niya habang tumutugtog sa piano, ramdam na ramdam ang musika hanggang sa huli niyong nota.
Napakagaan ng ganito sa pakiramdam. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago dumilat. Parang tumalon ang puso niya sa sobrang gulat nang makita si Tegan sa gilid ng piano at nakatingin sa kanya.
“T-Tegan…”
Tumitig ito sa piano saka bumalik sa kanya. “Marunong ka palang tumugtog.”
Tumango siya. “Pasensiya na, pumasok ako sa music room na `to. Aalis na ako kaagad.” Baka magalit na naman ito.
Nagkibit-balikat lang si Tegan. “It’s okay. Wala naman na dito ang may-ari ng music room na `to.”
Ang kuryosidad ni Jan Irish ay sasabog na pero pinigilan niya ang sarili. Alam naman niyang hindi siya sasagutin ng lalaki hanggang sa susunod na linggo.
Pero hindi talaga niya mapipigilan ang kanyang bibig. Argh! “Sino’ng may-ari nito?” Kinagat niya kaagad ang ibabang labi nang makapagtanong.
Nawalan muna ng imik si Tegan nang ilang segundo bago ito nagsalita. “Someone who was close to my heart.”
“Was?” gagad niya.
Hindi nito pinansin ang sinabi niya saka naglakad papunta sa pahabang upuan na gawa sa kahoy at umupo roon. Siya naman ay nanatili sa kinauupuan.
Tegan’s eyes roamed around the room and then it stopped on the guitar in the corner. Pagkatapos ay bumalik ang tingin nito sa kanya. “Marunong kang maggitara?”
Tumango siya. “Medyo.”
Sa narinig, tumayo ito at kinuha ang gitara saka ibinigay sa kanya. “Play,” sabi ni Tegan na para bang nang-uutos ito at babayaran siya pagkatapos niyang tumugtog.
At hindi naman malaman ni Jan Irish kung bakit siya sumunod. Maybe because she wanted to impress him? She didn’t know.
She strummed the guitar slowly and then looked at Tegan. “Anong kanta ang gusto mo?”
He looked lost and thinking. Mayamaya ay nagsalita ito. “‘Possibilities’ by Freddie Stroma. Alam mo ba ang kantang `yon?”
Tumango siya at nag-umpisang mag-strum sa gitara kasabay ng pagkanta.
“Don’t break my heart before I give it to you… Don’t tell me no before I ask you, too… Don’t say it doesn’t fit before you try it on… There’s too much to loss to be wrong…”
Their eyes never left each other as Jan Irish sang. Hindi niya alam, pero bumibilis ang tibok ng puso niya dahil sa lyrics ng kanta. Ayaw niyang mag-assume, pero parang may ipinapahiwatig ang kantang pinili ni Tegan na kantahin niya.
“And it feels like there’s something here… But I wanna see it before it disappears… And if there’s something real between me and you…We are all both open to…
“All this possibilities… So many possibilities… Right in front of us… Close enough to touch… Far enough to have some time to see… All this possibilities… Ohhhh, this possibilities… Are written in the stars… We are who we are, baby… And I can’t help to think that possibly… There’s possibility…”
Tapos na siyang kumanta pero nakatitig pa rin sa kanya si Tegan. Naiilang siya sa titig nito kaya nag-iwas siya ng tingin.
“Maganda ang boses mo,” sabi nito at ibinalik niya ang tingin sa lalaki.
Ngumiti siya. “Thank you.”
Tegan sighed and nodded at her like a gentleman. “Matulog ka na. Gabi na.”
Tumango siya at nauna na itong lumabas sa kanya.
Napatitig si Jan Irish sa nilabasan nitong pinto. Her heart never stopped beating so loud and fast. Tegan was full of mystery and she wanted to unravel them, piece by piece, every little mystery he had. Pero mas nananaig sa puso niya ang pag-aalalang nararamdaman para sa lalaki.
What happened to him?
MAAGANG nagising si Tegan at kaagad na hinanap si Jan Irish pagkatapos niyang maligo. He wanted to see the woman for an unknown reason and it pissed him off.
Hindi niya gusto ang emosyong binubuhay nito sa kanya. Pero kahit anong laban niya sa nararamdaman, he ended up doing what his deep shit emotion wanted.
Nakita niya si Jan Irish sa hardin at tinutulungan si `Tay Berto.
Tegan didn’t want to eavesdrop but he couldn’t help overhearing their conversation. Hindi siya nakikita ng dalawa dahil nasa likuran siya ng mga ito at natatakpan ang kanyang katawan ng isang malaking halaman.
“May mga anak ako at lahat sila ay nakapagtapos, salamat kay Sir Tegan na tumulong sa `kin mula nang mamatay ang asawa ko. Ang dalawa kong anak ay nasa ibang bansa at nagtatrabaho.”
“Kung ganoon ho, bakit pa kayo nagtatrabaho para kay Tegan?” tanong ni Jan Irish na puno ng curiosity ang boses.
Fucking journalist!
“Kasi ayokong nakatunganga lang ako sa bahay,” sagot ni `Tay Berto. “Gusto ko, may ginagawa ako at bilang pagtanaw na rin ng utang-na-loob ko kay Sir Tegan.”
Ilang segundong natahimik si Jan Irish bago nagtanong na naman.
“Ilang taon na ho kayong nagtatrabaho para kay Tegan?”
“Mula nang mamatay ang mga magulang niya sa edad na disinuwebe.”
“Ah.”
“Ikaw, Miss Jan Irish, nasaan ang mga magulang mo? Kasama mo ba sila sa bahay?”
Now, that’s what I need to know.
Kaagad namang sumagot si Jan Irish. “Iba ang bahay ko sa kanila.” Napakasimple ng sagot nito at napakaikli.
“Ganoon ba?”
“Yep,” she said popping the ‘p.’
And then silence.
Tegan rolled his eyes. Ni wala nga siyang nalaman maliban sa nakahiwalay ito ng bahay sa mga magulang. He needed to know. He really needed to know, damn it.
Lumabas siya sa pinagtataguan saka tumikhim. Kaagad namang lumingon sa kanya ang dalawa.
Tiningnan niya si Jan Irish. “Ready my breakfast and yours. May pag-uusapan tayo.”
Tumango ito saka walang imik na sinunod ang utos niya.
Tumaas ang isang kilay ni Tegan nang mapansing nakatingin sa kanya si `Tay Berto.
“Ano?” tanong niya sa babae.
Napailing-iling ito. “Dahan-dahanin mo ang boses, Sir Tegan. Hindi siya mananatili rito nang matagal kung ganyan ka.”
Natigilan siya saka bumuntong-hininga. “I’m trying.”
Ngumiti lang si `Tay Berto. “Sabi mo, eh. Good luck, Sir.”
Ngumiti siya saka sinundan si Jan Irish sa kusina.