Chapter Thirteen
PILIT na pinapaintindi ni Jan Irish sa sarili na tama lang ang ginawa niyang pag-alis sa bahay ni Tegan. May asawa ito na naroon ngayon sa bahay nito. At dahil may nangyari sa kanila ni Tegan, lumalabas na binabahay siya ng lalaki. Iyon ang nagpapasakit ng puso niya kaya siya umalis doon.
Her mind was applauding and praising her, but her heart was bleeding and seeking Tegan.
Kaya naman ibinuhos niya ang lahat ng oras sa paggawa ng article tungkol sa lalaki. Doon niya inilaan ang lahat ng oras simula ng makabalik siya sa kanyang apartment na minsan ay naging saksi sa kapusukan nila ni Tegan.
Pagsapit ng gabi, umalis siya ng bahay para kumain sa labas. Wala siya sa mood na magluto. Isang oras din ang itinagal niya sa restaurant na kinainan. Nang makauwi siya sa bahay, madilim na ang kalangitan.
Jan Irish was about to insert the key in the keyhole when a hand grabbed her wrist, stopping her.
Handa na siyang lumabas at pagsisipain ang estranghero nang maaninag niya ang mukha ng may-ari ng kamay na pumigil sa kanya.
“Tegan…” she whispered his name.
Pinasandal siya sa pintuan ng lalaki. Naamoy niya ang amoy-alak nitong hininga. At dahil magkalapit ang mga katawan nila, nararamdaman niya ang pagkabuhay ng parteng iyon ng katawan.
“Lasing ka ba?” nag-aalalang tanong niya nang makabawi sa pagkabigla.
Sa halip na sumagot, kinuyumos nito ng halik ang kanyang mga labi na kaagad naman niyang tinugon. Wala talaga siyang lakas para labanan ang nararamdaman niya para sa lalaki.
“Tegan…” sabi niya nang maghiwalay ang kanilang mga labi. “Ano ba ang ginagawa mo rito sa bahay ko?”
Nalalasahan pa rin ni Jan Irish ang alak sa dila ni Tegan. Parang lumipat iyon sa bibig niya dahil sa halik na pinagsaluhan nila.
“Jan Irish…” Masuyo nitong hinaplos ang kanyang pisngi. “I can’t… I couldn’t… Hindi ko kayang hayaan kang mawala sa buhay ko.” Umiling-iling ito at mahigpit siyang niyakap na para bang tatakas siya. “Huwag mo akong iwan, please? Huwag mo akong pahirapan ng ganito. I can’t function well without you. Hindi ko kaya.”
Nabibiyak ang puso ni Jan Irish sa mga sinasabi ni Tegan pero tama lang ang kanyang ginawa.
“Tegan, umuwi ka na.”
Lalo pang humigpit ang yakap nito sa kanya. “I want you to stay in my life. Please, tell me what I have to do for you to stay.”
Bumuntong-hininga siya. Naiiyak na naman siya pero ayaw na niyang umiyak. Masyado nang namamaga ang kanyang mga mata.
“Tegan, may asawa ka. Kasal ka—”
“Ipapa-annul ko ang kasal namin,” mabilis nitong sabi saka sinapo ang kanyang mukha. “Would that be enough for you to stay?”
Namilog ang kanyang mga mata. “Gagawin mo talaga `yon?”
Tumango ito. “I can do anything for you, honey.” His eyes were full of unnamed emotion. “Just ask and I’ll do it in a heartbeat.”
Love me. Iyon ang gusto niyang hilingin kay Tegan pero pinigilan niya ang sarili.
“Then I’ll ask you to accept and love yourself first before anyone or anything else.” Hinaplos ni Jan Irish ang mukha nitong may pilat. “Kapag natanggap mo na ang sarili mo, saka ka lang matatanggap ng lipunan.”
Umiling si Tegan. “Jan Irish, wala akong pakialam sa lipunan. Ang mahalaga sa `kin tanggap mo ako. That’s more than enough for me.”
Tumitibok na naman ulit nang mabilis ang puso niya. “Bakit ka ba narito sa bahay ko?” tanong niya mayamaya para maiba ang topic nila.
Tegan shrugged and smiled. “I miss you. Hindi ko kaya ang pangungulilang nararamdaman ko para sa `yo kaya pinuntahan kita rito.” Hinalikan na naman siya ng lalaki. “You won’t stay in my house, so, I’ll stay in your house.”
Hindi napigilan ni Jan Irish ang mapangiti. “Sabi na sa `yo, eh. Magkikita tayo ulit. Ang lapit lang kaya ng bahay ko sa bahay mo.”
Natatawang niyakap ulit siya ni Tegan. “Yes. Malapit lang. But don’t you ever say good-bye again. Baka mabaliw na ako sa susunod na ‘good-bye’ mo.”
Her heart was smiling in happiness. Kumawala siya pansamantala sa pagkakayakap nito saka binuksan ang pinto ng bahay. Kaagad na yumapos sa katawan niya si Tegan nang makapasok sila sa loob.
Napailing-iling na lang si Jan Irish at humarap dito. “Kumain ka na ba ng hapunan?”
Umiling ito.
Kinunutan niya ng noo ang lalaki. “Bakit naman? May gusto ka bang kainin?”
“Ikaw.”
Her heart stopped beating. Déjà vu.
“Tegan, seryoso ako,” sabi niya sa pagalit na boses. Nararamdaman niya ang epekto ng sinabi nito sa kanyang katawan. “Ano’ng gusto mong kainin maliban sa `kin?”
“Nothing. Ikaw ang gusto kong kainin, wala nang iba.”
Humakbang siya palayo sa lalaki. “No, Tegan. I won’t make love to you.” Umiling-iling pa siya. “Premarital sex? I can do that. But having sex with a married man? I don’t think so.”
Naging malungkot ang mukha nito. “Nag-file na ako ng annulment case kanina. Hindi pa ba sapat `yon?” Niyakap na naman nito ang katawan niya. “Sabik na sabik na ako sa `yo.”
Umiling siya. “No, Tegan. Hindi sapat `yon.”
“Should I marry you first? I can do that.”
Napanganga siya. “Tegan! Pakakasalan mo ako para lang pumayag akong makipag-sex sa `yo?!”
Pinakatitigan siya ng lalaki. “Sa tingin mo, gagawin ko `yon kasi gusto ko lang makipag-sex sa `yo?” He looked hurt. “Damn it, Jan Irish. i want to be with you. Sex is just a bonus.”
Napabuntong-hininga siya saka umupo sa mahabang sofa. She patted the space beside her. “Halika rito,” yaya niya kay Tegan.
Kaagad namang lumapit sa kanya ang lalaki, humiga sa mahabang sofa saka ginawang unan ang kanyang hita.
Napangiti si Jan Irish at sinuklay ang buhok nito.
“Hindi ka na ba talaga babalik sa bahay?” mayamaya ay basag nito sa katahimikan.
Napabuntong-hininga siya. “Hindi na siguro muna, Tegan. Alam kong wala akong karapatang mag-inarte kasi may nangyari na sa `tin pero mali talaga na doon ako sa bahay mo tumira. Parang dalawa kaming binabahay mo. It’s not right.”
Tumingin ito sa kanya. “Eh, ako, puwedeng tumira dito sa bahay mo?”
“Tegan, parehas din `yon,” naiinis niyang sagot. “Maybe we can go out sometimes, pero hindi ako titira sa bahay mo at hindi ka titira rito sa bahay ko. Kung gusto mo akong makita, pumunta ka rito. You’re welcome here, pero hindi ako papayag na dito ka tumira.”
Humaba ang nguso nito, halatang naiinis. “Jan Irish, siguro naman magbabago pa ang isip mo—”
“No. Hindi na magbabago ang isip ko. Hanggang kasal ka kay Stella, hindi ako titira sa bahay mo,” may finality niyang sabi.
Tegan sighed and caressed her chin. “Okay. Fine. I don’t get it, but I’ll try to understand.”
Nginitian niya ang lalaki. “Good.” Umuklo siya at hinalikan ito sa mga labi. “Now, go home and sleep.”
“No. I’m staying.”
Pinaikot ni Jan Irish ang mga mata. “Tegan naman, nag-uusap pa lang tayo—”
“Puwede bang bukas mo na ipatupad itong pinag-usapan natin?” Naglalambing na yumakap ito sa baywang niya. “Gusto kitang makasama ngayong gabi. I want to make love to you, honey.”
Her mind was saying no, but her heart was shouting yes.
And her heart won.
“Fine. You can stay for the night.”
Tegan grinned, pulled her nape down and kissed her deeply.
“You’re mine tonight, Jan Irish.”
Her heart agreed. “Yes, Tegan. I’m yours tonight.”
KUMIKIWAL ang katawan ni Jan Irish sa sarap habang paulit-ulit na sinasagad ni Tegan ang kahabaan nito sa kanyang loob. Her eyes were shut close and she was shouting Tegan’s name.
“Jan Irish!” Tegan moaned his name as he thrust deeper. “God, you feel so good, honey.”
Mahigpit siyang yumakap kay Tegan habang ang mga kuko ay kumakalmot sa likod nito.
“Malapit na akong labasan, Tegan.” Hinihingal siya habang ang balakang ay sumasalubong sa bawat galaw ni Tegan. “Oh, God, Tegan. Tegan! Tegan!”
Lumiliyad ang katawan niya sa sarap. Tumitirik ang kanyang mga mata at malakas ang mga ungol na lumalabas sa kanyang mga labi.
“Tegan!” she shouted his name as her orgasm ripped through her.
“Fuck!” Napasigaw rin si Tegan nang sumunod ito sa kanya.
Ramdam na ramdam ni Jan Irish ang pagsirit ng mainit nitong katas na pumuno sa loob niya.
Nanatiling nakayakap ang binti at braso niya kay Tegan habang unti-unting humuhupa ang init ng kanyang katawan.
“Tegan…” She was panting. “Good morning.”
Ngumiti ito saka tumitig sa kanya. “Good morning, honey.”
Napangiti siya. “Grabe naman ang good morning mo, nakakabuhay ng dugo. Umagang-umaga, eh.”
Hinugot nito ang pagkalalaki sa loob niya saka nahiga sa kanyang tabi. Ginawa niyang unan ang matitipuno nitong braso.
“Mamaya, aalis na ako,” sabi ni Tegan.
Nalungkot siya. “Alam ko.”
“Bibisitahin ulit kita mamayang gabi.”
Napangiti siya. “Sige. Hihintayin kita. But I’m telling you now, Tegan, no sex.”
He nuzzled her neck. “I can’t promise that.”
Tinampal niya ang dibdib nito. “Tegan naman!”
Mahina itong tumawa saka kinubabawan siya at pinupog ng halik ang kanyang leeg.
“Nothing can stop me from wanting you, Jan Irish.” His face softened. “Not Stella. Not my scars. And definitely not our distance.”
Tumaas ang isang kilay niya. “Talaga lang, ha?”
“Talagang-talaga.” Ginawaran nito ng halik ang kanyang mga labi. “Gusto kita, Jan Irish. At alam kong gusto mo rin ako.”
Napangiti siya nang marinig ang boses nito na puno ng confidence.
“Ano’ng nangyari kay Tegan na napakababa ng self-esteem?” nanunuksong tanong niya.
“I’m in the process of changing myself.”
“That’s good. I like this change in you.”
Tumango ito at ngumiti. “I like cuddling with you, pero nagugutom na talaga ako.” Hinimas nito ang tiyan na naririnig niyang tumutunog. “Mag-agahan na tayo,” yaya ng lalaki.
Inirapan niya si Tegan. “Sino ba naman ang hindi magugutom? God, Tegan, non-stop ka kagabi. Magmamadaling-araw mo na akong pinatulog at pinagpahinga.”
Ngumisi ito, kumikislap sa kapilyuhan ang mga mata. “Gusto mo naman, eh.”
Mahina siyang natawa saka itinulak ito paalis sa pagkakakubabaw sa kanya.
“Ipagluluto kita ng agahan.”
“Good idea.” Bumangon na rin si Tegan at yumakap sa kanya mula sa likuran. “Tulungan na kita, honey.”
Kinikilig ang puso ni Jan Irish sa ka-sweet-tan ni Tegan sa kanya. She loved this side of him. Open and free. This was what she wanted for Tegan.
“Sige ba.”
Nagsuot siya ng roba at si Tegan naman ay nagpantalon at nakahubad-baro lang. Sabay silang nagpunta sa kusina at magkatulong na nagluto ng kanilang agahan.
ISANG oras pa lang simula nang makaalis si Tegan nang makarinig ng katok si Jan Irish sa pinto ng bahay niya.
Kaagad niyang binuksan ang pinto sa pag-aakalang si Tegan iyon. Pero ganoon na lang ang gulat niya nang makita si Stella sa labas ng pinto.
Ngumiti ito. “Kumusta?” Nanunuya ang tingin nito sa kanya. “Nag-enjoy ka ba kasama ang asawa ko buong magdamag?”
Para siyang sinampal sa tanong nito pero nilabanan niya ang pagkapahiyang naramdaman.
“Look, Stella, ayoko ng gulo kaya umalis ka na.”
Mahina itong tumawa. “Ayaw mo ng gulo pero nang-aagaw ka naman ng asawa.”
“Hindi ko inagaw si Tegan sa `yo. Ikaw ang nang-iwan sa kanya—”
“And now I’m back.” Stella smiled coldly. “Kaya puwede ba, huwag kang maglalapit sa asawa ko.”
“Siya ang lumalapit sa `kin,” may pagmamalaki sa boses niya.
“Wala akong pakialam. Basta lumayo ka sa kanya.” Tumalim ang mga mata ni Stella. “Or else, makikita mo kung gaano kasama ang ugali ko.”
“Hindi ako natatakot sa `yo,” matapang niyang sabi.
Ngumisi ito. “Matakot ka na, Jan Irish Vallega. I can destroy you anytime i want.” Maarteng sinuri nito ang mga kuko at tumingin sa kanya. “A heiress. A journalist. And a daughter of the most respected and influential businessman in the country. Ano sa tingin mo ang sasabihin ng mga tao kung malaman nilang may asawa na ang kalaguyo mo?”
Naningkit ang kanyang mga mata sa galit. “Huwag mong idadamay dito ang mga magulang ko. Magkakamatayan tayo.”
Stella smiled sweetly. “Oh, dear, I already did.”
Umigkas ang kamay niya at malakas na dumapo iyon sa magkabilang pisngi ni Stella.
“How dare you!” nanlilisik ang mga mata nitong sabi sa kanya habang sapo ang magkabilang pisngi.
“Hindi pa `yan sapat sa ginawa mo kay Tegan. At ngayon naman idinamay mo ang mga magulang ko.” Galit na sinampal niya ulit ang babae. “Kahit ano’ng gawin mo, hinding-hindi mo makukuha si Tegan sa `kin!”
“Watch me!” galit na sigaw ni Stella sa kanya saka nagmamadaling umalis ng bahay niya.
Nanginginig pa rin sa galit si Jan Irish nang marinig niyang tumunog ang kanyang cell phone. Napipilitan siyang sagutin iyon.
“Hello?” Walang buhay ang boses niya.
“Ano’ng ibig sabihin nito, Irish?” Boses iyon ng kanyang ama. “Totoo ba ang nakasulat dito sa diyaryo na hawak ko ngayon? Totoo bang may asawa ang kinalolokohan mo ngayon?!”
Nanigas siya sa kinatatayuan.
“O, bakit hindi ka makasagot? Sagutin mo ako, Jan Irish!” Galit na ang kanyang ama. “Totoo ba itong nasa diyaryo?!”
Hindi siya makapagsalita.
“Answer me this instant, Jan Irish Vallega!”
Napaigtad siya sa lakas ng boses ng kanyang ama.
“Hinayaan kitang mamuhay nang mag-isa kasi `yon ang gusto mo at may tiwala ako sa `yo, `tapos mababasa ko `to? Susunduin kita ngayon din at iuuwi rito sa bahay. Hindi kita hahayaang sirain ang buhay mo!”
Hanggang sa nawala ang kanyang ama sa kabilang linya, nakatunganga lang si Jan Irish sa kawalan.
Pinukaw siya ng pag-iingay ulit ng kanyang cell phone. Wala sa sariling sinagot niya iyon.
“Hello?”
“This is Tegan. Nasa labas ako ng bahay mo. Pack some clothes and come with me.”
Napakurap-kurap siya. “Ano?”
“Gawin mo na lang ang sinabi ko.”
Parang lumulutang si Jan Irish habang sinusunod ang pinagagawa sa kanya ni Tegan. Nang makalabas siya ng kanyang bahay, kaagad na bumukas ang passenger seat ng kotse na nakaparada sa labas.
Nang makasakay siya sa kotse, kaagad siyang niyakap ni Tegan.
“Tegan…” bulong niya sa pangalan nito saka niyakap din ang lalaki. “Ano ba ang nangyayari?”
“I’ll explain on the way.” Pinakawalan siya sa pagkakayakap ng lalaki saka binuhay ang makina ng sasakyan at pinaharurot iyon.