Chapter Six
N ANG muli siyang magising ay naglalagos na ang liwanag ng araw sa bintanang salamin ng ospital. Nanatili siyang nakahiga, iniisip kung maaalala niya kung sino siyang talaga maliban sa alam niyang ang pangalan niya ay Danielle.
Subalit nanatiling blangko ang isip niya. At kasabay din niyon ay ang muling pag-ahon ng takot na naramdaman niya kagabi. Mabilis siyang bumangon at inikot ang tingin sa buong silid. Then she remembered she was in a hospital.
Bumaba siya ng kama at humakbang patungo sa mga bintana. Puro salamin iyon at nang tumingin siya sa ibaba ay natanaw niya ang kalsada. Nag-uunahan ang mga sasakyan. She could barely hear the blowing of horns dahil nakasara ang bintanang salamin. Hindi niya matiyak kung nasa ikailang palapag siya. Mayroong fire escape malapit sa bintana. Hinanap niya ang bukasan niyon at sinikap angatin, subalit matigas at ni hindi niya magalaw.
Natitiyak niyang imposibleng sa bintana nagdaan ang taong nararamdaman niyang nasa loob ng silid niya kagabi. Tila hindi naman binubuksan ang bintanang iyon. Bukod pa roon, kung sakaling sa bintana nagdaan ang tao ay tiyak na maririnig niya ang pagbubukas ng bintana.
Marahil ay tama ang nurse. Imahinasyon lamang niya iyon. Ganoon man ay hindi iyon nagdala ng kapanatagan sa puso at isip ni Danielle.
Pumasok siya sa banyo at tinitigan ang sarili sa salamin. Napakaiksi ng buhok niya, halos parang gupit-lalaki na. Ginusto ba niya ang maiksing buhok? Muli niyang tinitigan ang sarili sa salamin. The woman on the mirror was beautiful. Subalit hindi siya makadama ng kasiyahan. Ang nakikita niya roon ay isang estranghero.
Sino ba siyang talaga? Bakit siya natatakot? Ano ang dahilan? At bakit may pakiramdam siyang nag-iisa na lamang siya?
At sapat iyon upang ang kalungkutang nadarama ay tila tumatagos sa buto niya.
Bumukas ang pinto ng silid at sumungaw ang isang batang nurse. h indi ito ang kausap niya kagabi. May hawak itong basket ng mga prutas at bulaklak.
“Gising ka na pala.” Nakangiti nitong inilapag ang basket ng mga prutas at isang vase na puno ng mamahaling mga bulaklak sa mesa. “Narito kanina ang boyfriend mo, pero tulog ka pa. Iniwan niya ang mga ito para sa iyo. Ang sabi niya ay babalik siya mamayang hapon.”
Boyfriend?
She stared at the nurse blankly. “S-sinong boyfriend?”
Sandaling nalito ang nurse sa tanong niya. “Sorry, pero sabi ng kahalili ko sa shift, boyfriend mo ang naghatid sa iyo rito sa ospital noong isang gabi.” Ngumiti itong muli. “He dropped by this morning. Big and tall, mamula-mula ang balat na tila iyong mga Indian sa sine, at mahaba pa ang buhok na nakatali sa likod... at muy guwapo!” Hindi itinago ng nurse ang admiration sa mukha at tinig. Inginuso ang mga bulaklak. “May card sa mga bulaklak...”
Sinikap niyang alalahanin sa isip ang buong anyo ng lalaking nagdala sa kanya sa ospital at kumausap sa kanya subalit maliban sa malalim na tinig nito ay hindi mabuo-buo sa isip niya ang anyo ng lalaki.
Tinapunan niya ng tingin ang mga bulaklak. An array of beautiful and expensive flowers... in varieties. Humakbang siya patungo sa mesa. Kinuha ang naroong card at binuksan.
Hope you like flowers.
Aidan
Aidan... Aidan. Binalik-balikan niya sa isip ang pangalan ng lalaki at may pilit na hinahagilap. Narinig ba niyang binigkas ng lalaki ang pangalan nito? Why did it sound familiar?
Patuloy siyang nakatitig siya sa kawalan. Bahagya pa siyang nagulat nang muling bumukas ang pinto at pumasok ang doktor. Iyon ang ikalawang doktor na tumingin sa kanya. Isa iyong psychiatrist and she grimaced silently. Bakit niya kailangan ng psychiatrist?
Ang nurse ay agad na inabot ang chart sa may paanang mesa.
“How’s my patient today?” nakangiting wika nito. Marahil ay nasa kuwarenta ang edad ng doktor. A little bit overweight. He had a pleasant face and a gentle voice. Siguro ay talagang ganoon ang mga psychiatrist, gusto nilang hindi mailang ang pasyente sa kanila.
Hindi niya magawang gantihan ang ngiti nito dahil wala namang dapat na ngitian sa kalagayan niya. Kinuha ng doktor ang chart mula sa nurse. Pagkatapos basahin ang nakatala roon ay muling ibinalik sa mesa sa may paanan ng kama niya.
“Feel better, hija?”
“I still couldn’t remember a thing about myself, d octor,” nanlulumong sagot niya.
“You remembered your name and that’s something. Wala akong makitang diperensiya sa iyo, Danielle,” wika ng doktor. “Ang sugat mo sa ulo ay napakaliit at superficial. Dahil kahit sa resulta ng CT scan mo ay wala rin akong makitang sapat na dahilan kung bakit hindi ka makaalala. Your memory loss appears to be psychosomatic.”
“You want to tell me that the reason why I can’t remember because I don’t want to,” she said miserably.
“Hindi naman ganoon kasimple ang lahat, hija,” wika ng doktor sa nagsisimpatyang tinig.
“Kailan magbabalik ang alaala ko?” tanong niya sa Tagalog na may accent.
Masusi siyang tinitigan ng doktor. “Wala akong maigagarantiya sa iyo. But I’d say the chances are excellent your memory will return. Marahil ay hindi sabay-sabay. Tulad na lang ng pagkaalala mo sa pangalan mo. Bits and pieces will come back to you, maybe sudden flashes. Hanggang sa makaalala kang tuluyan.”
“When?” she asked wearily.
“Yes. When, d octor? Iyan din ang gusto kong malaman,” ang malalim na tinig mula sa may pinto.
Danielle’s eyes flew to the man standing just inside her room. He was tall and big, na sa paningin ng dalaga ay naging napakaliit ng silid na iyon. At gusto niyang isiping pamilyar sa kanya ang lalaki bagaman hindi niya maisip kung bakit.
A doctor? No. It wouldn’t fit him.
There was something disturbing about the way his dark eyes studied her so intently. And something alarming about the way she seemed to respond to him.
Sa isang sandali ay naisip niyang baka ang lalaking ito ay boyfriend niya. Kaya ba pamilyar sa kanya ito? Alam niyang may boyfriend siya, hindi nga lamang niya gaanong maipaliwanag kung bakit alam niya iyon.
At may kung anong excitement siyang nadama sa kaisipang boyfriend niya ang lalaking ito. Then a memory flashed her mind.
Hinahagkan siya ng isang lalaki. Kasintaas ng lalaking ito. He was handsome, too... except that he was a little older...
She shook her head silently. Hindi ang lalaking ito ang humahalik sa kanya. Hindi niya maikonekta ang anyo nito sa nag-flash sa isip niya. At agad ang pagkadama niya ng panghihinayang na ibang lalaki ang nag-flash sa isip. Mabilis niyang iniwas ang paningin sa bagong dating.
“You must be Mr. Fortalejo,” wika ng doktor na hinagod ng tingin ang binata at nginitian. Inilahad ang kamay.
“Aidan. Call me Aidan, d oc.”
“Please sit down, Aidan...” Itinuro ng doktor ang isang silya. Binalingan si Danielle. “You remember Aidan, Danielle? Ayon sa impormasyong nakuha ko’y siya ang nagdala sa iyo rito sa ospital noong isang gabi. Or to be precise, yesterday morning.”
Iyon ang dahilan kung bakit pamilyar ang lalaki, ito ang nagdala sa kanya sa ospital. And then she remembered him talking to her. Muling tiningala ni Danielle ang binata, searching his face.
Aidan smiled, a heart-stealing smile. And Danielle felt a tingle all the way to her toes. He was very attractive and wondered why she had not noticed that night.
And kept on wondering still why she had forgotten his face. How could she forget this man? Hindi ang mukha nito ang nakalilimutan na lang basta. He had perfectly sculptured features. His was the most handsome face she had ever seen. And he looked like as if he just came out straight from a western movie.
Umiwas siya ng tingin. Hindi niya magawang salubungin nang matagal ang mga titig nito.
“I’m glad you’re looking better today.” Humakbang si Aidan patungo sa silya at hinila iyon malapit sa tabi ng kama niya at naupo.
Ang doktor ay tumayo at nagpaalam na sa kanila. Nangakong babalik uli sa gabi para sa panghuling rounds.
“Saan ako naroroon? Anong ospital ito?”
Aidan smiled. He liked to hear her accented Tagalog. “Perpetual Help. At naririto ka sa Sucat.”
“Sucat?”
“Yes. Siguro’y malapit lang dito ang bahay mo. Have you remembered anything?” tanong ni Aidan nang sila na lang dalawa sa silid.
“Only my name. I remembered my name. It’s Danielle.”
“Ibinalita sa akin ng nurse sa station. You have a pretty name.” Sandaling huminto ang binata, pagkuwan ay idinugtong. “What about your last name?”
Umiling si Danielle. “I don’t know. I only remembered my first name.”
“Paano mong naalala ang unang pangalan mo at hindi ang panghuli?”
“It flashed in my mind, a man was calling me ‘Danielle’.” Hindi niya maunawaan kung bakit tila natatakot siyang titigan ito nang deretso.
Maingat niyang sinusuri ang kaanyuan ng binata. He had dark and penetrating eyes fringed with thick lashes. He had long wavyish hair and was tied at the back of his head. She had this feeling that she didn’t like men who wore their hair long yet she was fascinated by him. Parang gusto niyang iangat ang kamay at haplusin ang buhok nito. It was dark and silky and looked soft.
Then her eyes went down to his body. He was tall and lean, but Danielle knew that beneath his sport shirt, the muscles on his shoulders and in his chest would be powerful. Tila nararamdaman niya ang paggalaw ng mga muscles nito sa mga palad niya.
Bigla niyang inihinto ang daloy ng pag-iisip. And was shocked by her own thoughts. Nag-iisip ba siya nang ganoon dahil alam niyang may boyfriend siya at hindi na bago sa kanya ang ganoong damdamin?
Agad niyang inalis ang mga mata sa lalaki subalit humalili sa isip niya ang intruder na sa palagay niya ay nasa kanyang silid kagabi. Sapat iyon upang gumuhit ang takot sa mukha niya.
“What’s wrong?” ani Aidan na nagsalubong ang mga kilay sa biglang pagguhit ng takot sa mga mata niya. “May naalala ka ba?”
Hindi sumagot si Danielle. Huminga nang malalim. Sinikap na ikalma ang anyo at damdamin. Would he believe her if she told him? Would he not think her crazy? Gayong siya nga sa sarili niya ay hindi nakatitiyak kung totoo ngang may pumasok na tao sa silid niya kagabi.
“Ano ang naaalala mo mula noong dalhin kita rito sa ospital?” patuloy ni Aidan. Iniusog ang silya palapit.
Umiling siya. “Nothing. I even vaguely remember talking to you.”
“Ang sabi ng doktor ay wala siyang makitang diperensiya sa iyo. And that your amnesia is—”
“Psychosomatic?”
“Hindi ko sinabi iyon.”
“But you also have doubts about me, don’t you?” A pain flickered in her eyes. Sanhi iyon upang magbuntong-hininga si Aidan.
“Hindi ako doktor, Danielle. At hindi ganoon kalalim ang pang-intindi ko sa amnesia o sa salitang psychosomatic. I am—” h e stopped immediately, bago pa niya masabing isa siyang undercover agent, a CIA. Wala iyong kinalaman sa sandaling iyon at isa pa ay nag-resign na siya sa Pentagon. He would be working for Kurt as private investigator. He grimaced silently. He cleared his throat, bago nagsalita, “I tend to see things in black and white.”
Hindi sumagot si Danielle. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. May kung ilang sandaling katahimikan ang namagitan bago muling nagsalita si Aidan.
“Wala ka bang natatandaan kung saan ka galing? Kung sino ang kasama mo? Hindi mo ba alam kung bakit naglalakad ka sa gitna ng kalye sa dis-oras ng gabi?” sunod-sunod na tanong ng binata. It was obvious that he was interrogating.
She closed her eyes tightly. At pagkuwan ay nag-angat siya ng paningin, hurt in her eyes.
“Nagpapasalamat ako sa ginawa mo sa akin. Pero sa palagay mo ba ay hindi ko pinipilit ang sarili kong malaman kung sino akong talaga? So please, huwag mong isiping gusto ko ang nangyayari sa akin ngayon.”
Agad ang paglatay ng guilt sa mukha ni Aidan. Inabot nito ang kamay ng dalaga.
“I’m... sorry...” wika nito. Only to feel a sudden jolt of electricity ran through him.
Hindi malaman ni Danielle kung paano hihilahin ang kamay. Her heart was racing. Nakadama siya ng biglang panghihina ng mga tuhod sa kabila ng nakaupo siya. Something liquid seemed to be collecting deep inside her.
And looking at him, she knew he felt it too.
For a mute seconds they were gazing at each other. His calm and piercing, hers confused and vulnerable.
It was Aidan who recovered first. Binitiwan nito nang marahan ang kanyang kamay at humakbang ng dalawa paatras palayo sa kanya. Ito man ay namangha sa nararamdaman.
He’d met and dated women before but no one had ever made him feel like this. Kahit nga ang babaeng pinag-ukulan nito ng pagtingin sa Mexico ay hindi nagpadama sa kanya nang ganoon. And surely, hindi nito dapat maramdaman iyon sa isang estranghera. Not to a woman he didn’t know anything about.
He cleared his throat and said a little gruffly, “Lalabas na muna ako. Kakausapin ko ang doktor. I’ll be back tonight...”
Tango lamang ang isinagot ni Danielle.