Chapter Twenty-one
“Y ES? Can I help you, s ir?”
Tinitigan ni Aidan ang nagbukas ng pinto sa kanya. Ito pa rin ang mataba, maitim, at maliit na babaeng natatandaan niya, except that she was older. Puti nang lahat ang buhok. At iyon pa rin ang suot nito, navy blue uniform na may puting collar at puti rin sa dulo ng manggas. At may suot pa ring apron na tila ba hindi kompleto ang attire kung wala iyon.
“Good morning, Mrs. Vale. May I come in?”
“Do I know you, son?”
“Of course, you do.” His face broke into a smile, habang patuloy na hinahagod ng tingin ang matandang babae. “Caroline and I used to pull your apron and hide it in the attic.”
“W-who are you?” kinakabahang tanong ng matanda. Napaurong nang umabante ang binata at pumasok.
May pananabik na iniikot ni Aidan ang mga mata sa kabahayan. Dinadampot ang mga bagay-bagay na nakikita at muli ring ibinabalik. Napatingala siya sa dingding malapit sa may hagdan. Naroon ang family picture nilang mag-anak. His throat constricted. May lungkot na humaplos sa dibdib niya subalit agad ding pinalis iyon. Nilingon niya ang matandang mayordoma.
“Nothing has change in the past seventeen years. This is how I remembered it was. Did you keep my bow and arrows, Mrs. Vale? Is it in my room?” Humakbang ito papanhik sa itaas. Inaasahang aawatin siya ng mayordoma.
Subalit nanatiling nakamata lang ang mayordoma sa kanya. Nang magtuloy-tuloy siya sa pagpanhik, Mrs. Vale followed him upstairs in awe. Tinukoy ni Aidan ang sariling silid. Binuksan iyon. Tulad ng ibang bahagi ng bahay, walang nabago sa silid. Tila ba kagabi lang ay doon siya natulog. Naroon pa rin ang mga laruan niya. At sa isang sulok na mesa, ang pana at busog niya. Humakbang siya patungo roon at dinampot iyon at nanungaw sa bintana.
“Naalala ko nang unang ibigay sa akin ng Lolo ang panang ito,” wika niya sa salitang English. “Tinira ko ang punong iyon, `di ba, Mrs. Vale?” Itinuro nito ang apple tree sa di-kalayuan. Mayabong na iyon kaysa natatandaan niya. At tulad ng dati’y hitik sa bunga. Pagkatapos ay muling nilingon ang matanda. “Nasa ilalim ka ng puno at muntik na kitang tamaan. Then one time, ginamit ni Caroline ang panang ito... she hit your—” He laughed at the bittersweet memory at saka pilyong idinugtong, “sweet ass...”
Ang matandang babae’y nanatiling nakatanga. Ni hindi gustong kumurap.
Dinampot ni Aidan ang isang lumang tassle sa ibabaw ng mesa. Itinali iyon sa noo paikot sa ulo. At pagkuwa’y gumawa ng ingay tulad sa isang Indian. It was a familiar sound.
Humarap sa matanda si Aidan. “Say something, nanny nigger...”
“P-Panther Walks!”
“How are you, Mrs. Vale?” His voice soft and gentle.
Sa nanginginig na mga kamay ay itinaas ng matandang babae ang apron at pinunasan ang mga mata. “Is it really you, Master Aidan?” umiiyak nitong tanong.
Masuyong niyakap ni Aidan ang matandang babae. “I’m glad you’re still here, Mrs. Vale.”
Patuloy sa pagpupunas ng mga mata ang matandang babae bago nahihiyang humakbang patungo sa pinto.
“You must be very hungry. I made an apple cake this morning, your favorite, Master Aidan...”
He grinned. “Some things don’t change, do they? Iyan pa rin ang dialogue mo tuwing dumarating ako...”
Magkahalong kasiyahan, lungkot, at pananabik ang nasa mukha ni Mrs. Vale. Tipid itong ngumiti. “A woman phoned in half an hour ago. She said Aidan Worth’s a comin’ home. I said one of those opportunists! Though she wouldn’t lie to me, I don’t want to believe her. Still I was so surprised when I saw you walked in.”
Umangat ang mga kilay ni Aidan. His arms across his chest. “And who could have phoned you, Mrs. Vale?”
“I did.”
Umangat ang mga mata ni Aidan sa ibabaw ng ulo ng mayordoma. Danielle smiled at him. His heart kicked into double time. It had been a month since they saw each other. And he missed her terribly.
“You just passed the last test, Aidan,” nakangiting wika ni Danielle.
He frowned.
“Nanny nigger. Nobody calls me that, Master Aidan. Not even little Caroline. At kahit hindi mo pa ako natukoy sa tawag mong iyan, maniniwala akong ikaw ang tunay na Aidan Worth. Una’y ang pagtukoy mo sa aking—” The black woman grinned, “‘sweet ass’. You said the same thing as if it happened only yesterday.” Hinagod nito ng tingin ang binata mula ulo hanggang paa at pabalik muli sa mukha niya. “The family album is in the den, Master Aidan... inaalikabukan at binubuklat ko iyon sa nakalipas na mga taon. You’re the spitting image of Laughing Bear when he was younger... Welcome home, Panther Walks.”
Sinundan ng tingin ni Aidan ang mayordoma sa paglabas nito. Napasandal siya sa bintana. Muli’y humaplos ang lungkot sa dibdib pagkabanggit sa abuelo. He filled his lungs with air, at itinuon ang mga mata kay Danielle.
Her hip-clad jean propped against the door jamb. Her eyes, the softest of brown, with a fleck of gold in her irises were filled with longing. Her hair, now a little bit longer, ay inililipad ng mabining hangin mula sa nakabukas na mga bintana.
She was a vision of loveliness.
“Paano mong nalamang dumating ako?” he asked, naroon ang pagnanais na tawirin ang distansiyang nakapagitan sa kanila at yakapin ang dalaga.
“Nag-overseas ang mama mo sa akin.”
Bahagyang tumaas ang kilay nito. “A conspiracy.”
She shrugged her shoulders, smiled shyly. “Shall I announce to the employees that Aidan Worth has finally arrived and is going to take his rightful place?”
“Of course,” he said matter of factly. “At magpatawag ka ng meeting. I want to meet the board and the lawyers, too,” he instructed formally, business-like.
Danielle bit her lip. Took a deep breath. “Is that all, s ir?” Her voice was sarcastic.
Tumango si Aidan. “`Saka ko na iisipin ang iba pa.”
She was hurt pero hindi niya gustong ipahalata iyon. Mrs. Fortalejo was wrong in her assumptions na siya ang pangunahing dahilan kung bakit naroon si Aidan. Pride ang nagpangyari upang hindi siya madaig ng damdamin.
She raised her chin a fraction and squared her shoulders. She turned to leave, nang magsalita si Aidan.
“Walang nabago sa silid na ito sa nakalipas na mga taon...”
Napatitig dito si Danielle. His eyes roamed the four corners of the room. Ang liwanag ng araw mula sa bintana’y nasa likod nito, making him looked like an Indian diety.
“Sinadya ni Mrs. Vale na huwag galawin ang mga gamit ng batang Aidan...”
“Hindi na ako bata ngayon. At gusto kong may mabago...” he said abruptly. His eyes on hers.
Danielle thought there was longing in his eyes. But of course, kay tagal na pinanabikan ni Aidan ang muling makatuntong sa bahay na iyon.
“Y-you can tell Mrs. Vale of the changes you want to make...”
“Gusto kong ikaw muna ang makaalam. Gusto kong palisin sa silid na ito ang malungkot na nakaraan. At gusto kong simulan iyon sa pamamagitan ng proporsal...”
“P-proposal?”
He regarded her for a heart-stopping moment and his lips curved into a slow, sexy smile. “Marriage proposal. Will you marry me, Miss Wilding?”
She gasped. Swallowed. Tears stung her eyes. “W-why?”
Umangat ang mga kilay ni Aidan. “Why?” he blurted. “Come here, Danielle,” utos nito.
She walked slowly toward him, as if in a dream. Inabot siya ni Aidan at ikinulong sa mga bisig. Itinaas ang mukha at masuyong tinitigan.
“Because I love you... that is why. Hindi pa ba sapat ang dahilang iyan?”
Her eyes misty. “I thought I’d never hear it from you... I thought you don’t want me...”
“I don’t want you?!” kunwa’y bulalas nito. “Ikaw ang laman ng isip ko sa lahat ng oras, Danielle. Mula pa nang una kitang makitang nakaupo sa hospital stretcher... so lost, so helpless, so lovely... Now, will you marry me?”
“I’ve... I’ve heard that... that the Fortalejos married only innocent women...” h er voice husky.
Kumunot ang noo ni Aidan. “And you are not...” It was a statement.
“Paano kung ganoon nga?” she challenged.
He grinned at the insolence on her lovely face. “I’m Aidan Worth, baby. Hindi ako nakatali sa tradisyong iyon. And I love you, virgin or not.”
She grinned back. Mabilis na inabot ang ulo ni Aidan at mariing hinagkan sa mga labi. Nang akmang gaganti si Aidan ay kumawala siya.
“I am a virgin! I am glad I waited for you!”
“You wouldn’t be anymore sa sandaling lumabas ka ng silid na ito,” he declared with determination. Passion in his eyes. Idinikit nito sa katawan si Danielle. Letting her feel his desire.
“Well,” she pouted, toyed his shirt collar. “I know a man who, while I would have gone willingly during those glorious, frightening, suspended moment in time, practically pushed me away from him. I hope you are not like that, Panther Walks... I couldn’t afford a second rejection.”
He gave a bark of laughter. “Not this time, baby...”
Akmang hahagkan nito ang dalaga nang pigilin siya ni Danielle. “What would I be, Aidan? Mrs. Aidan Worth? Or Mrs. Aidan Fortalejo?”
Hindi siya sinagot ni Aidan, sa halip ay yumuko at itinuloy ang nabiting halik. Kissed her wildly and hungrily. Habang tinungo ng mga kamay nito ang butones ng blusa niya.
Then he murmured. “I love you, Mrs. Panther Walks...”
Danielle smiled with satisfaction. What was in a name anyway. Then her imaginations went wild sa kung ano ang susunod na mangyayari sa silid na iyon.
WAKAS