Chapter Sixteen
“M Y GRANDMOTHER’S house is very old and worm-eaten. It gave way.”
“Natitiyak mo bang hindi ka nasaktan? A broken bone? Anything?” nag-aalalang tanong ni Aidan matapos marinig ang kuwento niya. Nag-angat ito ng kamay upang suriin siya. His hand touched her right shoulder first. Nang bumaba iyon nang bahagya sa may likod niya’y napangiwi si Danielle.
“You’re hurt!”
“My... shoulder hit something nang bumagsak ako...”
Muling umangat ang mga kamay ni Aidan at tinungo ng mga iyon ang butones ng pantulog niya.
“Wha—what are you doing?”
“Huwag mong lagyan ng malisya ang ulo mo,” saway nito sa tinging ibinigay ni Danielle dito. Nang maalis ang una at ikalawang butones ay hinawi ni Aidan ang blusa at nahantad ang likod ng balikat niya.
He uttered an oath silently nang makita ang malaking pasa sa ibaba lang ng balikat niya. “May masakit pa ba sa iyo sa ibang bahagi ng katawan mo?” Magkahalong galit at pag-aalala ang tinig nito habang banayad na sinusuri ng mga daliri ang buong likod niya.
“I’m fine, Aidan.” Hindi niya gustong sabihin ditong nagpaltos ang mga palad niya sa pagkakakapit sa sanga ng bayabas. Mahapdi iyon pero naiinda niya. “I was only glad the twig didn’t break...”
“Sabi mo’y puno ng bayabas iyon. Hindi malutong ang sanga niyon at hindi agad napuputol malibang tuyo,” he explained. Bahagi ng kabataan niya’y ginugol sa kaparangan sa isla ng Paso de Blas at alam nito iyon. “Let’s have that shoulder checked tomorrow. Pansamantala’y magpahinga ka na. Okupahin mo ang dating silid mo.”
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Aidan bago siya tinitigan. “You didn’t have to come here, Dani. You were in shock, at baka kung napaano ka pa sa pagtungo mo rito. You could have called me. Darating naman ako kaagad.”
“I–I would have kung nakapasok ako sa bahay at kung... hindi ko—” She stopped in mid-sentence. Hindi niya gustong sabihin ang tungkol sa anino. Dahil baka imahinasyon lang niya iyon o repleksiyon ng mga dahon sa bintanang salamin. “At kung nagising ko si Tata Marcos...”
“Si Tata Marcos nga pala!” bulalas nito nang mabanggit niya ang matandang lalaki. “Ano ang nangyari at hinayaan ka niyang magbiyahe patungo rito?”
“I came to him first but I couldn’t wake him up. I was hammering on his door and shouting frantically, but he wouldn’t wake up, Aidan...” she said in a small and sleepy voice. Humilig sa malambot na sofa at naghikab. Now that she felt safe here with him, nakadarama siya ng antok. She just wanted to curl on her bed.
May sasabihin pa sana si Aidan subalit nang tingnan nitong muli si Danielle ay nakapikit na ang mga mata niya.
He sighed. Humakbang patungo sa telepono at dumayal.
Apat na ring bago may sumagot sa kabilang linya. “Sorry, kung nagising kita... but please do me another favor.... Send a couple of your men to Santa Rosa... Yes. Sa bahay ni Danielle Wilding.” Sinulyapan niya si Danielle na marahil pagkarinig sa sariling pangalan ay nagmulat ng mga mata, her eyes sleepily searching his face, pagkuwa’y pumikit ding muli.
May ilang sandali pang nakipag-usap si Aidan bago ibinalik sa lagayan nito ang telepono. May ilang saglit na tinitigan si Danielle. Her lashes dark against the whiteness of her skin. She looked incredibly soft and feminine. Incredibly desirable.
Humakbang siya patungo rito at niyuko ang dalaga at binuhat. Nakadama ng init si Danielle nang madikit ang mukha sa hubad na dibdib. She murmured incoherently at nagsiksik pang lalo.
Dinala ni Aidan ang dalaga patungo sa dating silid na inokupa nito. He laid her down gently on the bed. Hinila ang kumot at kinumutan ito.
Patalikod na siya nang masulyapan ang palad ni Danielle. Nagdikit ang mga kilay na yumukong muli at iniangat ang kamay ng dalaga.
“What the hell—” Inabot niya ang isa pa nitong kamay na tulad ng isa’y nagpaltos din.
He swore violently. Tumalikod at tinungo ang banyo at kumuha ng ointment mula sa medicine cabinet. Gently, pinahiran niya ng ointment ang mga paltos sa palad ng dalaga. Nang matapos ay inilapag sa night table ang ointment.
“Your hands would hurt like the devil in the morning,” he murmured, na tila ba naririnig siya nito.
Nasa pinto na siya at akmang papatayin ang ilaw sa kuwarto nang magsalita si Danielle.
“Don’t leave me, Aidan... I’m scared,” wika nito sa maliit na tinig.
Nilingon niya ito. “Rest, Dani. Walang mananakit sa iyo rito and... okay, I’m leaving the lights on.”
“Please... I don’t want to be alone...” She was almost begging.
He sighed in resignation. Humakbang patungo sa settee at naupo roon. “All right. Now go back to sleep.”
She gave a soft smile that took some of the tensions from her face and made her so young and pretty. “You can’t sleep there, Brave. Mananakit ang katawan mo sa umaga.”
You don’t know what I went through, he thought. “Sanay ako sa kahit na sa pinakamasamang sitwasyon, Dani.”
“Maybe. But you aren’t in a bad situation right now. Come and sleep beside me,” she invited with a yawn then her lids fluttered closed again.
Nagpakawala ng mahabang buntong-hininga si Aidan habang tinititigan ito. She looked horribly frail and vulnerable lying in the wide bed. She was also too thin for his taste. But Danielle aroused his protective instinct; and the gentleness and tenderness reserved only for the few women of his life. At hindi lang iyon ang pinukaw ni Danielle sa kanya—his carnal instinct was aroused, too.
He went in and out of sleep watching her. At nang magmulat siyang muli ng mga mata’y napuna niya ang berdeng ilaw sa may telepono. Agad niyang dinampot iyon.
“Hello.”
“Inabala mo ako sa pagtulog ko pagkatapos ay ikaw ang tulog na tulog. Pangalawang tawag ko na sa iyo ito,” ani Kurt sa kabilang linya. A little bit irritated.
Sinulyapan ni Aidan ang relo sa may night table. Mag-aalas-tres na ng madaling-araw. Mahaba-haba rin ang itinulog niya.
“Nasa guest room ako, Kurt. I’m sorry... pinatay ko ang ringer. Ano ang balita?”
“Ang matandang lalaki’y tulog pa rin nang dumating sila. Nasa likod ng bahay ang quarter nito. They suspected that he had been drugged. Kumuha sila ng tubig mula sa pitsel na nasa mesa at dinala rin ang baso para suriin. They found traces of saw dust on the balcony floor. Ang pagkabali ng balustre sa magkabilang dulo ay minaniobrang mabuti upang hindi mahalatang nilagari muna.”
“Damn!” he muttered angrily. Gumana ang isip sa maaaring nangyari kay Danielle kung nagtuloy-tuloy itong nahulog sa ibaba.
“Sa hindi sanay na mga mata, lalabas na naputol ang balustre dala ng kalumaan at anay. It was past midnight at tapos na nilang suriin ang paligid nang dumating ang tiyahin ni Danielle. She was so surprised upon seeing my men. Ayon sa kanila’y galing daw nanood ng concert ni Leah Salonga si Ofelia Guevarra. Nagpakita ito ng pag-aalala sa pamangkin na nang sabihing hindi naman nasaktan ay agad kumalma. Hindi nila sinabi ang obserbasyon nila tungkol sa matanda at sa balustre...”
“Now do you still believe that Danielle had something to do with her boyfriend’s murder?”
“Hinala lang ang sa akin, Aidan. Don’t be cross. I’ll ask a friend to check into this. Huwag kang makikialam, this is a police business. Let’s talk in the morning, may ilang oras pa akong itutulog.”
“Use your connections, Kurt. I want some information from the Kentucky end. Kararating lang ni Danielle dito at wala siyang kakilala maliban sa matandang katiwala.”
“Piece of cake, buddy.”
Nang maibaba ang telepono’y itinuon niya ang mga mata kay Danielle.
“Who wanted you dead, Dani? And why?” He sighed at muling isinandal ang likod sa settee. Maraming mga katanungan ang nag-uunahan sa isip niya subalit minabuting itulog na lang muna ang natitirang ilang oras bago mag-umaga at saka na lang siya mag-iisip.
“YOU failed again, you idiot!”
“That bitch has ten lives,” galit na sagot ng lalaki.
“We have to dispose her immediately. The police are now involved!”
“Ikaw lang, eh,” wika ng lalaki. The voice was gruff and accented. “I could kill her anytime. It wouldn’t be any trouble.”
“I guess you’ve been right all along. We should have killed her sa unang tsansang nagkaroon tayo. Now we have no time left. She will be twenty-one four days from now. Gawin mong madali ang lahat. Kill the old man if necessary,” marahas nitong utos. “Walang nakakaalam na narito ka at walang maghihinala sa iyo. Besides, hindi ka kilala ng matandang lalaki. Then get out of the country fast!”
Ngumisi ang lalaki. “Sinabi mo, boss...”
HALF an hour later, he’d just nodded off when Aidan heard her whimpering. Napatayo ito mula sa pagkakahilig sa settee. Patuloy sa pag-ungol si Danielle. Tila may kinatatakutan. That, along with her shivering, created a surge of masculine protective instinct.
Pabuntong-hiningang umikot sa kabilang bahagi ng kama si Aidan at nahiga sa maluwang na bahagi, drawing her against him, sharing his warmth.
Then she suddenly bolt upright and grasped for something. “Mahuhulog ako... I’m going to die!” she muttered in her sleep.
Aidan grabbed both her hands and pulled her down on top of him. “Sshh... it’s okay, Dani. Nobody’s going to hurt you.” Paulit-ulit na ibinubulong ni Aidan iyon sa dalaga.
But whatever happened earlier must have frightened her badly. Although she stopped trembling, he couldn’t keep her still.
Kinumutan niya ito but she frantically kicked the sheet off. Na tila ba itinatali siya ng kumot sa kanyang panaginip. Niyakap ni Aidan ang dalaga, stroking her hair, her back. All the time he kept murmuring words of reassurances over and over.
Eventually, tumigil sa paglilikot si Danielle. She drifted back to peaceful sleep, nakasiksik sa may leeg niya. But her pajama top was twisted around her mid-section. At nararamdaman ni Aidan ang init ng katawan nito sa kanya. Her soft breasts were pressed against his chest. Her pelvis was right on top of his jeans. And her legs were draped across her thighs seductively.
And he was definitely in trouble!
He felt his body hardening instinctively.
Mula nang makilala niya si Danielle ay ilang beses na niyang kinastigo ang sarili sa pagtutuon niya ng pansin dito kaysa sa nararapat. But his body and mind were in disagreement most of the time.
Tulad ngayon, Danielle’s breath was like a soft summer breeze against his throat. Na lalong nagpapatindi sa pagnanasang nararamdaman niya. And Danielle, who was oblivious to his carnal thoughts, ay lalo pang isiniksik ang katawan sa kanya.
He groaned. His hand would have moved to her breast upang damhin iyon kung hindi lang sa matinding pagpipigil niya sa sarili. He’d been without a woman for months now but that didn’t mean he’d take advantage of a sleeping and helpless woman.
Kung inisip niyang itutulog niya ang natitirang oras sa magdamag ay nagkakamali siya. Sinong normal na lalaki ang makakatulog sa ganoong ayos?