noveltoon logo noveltoon
Panther Walks (Kristine Series 17)

Chapter 18

Ch. 19 / 22 May 09, 2025

Chapter Eighteen

“N ANGANGAILANGAN na ng maraming karpintero ang bahay na ito ng lola mo, Danielle,” umiiling na wika ng matanda nang ikuwento niya rito ang pangyayari kagabi. “Mabuti at hindi ka nasaktan kung hindi’y hindi ko mapapatawad ang aking sarili. Dapat ay sinuri kong mabuti ang kabahayan...”

“Huwag na ninyong sisihin ang sarili, Tata Marcos. Ang mahalaga’y ligtas ako.” Hindi na niya sinita ang matanda kung bakit napakahirap nitong gisingin.

Tiningala ng matandang lalaki ang balkonahe. “Aayusin ko ngayon ang balkonahe bago dumilim. Pupunta ako sandali sa hardware diyan sa may bungad ng subdivision upang bumili ng kahoy.”

“M-may pera ho ba kayo?” She didn’t get the chance to check kung may pera siya. “Wala pa rin akong maalala, Tata Marcos...”

“Huwag mong alalahanin. Malaki pa ang natitirang pera mula sa ibinigay ng abogado ng lola mo para sa pagmimintina ng bahay at mga kasangkapan.” Lumakad na ito patungo sa pickup.

Nanatili siyang nakatayo sa ibaba ng balkonahe at tiningala iyon. Nanayo ang mga balahibo niya sa taas niyon. Kung tuloy-tuloy siyang bumagsak, at sino ang nakakaalam kung saan tatama ang katawan niya, malamang na nanganib ang buhay niya.

Nilingon niya ang punong-bayabas sa tabi. She sighed. Kung wala iyon ay malamang na napahamak na siya.

Patamad na pumasok sa kabahayan ang dalaga. Nagtuloy siya sa silid niya sa itaas. Kumuha ng tuwalya at bathrobe sa lumang aparador upang maligo. Lumabas siya ng silid upang tunguhin ang banyo sa may dulong pasilyo. Nasa pinto na siya ng banyo nang matuunan ng pansin ang silid malapit sa hagdan patungo sa ikatlong palapag. Sa silid na iyon niya nakita ang anino.

Alam niyang walang tao roon, gayunma’y humakbang si Danielle patungo sa silid. Walang ingay niyang inikot ang doorknob. Itinulak pabukas. Sinalubong siya ng amoy ng lumang silid na hindi nagagamit.

It was empty, tulad din ng ibang mga silid sa malaking bahay na iyon. Ang mga kasangkapan ay natatakpan ng kumot upang hindi masira ng alikabok.

She sighed. Nang makarinig siya ng ingay sa may kisame. Napatingala siya. Then she shrugged her shoulders. It was an old house at binabahayan na ng mga daga. She was about to close the door when she heard that faint sound again.

Nagsalubong ang mga kilay na tumingala siyang muli. Hindi iyon ingay ng mga naghahabulang daga. She stilled herself to listen.

Mga yabag! Mga yabag ng paa ang naririnig niya kung hindi siya nagkakamali. Palakad-lakad. Ang silid na iyon ay katapat mismo ng silid sa itaas!

May tao ba sa third floor? Ang alam niya’y tambakan iyon ng mga lumang gamit, ayon kay Tata Marcos.

Umaahon ang kaba sa dibdib niya habang isinasarang muli ang pinto.

Slowly, humakbang siya patungo sa hagdanan at dahan-dahang pumanhik habang tila magigiba ang dibdib niya sa matinding kaba. Isang hakbang na lang at nasa landing na siya nang makita niya ang pag-ikot ng doorknob at ang tila maingat na pagbubukas ng pinto.

She held her breath.

“You!” bulalas niya nang mula sa pinto ay lumabas ang lalaki.

Nahinto sandali ang lalaki na tulad ni Danielle ay nabigla rin. Hindi inaasahang mabungaran siya roon. Subalit sandali lang ang pagkabigla ng lalaki. Isang ngiti ang pinakawalan nito.

“Hello, Danielle...”

“P-paano kang narito?” She knew him to be in her mother’s house in Kentucky. Napapikit si Danielle. Muling nag-flash ang mga tinig sa isipan niya. Umiikot ang paningin niya. Mahigpit na napahawak siya sa railing ng hagdan.

“ You’re out of your mind, Calvin! You were taken by a pretty face. Nakalimutan mo na ba ang salaping nakuha mo sa akin? O baka naman gusto mong solohin ang salaping mamanahin niya?”

“I’ll pay you back, Damon. Pinagsisihan kong pumayag ako sa gusto ninyong mangyari. Kalimutan ninyo ang plano ninyo o makararating sa mga awtoridad ang lahat ng ito!”

“Hindi mo magagawa iyan dahil papatayin na muna kita!”

Pinagpawisang tumingala si Danielle sa lalaki sa nanlalaking mga mata. “I-ikaw ang kausap ni Calvin sa bahay niya!”

“So you remembered, eh,” nakangising sabi nito.

“And you... killed him. You killed Calvin!”

“That stupid fool deserved to die!” he scoffed. “Everything would have been according to plan kung hindi siya tumakas na kasama ka. Naakit mo si Calvin, Danielle. Hindi na niya gustong tumupad sa usapan...”

“U-usapan...?” She was frightened. Subalit hindi niya magawang kumilos. Curiosity got her.

“He was supposed to marry you, Danielle... then kill you slowly... tulad ng ginawa namin sa mama mo—”

“Pinatay mo ang mama!”

“Did I give myself there? Oh, well... nasabi ko na rin lang, you might as well know that we poisoned your mother slowly. Sa paraang hindi makahahalata kahit na sino...”

“Oh!” nanlulumong bulalas niya. Ang takot ay nahalinhan ng matinding poot. Patakbong sinugod ang lalaki at pinagsusuntok. “Bastard! Murderer!”

The man grabbed both her hands at malakas na tumawa. “Poor little Danielle. Tsk... tsk... Ano ang magagawa ng mga suntok mo sa akin, ha, Danielle?”

“I hate you! I have always hated you! Alam kong hindi ka mapagkakatiwalaan at alam ng m ama iyon. Pero hindi ko alam kung bakit napapayag mo siyang pakasalan ka!” humihingal niyang sabi. Nagpilit siyang pakawalan ang mga kamay mula rito.

“Hindi mo alam?” Nakangisi itong niyuko siya. Isang halik sa sentido niya ang akmang gagawin nito na agad naiwasan ni Danielle. His mouth landed on her hair. “Ikaw ang dahilan, my dear. She was protecting you. I threatened her that I’d hurt you if she didn’t marry me...”

“Hayup! Hayup!” she screamed furiously. Pagkuwa’y nahinto siya sa pagpalag nang biglang may magdaan sa isipan. Nanlalaki ang mga matang tiningala ang lalaki. “Y-you said ‘we.’ Sino ang kasama mo sa pagpatay sa mama ko?”

Umangat ang mga kilay ng lalaki. “Haven’t you guessed yet?”

Sandaling kalituhan ang gumitaw sa mukha niya. And as realization dawned, she gasped in horror. “No!”

“Yes, my dear...” tuya nito.

“She... she was my mother’s step-cousin...” hindi makapaniwalang usal niya. Then another flashes came to her mind. Don’t trust him, Dani. Be careful... I saw Ofelia and Damon together... in her room. It was horrible!

“Why? Why, Damon?”

“Ofelia’s my wife, Danielle,” pagtatapat nito.

“Wife!” bulalas ng dalaga. “B-but you... you married my mother!”

“And hated every minute of it!” he spat. “My marriage with your mother may not be legal pero sino ang nakakaalam? Ang importante’y ang appointment ko bilang CEO.”

Danielle was speechless for a moment. Ni hindi niya gustong unawain ang mga salitang narinig mula kay Damon. Pinagtawanan ni Damon ang kalituhan sa mukha niya.

“But why?” muling usal niya.

“Oh, well, dead people don’t tell tales, do they? And you will die soon, so I’d rather let you in to our little secret, Danielle,” nakakalokong wika nito. “Ofelia spent her life serving Worth Chemicals, now W&W Laboratories. It was through Ofelia that your father met your mother when Samuel was just a striving chemist. Your father was very good in his job and the Worths were impressed. They made him a partner. Bilang pagtanaw ng utang-na-loob, nangako ang daddy mo kay Ofelia na isusuhestiyon niya sa mga Worth na bigyan siya kahit kaunting share sa stocks bilang isa sa mga pioneer ng kompanya. It wasn’t that unusual dahil iyon ang ginagawa ng mga Worth.

“Then your father had also promised to promote Ofelia to a supervisory position. That last promise made Ofelia so excited and looked forward to it. Kinaiinggitan niya ang pagtawag ng mga tao ng ‘ma’am’ at ‘Miss Samantha’ sa pinsan niya. And she would soon be like her. But Samuel didn’t keep his word! Hindi kayang salungatin ng ama mo ang pagtanggi ng mga Worth na magkaroon ng share of stock si Ofelia, no matter how small that would be!

“At sa tingin ng mga Worth ay hindi ang uri ni Ofelia ang nababagay sa mataas na posisyon sa kabila ng maraming taong paglilingkuran sa kanila!” Tumiim ang mga bagang nito. Nanlisik ang mga mata.

“Dahil nakita ng mga Worth na hindi siya nararapat at kung anong uri ng tao siya!”

Hindi pinansin ni Damon ang sinabi niya at nagpatuloy. “Ofelia forgave Samuel and Jericho Worth for that at nagpatuloy sa paglilingkod bilang clerk. Pero nang dahil sa kaunting pagkakamali’y ipakukulong siya ng magkapatid na Worth.” Muling tumiim ang mukha nito. Tila kailan lang nangyari ang sinasabi. Si Ofelia, takot na takot at umiiyak.

“It was your fault, Damon. Kung hindi sa walang katapusang pangangailangan mo ng pera, sana’y hindi nangyari ito. Alam nilang ako ang nagnakaw ng formula. I’ve been with the company for years and yet I wasn’t aware of that hidden camera!”

“Calm down, Ofelia,” payapa nito sa babae. “Alam ba nilang ipinagbili mo ang formula sa kalabang kompanya?”

Umiling ito. “They would soon know kung hindi ko ibabalik sa kanila iyon. O, Damon, do something. The scandal will ruin me. Masasayang lahat ang mga pinaghirapan ko. Makukulong ako! And I’d rather die than go to jail. At ikaw? Paano ka kapag nawala ako? You can’t even afford a decent meal for yourself!”

“What about Samantha? Have you asked her to help you? She could bail you out of this through her husband...”

“Nasa Pilipinas sila. At ayokong ipaalam! Ayokong makarating sa mga Wilding ang nangyari. Lilibakin ako ni Samantha!” she screamed hysterically. “Lalo lang akong magmumukhang hamak sa paningin niya! Tauhan ng asawa niya, ng mga Worth! Isa pa’y hindi ako nakatitiyak na may maitutulong siya sa akin. That formula was Worth Chemical’s breakthrough! And now I’m doomed, Damon!”

“Ano ang suhestiyon mo para hindi ka maipakulong ng mga Worth at hindi makarating sa mga Wilding ang ginawa mo, Ofelia?”

Sandaling tumiim ang mukha ni Ofelia. Pagkatapos ay makahulugang tinitigan ang Mehikanong asawa. “Utang mo sa akin kung ano ka ngayon, Damon... Huwag mong kalilimutan iyan!”

He gave a harsh laugh. Pagkuwa’y pahiklas na hinila ang babae at mahalay na hinagkan sa mga labi. Pagkatapos ay nag-angat ng mukha. “Hindi ka makapagtatapos ng pag-aaral, my dear, kung hindi sa mga kulimbat ko. Natupad ang ambisyon mong mapasok sa isang opisina at nakapagsusuot ng mamahaling damit. At hanggang ngayon ay nasa gutter ka pa rin kung hindi dahil sa akin.”

Her hand moved down to the middle of his thigh at patuyang ngumiti. He groaned, both in pleasure and in frustration. “You love me, Damon. Walang ibang babaeng magmamahal sa iyo tulad ng pagmamahal ko sa iyo. Hindi mo kayang ipaalam sa ibang babae ang kapansanan mo, `di ba? At kung hindi mo gagawan ng paraan ang problema natin, mawawala ako sa iyo.”

His face hardened.

“A thief and a murderer!”

Isang sampal ang ibinigay sa kanya ni Damon dahil doon. Stars exploded behind Danielle’s lids.

“Ni hindi nakita ng mga Worth ang haba ng paglilingkuran niya. Kung hindi ko ginawan ng paraan, it would have destroyed her! And I couldn’t have allowed that to happen. She was all that I have. Kung hindi sa salaping nanggagaling sa kanya’y matagal na akong namatay sa loob. I was on parole when it happened...”

“At dati ka nang kriminal noon pa man! At isiping nagpanggap kang disenteng tao!”

“Mahusay ako roon, `di ba, Danielle?” Ngumisi ito. Tila ba ipinagmamalaki sa kanya ang mga nagawa. “Dahil din sa maniobra at impluwensiya ni Ofelia sa mommy mo kaya napasok akong empleyado sa kompanya. Hindi niya magagawa iyon kung ang mga Worth pa ang namamahala. At ang tanging nagawa ng ama mo kay Ofelia nang mawala ang mga Worth ay ang promotion. And when your father died he left her nothing. Wala kahit na isang sentimo. Iniwan niyang lahat ang buong kompanya sa inyong mag-ina at sa anak ni Worth na nawawala! Ang istupidong ama mo’y naniniwalang maaaring buhay pa ang anak ni Jericho Worth!”

“And so you and Ofelia slowly poisoned my mother.” She gritted her teeth. Nagpupuyos ang dibdib sa matinding poot. “Thinking that Mommy would hand you in silver platter my inheritance by threatening her about me. Hindi ninyo naisip na bahagi lamang ng kompanya ang pag-aari ng d addy; that when the Worths made my father a partner, he hadn’t got a cent but his brain and so he couldn’t have possibly owned the company.

“Nakalimutan n’yo rin ang mga abogado ng mga Worth. At dahil isa ka lamang walang pinag-aralang mamamatay-tao... and Ofelia was nothing but a brainless ambitious woman, she never bothered to read the corporate profile, never bothered to—”

Hindi niya natapos ang sinasabi niya. Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Damon sa kanya na nagpawala sa balanse niya at bumagsak siya sa sahig.

“Maaaring naisahan kami roon. Subalit tinitiyak ko sa iyong mapapasaaming lahat ang share ng mga Wilding, Danielle. Your father had been stupid enough to have included in his testament that should your mother and you expired, mauuwi sa malapit na kamag-anak ang share niya sa kompanya. At si Ofelia iyon...”

Dinaklot siya nito sa mga balikat at itinayo. She turned pale as she saw the ugliness in his face.

“Yes, Danielle. At sa susunod na magkikita kami ng abogado ng mga magulang mo’y masasalin kay Ofelia ang bahagi ng mga Wilding sa kompanya...” Humigpit ang hawak nito sa braso ng dalaga.

“Bitiwan mo ako!” Kumuha siya ng buwelo at inipong lahat ang lakas at pagkuwa’y itinaas ang tuhod sa gitna ng mga binti ni Damon.

Hindi iyon gaanong malakas subalit sapat upang mabitiwan siya. Tinakbo ni Danielle ang hagdan pababa sa second floor. Umiikang humabol si Damon.

“I’ll wring your neck, bitch!”

Halos magpang-abot sa pasilyo ang dalawa. Nasa bungad na siya ng hagdan patungo sa ground floor nang mahagip ni Damon ang buhok niya. Napatili sa sakit si Danielle.

Kapaparada lang ni Tata Marcos ng sasakyan nang maulinigan ang tili ni Danielle. Kunot ang noong nagmadaling pumasok sa bahay ang matanda.

Mula sa ibaba’y natanaw nito sa may balustre sa itaas ang panlalaban ni Danielle sa lalaking hindi nito kilala. Kinakaladkad nito ang dalaga patungo sa silid niya.

Tinakbo ng matandang lalaki ang hagdan. Nang mahagip ng paningin ang isang pigurin sa tabi ay dinampot iyon at dinalawang hakbang papanhik ang mga baitang.

“Bitiwan mo siya!” sigaw ni Tata Marcos. Kasabay ng pagtaas ng pigurin upang hampasin sa ulo si Damon ay lumingon ang huli na nagpangyari upang sa balikat ito tamaan.

Nabitiwan ni Damon si Danielle. Hindi kalakihan ang pigurin at malaking tao si Damon. Sanay sa pakikipaghamok. Hindi nito gaanong ininda ang sakit ng pagkakabasag ng pigurin sa balikat nito. Poot na nilingon nito si Tata Marcos at buong-lakas na itinulak sa pagkabigla ng matandang lalaki.

Tuloy-tuloy na gumulong sa hagdan si Tata Marcos.

“Tata Marcos!”