noveltoon logo noveltoon
Panther Walks (Kristine Series 17)

Chapter 2

Ch. 3 / 22 May 09, 2025

Chapter Two

A NG MASSACRE sa pamilya Worth ay balita sa buong Kentucky. Marami ang nanggilalas sa krimeng naganap. Ang mga kaibigan ng mga Worth ay hindi makapaniwalang nagpapahayag ng iba’t ibang opinyon at kuro-kuro tungkol sa nangyari. Subalit iisa ang sinasabi ng lahat—ang pamilya Worth ay tahimik na mga tao.

Marami ang nanghihinayang dahil ang sinisimulang negosyo ng magkapatid na Jericho at David Worth ay unti-unting gumagawa ng pangalan sa larangan ng mga gamot.

At nakalagay rin sa peryodiko ang pagkawala ng panganay na anak ni Jericho Worth. May nagsasabing baka tinangay ng mga kriminal. May nagsabi namang baka nakuhang makatakbo sa ilog at tinangay ng agos at maaaring patay na rin.

NASA itaas ng attic ng bahay nila ang batang si Aidan. Dalawang gabi na siya roon. Ni hindi siya nagpapakita kahit sa mga katulong. Wala ring naghihinala kahit na sino na naroroon siya. Alam niya ang lahat ng galaw sa bahay nila. Ang mga matagal na nilang katulong ay naririnig niyang nag-aalala sa kanya. Kung buhay ba siya o patay na rin.

Kapag tulog na ang lahat ay maingat siyang bumababa patungo sa kusina upang kumuha ng pagkain at tubig at dinadala sa attic. Pagkatapos kumain ay muling tahimik na iiyak. Iniiyakan ang pagkawala ng mga magulang at kapatid. Ng buong pamilya.

And he was very scared. Sa murang kaisipan ay nakatatak ang sinabi ng abuelo.

They will kill you, too, Panther Walks... Don’t trust anyone...

Mula sa kinalalagyan niya ay nakikita niya ang paglabas-masok ng mga tao sa bahay. Mga kaibigan at kakilala ng mga magulang. Mga nakikisimpatya at nakikidalamhati. Bawat isa ay nagtatanong kung nasaan siya. Maging ang mga pulis ay naroroon din parati.

Gabi na at nagsasara na ng mga pinto at bintana ang mga katulong nang marinig niya ang pagparada ng sasakyan sa harap ng bahay nila.

Mula sa bintana ng attic ay lihim siyang sumilip. Bumaba mula sa sasakyan ang isang babae at lalaki. Ang babae ay kasing-edad ng kanyang ina. She wasn’t an American. He was sure of it. Sa kabila ng malamlam na liwanag na nagmumula sa portico ay natitiyak niyang hindi puti ang babae. Her hair was very dark. She was pretty and petite.

Subalit Amerikano ang lalaking kasama ng babae. Tall and a little overweight. Higit ang katandaan nito sa babae. Nang tumingala ang lalaki, napaatras si Aidan. It was instinct. Alam niyang hindi siya nakikita nito. At sapat ang pagtingala ng lalaki upang makilala niya ito.

Dr. Samuel Wilding. That was his name. Narinig niyang ipinakilala ng ama ang lalaki sa kanyang ina minsang dumating ito sa bahay nila. He was his father’s business associate. Pinatuloy ito ng mayordoma.

“Ikinalulungkot ko kung ngayon lamang kami naparito,” anito sa wikang English sa mayordoma nila. “Ako at ang aking pamilya ay nasa bakasyon sa nakalipas na tatlong linggo. Kaninang umaga lamang kami dumating at nagulat kami sa balitang massacre sa aking kumpadre. Sino ang may kagagawan nito? May nahuli na ba?”

Iling at hikbi lamang ang isinasagot ng mayordoma sa sunod-sunod na tanong ng mag-asawa.

Natitiyak ni Aidan na asawa ng kasosyo ng ama niya ang babaeng kasama nito sa paraan ng pagkakaakbay ni Samuel Wilding dito. Marami pang tanong ang ibinigay ng mga ito. Naririnig niya ang pagkamangha sa tinig ng lalaki. Hindi ito makapaniwala sa nangyari.

Ang pag-aalala ay nasundan ng pagtatanong kung ano na ang balita sa panganay na anak ng mga Worth. At kung may balita ang mga katulong. At nahimigan ni Aidan ang matinding pag-aalala sa tinig ng lalaki nang sabihin ng mayordoma na hindi pa siya nakikita.

Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin ang mag-asawa. Narinig niya ang huling sinabi ng lalaki sa mayordoma.

“Call me as soon as the boy showed up.” Inilabas nito ang calling card mula sa bulsa ng polo shirt. Ibinigay iyon sa mayordoma. “Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang matulungan ang mga pulis na hanapin ang bata. Nag-aalala ako para sa kanya.”

Pinigilan ni Aidan ang sariling huwag bumaba sa attic at sumigaw na naroroon siya. There was something in his voice that told him he could trust his father’s business associate. Ang mukha ng asawang babae nito’y nagbabadya rin ng matinding pag-aalala.

Subalit hindi niya magawang alisin sa isip ang sinabi ng matandang abuelo bago ito namatay—na papatayin din siya.

At natatakot siyang magtiwala. Nanlulumong inilatag ng bata ang hapong katawan sa sahig ng attic. May kung ilang sandaling tahimik na humihikbi hanggang sa gapiin ng antok ang batang katawan.

NAGULANTANG mula sa pagkakatulog si Aidan dahil sa malakas na katok sa labas ng bahay. Umaga na. Lumulusot sa siwang ng bintanang louvers ang sinag ng araw. Mabilis siyang sumilip sa maliit na bintana ng attic.

Apat na lalaki ang nasa labas ng pinto. Ang dalawa ay palinga-linga sa paligid ng bahay. Sa mga napapanood niya sa video tapes, he decided that the two men were Mexicans bagaman puti ang dalawang kasama nito. Ang dalawa ay nasa portico at muling kumatok nang malakas.

Agad na bumangon ang kaba sa dibdib ng bata. Naalala ang lalaking nakita niya sa van sa camping site. Kahawig ng dalawang lalaking Mehikano. At naniniwala siyang hindi FBI ang mga nasa ibaba.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto. Lumabas ang mayordoma. May ipinakitang ID ang isang lalaki rito.

“FBI,” wika nito sa malakas na tinig. “Have you heard of the boy?”

Umiling ang mayordoma habang napaatras. “P-please come on in...”

“We would like you to answer some questions.” Pagkuwan ay lumingon ito sa mga kasama at tumango. Tumango rin ang mga ito at ang dalawa ay naghiwalay at humakbang patungo sa magkabilang tagiliran ng bahay sa isang disimuladong paraan.

His instinct told him they were going to search the whole place. And that he was in danger. Mabilis at maingat na lumakad ang bata patungo sa bintana sa likod. Walang-ingay iyong binuksan. Naroon ang malaking sanga ng punong-kahoy na siya rin niyang dinaanan sa pagpanhik noong isang araw na dumating siya at nagtago sa attic.

Like his Indian name, walang-ingay at maingat siyang tumawid sa bubong patungo sa malaking sanga. Likod na ng bahay nila iyon at ang kabila ay pader na patungo sa kabilang bahay. At may sanga ang puno nila na nakatunghay sa kabilang solar.

Doon nagdaan si Aidan at umaasang tulog pa sana ang mag-asawang matandang nakatira sa bahay na iyon. Hindi niya gustong maka-attract ng atensiyon.

Wala pang tatlong minuto siyang nakatalon sa pader sa kabila nang bumukas ang maliit na pinto sa attic. Narinig pa ni Aidan ang sigaw ng lalaki. Mabilis siyang tumakbo patungo sa harapang bahay kung saan naroon ang gate palabas.

“Aidan!”

Gulat na napalingon ang bata.

“M-Mr. Wilbert...” Nasa hardin ang matandang lalaki at nagdidilig ng halaman.

“What happened to you? Where have you been? Are you all right?” sunod-sunod na tanong ng matandang lalaki.

“Mr. Wilbert, bad people are in our house right now. They’re looking for me... they are going to kill me! I must get out of here fast!” frantic niyang sinasabi.

Agad ang paglatay ng matinding lungkot at pag-aalala sa mukha ng matandang lalaki. Ang massacre sa pamilya niya ay kagagawan lamang ng isang kaaway na naghahangad na lipulin ang mga Worth. Kung bakit ay hindi alam ng matanda. Pero naniniwala itong nanganganib ang bata. At wala itong magagawa. Hindi nito maaaring kupkupin ang bata, malalaman iyon ng lahat.

“Ikinalulungkot ko ang nangyari sa pamilya mo, Aidan...” wika nito sa English.

Gustong umiyak ni Aidan sa lungkot na nasa tinig ng matanda at yumakap dito at humingi ng kalinga subalit wala siyang panahon.

“Goodbye, Mr. Wilbert...”

“Use the motorbike, Panther Walks!” wika ng matanda, using the boy’s Indian name na malimit nitong marinig mula sa kabilang bahay.

Napigil sa akmang pagtakbo ang bata. Hindi nagdalawang-isip. Agad na nilapitan ang scooter sa garahe. Ang matanda ay mabilis na binuksan ang gate.

“Don’t bother to return the bike, son, and here take this.” May dinukot sa bulsa ng working pants nito si Mr. Wilbert at iniabot sa bata. “Not much but it could be of help.”

Sandali siyang napatitig sa dolyares na nasa palad ng matanda. He didn’t want to take it but he had no choice. Agad niyang kinuha iyon at isinilid na lang basta sa bulsa ng pantalong maong.

“Thank you, Mr. Wilbert!”

“Goodbye and be careful...”

“BOSS, look!” wika ng isa sa mga lalaki sa kasama nito.

Agad na pumanhik sa attic ang lalaki. Iginala ng dalawa ang paningin sa buong attic. Nakita nito ang botelya ng tubig at ang pinggan na pinaglagyan ng pagkain. Naroon pa rin ang tirang pagkain ng bata nang nagdaang gabi.

“Damn it, the boy was here all along!”

“What shall we tell the boss?”

Hindi sumagot ang lalaki. Muling inilinga ang mga mata sa paligid. Natuon ang pansin sa bintana sa likod na nakabukas.

“Search the whole place!” utos nito at sa malalaking hakbang ay tinungo ang bintana at pabalyang niluwangan ang bukas. Malakas na nagmura. Nilingon ang kasama at inutusang puntahan ang kabilang bahay. “Hindi pa iyon nakalalayo!”

Subalit limang minuto nang nakalayo si Aidan sakay ng scooter.

AFTER that night, his life had never been the same again. Malaking tulong ang scooter sa pagtakas niya. Nakarating siya sa walang katapusang highway subalit alam niyang anumang sandali ay baka lumitaw sa likod niya ang mga humahabol.

Wala pang tatlong oras ay wala nang gasolina ang scooter. At ang pinakamalapit na gasoline station sa pagkakaalam niya ay milya-milya pa ang layo. Hindi man niya gustong gawin ay iniwan niya ang motorbike sa tabing-daan, sa natatakpan ng mga damo. Naupo siya sa tabing-kalsada at nag-abang ng malalaking truck.

He couldn’t take risk. Kapag pribadong sasakyan ang dumadaan ay agad siyang nagtatago sa damo.

Isang trucker sa tatlong nagdaan ang hinintuan siya. Isang matandang driver ang nasa manibela.

“Hop in, boy. Where to?” Pasuri siyang tinitigan ng matandang driver. Natitiyak nitong runaway ang bata.

“Texas.” Iyon ang unang lumabas sa bibig ni Aidan. Kung bakit ay ewan niya. Ang alam niya ay malayo iyon mula sa Kentucky.

“That far, huh?” wika ng driver. “What’s the problem, boy, your `pa and `ma hit you?”

Subalit hindi kumibo si Aidan. Pinigil ang pagsungaw ng mga luha sa mga mata. Nagkibit ng mga balikat ang matandang driver. Sanay na ito sa mga runaways at wala itong pakialam kung ano man ang dahilan ng mga ito. He couldn’t do right the wrongs of some parents, na sa palagay nito ay ang pananakit sa mga anak. Madaragdagan na naman ang mga batang juveniles na pakalat-kalat sa buong estado ng Amerika.

Sinabi nito kay Aidan ang estadong hihintuan, na hindi ito makararating sa Texas.

Hindi pa rin nagsasalita ang bata. He would hitch another trucker pagdating nila sa kung saan man patungo ang sinasakyang truck.

From one trucker to another ay nakaalis siya ng Kentucky at nakarating siya sa Texas.

Bernard found him after a month of wandering through the dark alleys of Texas, hungry and scared. The Fortalejos adopted him legally without questions. Their money and influence facilitated adoption papers.

Jewel and Bernard could never be Catherine and Jericho, they could never replace his parents in his young heart. Ganoon man ay minahal siya nang totoo ng mga ito tulad ng tunay na anak. He had trouble with Lenny during their younger years and he couldn’t blame his jealousy. Kung siya man ang nasa katayuan ni Lenny at mga magulang niya ang umampon dito ay ganoon din marahil ang mararamdaman niya.

Subalit sa paglipas ng mga taon ay unti-unting nagmaliw ang panibugho ng heir ng mga Fortalejos sa kanya. At hindi niya pagdududahang ibibigay ni Lenny ang buhay para sa kanya bilang isa sa pamilya nito.

And he had a big heart for the Fortalejos, as time passed by he had learned to trust and love them. Truly loved them as if they were his very own family. He’d die protecting them.

And he was lucky. Dapat ay maligaya siya at kalimutan ang nangyari sa buhay niya subalit hindi niya magawa. Patuloy na nasa likod ng isip niya ang nangyari sa mga magulang at mga kamag-anak.

Isa iyon sa pangunahing dahilan niya kaya siya pumasok sa SEAL. Kaya niya tinanggap ang alok ng Pentagon. Kaya niya gustong sa Mexico magkaroon ng palagiang assignment upang magbaka-sakaling makita niya ang lalaking iyon. Ang mukha ng lalaking iyon ay nakatatak na sa kanyang isipan.

He took a deep breath. Tinanaw niya ang madilim na kalangitan. Pagkatapos ay muling pumasok sa loob ng silid. Kumuha ng briefs, pantalong maong at T-shirt sa closet at nagbihis.