Chapter Three
N APABANGON si Bernard nang marinig ang giik ng bakal sa gate. Binubuksan iyon sa pamamagitan ng remote control. Ganoon man ay lagi nang may guwardiya roon.
Tumayo at tinungo ang bintana at hinawi ang makapal na kurtina. Sumasara nang muli ang gate at gasino nang nahagip niya ng tingin ang likod ng four-wheel drive ni Aidan.
Nilinga niya ang relo. Ala-una y media ng madaling-araw. Nangunot ang noo niya. Saan pupunta ang anak sa ganoong oras? Humakbang siya patungo sa night table at dinampot ang intercom at tinawagan ang guwardiya.
“Saan daw pupunta ang Sir Aidan mo?” Sinadya niyang hinaan ang tinig upang huwag magising ang asawa.
“Walang sinabi, s ir. Tinanong ko nga po pero hindi ako sinagot,” wika ng guwardiya.
Ibinaba ni Bernard ang instrumento at isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan. Inabo t ang roba at isinuot at lumakad muli patungo sa bintana. Ang mga mata ay nakatutok sa walang taong kalye. Tila ba matatanaw niya mula roon ang anak.
Nag-aalala siya kay Aidan. Hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon sa Mexico at sinisikap ng anak na laging sa bansang iyon humingi ng assignment. Nitong nakalipas na mga buwan, sa pangatlong assignment ay nalagay sa panganib ang buhay nito. And Kurt informed him that it was because Aidan trusted a woman. Iyon din ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng mild attack si Jewel.
Nilingon niya ang asawa. At over fifty, she was still lovely. Her beauty unmarred by the passage of time. His desire for his exotic wife was endless. And she was just as passionate as when they had first made love.
Walang nag-iisip sa kanilang lahat na may diperensiya sa puso si Jewel. She was slim and healthy. Kaya nga isang malaking kabalisahan ang idinulot sa kanilang lahat sa biglang atake nito. Dahilan din iyon upang mabilis na umuwi sa Pilipinas si Aidan.
Bagaman tiniyak ng mga doktor na walang dapat ipag-alala ay nangangamba siya. Inamin ng doktor na may kaunting diperensiya sa puso si Jewel subalit sinabi nitong ang atake ng asawa ay mas stress ang dahilan. Nakalimutan niyang ilang segundong huminto sa pagtibok ang puso ng asawa maraming taon na ang nakararaan. Hindi marahil maiwasang hindi maapektuhan ang puso nito.
And Jewel loved all his children immeasureably. Ito ang unang naapektuhan nang makarating ang balitang nasugatan si Aidan sa Mexico. Kaya lihim niyang kinausap si Kurt na himukin ang anak na magtrabaho sa agency nito.
Kaninang hapon ay ipinahiwatig ni Kurt na baka tanggapin ni Aidan ang trabaho. At natitiyak ni Bernard na iyon ay dahil na rin sa pag-aalala ni Aidan sa ina.
Hindi siya nagkamaling ampunin ang gusgusing batang lalaking natagpuan niya sa madilim na bahagi ng iskinita sa Houston. Seventeen years ago, pauwi na siya mula sa pakikipagkita sa ama ni Kurt nang mapuna niyang tatlong batang itim ang nagtutulong-tulong na saktan ang isang batang lalaking nakasiksik na sa isang pader.
Nagpipilit itong lumaban sa kabila ng panghihina. Though he wasn’t black, he wasn’t white either. He would learn later that he had bronze skin.
Nakialam siya. Pinigil ang away bagaman pamura siyang sinasagot ng mga batang itim. Nalaman niyang pinag-iinteresan ng mga batang negro ang relo sa braso ni Aidan. Hinawakan niya ang braso ng bata at sinuri ang relo. Mamahaling uri iyon.
“Okay, take his watch and get out of here. All of you!” utos niya sa tatlong batang itim sa pagkamangha ng mga ito.
“No!” Nagmula ang mariing pagtutol na iyon kay Aidan. Sa kabila ng mga pasa at sugat sa katawan ay sinikap na iniwas ang kamay at umigkas ang isang binti upang harangin ang mga batang negro.
“Be smart, kid,” ani Bernard dito. “You will probably agree with me that your life is more precious than this wristwatch. And you’re a big mess right now. You need a doctor.”
At bago pa makasagot ang bata ay natanggal na mula sa braso nito ang relo. Sinikap nitong tumayo upang magprotesta at manlaban subalit pinigilan ito ni Bernard. Nakalayo ang tatlong batang negro tangay ang relo nito.
“I hate you!” sigaw ni Aidan. Akma itong tatakbo subalit dala marahil ng bugbog mula sa malalaking mga batang negro, pagod at gutom ay walang lakas itong napauklo sa lupa.
“Come with me, kid...”
“Go away!”
Sa gulat ni Bernard ay matinding takot ang gumuhit sa mga mata ng bata nang masuri siya ng tingin nito. Pagapang itong umaatras palayo sa kanya, nasa mga mata ang matinding sindak.
Sa bahagyang liwanag mula sa di-kalayuang poste ay nakita ni Aidan na hindi puti ang lalaking lumapit. The man could be Mexican.
The enemy had found him! And now he would kill him, too!
Bernard had seen fears in many people’s eyes, lalo na noong nasa Vietnam siya. At ang takot na nasa mga mata ng bata ay tulad niyong takot ng mga sundalong alam nilang mamamatay sila sa kamay ng mga kaaway.
“You’re one of them!” pahisteryang sigaw ng bata at patuloy sa paggapang palayo. But he was too weak to go farther.
Napailing si Bernard. Dapat ay iwanan na lamang niya ng salapi ang bata na katumbas ng halaga ng relo nito, higit pa. Subalit hindi niya ginawa. There was something in the boy’s eyes that intrigued him.
Sapilitan niyang pinangko ang bata sa kabila ng panlalaban ito. Though Aidan was tall at his age, he was too weak to do more than a harmless punch.
Dinala ni Bernard ang bata sa sariling sasakyan, strapped him in his seat including his arms. Ipinasok niya sa pinakamalapit na ospital ang bata.
And Bernard was right. Matinding gutom at hapo ang dahilan ng panghihina nito bagaman malaking pinsala rin ang ginawa ng mga batang negro. At may idinagdag ang mga doktor na sinabi sa kanya—the boy was in shock.
At kahit ano ang gawin niya’y hindi nagsasalita ang bata. Kung may mga magulang pa ito ay hindi niya alam dahil nanatiling tikom ang bibig. Naroon ang takot sa mga mata nito para sa kanya. The boy cringed everytime as much as he came near him.
“I won’t hurt you, boy,” banayad niyang sabi rito. “Dinala kita rito sa ospital upang tulungan, hindi para saktan,” wika niya sa English.
Subalit walang pagbabago sa ekspresyon ng bata. Takot at galit ang hali-haliling nakikita niya sa mga mata nito.
“Aalis na muna ako at huwag kang mag-alala babalik din ako mamaya lang,” patuloy ni Bernard. “You will be safe here. No one’s going to harm you, I promise.” Hindi niya alam kung bakit niya sinabi iyon. But his instinct told him that he was terribly afraid of something... or someone.
Makalipas ang dalawang oras ay nagbalik siya kasama si Jewel. Tulog ang bata. Ayon sa mga doktor at nurses ay binigyan nila ng sedative. He tried to escape from the hospital. Naghihisterya na papatayin ito ni Bernard.
Nagpilit si Jewel na manatili at hintaying magising ang bata. Kalahating oras pa bago muling nagmulat ng mga mata si Aidan. Naroon pa rin ang galit at takot sa mga mata nito nang mamulatan si Bernard. Subalit nang ipakilala niya ang asawa ay sandaling napuno ng kalituhan ang mga mata ng bata.
“This is my wife, Jewel. We are Filipinos...”
“Hello,” Jewel said sweetly. Raised her hand and tenderly touched his bruised forehead. “How are you feeling?”
Sandaling napapikit si Aidan, feeling Jewel’s soft touch on his forehead. Catherine’s image flashed his mind, smiling tenderly as she tucked him to bed. Pagkuwan ay napahikbi ang batang lalaki bagaman gayon na lamang ang pagpipigil nitong huwag mapaiyak.
Jewel almost sobbed as her heart went out to the boy. Pinigil ang sariling huwag yakapin ang bata upang hindi ito mapahiya at mailang. There was so much pain and loneliness in the boy’s eyes... overriding his fears and anger.
There and then, Jewel knew that the boy needed her... needed them.
Tatlong araw sa ospital si Aidan. Nang lumabas ito ay kasama na silang mag-asawa. Iniuwi nila ito sa kanila. Ipinakilala sa mga anak. Lenny and Julianne were polite but friendly. Si Jessica, noon ay anim na taon ay agad na lumapit sa batang lalaki.
“You are tall and have red skin. Are you an Injun?”
Hindi gustong sumagot ni Aidan subalit nanatiling nakatingala sa kanya ang batang babae, naghihintay ng sasabihin nito. h er beautiful dark eyes were curious. Just like his sister Caroline... No! Agad nitong isinara ang isip sa malagim na mga imahe. Hindi nito iisipin ang nangyari kay Caroline.
“Yes...” paos nitong sagot.
Iyon ang kauna-unahang salitang lumabas sa bibig ng bata mula nang dalhin ito ni Bernard sa ospital. Nakita niya na nakatitig nang husto sa bunsong anak niya si Aidan. There was something in the young boy’s eyes that he could not comprehend.
A certain longing?
Nagpatuloy sa pagtatanong si Jessica. “What is your name? Mama said you are not talking. Why? Indian cat got your tongue?”
Sa isang sandali, Bernard saw a hint of a smile in the boy’s eyes. It was so fleeting that Bernard could have probably just imagined it.
The boy hesitated first before a sound came out of his throat. “Aidan...”
Jessica smiled at the boy. “Aidan... Hmm, nice name. But I want to know your Injun name. I’m sure you have one, haven’t you?”
Ilang segundo ang mabagal na lumipas bago muling nagsalita si Aidan. “Panther Walks...”
Jessica shrieked with delight. Nilinga ang mga magulang. Buong pagmamalaking sinabi, “See, I made him talk, Mama... Papa. His Indian name is Panther Walks. Gee, just like the stories in my books! And he likes me.”
“ Tu eres idiota , bubbling like that!” said the ten-year-old Lenny sa bunsong kapatid. Hindi agad naintindihan ni Aidan ang Espanyol at dumilim ang mukha nito.
“Why, that’s wonderful, darling,” nakangiting sabi ni Jewel sa bunsong anak at tinapunan si Lenny ng warning look.
Muling ibinalik ni Jessica ang pansin sa bata. “Don’t mind my brother. I’m Jessica, and I like you. I haven’t seen a real Injun `cept in the movies. Do you ride horses? We have lots and lots of horses. I ride so well. And so is Lenny and Julianne. And I have a beautiful Palomino...”
The little girl chatted endlessly, at sandaling nalimutan ni Aidan ang matinding kalungkutan. Jessica was of Caroline’s age, kasintabil din ng kapatid.
Iyon ang simula... nalaman ng mag-asawa mula kay Jessica na wala na itong pamilya, na nag-iisa na lamang ito. Bagaman iyon lamang ang sinabi ng bata ay sapat na iyon upang igiit ni Jewel na ampunin si Aidan. Minadali ng pera at koneksiyon ang proseso sa pag-ampon sa batang lalaki.
Sa una ay naroon pa rin ang takot at kawalang-tiwala sa mga mata at kilos ng bata sa kanila, subalit sa pamamagitan ni Jessica ay unti-unting napalagay ang loob ni Aidan habang nilalakad nila ang mga papeles sa pag-ampon.
Naputol ang daloy ng alaala kay Bernard nang tawagin siya ni Jewel.
“W-what’s wrong?” naghihikab nitong tanong. “Bakit ka nandiyan?”
Nginitian niya ang asawa. “Tiningnan ko lang ang pag-alis ng anak mo...”
Agad ang pagguhit ng pangamba sa mukha ni Jewel. Nawala ang antok at bahagyang napabangon. “Saan nagpunta si Aidan? Ano bang oras na?” Nilinga nito ang relo sa tabi ng night table. “Mag-aalas-dos pa lang!”
Humakbang pabalik sa kama si Bernard. “ Calma, querida . He’s all right. He will be...”
Yumakap si Jewel sa asawa nang humiga si Bernard sa tabi nito. “I’m worried about him, Bernard...”
“You said the same thing seventeen years ago nang una mo siyang makita.” May amusement sa tinig niya nang sabihin iyon at hinagkan ang ulo ng asawa.
She sighed. “We still don’t know anything about him... ang pamilya niya. Kung saan siya nanggaling at—”
“That didn’t stop you from loving him. And you never worried any of those through the years. Why now?”
“I don’t know... Just a nagging feeling lately. May pakiramdam akong— oh, forget it.” Tumingala ito sa asawa. “Kahit ba minsa’y sumagi sa isip mong sana’y hindi na lang natin siya inampon?”
“Silly question. I love him, darling. I may not be his biological father, but that son of yours occupies a space in my heart. Katumbas ng espasyo ng ibang mga anak mo.”
Contentedly, humilig si Jewel sa dibdib ng asawa at muling naghikab. “I’m glad. It doesn’t matter that we do not know anything about his own family. He does not want to talk about them... besides, he is ours anyway.”