noveltoon logo noveltoon
Panther Walks (Kristine Series 17)

Chapter 10

Ch. 11 / 22 May 09, 2025

Chapter Ten

A GAD ang pagkislap sa mga mata ni Danielle nang bumungad sa pinto ng silid niya si Aidan. “Hi.”

“How are you?” bungad ni Aidan. “Has anyone been here?”

She was suddenly wary. “You mean the nurses on duty? Of course, they’d been here alternately. Kalalabas lang noong isa, fifteen minutes ago...”

Nagpakawala ng malalim na paghinga si Aidan sa isinagot niya. Kung sa pag-aalala o sa relief ay hindi nito matiyak. So the aunt hadn’t claimed her yet.

“Inasikaso ko na ang discharge papers mo ngayong umaga bago ako pumanhik dito, Dani,” wika nito. “I’m taking you home...”

Nagsalubong ang mga mata ni Danielle sa walang-kaabog-abog na sinabi nito.

“You—you’re taking me home? Home where?”

He cleared his throat. “To my parents’ house...”

“To your parents’ house,” pag-uulit niya. Then added in a voice laced with mild sarcasm, “at bahay mo rin?”

He grinned, that charming grin Danielle admired so much. “Pansamantala. Hangga’t hindi nanunumbalik ang memorya mo.”

“What made you think that I’d go with you?” paangil niyang sabi. How dare he! Inasikaso na nito ang discharge papers niya at ni hindi man lang ipinaalam sa kanyang ilalabas siya ng ospital ngayon.

“Okay, but do you have any other choice? Saan ka pupunta kung hindi sa amin?” hamon nito. “You can’t stay here forever... or until you have your memory back... and who knows when.”

Hindi agad nakasagot si Danielle. Ang inis ay agad nahalinhan ng pag-aalala. Tumingin sa may bintana. She had a retrograde amnesia, ayon sa doktor. She might recover back all her memories or she might not. At kung hindi magbalik lahat ang kaisipan niya, paano na siya?

Pero hindi ba at ang kabilang bahagi ng isip niya’y takot makaalala? Takot sa maaaring maalala niya kung magbalik ang memorya niya? She sighed miserably.

Aidan cursed silently. He hated to see those helplessness in her eyes. Lalo at gusto na nitong maniwalang may nagtatangka sa buhay ng dalaga. And cursed himself even more. Maaari namang ipaubaya na lang sa mga kinauukulan ang kaso ni Danielle and he could go on with his life working for Kurt. The devil knew why he bothered himself with her... worse, he cared.

Cared? Now where did that come from?

“Damn it, Dani!” he snapped. Hating what he felt and wanting to take it out on her. “It is not as if I am going to ravish you once you’re in my parents’ home...”

“Why, thank you!” she snapped back. Hating the helplessness she felt and wanting to take it out on him. “I am not your obligation, Mr. Fortalejo. You can get off my back and—” s he stopped in mid-sentence, bago pa siya may masabing hindi maganda at muli’y nagbuntong-hininga. She owed him a lot and Aidan was only being kind.

“You ungrateful wench...” he accused softly, another grin was lurking behind his mouth. He was fascinated by the fire in her eyes. So the lady wasn’t so fragile and soft after all. She had claws.

She bit her lower lip to hid a smile. Then almost in a whisper said, “A-ano ang sasabihin ng mga magulang mo kung sa inyo ako uuwi?”

Tuluyang napangiti si Aidan. Hindi napigil ang sariling itaas ang kamay patungo sa mukha niya. His knuckles softly brushed her jaw lines.

“Inaasahan ka na ng m ama sa bahay. Una ko pa lang sabihin ang nangyari sa iyo. Now, move and pack your things.”

Simpleng tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng hospital bed si Danielle. Hindi niya gustong bigyan ng kahulugan ang ginagawa ni Aidan. It was a simple and friendly touch. Nothing more. Though she wondered why she felt as if she was branded. Tila ba nagbabagang bakal ang kamay nito at tinatatakan siya.

“As if I have things to pack,” wika niya.

“I bought you some, didn’t I? You can’t leave those.”

She made a face. Tumalikod dito at inabot ang plastic bag ng St. Michael na kinalalagyan ng mga binili nito. Pagkuwa’y humarap, “Why, this is heavy, kind Sir. Pakitulungan naman... ako...” The last word was spoken in a whisper nang dibdib ng binata ang malingunan.

Ilang pulgada ang layo ni Aidan sa kanya. Her eyes focused on his broad chest. She swallowed, habang umaakyat nang marahan ang paningin niya mula sa dibdib nito paitaas... to his throat... then to his mouth. And to her horror, her eyes lingered there for a while before they went up slowly to meet his eyes.

They were staring at each other for a long while. No one dared move. Then the spell was broken when the door opened at sumungaw ang matandang nurse.

“Narito na ho iyong discharge slip, s ir,” wika ng nurse at humakbang palapit sa kanila. Iniabot nito ang isang papel kay Aidan at nginitian si Danielle. “Sana’y bumalik nang lahat ng memorya mo, hija...”

“Thank you...” mahinang sabi niya, kasabay ng paglabas ng paghinga. She didn’t realize she was holding her breath.

PALABAS mula sa opisina/clinic ng doktor ang isang babae nang matanaw nito sina Aidan at Danielle patungo sa parking lot ng ospital. Nagpalinga-linga ang babae para sa public telephone. Agad namang nakakita ng telephone booth sa may sulok ng ospital. Mabilis itong lumakad patungo sa telephone booth at nagmamadaling dumayal.

“She left the hospital just now...” wika nito nang may sumagot sa kabilang linya. “No... no... I can’t do that. Hindi ako nakatitiyak kung hanggang saan ang pagkawala ng memorya niya. Nalaman kong may mga bagay siyang natatandaan, tulad ng pangalan niya... and she might recognize me.”

“Who was she with?” tanong ng kabilang linya sa foreign accent.

“Could be the man who found her wandering the street. A certain Aidan—F-For— Damn! Hindi ko maalala ang pangalan but it is easy to find that out.. .”

“Do you think he’d take her to Santa Rosa?”

“I don’t think so. She doesn’t remember. Ikaw ang may kasalanan niyan... hindi siya dapat nakalayo!” patuloy nito sa halos pasigaw na tinig. Hatred shone in her eyes, nagpalinga-linga sa paligid sa pag-aalalang baka may nakakarinig.

“You idiot! I couldn’t have killed her in front of so many witnesses!” ang kabilang linya uli, nag-e-echo sa telepono ang galit sa tinig.

“We will be in trouble sa sandaling magbalik ang memorya niya. And she heard us... you!” wika ng babae sa frantic na tono. “Kahit hindi niya tayo nakita, kilala ni Danielle ang tinig mo! Masasayang ang lahat ng mga plano at pinaghirapan natin!”

Nagmura sa kabilang linya ang lalaki bago nag-utos. “Alamin mo kung saan siya dinala ng lalaking nakatagpo sa kanya...”

Ilang sandaling nakinig ang babae sa mga tagubilin nito bago muling nagsalita. “Ayusin mo ang dapat ayusin, kailangang mawala siya sa ating landas. We only have more than a week left.”

“Don’t you think I don’t know that?” galit na singhal ng lalaki sa kabilang linya. “Dammit, I hated every minute I spend in this country. Gusto ko nang magbalik sa Kentucky!”

Nang mawala sa linya ang kausap ay nagtungo sa admission ang babae. Isang palakaibigang ngiti ang ibinigay nito sa dalawang nurse na naka-duty.

MAY BEINTE minutos nang tumatakbo ang sasakyan subalit nanatiling walang kibuan ang dalawa. Si Danielle ay hindi malaman kung papaano magsisimula ng usapan. Nang malakas na nagbuntong-hininga si Aidan.

“What was that for?” Nilingon niya ito.

“This aunt of yours... couldn’t you remember anything about her? Kahit maliit na bagay lamang?”

“What aunt?” naguluhang tanong niya.

Hindi agad sumagot si Aidan na tila iniisip kung sasabihin sa kanya ang tungkol sa nalalaman. Then decided that it would be better if she knew. “I know this is too much of a coincidence, Dani, but you happened to be my first job as a private investigator...”

“You’re not making any sense. What are you talking about?”

Pahapyaw na ipinaliwanag ni Aidan sa kanya ang tungkol sa trabahong iniaalok ni Kurt, missing the CIA part. Nagawa nitong palabasin na ang trabahong iniaalok ni Kurt ang unang trabaho nito kung saka-sakali.

“Kung hindi pa ipinaalala ng m ama ang envelope ay hindi ko pa malalaman na ikaw ang ipinahahanap sa akin ng bayaw ko...”

“A-are you sure you are talking about me? I mean, this Kurt... he might have been mistaken,” she asked warily.

“I’ve seen your photograph, Dani. A couple of years younger perhaps, pero natitiyak kong ikaw iyon.” Sandaling dinaanan ng tingin ni Aidan ang mukha niya bago ibinalik sa daan ang tingin. “And some details about you were given. Your aunt gave the address in Sta. Rosa, which according to Kurt is the house you inherited from your grandmother. Santa Rosa is not that far from where I’ve found you... In fact, twenty minutes drive mula sa bahay namin.”

“Then why are you taking me to your parents’ house? Bakit hindi mo na lang ako ideretso sa... Sta—Santa Rosa?” Confusion was all over her face, and a certain fear, too. Hindi niya mapigil ang pag-ahon niyon sa dibdib.

“Dahil kamakalawa, tumawag ang tiyahin mo kay Kurt upang ipahinto ang pagpapahanap sa iyo. Sinabi niyang umuwi ka na...”

Her eyes grew wide. Lalong nadagdagan ang kabang nararamdaman. “W-why would she say that? K-kung nakatitiyak kang ako nga ang ipinahahanap, bakit niya sinabing umuwi na ako?”

“That’s what I intend to know, Dani. Iyan din ang dahilan kung bakit gusto kong sa bahay ka muna...”

“Oh,” she moaned helplessly. Ilang sandali ang pinalipas bago may kabang nagtanong. “D-do you think somebody really want to... to hurt me?”

“Sana’y kaya kong sagutin ang tanong na iyan,” ani Aidan. Wala sa loob na bumitaw ang kanang kamay sa manibela at ginagap ang kamay niya. “Nothing will ever hurt you, Dani. I promise you that...”

She believed him. And she felt safe. Kung bakit, hindi siya nakatitiyak gayong kung tutuusin ang lalaking ito’y estranghero sa kanya. Kung wala siyang alam tungkol sa sarili’y lalong wala siyang alam tungkol sa taong ito.

Wala-sa-loob, she twined her hand with his.