noveltoon logo noveltoon
Panther Walks (Kristine Series 17)

Chapter 11

Ch. 12 / 22 May 09, 2025

Chapter Eleven

“T HIS is the rose room, hija,” ani Jewel habang ipinapakita sa kanya ang magiging silid niya. “Si Aidan ang namili ng silid na ito upang gamitin mo.”

“T-thank you...” usal niya. Iginala ang paningin sa kabuuan ng malaking silid. Kung may ilalagay pang isang kama sa loob niyon ay maluwang pa rin. Naka-wallpaper iyon mula sa dingding hanggang ceiling. In the palest of pink at may maliliit na bulaklak na rosas na halos hindi mabanaag.

The settee in velvet pink with purple linings.

Walang carpet ang makintab na sahig subalit ang mamahaling rug sa paanan ng kama ay kulay-rosas that it looked like cotton candy in its softness. Brass ang queen size bed. And the bedsheets and pillow cases were in lovely flowery prints. Brass din ang tokador. Both bed and dresser complemented the rose room.

Humakbang si Jewel patungo sa French door at binuksan iyon. Natambad ang isang maliit na veranda. Sumunod si Danielle.

“Nakatanaw ang silid na ito sa munting rose garden, Danielle.”

Sa kabila ng mga balustre ay naroon ang munting hardin na puno ng iba’t ibang uri ng rosas. Sa halos lahat ng kulay. From the purest white to violet-pink. At meron pa man ding tila climbing rose na nakapulupot sa sulok na bahagi ng veranda ang mga sanga. Its flowers were crimson. She was awed.

“I hope you’ll find this room to your liking...” Isang ngiti ang pinakawalan ni Jewel sa kanya.

“You must be joking. This room is lovely!” bulalas niya. Ang mga mata’y nanatiling nakatutok sa rose garden. Natitiyak niyang alaga ang halamanan ng mahusay na hardinero.

Lumapad ang ngiti ni Jewel. “Just as I thought you would say...” At idinagdag nang mapunang sinasamyo ni Danielle ang bango na pumapailanlang sa ere mula sa mga bulaklak, “Ang bango ng mga rosas na nasasamyo mo’y hindi galing sa malalaki. Karaniwan na’y galing ang bango sa mga original breed.” Itinuro nito ang hindi-kalakihang mga bulaklak. “Ang mga malalaking rosas, lalo na ang dual colors ay half-breed. They don’t have that sweet scent anymore...”

“Still they’re lovely,” aniya, she touched one petal. Pagkuwa’y nilingon si Jewel. “Are there other guest rooms in this house?”

“Three. The blue room and the yellow room. At isang hindi napangalanan...” She shrugged her shoulders.

“I couldn’t wait to see both rooms and find out why they were named so...”

Isang halakhak ang pinakawalan ni Jewel. Pagkatapos ay, “The blue room was called blue, of course, because it was wallpapered in blue and naturally a room for male guests. It also has a small veranda overlooking a small man-made lagoon with underwater lightings that made the water appear blue...”

“Oh! And the yellow room?”

“Para sa mga anak ng mga bisita. There are toys everywhere. At ang labas ng veranda ay munting playground...”

Danielle was impressed. “At ang walang pangalang guest room ay sa natural varnish... in narra or teak?”

Nakangiting tumango si Jewel. “Teak.”

Which was naturally imported, Danielle thought. Dahil wala namang teak sa Pilipinas. At natitiyak din niya, the room was meant for the VIP guests. The house was huge. And the furniture and fixtures were state-of-the-art. Aidan’s family must be incredibly rich.

Humakbang siya pabalik sa silid. Naupo sa gilid ng kama. Muling nagbalik sa isip ang mga alalahanin. “T-thank you. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung hindi dahil sa anak ninyo. At ipinagpapasalamat ko rin ang pagtanggap ninyo sa akin.”

Tinitigan ni Jewel si Danielle. She was not very tall and too slim. She was wearing her hair too short that exposed a swan-like neck at sa may punong-balikat ay may nakapangalat na iilang freckles. Mamula-mula ang balat na tila ba magagasgasan kahit hawakan lang. Ayon sa impormasyong nakuha ni Aidan mula kay Kurt ay Pilipina ang ina ni Danielle. Subalit hindi mo mapagkakamalang may dugong Pilipino ang dalaga. She had big soft-brown eyes with golden flecks in her irises, very unusual. And fragile-looking. Hindi nakapagtatakang napukaw nito ang protective instinct ng anak.

A hint of fear and anxieties shadowed in her beautiful eyes.

Hinawakan nito sa balikat ang dalaga, wanting to comfort her. “ Mi casa es su casa . Natitiyak kong sasabihin sa iyo ng asawa ko iyan. You won’t meet Aidan’s father until next week. He will be glad to see you here. Make yourself comfortable, Danielle. Kung may kailangan ka’y nariyan ang interphone.”

“ARE YOU sure this is the house?” tanong ng lalaki sa kasamang babae habang tinatanaw ang Fortalejo mansion mula sa kabilang bahagi ng kalsada. Ang malaking solar ng mga Fortalejo ay nasa corner lot at okupado ang magkabilang bahagi ng block.

“Iyan na nga. Hindi birong pera ang pinakawalan ko para lang makuha ang eksaktong address ng mga Fortalejo. Dammit, hindi ordinaryong pamilya ang kumukupkop kay Danielle.” Mula sa nakalap nitong impormasyon ay nalaman nito ang sirkumstansiya ng mga Fortalejo.

Napamura nang malakas ang lalaki. Natitiyak nitong mahihirapan itong pasukin ang bahay ng mga Fortalejo. Natitiyak nitong remote controlled ang gate ng mga iyon bukod pa sa mga security guard na naka-assign sa likod at harap na entrada. Bagaman hindi mahirap para dito ang akyatin ang bakod kung saka-sakali, ay natitiyak din naman nitong nakakalat ang mga hidden camera sa bawat panig ng solar. At bukod doon ay hindi nito kabisado ang loob at labas ng bahay.

“You have to do something! We are running out of time!” ang babae.

“Shut up! Nag-iisip ako. Kung nasa Kentucky tayo’y hindi ako mahihirapan. Marami akong koneksiyon! This is Calvin’s fault. Kung hindi dahil sa kanya’y hindi sana papalpak ang mga plano natin! Hindi sapat ang kamatayang ipinataw ko sa traidor na iyon...” Nagtagis ang mga bagang nito.

“Pag-isipan mong mabuti kung paano natin mapalalabas si Danielle sa bahay na iyan!”

ALA-UNA ng madaling-araw at nanatiling gising si Danielle. Nasa veranda siya at nakatanaw sa rose garden na bahagyang natatanglawan ng ilaw mula sa malayong poste. She could smell the sweet scents in the air. Ganoon ma’y hindi iyon nagpalis ng agam-agam sa dibdib niya.

Nararamdaman niyang wala siyang dapat ikabahala sa bahay ng mga magulang ni Aidan. Pero sa kabila niyon ay hindi niya maawat ang sariling mag-alala. Sino ang nais gumawa ng masama sa kanya? At bakit? Sa isip niya’y paulit-ulit ang mga tinig.

“Don’t trust him, Dani... I saw them together...”

That was her mother’s voice. Natitiyak niya. Kanino siya hindi dapat magtiwala? At ang tiya niyang nagpapahanap sa kanya, bakit siya nagsinungaling at sabihing umuwi na siya?

This afternoon, Aidan showed her her photograph at ang iba pang ilang detalye tungkol sa kanya. She was from Kentucky. Ipinanganak at lumaki roon. Pero bakit walang bahagi ng Kentucky ang pumapasok sa isip niya?

Napakaraming tanong ang naghahanap ng kasagutan sa isip niya. Kasabay rin niyon ay ang takot sa maaaring kahihinatnan ng paglitaw ng mga alaala.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang makarinig siya ng ungol. Nagitla ang dalaga at agad ang pag-ahon ng takot sa dibdib. Humakbang siya paatras pabalik sa silid. Nagpalinga-linga. Inaaninag mula sa dilim ang pinanggalingan ng ungol. But there was no one in the shadows.

Palakas nang palakas ang ungol na naririnig niya. Malapit lang sa kanya ang pinagmumulan niyon. Nang mapatingala siya sa itaas.

Nanggagaling sa itaas niya ang ungol!

You need not worry, Dani. You are safe here. And my room is just above yours. Kung ano man ang kailangan mo’y nasa itaas lang ako... Madali kitang maririnig, iiwan kong bukas ang glass panel ng veranda...

Si Aidan ba ang naririnig niya? Palakas nang palakas ang tila naghihirap na ungol. Napaatras ang dalaga habang patuloy na nakatingala.

“W-was he having a... a nightmare?” usal niya sa sarili. And she wished the groan would stop and Aidan would wake up.

Subalit hindi humihinto ang ungol na naririnig niya. Nag-aalalang pumasok muli sa silid niya si Danielle at lumabas mula roon. Madilim ang kabahayan maliban sa ilaw na nanggagaling sa poste sa labas na naglalagos sa salaming bintana.

Her eyes searched for the stairs, na nasa hindi kalayuan sa pinto ng silid niya. Hindi nagdalawang-isip na tinakbo ng dalaga ang hagdan papanhik. Sinisikap aninagin ang itaas mula sa bahagyang liwanag.

She stopped when she reached the landing. Her eyes searched for Aidan’s room. Humawak siya sa balustre na nakapaikot sa itaas kasabay ng pagyuko sa pinanggalingan niya sa ibaba. Sa itaas ng silid niya ang silid nito.

Mabilis siyang humakbang patungo sa silid na sa tantiya niya’y katapat ng silid niya. Nasa harap na siya ng pinto nang matigilan siya.

What was she doing? Bakit kailangang pasukin niya ang silid nito? For all she knew, may kasamang babae—No! Agad na tumanggi ang isip niya sa daloy niyon. Iba ang narinig niyang pag-ungol sa iniisip lang niya. Ganoon ma’y hindi siya dapat na naroon at...

Ang pag-aalinlangan niya’y napigil ng ungol na bahagya niyang nauulinigan sa may pinto. Sapat upang tumaas ang kamay niya sa doorknob at pihitin iyon. It wasn’t locked. Binuksan niya ang pinto at mabilis na pumasok. It was dark, maliban sa bahagyang liwanag na nanggagaling sa poste sa labas at pumapasok sa nakabukas na veranda.

Naaaninag niya si Aidan sa kama. Tossing and turning in his sleep. Groaning...

She moved fast toward his bed. Yumuko siya at banayad na tinatapik ito sa braso.

“A-Aidan... Aidan, wake up... Aidan...” Subalit patuloy sa malakas na pag-ungol ang binata.

Humigpit ang hawak niya sa braso nito which was slick with perspiration. Nilakasan niya ang pagyugyog though she could hardly move the big and hard body. Then she gasped aloud when his hand grabbed her arm roughly. At bago pa niya mamalayan ang sumunod na pangyayari’y tumaas siya sa ere at pumakabila at bumagsak sa kabilang bahagi ng kama. At kung hindi siya nasangga ng gilid ng malambot na kama ay tuloy-tuloy siyang babagsak sa sahig. Sa halip ay dumausdos sa kama ang katawan niya patungo sa sahig.

She shrieked kasabay ng pagbukas ng night lamp sa mesa sa may tabi ng kama nito.

“Danielle!”

Sandali lang ang pagkabigla ni Danielle. Fighting instinct prevailed. Mabilis na bumangon at pumagitna sa kama at paluhod na hinarap ang binata at pinagsusuntok sa kung saan na lang siya makatama.

“Damn you! Damn you! You almost killed me!”

“Hey! Stop!” Iniiwas ni Aidan ang sarili mula sa mga suntok niya. Magkahalong pagkalito at pag-aalala ang nasa isip. Pagkalito kung bakit siya naroroon. Pag-aalala dahil baka nasaktan nito ang dalaga.

Nang hindi maawat si Danielle sa pag-atake ay inabot ni Aidan ang dalawang kamay niya at wala-sa-loob na nahila ang dalaga patungo rito. Now she was astriding her and was still hurling punches at him.

“Dani, stop!” Pinigil ni Aidan ang mga kamay niya sa dibdib nito. “Just for a moment there you scared the hell out of me. Akala ko’y nasaktan kita...”

“You hurt me, beast!”

“I don’t believe you,” wika nito, a little amused. “Kung nasaktan kita’y hindi ka makasusuntok nang ganyan.”

That stopped her. He was right. Natakot lang marahil siya. Humihingal na napatitig siya sa kaharap. Nanlalaki ang mga mata nang mapagtanto ang posisyon nilang dalawa. Napalunok siya. Heat spread through her.

“P-paano kung... kung sa... sahig ako b-bumagsak...” she stammered. She stared at his naked body. Her hands on his muscled chest, nakakulong sa mga kamay nito. It would be so easy to touch the velvety skin.

She groaned inwardly. Saan ba galing ang ganoong daloy ng kaisipan niya?

“But you did not. The bed sheltered your fall. Anyway, ano ang ginagawa mo rito sa silid ko?” he asked with a frown. Confused at the same time. And sensation was flooding his body as her sweet natural scent assaulted his senses. She was sitting on his thighs na ang nakapagitan lamang ay ang kumot. At hindi nito kayang pigilin ang reaksiyon ng sariling katawan.

She gasped, her eyes grew wide. She could feel him grow beneath her. She held her breath... afraid to move.

“Hindi mo ako sinasagot. What are you doing inside my room?” he said in a hoarse and aroused voice.

“I—You—I...” She swallowed, unsure what to say. Nararamdaman niya ang paggapang ng init sa katawan niya mula sa itaas pababa sa tiyan niya. It was an aching pleasure. “Y-you have n-nothing on...”

“I know that,” he said in a husky and amused tone. “And you’re killing me, baby.” Unable to control himself, he raised his hand and cupped her nape and pulled her toward him, angled his head and claimed her mouth.

He tasted each corner... gently sucked her lip... then withdrew. Gazed at her mouth with hunger... then claimed it again, at muling pinakawalan sandali upang muli ring angkinin and this time gave her lips a full, erotic kiss.

Her eyes were wide as she moaned in both pleasure and surprised. His tongue, warm and wet, parted her teeth, delved in and out of her mouth, exploring... sucking... playing.

Wildfire rampaged through her body. She could feel the huge, steely-maleness beneath her. It was hurting her, yet to her horror, she wanted... him! Wanted him inside her!

Aidan’s mouth moved to her neck, kissing and biting her soft flesh. His hand cupped one small and firm breast beneath the thin nightdress, played and kneaded it. Both groaned in pleasure.

Bumaba ang kamay ni Aidan sa likuran niya. Pulling her nightdress upward. Hinihila iyon at inipon sa baywang ng dalaga while he was thrusting his body upward. Then his hands found her briefs.

“Aidan...” she whispered in half protest.

“Do you know how close I am to taking you now?”

“Y-you can’t...”

“We can,” he countered and groaned wildly when his hand found the middle of her thighs. “Take me, Dani, please... take me. I want you so much, now...” he said hoarsely and claimed her lips again.

“I–I want you, too,” she whispered in his mouth. Torn between sensation and soundness of mind. “But... this isn’t r-right, Aidan...”

“What is not right? Narito ka sa silid ko sa oras na ito...” His breathing was uneven, his hands moved gently, possessively.

Napasinghap si Dani. Sinisikap huwag malunod sa sensasyon. “I–I h-heard you groan from below. You were having a nightmare...”

Natilihan si Aidan. Tila binuhusan ng malamig na tubig ang apoy sa katawan nito.