Chapter Fourteen
T HE SHOT could have been fatal kung sa nakapirming Ambassador tumama iyon. The bullet missed Aidan’s heart by a couple of inches. Naging sanhi iyon upang ma-confine sa ospital si Jewel dahil sa tensiyon at pag-aalala.
Ngayon ay heto na naman siya. What was the matter with him? His involvement with Yvette almost cost him everything. He couldn’t afford to screw up again. Naibalik na niya sa tiyahin nito si Danielle. Nakawala na siya sa kung ano mang problemang kinasangkutan nito. Kung ito man ang may kagagawan ng pagkamatay ni Calvin ay bahala na ang batas sa kanya.
But was she the villainess?
What if she was the victim? O ang susunod kayang biktima?
“Damn!” he muttered.
Makalipas ang ilang minuto’y ipinasok na ni Aidan ang sasakyan sa garahe. Sinalubong siya ni Jewel sa sala.
“Ano ang nangyari?”
“She’s home now. We have nothing to worry,” kaswal niyang sabi. Tinawag ang natanawang katulong at nagpatimpla ng kape.
“So?”
Nagdikit ang mga kilay niya. “Ano ang ibig sabihin niyan?”
“You don’t look like a man who has nothing to worry, Aidan,” Jewel persisted.
He smiled drily, tinanggal ang unang tatlong butones ng sport shirt. Ikinuwento sa ina ang pagkikita nila ni Kurt at pati na ang hinala nitong maaaring may kinalaman si Danielle sa pagkamatay ni Calvin.
“At hindi ka naniniwalang may kinalaman si Danielle roon?”
He sighed deeply. Sumandal at tinitigan ang ina. “What would you and Papa think of the way I am floundering now? And all because a woman who didn’t even know who she is have caught me completely by surprise...” Inihilamos niya sa mukha ang kamay, feeling like a complete idiot.
“Wala kaming masamang iisipin ng papa mo sa iyo, hijo,” malumanay na sagot ni Jewel. “We all have our moments of weaknesses, son. Not even your brother and sisters would take it against you...”
“Sa ikalawang pagkakataon?” Inabot niya ang kapeng ibinaba ng katulong at nagpasalamat.
“Kahit pa sa ilang pagkakataon, provided na natututo tayo sa bawat pagkakamali. Pero hindi pagkakamali ang pinag-uusapan natin dito, Aidan. What happened in Mexico was well orchestrated, pinlanong mabuti at nagkataon na ikaw ang unang nakaharap ng babaeng iyon kaysa sa kasama mo. At tulad ng nabalitaan ko, mapang-akit ang babae at sa aking sariling palagay kahit ang Ambassador ay maaakit sa kanya kung nabigyan ito ng pagkakataon...”
“Really, Mama...” Hindi niya malaman kung mangingiti sa ina.
“At ang pagtatagpo ninyo ni Danielle ay isang aksidente. Hindi niya pinili ang sasakyan mo sa madaling-araw na iyon...”
“What if she really is the villainess?”
“And what if she is the victim?”
He had no answer to that.
“You have to find that out, Aidan.” Tinapik ni Jewel ang balikat niya. Patuloy na nagsasalita habang humakbang palayo. “Malibang inaalis mo na sa balikat mo ang responsibilidad kay Danielle. Ituring mo na lang na isa sa mga pang-araw-araw na pangyayari ang pagkakatagpo mo sa kanya. Anyway, naihatid mo na siya sa kanila, `di ba?”
Isinatinig lang ni Jewel ang nasa isip niya kanina sa naghahamong tono. At alam niyang alam ng ina ang sagot niya sa bagay na iyon. Hindi niya kayang isantabi ang lahat.
Niyuko niya ang folder na ibinigay ni Kurt. Dahil ba sa natitiyak niyang si Danielle ang tulay patungo sa nakaraan kaya patuloy ang interes niya rito?
Hindi niya kayang hagilapin sa dibdib ang sagot.
Inabot niya ang folder at atubiling binuksan iyon. With his heart beating fastly, binasa niya ang nakasulat doon. Ayon sa report, W&W Laboratories was a family owned corporation at dating pinamumunuan at pinamamahalaan ni Samuel Wilding, isa sa major partners. Nang mamatay ito ay humalili si Samantha Wilding, Samuel’s widow.
Barely four months after his husband’s death, Samantha married Damon Delgado, empleyado ng W&W Laboratories. It was rumored that Samantha married Damon in haste because of her inability to manage the company at nangangailangan ito ng isang lalaking masasandalan at mapagkakatiwalaan na may alam sa pamamalakad sa kompanya.
Ang nag-iisang anak ng mga Wilding, si Danielle, who was then nineteen, ay mahigpit na tinutulan ang muling pag-aasawa ng ina. Ipinasya nitong manatili sa dormitoryo at umuwi lamang sa kanila nang maratay sa sakit ang ina hanggang sa hindi na ito maka-recover at namatay.
Damon Delgado was now the CEO of W&W Laboratories until Danielle Wilding would decide to take her position with the family corporation.
“W&W...” usal ni Aidan at itiniklop ang folder. “Wilding and Wilding?” Umiling siya sa naisip. Kung may ibang Wilding na partner, di sana’y iyon na ang humalili sa kompanya nang mamatay si Samuel Wilding.
He swallowed with difficulty. Hindi niya gustong bigyang pansin ang hinalang nagdaan sandali sa isip. Imposible iyon. It had been a long time. More than seventeen years. Ang kompanyang pag-aari ng kanyang mga magulang ay Worth Chemicals. Nitong nagbinata siya’y ni hindi niya pinagkaabalahang alamin kung ano na ang nangyari doon.
Tumayo siya at dinala-dalawang hakbang ang mga baitang ng hagdan patungo sa itaas sa silid niya.
Nagmamadali ang mga kamay nitong pinagana ang computer and browsed the i nternet para sa impormasyong gustong malaman.
“No...” Hindi halos iyon lumabas sa bibig ng binata nang makita sa screen ang profile ng kompanya. Maliwanag ang mga letrang natambad sa mga mata niya.
Worth and Wilding. W&W is Worth and Wilding!
He didn’t notice the slight trembling of his fingers. Ibinaba pa niya ang cursor at binasa ang mga nakasulat doon, then sucked his breath as his name appeared on the screen.
Aidan Worth was the silent partner and was being represented by a lawyer! Si Aidan Worth pa rin ang nagmamay-ari ng sesenta porsiyentong shares sa kompanya!
Pinanatili ni Samuel Wilding sa pamilya Worth ang sadyang para sa mga magulang niya sa kabila ng katotohanang sa nakalipas na mga taon ay walang balita tungkol sa kanya.
Nagsikip ang dibdib ng binata at napayupyop sa keyboard. Grief, horrifying memories, and something else consumed him. The broad shoulders shook.
Sa ganoong ayos siya napasukan ni Jewel na hindi niya narinig ang banayad na katok bago itinulak pabukas ang pintong hindi naman gaanong nailapat.
Nagdikit ang mga kilay ni Jewel sa nakitang ayos ng anak. Humakbang ito palapit at akmang hahawakan sa balikat si Aidan nang mapuna ang computer screen.
Wala itong nauunawaan sa iba pang nababasa nito maliban sa iisang pangalan— Aidan Worth.
May kabang bumundol sa dibdib nito. Hindi gustong mag-ugnay ng mga bagay-bagay. Niyuko nito ang anak na banayad na umuuga ang mga balikat.
She raised a hand to touch his shoulder, to comfort him, subalit inawat ni Jewel ang sarili. Humakbang ito paatras at naupo sa gilid ng kama nang tahimik, hinayaan ang anak na ibuhos ang anumang pighating nararamdaman nito.
May ilang sandaling nanatili sa ganoong ayos si Aidan bago nag-angat ng katawan, scrubbed his face with his hands, at inihilig ang ulo sa sandalan ng swivel chair. Hindi nilingon ang ina gayong alam niyang naroroon si Jewel.
“Sa ibang pagkakataon, I would have left you to the privacy of your grief, Aidan... whatever it is...” Idinugtong nito ang huling sinabi. “But the last time I saw you cry was when you were eleven... when we found you. It broke my heart then just as it is now...”
“I–I don’t know what had gotten into—”
“Your father cried many times in his life, hijo,” putol nito sa sasabihin niya. “and it didn’t make him less a man...”
Banayad na tumango si Aidan, hindi pa rin lumilingon.
Nagpatuloy si Jewel. “Sa nakalipas na mga taon, your father and I have waited for you to pour out... to tell us in your own good times about the past. Hindi kaya panahon na upang ihinga mo ang anumang bagay na sa loob ng maraming gabi sa maraming mga taon ay bumabagabag sa iyo?”
Hindi siya nagsalita sa mahabang sandali. Gave a weary sigh at tumayo. Lumapit sa kama malapit sa kinauupuan ni Jewel at naupo sa carpet sa may paanan nito. Inihilig ang ulo sa edge ng kama and closed his eyes. Sinisikap kontrolin ang emosyon.
“Paano ko... sisimulang sabihin sa iyo ang mga pangyayaring hindi ko gustong alalahanin? Mga pangyayaring sa nakalipas na mga taon ay pilit kong inaalis sa aking isipan, yet keep on haunting me,” he said brokenly, reached for Jewel’s hand and kissed it.
Sa sandaling iyon ay nasilayang muli ni Jewel ang isang labing-isang taong gulang na batang lalaki. Puno ng takot... ng sindak... ng kalituhan.
She planted a soft kiss on the top of his head. “Once and for all, my son, and then let go...” Nilingon nito ang computer screen. “Ipakilala mo sa akin si Aidan Worth, hijo...” She said with a little humor in her voice, sinisikap pagaanin ang situwasyon.
Tiningala ni Aidan ang ina and smiled faintly. Nasa mga mata ang maraming pasasalamat. “You nurtured him... loved him... made him your own with no reservation...”
SA LOOB ng maraming sandali ay walang mahagilap na sasabihin si Jewel. Nanlumo at nanghilakbot siya sa kinahinatnan ng pamilya Worth. She wanted to cry for the scared and terrified young boy that Aidan was. She could not even console him for what happened many years ago. Aidan witnessed the murder of his parents and relatives. It had been a trauma to the young boy. And what happened haunted him for many years.
“I... I would have given you anything...” wika niya makaraan ang namagitang mahabang katahimikan. Sinundan ng tingin si Aidan na tumayo at nagtungo sa may bintana at tumanaw sa kawalan. “Your father and I would have given you anything within our power upang matulungan kang kayanin ang trauma sa nakalipas na mga taon, Aidan...”
“I know, Mama,” gumagaralgal nitong sabi. “Napakapalad ko na napabilang ako sa pamilyang ito. You all helped me make it through my life...”
“No wonder you love Jess to a fault!”
“I love Julianne, too,” he said defensively.
“That is true, but you and Jess are closer. Perhaps because she reminded you of your little sister Caroline...”
Nananakit ang lalamunan ni Aidan sa pagpipigil na huwag muling umiyak. Duguang mukha ng munting si Caroline ang gumuhit sa balintataw niya. Ikinurap niya ang mga mata kasabay ng pagtatagis ng mga bagang at ang pagkuyom ng mga palad.
“They... they were of the same age when it happened.”
Nakauunawang tumango si Jewel. “Let go, Aidan. Hindi mo na sila maibabalik pa. Pakawalan mo ang sarili mo sa mga alalahaning iyon. I know it’s easier said than done, but please try. We could never replace your biological parents in your heart, we wouldn’t even try. Pero naririto kaming palagi, loving you...”
Tumango si Aidan. Huminga nang pagkalalim-lalim. Pagkuwa’y nagsikap ngumiti at hinagod ng tingin ang ina. “You’re such a small woman. Kaya nga kitang patayuin sa palad ko. But everything within you is so big it could fill the whole world. You really are the jewel of this clan, ma’am...”
She purposely raised a brow and smiled. Pagkuw a’y sumeryoso. “Ano ang binabalak mong gawin ngayon? Would you claim what is rightfully yours?”
“Hindi ko pa alam, Mama. Bagaman kung ginusto ko, madali ko namang magagawang alamin kung ano na ang nangyari sa negosyong ipinundar ng aking mga magulang. Subalit hindi ko pa rin mapaniwalaang nagtagpo kami ni Danielle. Actually, I haven’t met her, not even as a child. She must be very young then...”
“This is a small world, Aidan. Everything is possible...” Tiningala nito ang anak. “Sasabihin mo ba kay Danielle kung sino ka?”
Umiling siya. “Hindi pa ngayon. May sariling problemang nakaharap sa kanya. Hindi ako naniniwalang may kinalaman si Danielle sa pagkamatay ni Calvin,” he said with conviction. “Haharapin naming magkasama ang lahat. I owe it to her parents... to Samuel Wilding, sa paniniwalang buhay pa rin ako hanggang ngayon sa nakalipas na mga taon. Sa hindi pag-aangkin sa kayamanang madali sanang napasakanila...”
Kumislap ang mga mata ni Jewel. Tumayo at humakbang patungo sa pinto. Palabas na ito nang lumingon. Of course, Aidan was making sense, pero gusto niya itong tuksuhin, kaya, “Iyon lang ba ang dahilan, hijo?”
“Don’t play cupid, Mother.” His mouth twisted upward sa pagpipigil na mapangiti. Pagkuwa’y pumormal. “And, `Ma... I feel better...”
A tender smile appeared on her lips. “I’m so glad, Aidan. I am a privileged mother. All my children allowed me to witness and shared their weaknesses and strength... at makabahagi nila sa kaligayahan at kalungkutan.”