Chapter Nineteen
“O H, GOD!” sindak na usal ni Danielle. Halos pagapang niyang sinilip si Tata Marcos sa bungad ng hagdan. Nakabulagta sa ibaba ng hagdan ang matandang lalaki.
“Don’t worry, hindi ganyang kamatayan ang daranasin mo,” wika ni Damon na hinawakan siya sa magkabilang balikat at itinaas.
Sa kabila ng nanghihina na siya sa panlalaban at sa sindak sa nangyari kay Tata Marcos ay patuloy sa panlalaban si Danielle. Nakalmot niya sa mukha si Damon.
“You b—” Isang malakas na sampal ang pinakawalan nito na halos magpawala ng ulirat niya.
Pakaladkad siyang dinala ni Damon sa silid niya. Inihiga sa kama at nang magtangka siyang bumangon ay muli siyang inundayan ng sampal.
“Bakit mas gusto mong nahihirapan, Danielle?” There was an ugly expression on his face. “Why don’t you beg me to spare your life. Magmakaawa ka!”
“You’ll never get away with this, Damon!”
He sneered. “I’ve done away with many murders, my dear. Ipinangako ko sa sarili kong mamamatay na muna ako bago ako babalik sa kulungan!” Hinablot nito ang kumot at itinali ang mga kamay niya sa rehas na kahoy ng headboard.
“W-what are you doing?” Ang poot ay nahalinhan ng takot. She’d rather die kaysa pakialaman ang katawan niya ng lalaking ito.
Nabasa ni Damon ang nasa mga mata niya. Paismid itong tumawa. “Your money is more appealing to me than your virtue, Danielle.”
Pagkasabi niyon ay lumabas ng silid si Damon. Pinilit ni Danielle na makawala sa pagkakatali ang mga kamay niya. Pumihit siya upang sa pamamagitan ng bibig ay makalas ang kumot. Subalit mahigpit ang pagkakabuhol niyon.
Mula sa ibaba’y naririnig niya ang mga ingay ng mga cabinet na binubuksan at pahampas na isinasara; ganoon din ng ingit ng screen door at ang pagbagsak nito.
Pagkatapos niyon ay ang tila pagbuhos ng tubig. Narinig niya ang mga yabag ni Damon paakyat sa hagdanan. Then she smelt gasoline.
Gasoline!
She struggled to be free in horror. Binubuhusan ng gasolina ni Damon ang buong bahay. Susunugin nito ang buong bahay! At kasama siyang masusunog!
Muling lumitaw sa pinto si Damon. Nakangisi ito at may hawak na lata ng gasolina. Paikot nitong binubuhusan ang buong paligid.
“Hindi ako ganoon kasama, Danielle,” nakakalokong sabi nito. “Hindi ko bubuhusan ng gasolina ang kama mo para magkaroon ka ng pagkakataong maramdaman at panoorin ang apoy sa paligid mo. At sisimulan kong sindihan ang hagdanan pagkababa ko. Kakalat ang apoy patungo sa iyo at sa ibang bahagi ng bahay.” Inihagis nito ang lata sa sahig at pagkatapos ay tumalikod. “`Bye, Danielle. By this time tomorrow, nasa Kentucky ako...”
Ni hindi niya makuhang sumigaw sa matinding poot at takot. Again, nagpilit siyang makawala mula sa mahigpit na pagkakatali.
Sa ibaba ng hagdan ay inismiran ni Damon ang nakabulagtang si Tata Marcos. Dinukot ang lighter sa bulsa upang sindihan ang hagdanan nang mula sa nakabukas na pinto sa sala ay sumungaw si Aidan.
“What is going on here?” Ang mga mata niya’y napatuon sa nakabulagtang katawan ni Tata Marcos.
Lumingon si Damon. Sandaling nalito. Hindi inaasahan ang pagdating ng ibang tao.
Si Aidan ay itinulos sa pagkakatayo. Napahawak sa panel ng pinto. Napapikit ang mga mata at sa sandaling iyon ay gumitaw ang eksena may labing-pitong taon na ang nakalilipas.
An eleven-year-old boy watched his parents’ dead bodies mula sa likod ng malaking puno. His sister Caroline’s... his aunt’s and uncle’s... his grandparents’... and the Mexican man on the car, watching the slaughter of his whole family.
He opened his eyes abruptly. Ang mga mata niya’y sumusuyod sa kabuuan ng mukha ng lalaki. Si Damon ay kumunot ang noo sa pagkakatitig ni Aidan dito.
Aidan could never be wrong! Sa kabila ng pagkalito kung ano ang ginagawa ng taong iyon sa mismong bahay ni Danielle, ay naroon ang katiyakang hindi maaaring makahawig lamang ng taong ito ang may kagagawan sa pagkapaslang sa mga magulang niya. Nakatatak na sa isip niya ang mukhang iyon. Ni hindi nagawang burahin ng nakalipas na mga taon ang pagkakaukit ng anyo nito sa isip niya.
Seventeen years older but he was the same man. And now he came face to face with his parents murderer. Kung paano at bakit ito naroroon ay hindi mahalaga.
“Who are you?” His voice trembled with controlled fury. Inihanda niya ang sarili sa pagkakataong ganito subalit hindi niya inaasahang ganito katindi ang magiging damdamin niya. Nang may umagaw sa isip niya. Tumingala sa itaas. “Where’s Danielle? Danielle!” he shouted her name. “Danielle!”
Mula sa itaas ay narinig ni Danielle ang tinig ni Aidan. She shouted back. “Aidan! Susunugin niya ang buong bahay!”
Iisang linya na lang ang mga mata ni Aidan sa pagkakatitig sa lalaki na itinaas ang lighter, flicked it, at lumitaw ang apoy.
Ngumisi ito sa kanya. “You can’t deal with the fire and me at the same time, lover boy,” wika nito. At pagkuwa’y idinikit sa balustre ang apoy sa lighter at agad na nagsindi ang lumang kahoy.
Walang salitang sinugod ni Aidan ang lalaki na panatag na kayang-kaya nito ang kalaban. Taller though, Aidan was young and a rich man’s son. His muscles were earned through the gym. Hindi kakayanin ni Aidan ang katulad nito na bagaman matanda sa kanya nang maraming mga taon ay sanay sa pakikipaghamok. He could easily defeat him. At masusunog ang katawan ni Aidan sa loob ng bahay na iyon. Damon thought.
But little did he know that the young man was trained to fight and to kill. Na nadagdagan pa ng walang katumbas na poot para sa lalaki.
Naunang sumuntok si Damon subalit nakaiwas si Aidan at gumanti ng matinding flying kick. Bumagsak si Damon sa nag-aapoy na hagdan. He groaned in pain, at mabilis na iniwasan ang apoy na agad na kumalat paakyat sa hagdanan at sa paligid.
“That’s for Caroline, bastard!” poot nitong sabi sabay yuko sa katawan ni Tata Marcos nang makitang dadaanan ito ng apoy. Mabilis na hinatak palayo patungo sa may bungad ng pinto. Dinama ng kamay niya ang pulso nito sa leeg. Buhay pa ang matanda.
Bumalik siya sa hagdanan upang pumanhik subalit isang suntok ni Damon ang bahagya na niyang naiwasan. He struggled para manatiling nakatayo at nang muling sumugod si Damon ay sinalubong niya ito ng magkasunod na flying kick. Ang una’y tumama sa mukha nito at ang pangalawa’y sa sikmura.
Blood sputtered from his nose and mouth. Halos mawalan ito ng hininga sa matinding sakit.
Sinamantala ni Aidan ang pamimilipit ni Damon at tumingala. “Danielle, lumabas ka riyan! Kumakalat na ang apoy!”
“I can’t! He tied me up!”
He heard the panic in her voice. Fear consumed him. Hindi niya mapapanhik ang hagdanan dahil naroon na ang apoy. Marupok na ang kahoy at babagsak iyon anumang sandali.
Akma siyang tatakbo palabas nang mahawakan ni Damon ang paa niya. Muling nagpambuno ang dalawa.
SI DANIELLE ay inubos ang lakas upang makaalis sa ibabaw ng kama. May pakiramdam siyang mapuputol ang mga kamay niya mula sa mga braso niya sa sakit. Sinikap niyang makaalis sa mismong gitna. Kalahati ng katawan niya’y nasa kama at kalahati’y nasa labas. Kailangang mahila niya palabas sa balkonahe ang kama. Hindi iyon nabuhusan ng gasolina ni Damon. Kahit paano’y maaantala ang pagkasunog ng buong paligid kung sakaling dumating na sa silid niya ang apoy. At bagaman mapanganib na bukas ang hangin para sa apoy, she had to take chances.
Mula sa nakabukas na pinto’y nakikita na niya ang paglalagablab ng pasilyo. Nalalanghap na niya ang usok. Nararamdaman na niya ang init. Butil-butil na pawis ang gumigiti mula sa kanya sa pagsisikap na hilahin ang kama patungo sa balkonahe.
UMIIGTING ang mga bagang ni Aidan sa matinding pagpipigil sa sarili. It would be so easy to kill this man. At naipaghiganti na niya ang pamilya niya. But killing him would never bring them back.
“It would be a great pleasure killing you with my bare hands, bastard! Kay tagal kong pinangarap ang sandaling ito...” Nagtutumining ang poot niya sa dibdib, “ang maipaghiganti ang pamilya ko. But I am not a murderer like you!”
“W-who... are... you?” Damon gurgled his words. He tasted his own blood in his mouth. Mas pipiliin pa marahil nito ang madaling kamatayan kaysa sa mga sakit ng katawang nararamdaman.
“Has the name Aidan Worth mean something to you?” Pabagsak niyang binitiwan si Damon na nakuha pang marinig ang sinabi niya bago ito tuluyang nawalan ng malay.
TINAKBO ni Aidan ang pinto palabas. Nilampasan ang nakabulagtang katawan ni Tata Marcos, hindi niya kailangang magsayang ng sandali. Nakataya ang buhay ni Danielle. Subalit nanaig ang mabuting budhi. Binalikan ang matanda na bahagyang umungol. He pulled him out of the house, inilapag sa ligtas na lugar.
Tinakbo niya ang labas ng silid ni Danielle. Nakita nito ang apoy mula sa silid na katabi ng silid ng dalaga. He almost went out of his mind in fear for her.
“Danielle!” Nakita niya ito sa may bungad ng pinto sa balkonahe, nakayupyop sa kama ang kalahati ng katawan; nakatali ang mga kamay sa balustreng kahoy ng headboard.
Panic gripped him. Natanaw ang punong-bayabas, mabilis na tinakbo iyon at pinanhik. Hindi umabot ang malalaking sanga sa balustre ng balkonahe. Bibigay ang maliliit na sanga kapag tinuntungan niya at babalik siya sa lupa. Subalit maaari niyang talunin ang balustre malapit sa malaking puno, and prayed he’d get hold of the railings.
Iyon ang ginawa niya.
At gasino nang umabot ang isang kamay niya sa ibaba ng kahoy na balustre. But many years of rigid training made the task possible. Nangunyapit ang binata roon papanhik sa balkonahe. Hindi siya nag-aksaya ng sandali at tinakbo si Danielle. Nagliliyab na ang silid nito at nagsisimula nang pumasok ang apoy sa silid. Umungol ang dalaga sa matinding hapo at init. Ni hindi magawang iangat ang sarili mula sa pagkakalugmok.
“This isn’t the time for feminine fainting spell, Danielle,” marahas niyang sabi habang kinakalag ang pagkakatali ng kumot sa mga kamay nito. “Anumang sandali’y aabutan tayo ng apoy!”
Kung sa ibang pagkakataon narinig ni Danielle ang sinabi ni Aidan ay magagalit ito. But she had never considered life so precious until this very moment.
“Paano tayong bababa sa lupa?” she asked, tiniis ang pananakit ng kamay at braso.
“Itatali ko sa iyo ang dulo ng kumot at ibababa kita nang unti-unti.” Itinatali na niya sa baywang nito ang kumot habang nagsasalita. “Now, slip your body down slowly. Hahawakan kita...” Nilingon niya ang silid. Mabilis na kumakalat ang apoy. Nararamdaman niya ang matinding init sa likod niya.
Unti-unti niyang ibinababa ang dalaga. Subalit hindi umabot sa lupa ang kumot dahil malaking bahagi nito ang nakonsumo sa pagkakatali sa baywang ni Danielle. At kalahati pa lang ng taas ay huminto na ang pagbababa sa kanya.
“Bibilang ako hanggang tatlo, bibitiwan ko ang kumot at tumalon ka!”
Nagpa-panic na tumingala sa itaas si Danielle. Pagkatapos ay sa ibaba. Malayo-layo pa iyon, dalawang metro humigit kumulang.
“You have to jump, dammit!” Alam niyang masasaktan si Danielle kung mapapasama ang bagsak. But he had no choice.
“O-okay...”
“One, two... three!” Binitiwan niya ang dulo ng kumot na hawak kasabay ng pikit-matang pagtalon ni Danielle.
He heard her groaned in pain and cursed violently. “Tumakbo ka palayo! Gumapang ka kung kailangan!”
Sumunod ang dalaga na gapang-tayo ang ginawa sa paglayo. She was a few meters away nang lingunin si Aidan.
“Paano kang bababa, Aidan?! Malapit na ang—” Hindi pa natatapos ni Danielle ang sinasabi nang bumagsak ang bahagi ng balustre na katapat ng kabilang silid kasabay ng pagsiklab ng apoy palabas.
She screamed his name and saw Aidan ran farther. Ang dila ng apoy ay unti-unti nang gumagapang palapit sa kinaroroonan ng binata.
Aidan braved the fire, bumalik sa tapat ng pinto ng silid ni Danielle at mabilis na hinatak ang kutson mula sa kama. Ang dulo nito’y may bahid na ng apoy. Inihagis niya iyon sa lupa. Nararamdaman niya ang init ng nagngangalit na apoy. Tila tubig ang pawis sa katawan niya sa matinding init. Ilang sandali lang at lalamunin na ng apoy ang buong balkonahe.
Tinakbo ni Aidan ang kasunod na silid at tinadyakan ang pinto pabukas. Kinuha rin ang kutson mula roon at inihagis sa ibabaw ng naunang kutson.
DANIELLE watched him horrifyingly. Dalawang magkapatong na kutson. But would it shelter his fall? Napakataas ng balkonahe.
Hindi pa natatapos ang iniisip niya’y nakita niya ang pagtalon ni Aidan kasabay ng pagsiklab palabas ng apoy mula sa silid. Inabutan ng apoy ang likod nito. She screamed.
He sommersaulted and landed on the ground with his feet but lost his balance and bounced and back again. Nagpagulong-gulong sa kutson upang patayin ang apoy na kumapit sa polo shirt nito. He was ripping his clothes off at the same time. Inihagis iyon sa damuhan.
Pagapang na nilapitan ni Danielle ang binata.
“Oh g od, Aidan, are you all right?” hintakot niyang tanong. Itinulak ito patalikod at sinuri ang likod nito. May bahagi ng buhok nito ang nahagip ng apoy. Sunog ang damit nito and part of his back suffered minor burns. Danielle cried in horror.
He reached for her neck and kissed her hard. Pagkuwa’y iglap ding binitiwan. “Never been all right, baby,” he assured her bagaman nararamdaman na ang kirot ng paso. Mabilis na tumayo at hinila siya. “Let’s get out of here fast!”
Kasunod siya ni Aidan na tinakbo ang entrada ng bahay. Nagtangka itong pumasok subalit sinalubong ito ng naglalagablab na apoy. Patakbo itong umikot sa likod upang maghanap ng madadaanan papasok subalit wala nang bahagi ng bahay ang hindi nilamon ng apoy.
Nanlulumong napaupo sa damuhan si Aidan. “Hindi ko siya nagawang ilabas!”
Natitiyak ni Danielle na hindi si Tata Marcos ang tinutukoy ng binata dahil naroon pa rin sa damuhan ang matandang lalaki at wala pa ring malay.
“Hindi ko gustong sabihin ito, Aidan... but he deserved to die. He was a murderer...”
“Yes,” sang-ayon nito. “He killed my family, too...” Puno ng panlulumo at galit ang tinig nito.
Napaluhod sa tabi ng binata si Danielle. Nagtatanong ang mga matang nakatitig dito. Nakasabog sa mukha ang mahabang buhok. Ang mapulang balat ay pinatinding higit ng init mula sa kapaligiran. Ang reflection ng nagngangalit na apoy ay nasa mga mata nito. It made him looked like an angry demigod.
“W-what are you talking about?”
He looked straight into her eyes. And in a voice filled with anguish, “I’m Aidan Worth, Dani...”