noveltoon logo noveltoon
Panther Walks (Kristine Series 17)

Chapter 12

Ch. 13 / 22 May 09, 2025

Chapter Twelve

S HE RAISED herself from where she was sitting. Tumayo at humakbang siya patungo sa nakabukas na pinto ng veranda. Sinikap sugpuin ang init ng katawan sa pamamagitan ng malamig na hangin.

Sa loob ng mahabang sandali’y walang salita ang namagitan sa dalawa. Nilingon niya ang binata na isinusuklay ang mga daliri sa buhok. Pagkuwa’y hinawi ang bahagi ng kumot na tumatabing sa ibabang bahagi ng katawan nito at tumayo at humakbang patungo sa closet.

Hindi siya dapat na tumingin. Dapat sana’y tumalikod siyang mabilis. But she couldn’t take her eyes off him. Her eyes feasted on his body.

Aidan was beautiful. He walked with grace. She thought he was like a panther. Sa malamlam na ilaw ay lalo pang pumula ang balat nito. At ang mahabang buhok nito’y gustong magpangiti sa kanya. Habang napakaiksi ng kanyang buhok, ang kay Aidan naman ay mahaba tulad sa isang— nang bigla’y may sumingit na alaala sa isip niya...

“That Indian is your friend, Daddy?” Itinuturo niya ang larawan na nakasabit sa dingding ng opisina ng ama. Matandang lalaki, nakatirintas ang mahabang buhok. It was a group picture. Kasama ang mga magulang niya sa larawan at may apat pang naroroon.

Muli niyang ibinalik kay Aidan ang mga mata. She swallowed, her eyes moved up and down his body. “Y-you’re a red skin...”

Marahas na lumingon si Aidan. Naningkit ang mga mata. “Ano ang narinig mo mula sa akin?” he asked, insolence in his voice, kasabay ng pagsusuot ng briefs. “Have I been talking in my sleep?”

Sandaling nagsalubong ang mga kilay ni Danielle. Pagkuwa’y umiling. “No... Umuungol ka lang, malakas. And I was worried. Some people died from heart attack during their sleep so I came up here...”

“Sinabi mong red—” Umiling si Aidan, hindi itinuloy ang sinasabi at nagbuntong-hininga. Umabot ng pantalong maong at isinuot.

“I’ve realized just now that you have red skin.” And she thought he was simply tanned. “Y-you’re not a Filipino...” It was more of a statement than a question. And that confused her. Bagaman hindi direktang sinabi, nalaman niya mula sa pakikipag-usap kay Mrs. Fortalejo kanina, habang ipinakikita ang mga portrait na nakasabit sa dingding na may dugong Español ang mga Fortalejo.

“You’re a half-breed!”

Muli siyang marahas na nilingon nito.

Mabilis niyang idinugtong. “You reminded me of someone from my childhood days,” patuloy niya. “He was an American Indian, a friend of my parents—”

Naglaho ang bahagyang iritasyon sa mukha ng binata. Humalili ang interes. He zipped and snapped his jeans fast. “Nakakaalala ka na?”

Umiling siya. “It flashed in my mind while I–I watched you—”

“It’s impolite to stare.”

She opened her mouth and would have said something sarcastic when she caught the little smile played on his lips. He was teasing her.

Humakbang ito patungo sa kanya. “Go back to your room, Danielle, bago pa magbago ang isip ko at hindi kita palabasin...”

“I-ikaw? Bakit ka nakabihis? May ilang oras pa bago mag-umaga...”

Tinitigan siya ni Aidan, a devilish smile was lurking in his mouth, at naghahamon ang tinig nang sumagot. “Would you rather take my jeans off and spend the remaining hours with me?”

She took a deep breath. Sinikap huwag padala sa tukso. Alam niyang birong-totoo iyon. Sex was in the air. At kung ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon ang masusunod, she would stay and make love to him hanggang sa sikatan sila ng araw.

Wala sa loob na nahagod niya ito ng tingin pababa. At nararamdaman niya ang pananayo ng mga balahibo niya sa katawan kasunod ng init na gumagapang pababa sa tiyan niya. He was like one of those American Indian devils na nababasa niya sa mga paperback, sexy, and dangerous.

“Good morning...” usal niya bago nagmamadaling lumabas ng silid.

Niyuko ni Aidan ang sarili. Nagsisikip ang maong niya. Ang pagkakape na naisip niyang gawin ay tila maaantala. What he needed at the moment was a cold bath.

“BIHIS ka na pala, hija,” ani Jewel kay Danielle nang katukin at pasukin siya nito sa silid. Nakapaligo at nakapagbihis na siya.

Nahihiyang ngumiti ang dalaga. Alas-diyes pasado ng umaga. Mag-uumaga na nang makatulog siya matapos siyang manggaling sa silid ni Aidan.

Nang akmang hihingi siya ng paumanhin ay muling nagsalita si Jewel. “May bisitang naghihintay sa iyo sa sala...”

She frowned. “B-bisita?”

“Kausap siya ng anak ko. Ang sabi niya’y tiyahin mo siya.” Tinatantiya ni Jewel ang dalaga. Ang mga mata niya’y kinakitaan ng pagkalito. At pagkuwa’y alinlangan... or was it fear?

“You don’t remember your aunt? She said she is your mother’s distant cousin...”

She closed her eyes for a moment, hoping memories would come back. Pagkuwa’y banayad na umiling. “S-should I see her? Aidan said—”

“Kung ano man ang nalaman ninyo ni Aidan tungkol sa kanya mula kay Kurt, itago mo muna sa isip mo. Think about it this way, totoong natagpuan ka na niya. At iyong tungkol sa nakauwi ka na, maybe she had her reasons. Perhaps she didn’t want to explain further to Kurt, kaya sinabi niyang nakauwi ka na,” paliwanag ni Jewel. “Halika at harapin mo ang tiyahin mo, hija...”

Bantulot na sumunod sa paglabas si Danielle. Jewel whispered words of comfort from behind.

“Magiging maayos din ang lahat, Danielle, at magbabalik ang alaala mo.”

Gusto niyang paniwalaang maaayos din ang lahat subalit hindi iyon ang pakiramdam niya.

MULA sa kinatatayuan niya’y lihim na pinagmasdan ni Danielle ang babaeng kausap ni Aidan. Nakatagilid ito mula sa kanya. She was in her mid-forties. Hindi mataba but she was heavily built. Raven-black hair at nakapusod sa batok na tila propesora. Naka-dark blue tailored suit that made her look very dignified.

Was this woman her aunt?

Ang dahilan nga kaya nito ng pagsisinungaling na nakauwi na siya’y katulad ng sinabi ni Mrs. Fortalejo?

Nang tumingin sa dako niya si Aidan ay napalingon ang babae sa kinatatayuan niya. Agad itong tumayo. Si Aidan man ay tumayo rin.

“Danielle!”

Humakbang siya palapit dito. “You had me worried. What happened to you?” It was asked in a stern voice.

Hindi sumagot si Danielle. Nagtuloy sa sofa malapit kay Aidan at naupo roon.

“Ikinalulungkot ko, Mrs. Guevarra, but Dani doesn’t recognize you. Tulad ng sinabi ko sa inyo’y hindi pa nagbabalik ang memorya niya...” Aidan explained politely.

“H-how did you find me?” s i Danielle sa tiyahin.

“Nakita ko ang mukha mo sa TV, sa morning news.” Inulit lamang nito ang ipinaliwanag kay Aidan. Her voice held no warmth. “Nagmadali akong nagtungo sa ospital but I was late, nakalabas ka na.” Nilingon nito si Aidan. “Tulad ng sinabi ko, nagpapasalamat ako sa ginawa mo kay Danielle, Mr. Fortalejo. I will take her home now...”

The woman was lying. Sinabi nito kay Kurt na nakauwi na si Danielle bago pa man lumabas ang mukha ng dalaga sa television. Ganoon pa ma’y tumango si Aidan.

“Say your good-byes to the Fortalejo, Danielle...” utos nito sa dalaga.

Si Danielle ay napausog nang wala sa loob palapit kay Aidan.

“A-Aidan...” Nilinga niya ang binata sa nanlalaking mga mata.

Subalit ang paningin ni Aidan ay nakatuon sa tiyahin niya. “Ihahatid ko kayo sa Santa Rosa,” wika nito at saka pa lamang lumipat ang mga mata nito sa kanya. “Nag-taxi lang ang tiyahin mo patungo rito,” he informed her unnecessarily.

Malamig at pormal ang tinig nito at nasaktan si Danielle. Pakiramdam niya’y itinataboy siya ni Aidan. Bakit nga ba hindi gayong nakakaabala siya sa pamilya nito? Isang kaginhawaang maalis na siya sa poder nito at maihatid sa bahay ng lola niya.

“Kukunin ko ang ilang mga gamit ko,” aniya at tumayo. Iniwasang manginig ang tinig. With her head high, lumakad siyang pabalik sa guest room.

Tumayo rin si Aidan. “Hindi ako magtatagal, Mrs. Guevarra. Magpapaalam lang ako sa Mama.”

“Iparating mo ang pasasalamat ko, Mr. Fortalejo... at ipagpaalam mo na rin kami.”

SUMANDAL si Aidan sa hamba ng pinto ng guest room at pinagmamasdan si Danielle na tahimik na itinutupi ang pedal pusher at blusa niyang suot noong una nitong matagpuan ang dalaga.

“Say something, Dani.”

“G-good-bye... and thank you,” she croaked.

“Hindi iyan ang gusto mong sabihin.”

Hindi siya kumibo. Her shoulder stiff, para mapanatili ang dignidad. Ipinasok niya sa paper bag ang gamit. Lumapit si Aidan at hinawakan siya sa mga balikat at iniharap. Inilagay nito ang kamay sa baba niya at itinaas iyon.

“You’re scared as hell, aren’t you?” he said gently.

Nagyuko siya ng mukha. “I–I am trying to be brave, Aidan. I hate feeling helpless...” There was a sob in her voice.

Idinikit ni Aidan ang noo sa noo niya. “You are brave, Danielle. And you can’t help what you feel. Kahit sino ang nasa katayuan mo na hindi makaalala ay ganyan din ang mararamdaman...”

Kumawala siya. Dinampot ang paper bag. “Thank you for all the things you’ve done. Pakisabi sa mama mo na maraming salamat sa kagandahang loob...”

“I don’t want you to go, Dani.”

Nilingon niya ito sa nagsasalubong na mga kilay. Naguluhan.

“Kung ako ang masusunod, ayokong umalis ka sa bahay na ito hangga’t hindi malinaw ang lahat. Pero hindi ko masasabi sa tiyahin mong hindi kita gustong paalisin... na dito ka lang, `di ba?”

Umaliwalas ang mukha ni Danielle. Nakahinga nang maluwag. She smiled at him faintly. “I’ll give you a ring every now and then. Maybe my instinct is wrong. Baka wala naman talagang gustong manakit sa akin at epekto lang iyon ng amnesia ko...” Sa kabila nang hindi iyon ang nararamdaman ay sinisikap niyang iyon ang paniwalaan.

Muli siyang inabot ni Aidan at kinabig palapit, bent his head and claimed her lips in a chaste kiss. At pagkuwa’y binitiwan din siyang muli bago pa siya makaganti ng halik.

“Tayo na. Baka mainip ang tiyahin mo...”