noveltoon logo noveltoon
Panther Walks (Kristine Series 17)

Chapter 15

Ch. 16 / 22 May 09, 2025

Chapter Fifteen

“H OW ARE you?”

She was thrilled upon hearing his voice. Kahapon pa niya gustong tawagan ang binata, napipigil lamang siya ng kaisipang wala pang isang araw mula nang umalis siya sa bahay ng mga Fortalejo.

Naupo siya sa ibabaw ng kama, yoga position. “I have bad news and bad news...”

Kumunot ang noo ni Aidan. Bahagyang inilayo ang wireless phone at sandaling tinitigan na tila ba iyon mismo ang kausap. “Unahin mong sabihin sa akin ang hindi gaanong masamang balita.”

“I still couldn’t remember anything, Aidan,” she spoke with weariness. “Not even my grandmother’s house, sa kabila ng pagsisikap ni Tata Marcos na tulungan akong alalahanin ang lahat. He showed me some old family albums this afternoon. There were photographs of my parents. Pero tila may fog na humaharang sa aking kaisipan...”

“Be patient. Maaalala mo ring lahat iyan, unti-unti. Now, the second bad news...” he urged impatiently.

Ilang beses tumikhim sa kabilang linya si Danielle na gusto nang mainip ni Aidan at kabahan.

“The bad news is that... well, hmp... I am starting to miss you...”

“Oh.” He raised a brow and smiled. “And you call that bad news, eh?”

“Ano ang dapat kong itawag doon?” She sighed. “Narito ako at hindi maalala ang mga nakaraang pangyayari sa buhay ko. I’m terrified most of the time. I shouldn’t be missing you...”

“Well, I’m glad you do, Dani.” He couldn’t help grinning. Hindi nito maintindihan kung bakit ikinagagalak nito ang sinasabi niya. “I’m flattered.”

“Is that all you have to say?”

Nahimigan ni Aidan ang bahagyang iritasyon sa tinig niya. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito. “Meron ka bang gustong marinig sa akin na siya kong dapat sabihin?”

“Well, Mister, you could at least, lie a little and say you miss me, too!”

He laughed. “Well, then, I miss you, too, and I am not lying.”

“Really?”

“Cross my heart and hope to die.” He felt young and gay... sa kauna-unahang pagkakataon.

“So then, what do you intend to do about this ‘missing each other’ case?”

Sinulyapan ni Aidan ang relo sa braso. Mag-aalas-diyes na. “It’s too late for a night out. Bukas na lang. Susunduin kita bago makapananghali... maghapon tayo sa labas.”

“Okay,” nanghihinayang niyang sabi. She would have wanted him to come. But he was right. Gabi na at ang pagtungo sa kanila at patungo sa pinakamalapit na coffee shop, which is Starbucks, ay aabutin din ng mahigit sa kalahating oras. “`Night...” pabuntong-hininga niyang sabi.

Aidan would have wanted to prolong their conversation pero ibinaba na ni Danielle ang telepono. He sighed at ibinalik ang telepono sa lagayan nito. Nahiga nang pahalang sa kama at iniunan ang mga braso. Hindi na siya teenager pero tila iyon ang pakiramdam niya ngayon.

Why, he really missed her. Mula kahapong inihatid niya si Danielle sa Sta. Rosa ay hindi na ito naalis sa isipan niya. Kung hindi lang niya pinipigilan ang sarili’y mayamaya siyang nasa telepono upang kausapin ito.

Nakatitig siya sa kisame at iniisip at pinaplano na kung saan sila pupunta sa kinabuksan. Kung saang restaurant siya magpapa-reserve at kung anong concert ang maaaring panoorin nang hindi kailangan ng advance ticket. O, di kaya’y kung magdi-disco na lang sila. Hindi niya mapigil ang excitement sa dibdib na tila ba iyon ang unang date niya.

He had dated a number of women but the excitement he felt was foreign to him.

MATAPOS ang pakikipag-usap kay Aidan ay nagpalit ng cotton nightgown si Danielle at nahiga. Subalit kinse minutos na siyang pabiling-biling sa higaan ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Sa una’y mukha ni Aidan ang umookupa sa isip niya, pagkatapos ay may humahaliling mga tinig. Pabalik-balik na iyon at iyon ding mga tinig na naririnig niya nang nasa ospital pa siya. At kasunod ay ang putok ng baril.

Sapat upang muli’y gagapang ang takot sa dibdib niya.

Inalis niya ang kumot at nagbangon. Gusto niyang bumaba upang uminom ng gatas pero nag-aatubili siya. The house was huge and empty and dark. The hallways are unlighted. Sabi ni Tata Marcos ay matagal nang pundido ang mga bombilya sa pasilyo at hindi na nito naisip na palitan pa. At may pakiramdam siyang tila may laging nagmamasid sa bawat kilos niya. Kahapon pa niya nararamdaman iyon.

Ang silid ng matandang katiwala ay nasa ibaba sa may likuran at labas ng bahay. At sila lang dalawa ang tao roon dahil si Ofelia ay nagpaalam kaninang hapon na luluwas sa Maynila at hindi pa bumabalik hanggang ngayon. At natitiyak niyang tulog na si Tata Marcos dahil matapos nitong mapanoond ang pagkatalo ng paboritong basketball team ay nagpalam nang babalik sa quarter nito at binilinan siyang isara ang mga pinto.

Humakbang siya patungo sa balkonahe. Humaplos sa mukha niya ang malamig na hangin. Humaplos sa braso niya ang dulong sanga ng dahong-bayabas na idinuduyan ng hangin. Madilim sa labas maliban sa malamlam na ilaw na nasa may entrada ng bahay. Mula sa siwang ng malalaking puno ay gasino na niyang natatanaw ang mga ilaw sa subdivision.

Why couldn’t she remember everything about her? At bakit hanggang ngayon ay may takot na namamahay sa dibdib niya? Takot kanino?

With a weary sigh, humakbang siya patungo sa balustreng kahoy. Ang kadiliman sa labas ay tulad din ng buhay niya. When would she remember o tulad ba ng sabi ng doktor ay maaaring patuloy na niyang hindi maalala ang malaking bahagi ng buhay niya?

Humawak siya sa balustre. Banayad na humampas sa braso niya ang dulong sanga ng dahong-bayabas na idinuduyan ng hangin. Itinukod niya ang mga braso sa balustre at wala sa loob na ibinigay roon ang buong bigat niya. Gumiik ang kahoy na gasino na niyang pinansin. Lumakas ang giik ng kahoy at bago pa niya maisip ang nangyayari’y bumigay ang balustre sa magkabilang dulo.

Pumuno sa katahimikan ng gabi ang tili ni Danielle. Nakabitin siya sa ere at mahigpit na nakakapit sa kahoy habang ang kabilang dulong bahagi ng balustre ay nanatiling nakakabit sa pinagkakabalian nito. But she knew she wouldn’t last longer. Babagsak nang tuluyan ang kahoy sa bigat niya. O kung hindi man ay kapag nawalan na ng lakas ang mga kamay niya sa pagkakakapit.

Sa kabila ng sindak ay hindi niya makuhang tumiling muli at magpapasag. Kapag nag-panic siya’y baka tuluyang bumagsak ang kahoy. Malayo pa ang ibaba. At alam niyang sa adobe siya babagsak. Ang bahay ng lola niya ang uri ng bahay na matataas. Masasaktan siyang tiyak kung mapapasama ang bagsak niya.

O mamamatay!

The thought terrified her at kasabay ng pagtingala niya’y may nahagip ang mga mata niyang anino sa dilim sa itaas sa may bintana ng dulong silid.

She gave a gasp of horror. May ibang tao sa loob ng bahay maliban sa kanya! Who could that be? Hindi pa umuuwi si Ofelia.

Nadagdagan ang sindak niya subalit sinikap niyang kalmahin ang sarili upang makapag-isip nang maayos. Kung tao ang naaninag niyang anino, di sana’y tinulungan na siya.

Naaninag niya ang puno ng bayabas. Mayabong iyon at maaabot niya ang mga dulong sanga. Kung kakapitan niya iyon ay natitiyak niyang babagsak din siya dahil hindi siya kakayanin ng maliliit na sanga. Mapuputol iyon!

But she had no choice! Kailangang kahit papaano’y mapigil ang biglang pagbagsak niya.

She had to do it fast. Bigla niyang ibinitaw ang isang kamay na nakakapit sa balustre at hinagilap ang natitiyak niyang malapit sa gitnang sanga. Dahil sa pressure ay muling gumiik ang dulo ng balustre at kasabay ng paglipat ng isa pa niyang kamay sa sanga ng bayabas ay bumagsak ang balustre kasabay rin ng pag-indayog niya patungo sa ibaba.

Sa nasisindak na kaisipan ay narinig niya ang pagbagsak ng kahoy. Kasunod niyon ay ang pagbagsak niya sa lupa, una ang mga paa at pagkatapos ay ang katawan niya. Napasigaw siya sa sakit. Tumama ang bahagi ng balikat niya sa dulo ng balustre. Binitiwan niya ang sanga na umigpaw muli paitaas. Ni hindi iyon naputol. Naramdaman niyang kumirot ang mga palad niya. Naiwan doon ang maraming dahon.

She frantically picked herself up. Sinubok sandali ang mga binti kung makatatayo siya. Her shoulder ached but she could take it. There was numbness on her legs only because she was shocked. Pero sandali lang siyang nag-alangan, patakbo niyang tinungo ang gilid ng bahay patungo sa likod. May kung ilang beses siyang natisod sa kung ano sa dilim at nagmuntik-muntikanang madapa. Subalit patuloy siya sa pagtakbo sa kinaroroonan ng quarter ni Tata Marcos.

“Tata Marcos! Tata Marcos!” She hammered her fist on the door while shouting hysterically. Subalit walang nagbubukas ng pinto. She turned the knob. It was open. Kinapa niya ang switch ng ilaw sa may malapit sa hamba ng pinto. Nagliwanag ang buong silid.

“Tata Marcos, gising... Tata!” Niyugyog niya ang mga balikat nito subalit hindi man lang nagigising ang matandang lalaki. Umungol lang ito sandali subalit tulog pa rin.

She groaned in desperation. Inikot ng paningin ang buong silid, may hinahanap. Sa may malapit sa pinto ay may nakasabit na keyholder. Naroon ang susi ng lumang pickup.

She grabbed for it and went out of the quarter. Patakbo siyang bumalik sa harapang-bahay. Nagmadaling pumasok sa pickup at ipinasok ang susi sa ignition and started the ignition. The motor went to life immediately.

SA LOOB ng bahay ay dinampot ng anino ang telepono at dumayal. Isang ring lang at agad na may sumagot sa kabilang linya.

“She’s got away...”

“Damn! How?”

“Hindi siya nahulog nang deretso tulad ng inaasahan. The bitch must have ten lives!” pagalit nitong sabi, the foreign accent was prominent. “At kung sumang-ayon ka lang sa suhestiyon ko’y kanina pa patay ang babaeng iyon at tapos ang problema natin. Killing her and that old man is a piece of cake.”

“Sa mismong sandaling wala ako? How convenient,” she said sarcastically. “Kung nakatitiyak nga ba akong hindi ako masasabit ay bakit hindi? Ang lalaking Fortalejo’y interesado sa kanya. At sino ang nakakaalam kung ano ang nalalaman nito mula sa kanya. Alalahanin mong may mga bagay siyang naaalala. She hated you... she hated me. I overheard Samantha warned her about us and showed her the company records.”

“We are running out of time, Ofelia. Kailangan ko nang bumalik sa Kentucky!”

Marahas na huminga ang babae. “You should have thought of everything, idiot! Dapat ay inalisan mo ng preno ang kakarag-karag na sasakyang iyon, di sana’y tapos na ang problema natin ngayon!”

KILALA na siya ng mga guwardiya kaya nang sumungaw siya sa pickup ay agad binuksan ng mga ito ang gate. Tuloy-tuloy siya sa kahabaan ng driveway. Ang isang security guard ay dinampot ang intercom at idinayal ang numero ng silid ni Aidan.

Pagkatapos ipara sa mismong harap ng malaking bahay ang pickup ay nagmadaling lumabas si Danielle. She was about to use the knocker nang bumukas ang isang panel ng pinto at sumungaw si Aidan. Walang pang-itaas, tila nagmadaling isinuot ang jeans dahil hindi pa ito naka-zipper at naka-snap. At nasisilip ni Danielle ang pinong balahibo mula sa pusod pababa.

“Hi. What brought you here at this hour?” bungad nito sa magkadikit na mga kilay.

Mula sa pagkakatitig sa katawan ni Aidan ay tumingala rito si Danielle. She opened her mouth to speak but her throat suddenly gone dry. At sa sandaling iyo’y nawala sa isip nito ang dahilan kung bakit siya naroroon.

Sapat iyon upang ang anumang pagtatakang nasa isip ni Aidan ay agad na naglaho. Hinagod nito ng tingin si Danielle sa suot niyang cotton pajama. Who ever said that pajamas were unglamorous was badly misinformed. Until that moment, kung tatanungin ito, his preference in female lingerie would have been frothy silk and satin confections.

Pero noon iyon bago niya masilayan ngayon si Danielle sa suot niyang manipis at lumang pajama. Her nipples, na marahil dahil sa lamig ng gabi, thrust erotically against the fabric. Ang maliwanag na ilaw sa portico sa may likuran niya’y sapat upang maaninag nito ang bikini panties niya, it was cut high on the thigh.

Aidan felt a slow, deep pull of desire. At bago pa makakilos si Danielle ay inabot siya nito at hinapit at mariing hinagkan.

“Do you really miss me so much to have come here at this hour?” he murmured on her lips. His hands caressed her back. “You could have called me back at ako na lang sana ang nagpunta sa Santa Rosa.”

She would have been lost in his caress subalit nahimigan niya ang amusement sa tinig nito sa huling sinabi. Nasuya siya roon. Agad na itinulak palayo ang binata at nilampasan ito at tuloy-tuloy sa malaking sala.

“Don’t flatter yourself, Brave!” she said, gamit ang salitang pantukoy sa isang American Indian. “Muntik na akong mapahamak ngayong gabi!”

Nawala ang ngiti ni Aidan at sinundan siya ng tingin. May isang maliit at tuyong dahon ang nakadikit pa sa likod ng buhok ni Danielle. At marumi ang likod ng pantulog niya. Lumalim ang pagkakadikit ng mga kilay nito.

“Ano ang ibig mong sabihin? Bakit marumi ang likod mo?”