TINULUNGAN ni Sydney si Kenneth sa pagliligpit ng mga pinamili nila sa kusina. Nang magprisinta ang lalaki na magluto ng tanghalian ay hindi na siya nagprotesta pa. Siya na lang ang maghuhugas ng mga pinggan mamaya. Nakapagpalit na siya ng pambahay nang balikan niya ito sa kusina.
Naka-concentrate yata ang loko sa paghahalo ng nilulutong sinigang na baboy dahil hindi nito napansin ang kanyang paglapit. He was singing and dancing in front of the stove, rolling his belly, shaking his ass. It was hilarious. Pero masasabi ni Sydney na kaya namang sumayaw ni Kenneth, hindi rin sintunado ang boses nito.
“I can hear the sound of violins long before it begins… Makes me thrilled as only you know how. Sway me smooth, sway me now.”
Kumembot-kembot pa ang lalaki, saka biglang umikot. Muntik na nitong mabitiwan ang sandok nang makita siya. Napamura pa ito.
Napahagalpak ng tawa si Sydney. Oh, gosh. She didn’t even remember the last time she laughed out loud like this. She was laughing so hard she was even snorting. Napatakip tuloy siya ng bibig bago pa siya ang mapahiya dahil sa tawa niyang walang finesse.
“K-kanina ka pa diyan?” sita sa kanya ni Kenneth na namumula ang mukha sa kahihiyan.
“Just in time to see your hidden talent. Magaling ka palang performer, ha?” biro niya rito.
“Inaaliw ko lang ang sarili ko,” nakangiwing sagot ng lalaki.
“Sabi ko naman sa iyo, hindi mo ako kailangang ipagluto.”
“Ayos lang `yon, hindi ako sanay na walang ginagawa.”
Lumapit si Sydney sa kitchen counter. “Ako na ang magpiprito ng tilapia,” sabi niya at bago pa nakaprotesta si Kenneth ay isinalang na niya ang kawali sa kalan.
Gusto niyang magsisi sa kakulitan nang mag-umpisang tumalsik ang mantika ng piniprito. Dinig na dinig niya ang putukan kahit nakatakip ang kawali. How she hated frying food! Pero ayaw niyang mapahiya sa lalaki kaya lakas-loob pa rin siyang lumapit sa kalan. Maingat niyang binuksan ang takip ng kawali pero nang akmang babaliktarin na ang isda ay muling nagalit ang mantika. Napaatras tuloy siya nang wala sa oras.
“Ako na,” sabi ni Kenneth at inagaw ang siyanse mula sa kanya bago pa siya nakagalaw.
Walang anumang binaliktad nito ang dalawang malalaking tilapia sa kawali, saka siya nilapitan.
“Natalsikan ka ba?” masuyong tanong ng binata, may munting pag-aalala sa boses na para bang pinipilit na huwag ipahalata sa kanya. Alam yata ni Kenneth na ayaw niyang may ibang taong nag-aalala sa kanya at ayaw siya nitong magmukhang helpless o mahina.
“May tumama sa kamay ko, pero maliit lang,” sagot ni Sydney, bahagyang itinaas ang kanang palad.
Hinawakan naman iyon ng lalaki, maingat na hinaplos. “Sa susunod, ipaubaya mo na lang sa akin ang pagluluto,” sabi nito.
Wala sa loob na napatango si Sydney. Nagugulat siya sa nararamdaman nang mga sandaling iyon dahil parang hinahayaan niya ang sariling maging vulnerable habang hawak sa kamay ni Kenneth. She had never done that before. Sa lahat ng sitwasyon, siya ang laging in control.
Matamang nakatitig sa kanya ang lalaki nang tingalain niya ito. “Iyong halik kagabi, nagustuhan mo ba?” mahinang tanong nito at parang nagtatalo ang kuryosidad at pagpipigil sa mga mata.
“H-hindi ko alam, mahirap i-explain,” mahina ring sagot niya. “Siguro?”
“Sabihin mo sa akin kung ano ang naramdaman mo,” hikayat ng binata, hindi binitiwan ang kanyang palad.
Napalunok si Sydney, gustong mataranta sa gitna ng nanghihinang pakiramdam pero pinanatili niya ang composure. “I felt…” Ano nga ba ang naramdaman niya kagabi? Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang maisip na tamang salita. Gumalaw ang kanyang mga mata at napatingin sa apoy sa gas stove. “Warm. I-I guess?”
Shit! Bakit ba siya nag-i-stammer? Halik lang iyon, no big deal. Ilang beses na siyang nahalikan ni Jacob at higit pa nga sa halik. Iba ba ang dating ng halik sa kanya ni Kenneth? May ibang epekto ba iyon? And she just said “warm.” Pinag-init siya ng halik na iyon, ganoon ba?
“Kung ganoon, nasiguro na nating hindi ka nga frigid,” ani Kenneth.
Muling napalunok si Sydney nang ibalik niya ang tingin sa binata. Sinubukan niyang kaswal lang na magsalita. “Hindi naman talaga. Iba siguro ang problema ko kay Jacob.”
“Hindi ka niya kayang pag-initin?”
“I’m not sure.”
“Kung hahalikan kita uli ngayon, papayag ka ba uli?”
Kusang umawang ang bibig ni Sydney. “S-sige.”
Nagulat pa siya nang tila may nagsaya sa kanyang sikmura nang ibaba ni Kenneth ang bibig sa kanya. Did she really want him to kiss her again? Was she craving for it?
Mas mapangahas ang paghalik ngayon ni Kenneth. Mas malalim ang panunuklas nito sa kanyang bibig. She gasped when he darted his tongue inside her mouth. Saglit siyang nagdilat ng mga mata pero agad ding pumikit uli nang galugarin ng dila ng binata ang lahat ng sulok ng kanyang bibig. Parang minarkahan ni Kenneth ang loob ng bibig niya, tinikman lahat. Mapag-angkin din ang uri ng paghawak nito sa kanyang leeg, parang ayaw siyang pakawalan.
Narinig ni Sydney ang sariling ungol mula sa kanyang lalamunan. Oh, God, this kiss was delicious as hell. Kung kagabi ay parang sinasamba ni Kenneth ang kanyang bibig, ngayon naman ay inaangkin nito iyon, sinisilaban ng masarap na klase ng apoy…
She grunted when he abruptly pulled away from her. Napaangat pala ang takip ng kawali sa putukan ng mantika doon. Ni hindi niya iyon napansin, parang saglit siyang nawala sa sarili.
Umiiling na lumapit si Kenneth sa kalan, saka hininaan ang apoy. Parang nanghihina namang napaupo sa harapan ng kitchen table si Sydney.
“Ayos ka lang?” may maliit na ngiti sa mga labing tanong sa kanya ng lalaki nang balikan siya nito.
Tumango siya, itinaas ang ulo. “Yes, I’m fine.”
SA GITNA ng tahimik na pagkain nila ng tanghalian ay hindi pa rin mapakali si Kenneth. Hindi siya makapaniwalang dalawang beses na niyang nahalikan si Sydney. Parang gusto niyang magtatakbo sa labas at tumambling bigla. Napakasarap sa pakiramdam ng malambot at matamis na bibig ng babae. Para siyang nakatikim ng isang prutas na hindi maipaliwanag ang lasa. Kakaibang sarap. Nakakalulong.
Ilang beses binabalik-balikan kagabi ni Kenneth ang unang paghalik niya kay Sydney, naglumikot ang kanyang imahinasyon at nag-isip pa ng mas mainit na eksena. How would it feel like having his cock inside her moist mouth? Yes, he would want to fuck her in the mouth until he—
Pinigil ni Kenneth ang mapamura. Nasa harap sila ng pagkain at kung ano-anong kahalayan ang tumatakbo sa kanyang isip. Sex deprivation na nga siguro ang nangyayari sa kanya. Sawa na si Junior sa kanyang mga palad. Kailangan na nito ng tunay na aksiyon dahil kating-kati nang magpakitang gilas.
Wala sa sariling napabuga ng hangin si Kenneth, iniwasang tumingin kay Sydney na parang kanina pa siya ine-examine. Hindi niya alam ang tumatakbo sa isip ng babae. Kakaiba nga itong nilalang. Parang galing ibang planeta.
“Kenneth,” tawag sa kanya ni Sydney na nagpaangat ng kanyang ulo mula sa kinakain.
Sinalubong niya ang nanunuring tingin nito. “Yes?”
“Nagustuhan ko ang halik mo kanina,” walang gatol na sabi nito.
Ano ang sasabihin niya? “Salamat.” Kailangan bang magpasalamat sa compliment na ganoon?
Tumikhim ang dalaga. “I have a question. Gusto ko ng matapat na sagot.”
“Okay.”
“Are you good in sex?”
Muntik nang mabuwal si Kenneth mula sa kinauupuan. Wala pang taong nagtanong niyon sa kanya, lalo pa’t babae! Ano ang isasagot niya kay Sydney?
“You don’t have to answer it if you don’t want to,” parang nadismayang sabi nito nang hindi siya agad nakapagsalita.
Mabilis siyang sumagot bago pa bumalik sa pagkain ang atensiyon ni Sydney. “Sa tingin ko… oo, magaling ako,” aniya na hinaluan ng pagyayabang. Minsan lang may magtanong sa kanya ng ganoon, dapat lang na maganda ang sagot niya. At iyon naman ang totoo. Wala pang babae ang hindi nasiyahan sa kakayahan niya sa kama. In fact, they kept begging him for more.
Tumaas ang isang kilay ni Sydney. “Really, huh?”
Hinahamon ba siya nito? Aba, hindi siya uurong. Bring it on! Kahit doon mismo sa dining room, doon mismo sa mesa. He would prefer eating this woman than any other food on this damned planet anyway. Hindi niya pagsasawaan si Sydney kahit kailan. Kaya sige, kainan na. Ngayon na!
“Oo, gusto mo ba akong subukan?” lakas-loob na tanong ni Kenneth sa babae.
Napangiti siya nang matigilan ito sa kanyang sinabi.
“Your guts always amaze me,” nakangiting sabi ni Sydney mayamaya. “I like that. You’re really a perfect choice for this. Nakipag-sex ka na ba sa isang virgin?”
“Oo,” sagot ni Kenneth.
Tanda niyang may dalawang babaeng birhen siyang nakatalik. Kung sa preference lang ni Kenneth, hanggang maaari ay ayaw niyang makipag-sex sa virgin pa. Pero nalinlang siya ng isa, hindi niya inakalang birhen pa ito hanggang sa mapasok niya. The other one was Lenita, and she was different. He adored her, and he wanted her, too.
“Para saan ang usapang ito?” naiinip na tanong ni Kenneth, mahigpit ang hawak sa kutsara’t tinidor.
Could it be that soon, he wouldn’t be needing these silverwares to eat? Sa naiisip na kakainin ay hindi na rin niya kakailanganin ang kamay. Just his mouth, right to her lovely cunt. Oh, shit. Of course he would need his fingers to spread those pussy lips. Kumakabog na tuloy ang dibdib niya sa sobrang excitement.
Kaswal na sinabi ni Sydney ang kagustuhan. “I want you to help me discover my own sensuality, Kenneth.”
Lumapad ang kanyang ngiti. Humahanga talaga siya sa pagkakalmado ng babae sa gitna ng usapan, ni hindi nagbago ang tono ng boses nito. Parang nag-aalok lang ng tungkol sa negosyo.
“I know I’m not frigid, ang ibig kong sabihin—”
“Gusto mong matuto sa sex, maglabas ng init sa katawan?”
Mabilis na kumurap-kurap si Sydney, parang pinipilit ibalik ang saglit na nawalang pagkakalma. “Exactly.”
“Sigurado ka ba sa iniisip mo?” hindi niya napigilan itanong.
Lalaki man si Kenneth, ayaw niyang magsamantala ng pagkakataon. Baka nawawala lang si Sydney sa sarili at hindi alam ang pinagsasasabi. Pero gago ba siya? Sa maikling panahong pagkakakilala niya sa babae ay masasabi niyang hindi ito ang uri ng babaeng basta na lang nawawala sa sarili. She could be impulsive sometimes but her actions were all calculated. Alam nito ang ginagawa.
“I want to learn about sex with you, to experience it for the first time. Sabihin mo lang kung ayaw mo, hindi ako mahirap kausap.”
Parang gustong malula ni Kenneth sa takbo ng usapan. May isang maladiyosa sa kagandahang babae, birhen pa… na heto’t nakikipagkasundo sa kanyang buhayin ang sensuwalidad nito sa katawan. Parang nahihilo na siya sa dami ng maiinit na eksenang naglalaro sa kanyang isip.
Mamamatay na muna siya bago siya tumanggi!
I WANT this, ilang beses na sabi ni Sydney sa isip habang nagpapalit ng pantulog nang gabing iyon. Nagkasundo sila ni Kenneth na magkikita sa library mamaya. Of all freaking places in this house, yes, they agreed to meet each other in the library.
She was calm and cool about this, right? Damn fucking right.
Gagawin niya iyon at hindi siya uurong. She would discover the art of sex, she would bring her sensuality to life with the help of Kenneth. May ginising na munting init ang klase ng paghalik nito sa kanya at gusto niya ang init na iyon. Gusto pang alamin ni Sydney kung hanggang saan ang mararamdaman ng kanyang katawan.
Isa pa, aminadong may pagnanasa sa kanya si Kenneth pero hindi siya sinasamantala, may kontrol ito sa sarili. Tama lang na ang lalaki ang kasunduin niya sa balak.
“Shit,” mariing mura ni Sydney nang madiskubreng wala siyang dalang pantulog na sexy ang dating. Pulos pajama lang.
Why would she wear sleeping clothes, anyway? Duh. Mamaya pa naman siya matutulog, may gagawin pa siyang iba.
Isang maikling red floral summer dress na labas ang likod at halter-top ang napiling isuot ni Sydney. She was braless and she decided to wear her red thongs. Suot ang kanyang puting Havaianas flipflops ay tinungo niya ang library. Huminga siya nang malalim nang pihitin ang seradura ng pinto at pinilit ngumiti nang makita si Kenneth sa loob.
Nakasuot ito ng puting T-shirt at itim na mesh shorts; itim na gomang tsinelas ang sapin sa mga paa.
He’s very clean, she thought as she smelled the fresh soapy scent from him. She also checked his toenails. The nails are clean and his feet are very… long.
Limang araw na mula nang magkasundo silang gawin iyon. Binigyan siya ng limang araw ni Kenneth para daw makapaghanda at makapag-isip nang mabuti. Hindi tumanggi si Sydney sa palugid na iyon dahil kinailangan niya ng sapat na panahon para i-relax ang sarili. She would not be engaging in sex as a nervous wreck. Ayaw niyang masira ang eksena.
Sa loob ng limang araw na iyon ay halos hindi sila nagkita ni Kenneth. Magkahiwalay silang kumakain, at sa kuwarto naman siya naglalagi. She watched more porn videos and read some short erotic stories online for pointers.
“Hi,” bati ni Sydney sa lalaking nakasandal ng tayo sa study table. Naging tunay ang kanyang pilit na ngiti nang makitang Kama Sutra ang hawak nitong libro. Ano, naghahanap din kaya ito ng pointers doon? Ah, what was she thinking? Kenneth seemed to be well-experienced in sex, hindi na nito kailangan ng pointers.
“Akala ko nagbago na ang isip mo,” natutuwang sabi naman nito.
Naglakad si Sydney palapit sa lalaki. “Hindi ako basta-basta umuurong, Kenneth.” She rested her hands on her narrow waist and looked around as if she had never been in that room. “So, bakit dito tayo sa library?” usisa niya.
Ibinaba nito ang libro. “Gusto kong mag-relax ka muna. Kung sa kama kita dadalhin agad ay baka mataranta ka.”
“You’re underestimating me,” umiiling na sabi ni Sydney.
“It doesn’t mean it’s a bad thing, Sydney. Normal lang na mataranta ka sa una,” paliwanag naman nito.
“Hmm, hindi naman ako nataranta noong ang ex ko ang—”
“Hindi ako si Jacob,” mabilis na putol ni Kenneth sa sasabihin niya. “Kailangan mo `yang isiping lagi na hindi pare-pareho ang mga lalaki. Siguradong iba ang mararanasan mo galing sa akin.”
Nagtaas siya ng isang kamay. “Okay.” Argh! Bakit ba siya nagpapatalo sa diskusyon sa lalaking ito? “Fine. Ano’ng unang gagawin natin?”
Mahinang tumawa si Kenneth, naaaliw yata sa kanya. Mayamaya ay naglakad ito palayo sa mesa. “Alam mo, ang susi sa pagdiskubre ng sariling sensuwalidad, hindi hinahanap sa ibang tao. Kailangan mo munang hanapin iyon sa sarili mo,” sabi nito, seryosong-seryosong umupo sa reclining chair.
Kumunot ang noo ni Sydney sa narinig. “W-what do you mean?” nalilitong tanong niya.
“Do you masturbate?”
“Why you— W-what the hell, Kenneth?!” bulalas niya.
“Relax,” pagpapakalma sa kanya ng binata. “Sagutin mo ang tanong,” maawtoridad pang sabi nito. “Gusto kong malaman.”
This is so awkward.
“Hindi na tayo mga bata pa para maasiwa sa mga bagay na ganito,” sabi pa nito, humalukipkip. “Kung hindi mo pa nararanasang mag-masturbate ay umpisahan mo nang aralin ngayon. Kailangan mong tuklasin kung ano ang gusto ng katawan mo.”
“I-I do masturbate,” pag-amin ni Sydney. “Not just very often, all right?” Tama nga ang mokong, hindi na siya dapat pang mahiya. At siya pa ba ang mahihiya ngayon? Siya nga itong nag-offer na diskubrehin ang sex sa tulong ng lalaki.
“Good. Paano mo ginagawa?”
She scoffed at him. “Bakit kailangan mo pang malaman?!”
“Curious lang ako.”
Sydney grunted. Ano ba itong napasukan niya? But, then again, she wouldn’t be chickening out. Wala pa siyang pinasok na sitwasyong hindi napapanindigan.
Siya naman ang sumandal sa study table. “Well, I rub and rub my clitoris `til I come.” She couldn’t believe she just said that!
“May iniisip ka bang mga eksena sa utak mo habang ginagawa mo `yan?”
“W-wala.”
“Wala?”
“It just… it feels kind of awkward, you know? I guess you won’t understand because you’re a guy. Pero sa mga babae—at least sa akin, hindi basta-bastang mag-isip na may ka-sex akong lalaki.”
Tumango-tango si Kenneth. “Okay. Naiintindihan ko. Kailan mo huling ginawa?”
Napahinga si Sydney nang malalim. “I honestly don’t remember. I told you already, hindi ko madalas gawin iyon. Okupado lagi ng ibang mga bagay ang utak ko, okay?”
“Sa palagay mo, marumi ba ang sex?”
Bakit ba ang daming tanong ng lalaking ito?
“No. At hindi `yan ang dahilan ng problema sa sex life ko, okay?”
Humaplos si Kenneth sa baba. He reminded her of young Obi-Wan Kenobi. “Marami ka lang iniisip na iba?”
Natigilan saglit si Syndey sa sinabi nito. “You might be right,” mayamaya ay sabi niya, parang may bombilyang umilaw sa kanyang ulo. “`Yan siguro ang ugat ng problema, hindi ako makapag-focus.”
Tumayo si Kenneth at lumapit sa kanya. “Umpisahan na natin.”