“KUMUSTA na si Puday ?”
Natawa’t napailing si Sydney sa bungad sa kanya ni Andrew nang tumawag ito mula sa Nevada.
“Wala ka na bang ibang kinukumusta sa akin kundi `yan?” pabirong angil niya sa kaibigang tatlong taon na rin sa Amerika. Kasal na ito sa isang French-American na nagmamay-ari ng isang boutique sa Las Vegas.
“I’m just worried about you, Sydney, you know that. Ikaw na lang ang walang dyowa sa ating magkakaibigan.”
Iritable siyang napabuntong-hininga. “Alam mong hindi `yan ang kailangan ko ngayon, Drew.”
“Same problem pa rin ba?” pangungumusta nito sa panguhaning problema niya ng ilang taon na.
“Getting worse. Napakalaking pera ang nawala sa kompanya dahil sa tatlong magkasunod na aksidente last year. Wala kaming laban sa korte. Positive sa drugs ang tatlong driver.”
Gusto niyang mapasuntok sa mesa. Mahigpit na ipinagbabawal sa mga bus driver ng LVT ang paggamit ng droga. Mayroon silang yearly screening para sa drug use pero may mga nakalusot pala. Ang resulta ng imbestigasyon ay nagkaroon daw ng lagayan sa human resources department ng LVT. Hindi gustong isipin ni Sydney na overworked ang mga driver na nagtulak sa mga itong gumamit ng droga para manatiling gising sa pagmamaneho. She had made sure of not overworking her employees even if the company was going down the drain.
These past few years have been a hell for the company. Hindi rin nakatulong na umalis si Jacob at pinalitan sa puwesto ng tamad at incompetent nitong kapatid na si Daniel. That bastard Jacob. Napakayabang na pinagsalitaan siya noon ng tungkol sa pagbibigay ng importansiya sa negosyo pero nang makahanap ng mayamang babaeng fashion designer sa Barcelona ay agad itong lumayas sa Pilipinas.
And to make matters worse, nagpasya na ang pamilya ni Jacob na ibenta ang share ng mga ito sa LVT. Mapipilitan din si Sydney na ibenta pa sa bumibili niyon ang twenty percent. Oo, hindi na magiging kanya ang kalahati ng LVT at kailangan niyang tanggapin iyon para maisalba ang kompanya.
“I’m sorry to hear that, Syd. Pero hindi bale. Magaling naman sa negosyo `yong bibili, `di ba? Malay mo matutulungan ka niyang ibangon muli ang LVT?”
“Iyan din ang inaasahan kong mangyari. Sana nga, dahil hindi ko matatanggap na hinayaan kong bumagsak ang kompanyang itinatag pa ng lolo’t lola ko.”
“Honey, don’t blame yourself. Ginawa mo lahat ng makakaya mo para itaguyod ang LVT, I was a witness to that. For God’s sake, halos hindi ka na nga natutulog dahil sa trabaho. Oh, your poor puday ! Nilulumot na `yan, sigurado. Kailan pa `yong last na nakipag-sex ka? Ten years ago? Oh-em-geeeh , more than ten years na pala! Ganoon na pala katagal! Mahigit isang dekada ka nang walang sex life, Sydney Vida. Baka nagsara na si Puday , nagretiro na nang hindi natin nalalaman!”
Natawa na naman siya. “Balik na naman tayo kay Puday ? Hayaan mo na nga `yan. That’s the least of my concern now, I told you.”
“At least makipag-date ka naman. Sayang `yong guwapong lawyer na gusto kang i-date, ni-reject mo agad. Hay, naku. Akala ko ba ayaw mong tumandang-dalaga? Sino ang magmamana sa LVT kung wala kang anak?”
Natahimik si Sydney. Matagal na rin pala niyang hindi iniisip ang bagay na iyon. “Hindi ko muna `yan poproblemahin. Alam mo naman ang nangyari noong nagbalak akong pumili ng mapapangasawa, hindi ba? Basta, bahala na. Ayoko nang magplano para sa sarili ko, Drew. Ayoko ring matulad sa parents ko na nagkaroon lang ng anak para may magmamana sa kanilang negosyo.”
Natahimik si Andrew. Naaawa siguro ito sa kanya pero ayaw lang sabihin dahil alam ng kaibigan na hindi niya gustong kinaaawaan.
“Anyway, kumusta ka na?” usisa ni Sydney.
“Heto, happily married pa rin.” Halatang-halata sa boses nito ang kaligayahan. “Tinawagan pala kita para ipaalam na magiging parents na kami ni Jacques. Successful ang pregnancy ng pinagbigyan niya ng kanyang sperm. Six weeks pregnant na!”
“Gosh, Andrew! I’m so happy for you!” bulalas ni Sydney na napatayo pa mula sa swivel chair sa kanyang opisina sa LVT.
“Sana nandito ka for the baby shower. Or kahit na after maipanganak `yong baby. I miss you, friend. Tagal na nating hindi nagkita. Mahigit two years na noong nagpunta ka dito.”
She sighed. “Titingnan ko muna, kapag naayos na ang mga problema dito siguro. Bakit hindi na lang kasi kayo ang umuwi dito, `no?”
“Alam mo namang ayaw ko na sa Pilipinas. Wala na akong babalikan diyan. Lahat ng pamilya ko ay nagsilayasan na rin sa ibang lupain. Seriously, Syd. You need to unwind. Magwala uli tayo sa Strip. This time ay hindi na `ko papayag na hindi ka makikipag-date sa mga kakilala kong hotties dito. You seriously need to get laid, girl!”
“Loka ka talaga. Titingnan ko muna, okay? No promises.”
“You mean, titingnan mo kung kaya mo nang makipag-sex uli?”
Napahalakhak siya.
“Fine, fine. I will pay for your plane ticket. Pero hindi first class, ha? Business class na lang.”
Napangiti si Sydney sa generosity ng kaibigan. Parang kailan lang iyong siya ang palaging nagbibigay rito. Tatlong taon nang cost-cutting ang LVT. Noong nagdaang taon ay personal na niyang pera ang kanyang ginamit para mabigyan lang ng Christmas bonus ang mga empleyado.
“Thank you, Drew, but you don’t need to do that, okay? Basta maayos lang ang ilang problema ng kompanya ay lilipad ako papunta diyan.”
“Hmp. Bahala ka. Basta `andito ka for our baby. O siya, hindi na kita chichikahin pa. Umuwi ka na! Tama na ang trabaho, uy. Madaling-araw na diyan.”
“Heto nga, pauwi na. Sige, `bye na.”
“Syd, wait!”
“What?”
“I sent you a dildo thru FedEx. In three days’ time ay darating na `yon diyan.”
“Oh, my God, Andrew! Baliw ka talaga.”
“Extra large at may vibrator. Para hindi na lonely si Puday na finger mo lang ang—”
Pinindot na niya ang end call button.
“WHY ARE you here? Nasaan si Danny?” sita kay Kenneth ni Greg nang sunduin niya ito sa Manila Polo Club.
Ini-start na niya ang kulay-asul na Audi Q7. “Maysakit siya ngayon kaya ako na ang pumalit.”
“Naniwala ka naman? Baka nakipag-date na naman ang batang `yon.”
“Saan tayo?” tanong niya na lang. Tiyak na mahabang diskusyon na naman kung ipagtatanggol pa niya si Danny na isang buwan palang na personal driver ng kanyang amo. Walang tumatagal na driver dito dahil sa mahigpit at mapangmando nitong pag-uugali.
“Sofitel.”
“Meeting someone?”
“Yup. A girl.”
“How old is this girl?”
Tumawa si Greg. “None of your business. It’s not like I’m dating minors. Ikaw, kailan ka hahanap ng girlfriend?”
“Wala akong mahanap.”
“Dahil ayaw mong maghanap.”
Bumuntong-hininga si Kenneth. Pakialamero talaga sa buhay niya si Greg.
Nakilala niya si Gregory Smith maraming taon na ang lumipas. Nag-apply siyang driver at siya lamang ang nakatagal dito. Sabi nila ay dahil malakas ang loob niyang makipag-argumento kay Greg kung alam niyang nasa katwiran siya. Tumitiklop naman sa kanya ang matanda kung alam nitong mali ito.
“Pagtatalunan na naman ba natin ito?”
“How about Arianne? Halata namang may gusto sa iyo `yon, ayaw mo pang i-date.”
“She’s only twenty-four, Greg.”
Si Arianne ay anak ng kaibigan at business partner ni Greg. Katatawag lang ng babae sa kanya kahapon, tinanggihan niya ang paanyaya nitong manood sila ng sine.
Humalakhak ang amo. “She’s an adult! Kung magsalita ka ay parang minor lang siya.”
“Magti-thirty-eight na ako ngayong taon, wala akong panahon para makipag-date sa mga babaeng nakikinig pa ng mga kanta ni Justin Bieber. I can’t stand them.”
“Here you are again, talking like a fifty-year-old man. Ang mga babaeng kaedad mo ay madalas taken nang lahat. O kaya ako ang idine-date nila.”
Napailing si Kenneth. “Para mo na silang mga anak.”
“Hey, hey now! Halos nineteen years lang ang tanda ko sa iyo, nakalimutan mo na ba?”
Ngumisi siya. “Puwede pa rin kitang maging tatay sa edad mo.”
“Kuya. Puwedeng Kuya, ” nakasimangot na gagad ni Greg. Pero ayaw naman nitong magpatawag ng “kuya” sa kanya. “Saka sino naman ang mag-aakalang mag-ama tayo? Mukha lang akong nasa forties,” pagmamayabang pa nito.
“Oo na.”
Sensitibo talaga si Greg kapag edad na ang napag-uusapan. Matandang-binata ang singkuwenta’y singko anyos na negosyante. Fil-Am ito na mas piniling manatili sa Pilipinas at mag-invest sa iba’t ibang negosyo.
Driver si Kenneth ni Greg noon nang makitaan siya nito ng interes sa pag-aaral, at nadiskubre ng matanda na matalino siya tuwing nakakausap siya nito. Hanggang sa ginawa siyang part-time associate ng executive assistant ng amo habang pinag-aaral siya sa kolehiyo. Pinalitan ni Kenneth sa puwesto ang executive assistant paglaon. Matapos ang dalawang taon ay siya na ang nahirang na financial manager ng kompanya. May kontrol siya sa pera ni Greg at halos siya na rin ang tumatayong office manager dahil madalang kung magpunta ito sa opisina.
“Huwag mong sabihing umaasa ka pa ring magkakabalikan kayo ni Paula?” pagbabalik uli nito sa usapang babae.
“Matagal na kaming hindi nagkita. Huling balita ko ay nag-asawa na siya ng Canadian.”
Mahigit dalawang buwan silang nag-live in noon ni Paula at minsang nakilala na ito ni Greg. Nakipaghiwalay ang babae sa kanya nang makahanap ng Canadian sa isang online dating site.
“Good. Sinabi ko nang hindi ko siya gusto para sa iyo noon.”
“Hayan ka na naman, daig mo pa ang isang ama kung makialam sa buhay ko.”
“Because I know women!” pagmamalaki ni Greg. “Unang kita ko pa lang noon kay Paula ay alam ko nang bad news siya.”
“You know women and yet you’re still single up to now.”
“Well, naikuwento ko na sa iyo ang buhay ko.”
Greg was a worldly man and was obsessed with getting rich. Sa palagay naman ni Kenneth ay factor siguro ang hindi nito pagkakaroon ng buong pamilya. Ulila sa ina si Greg at hindi nasilayan ang Amerikanong ama na maraming mga babae sa iba’t ibang panig ng mundo. Nang namatay ang ama na nagmamay-ari ng malaking shipping company sa Estados Unidos ay hinati-hati nito sa labintatlong anak sa iba’t ibang babae ang kita ng kompanya.
“I don’t want you to end up like me, Ken. You need to settle down. Find the right girl to marry. Give me some grandkids, for God’s sake.”
“Grandkids? Kasasabi mo lang na ayaw mong napagkakamalan tayong mag-ama,” natatawang sabi ni Kenneth.
“Whatever, basta mag-asawa ka na.”
“Mag-asawa ka muna. Ayokong unahan ka.”
“Hindi na ako mag-aasawa. Huwag ka ngang makulit! Ano pa ba ang inaalala mo? You got money now, a house, two cars. `Yong tamad mong kapatid ay sustentado mo. You need to think about yourself now. It’s about time. Already a little late, if you ask me.”
“I’m fine with my life. Don’t worry about me, okay?”
“Hindi mo ako mapipigilang mag-alala sa iyo. Puro na lang pagpapalago sa kayamanan ko ang inaatupag mo. Puro pera na lang ang nasa isip mo. You don’t have a social life, you’re becoming detached, you don’t even date a girl twice.”
Hindi siya nagsalita. Hindi siya aware na nagiging detached na nga siya, pero ano ang magagawa niya kung hindi naman siya nakakakilala ng mga babaeng pupuwede niyang maging nobya? He didn’t like women nowadays. They were just too… Girly? Maarte, clingy, nagger, addict sa social media.
Ano ang gagawin ni Kenneth sa ganoong klaseng babae? Sa kama lamang niya nakakasundo ang mga iyon. Hanggang doon lang. At nagsasawa na siya sa pulos one-night stand. Pati pagka-clubbing ay kinatatamaran na rin niya. Junior was getting lonelier and lonelier.
“Kumusta `yong business meeting mo kahapon?” pagbabago ni Kenneth ng usapan.
“It went well. Binili ko ang kalahati ng kompanya.”
“Kalahati?” Napasipol siya. “What made you do that? Thirty percent lang ang pinakamalaki mong pag-aari sa mga ibang kompanya.”
Greg had been so vague about this whole new business deal. Ayaw nitong sabihin ang detalye sa kanya. Wala siyang ideya kung anong klaseng negosyo iyon. Hindi na siya nanghimasok pa’t magsabi ng opinyon. Matagal nang namumuhunan si Greg at alam nito ang ginagawa.
“At gusto kong magkaroon ka ng puwesto sa kompanyang ito, Kenneth. You’ll be the vice president.”
“W-what? Teka nga muna… Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin `yan? Paano na ang posisyon ko—”
“Ako na uli ang bahala sa aspetong `yan. You’d be my financial analyst now. Walang mababago sa sahod mo galing sa akin. But I want you to run this company with the owner and fix everything that is wrong with it.”
“I don’t understand. May problema ka ba sa trabaho ko?”
“No, no. I just think this is really you what have been wanting.”
“I have been wanting? Teka, anong kompanya ba ito?” Masama na ang kanyang kutob.
Sa narinig niyang sagot ni Greg ay napadiin ang tapak ni Kenneth sa accelerator.
“Are you fucking nuts? Ayoko pang mamatay, gago ka!” bulalas nito.
Napahampas sa manibela si Kenneth, saka ibinalik sa dati ang bilis ng kotse. “You old bastard,” gigil niyang usal.
BAKIT ba ako natataranta? tanong ni Sydney sa sarili habang hinihintay sa opisina ang taong pinapunta roon ng nakabili ng kalahati ng LVT. That person was going to be the Vice President of La Vida Transit. Magkakaroon ng reshuffling sa kompanya, ang titulo niyang General Manager ay magiging President na.
Sa ngayon ay iisang tao pa lang naman ang ipapasok doon ng kanyang bagong business partner. Wala naman dapat ipangamba dahil marami itong magagandang plano. Wala pa siyang kakayahan na maglabas ng malaking puhunan para makabangon ang La Vida Transit.
I don’t even know his or her name, usal uli ni Sydney sa loob-loob. At bakit hindi man lang sinabi sa kanya ang pangalan ng taong hinihintay ngayon? At hindi na rin niya natanong. She was just being overwhelmed that somebody was willing to help her save LVT.
Ten thirty na nang tumawag ang kanyang secretary at sinabing naroroon na ang kanyang ka-business meeting. Sinabi niyang papasukin na ito sa opisina.
Tumayo si Sydney para salubungin ang panauhin. Pero ang kanyang mga hakbang ay hindi na nakalayo mula sa mesa nang bumukas ang pinto.
Iniluwa niyon ang isang matangkad at matipunong lalaki na matikas na naglakad papasok. He was wearing a sleek dark gray business suit that looked expensive and made the wearer look powerful and dominating. And sexy.
And that face…
No, no!
She blinked countlessly.
What the hell? Paanong— Hindi maaaring magkamali si Sydney sa ilang ulit na pagkurap. Kilala niya ang lalaking pinapasok ng sekretarya sa kanyang opisina. Kilalang-kilala.
Matipid na ngumiti ang panauhin. “Hello, Sydney.”