ANG BOSES na iyon ay hindi maaaring maipagkamali ni Sydney. Kay Kenneth Nikolas iyon. Naging mas malalim at matiim lamang ang tono. Yes, that same Kenneth that she met in Sta. Barbara almost twelve years ago. That same Kenneth who popped her cherry and broke her heart.
“H-hello,” halos magkandapiyok-piyok na bati niya pabalik sa lalaki. At ano ang nangyayari sa kanyang dibdib? Bakit parang dumadagundong iyon?
“Kumusta ka na?” tanong pa ni Kenneth.
Sydney was shocked and confused. Ano ang ginagawa ng lalaki sa opisina niya? Diyata’t ito ang taong tinutukoy ni Mr. Smith na ka-meeting niya ngayon? At bakit sobrang guwapo na nito? What happened to him? He looked incredibly gorgeous and sexy. Overwhelmingly male. Gone was his boy-next-door look. Ang nasa harap niya ngayon ay isang lalaking mukhang maraming giyera na ang nasabak, maraming babae ang naikama, maraming sekreto.
Napapanganga tuloy si Sydney.
“You’re the vice president,” wala sa loob na naiusal niya.
“Yes.”
Parang bigla yatang nanghina si Sydney. Kakapit sana siya sa mesa na nasa likuran pero nagkamali siya ng tantiya, hindi niya iyon nahawakan. Nag-shift patalikod ang bigat ng katawan niya at mawawalan sana ng balanse kundi lang maagap na naalalayan ni Kenneth.
“Are you okay?”
Naghinang ang kanilang mga mata at parang nahalo yata ang loob ng kanyang tiyan. It was really Kenneth. And he was holding her in his strong arms.
Si Sydney ang unang nagbawi ng tingin, saka napahawak sa noo. “Is this a joke?” hindi pa rin makapaniwalang tanong niya. At hindi makapaniwalang naisatinig ang dapat ay binibigkas lang sa loob-loob. Fuck. Nagugulo ang sistema niya!
“I work for Mr. Gregory Smith. Alam kong hindi niya sinabi sa iyo ang tungkol sa akin. Wala rin akong alam tungkol dito hanggang noong isang araw lang,” paliwanag naman ni Kenneth. “I’m sorry.”
Pinilit ni Sydney na ikampante ang sarili. “You can let go of me now, Mr. Nikolas,” mahina pero mariin niyang sabi, sabay hila ng braso na hawak ng lalaki. Marahang iwinaksi rin niya ang kamay nito sa kanyang baywang.
She stepped twice away from him, almost gasping for air. Was it the electrifying effect of his touch that she was desperately trying to avoid? Or, shit. Who was she kidding? Just the mere presence of this man in front of her was already enough to stir her up.
May sumisilakbo sa kalooban ni Sydney pero kailangan niyang panatiliin ang composure. Naririto ngayon si Kenneth dahil sa negosyo, iyon ang dapat niyang itatak sa kanyang kukote. Kailangan niyang magpaka-professional.
“Can we talk about this over early lunch?” pakiusap ng lalaki.
“Okay,” pagpayag niya, itinuwid ang tayo at itinaas ang noo. “If you’ll excuse me for a while, aayusin ko lang ang sarili ko sa rest room.”
Aayusin?! tili ni Sydney sa isip nang makapasok sa sariling banyo sa kanyang opisina. Wala siyang dala sa bag kundi lip gloss at face powder. Matagal nang panahong na hindi siya nagme-makeup dahil palaging naghahabol sa oras. Pati ang kanyang buhok na dating lampas-balikat ay pinagupit na niya nang maikli dahil nakakapaguran na ring ayusin. Maraming taon na wash and wear na lang ang buhok niya.
And, good Lord. Her horrid outfit! Maluwang na itim na dress pants at light yellow blouse na may three-fourth sleeves. Maluwang! Dahil palaging nagbababad sa trabaho ay gusto niyang maging komportable kaya matagal nang pulos mga baggy ang business suits niya. Ni hindi na alam ni Sydney kung kailan siya huling nagsuot ng high heels. Wala na siyang pakialam kung magmukha mang manang o baduy. Being the hot and sexy lady boss had already taken the backseat many years ago. She was even wearing granny panties now.
Magmumukha siyang old maid na sekretarya ni Kenneth sa lakad nilang ito.
But why must she feel self-conscious right now? Hindi ba’t matagal na niyang ibinaon ang vanity at pulos negosyo na lang ang iisipin?
Sydney rummaged through her bag, hoping to find something. A miracle, perhaps. Nakalkal naman niya ang MAC Diva lipstick na matagal nang hindi nagagamit. Wala nang pakialam kung expired na ang lipstick, dali-daling ipinahid iyon sa mga labi, saka nagpulbo.
Walang imikan na lumabas sila ng opisina at tinungo ang nakaparadang kotse ni Kenneth sa parking lobby ng mataas na building sa Makati kung saan umuupa ng office space ang LVT.
A red Chevy Camaro. Must be a company car, she thought. Or he must be making good amount of money to be able to afford it.
Base sa alam ni Sydney na record ni Gregory Smith ay marami itong shares sa iba’t ibang negosyo sa Pilipinas kaya tiwala siyang maging kasosyo ito sa negosyo. Mataas siguro ang posisyon ni Kenneth sa holding company ng matanda.
Napakabango sa loob ng kotse. At hindi niya mapigilan na isipin kung ilang babae na ba ang naisakay roon ni Kenneth. O kung may asawa na pala ito. Napakatagal nang panahon ang lumipas mula nang maghiwalay sila ng landas. Hindi nalalayong may asawa’t mga anak na ang lalaki. Or just a hot, young wife.
Pasimpleng tiningnan ni Sydney ang dalawang kamay ni Kenneth na nasa manibela at walang nakitang singsing sa left ring finger nito.
He’s still single?
ISANG mahabang tili ang narinig ni Sydney mula sa Skype nang ibalita niya kay Andrew ang tungkol kay Kenneth.
Sapo-sapo niya ang noo. “I wasn’t prepared. Gosh, kung alam ko lang…”
“Nagpaganda ka sana?” tudyo ng kaibigan.
“Yes!” pag-amin ni Sydney, sabay tapik sa noo. “My God, Andrew! Halatang pinaghandaan ng mokong na `yon ang pagkikita namin. Samantalang ako… Argh!”
“Mukhang magsisimba o a-attend ng prayer meeting?” Humalakhak si Andrew. “Mukhang baduy na Math teacher? Tigang na librarian?”
Inirapan niya si Andrew. “Andrew, nakakarami ka na, ha?”
“What, totoo naman, ah! Sinabi ko na sa iyo `yan noon pa, hindi ka nakinig. You let yourself fall into the dreadful pit of kalosyangan.”
“Alam mo naman ang dahilan, `di ba?”
Nang umalis ng bansa si Andrew ay hindi na kumuha ng kapalit si Sydney dahil nasasayangan lang siya sa magiging suweldo, isa pa ay may sekretarya naman siya. Pero nagpatong-patong na ang kanyang trabaho mula noon na kahit magkamot ng likod ay halos hindi na niya magawa.
“Hindi dahilan ang maraming trabaho para magmukha kang unattractive, ano? Always find time to dress up. Saka mag-makeup ka! Negosyante ka lang, Syd, hindi ka—”
“Nanay ng tatlong pares ng triplets at may asawang batugan at lasenggo,” pagpapatuloy ni Sydney sa litanya ng kaibigan. “Hanggang kailan mo sasabihin sa akin `yan, loka ka?”
“Hangga’t hindi ka nagpapaganda. C’mon, I want to see my old friend again, the one who wore those sexy Pepper Potts office outfits and walked with those killer stilletos. Or, gosh, since business casual naman ang dress code sa LVT, magsuot ka ng mga mini dress!”
“Diyos ko, baka hindi na ako makahinga at matapilok na ako kapag nagsuot ako ng mga `yon.”
“Gaga! Kung magsalita naman ito akala mo tumaba. Look at you. Twenty-four inches pa rin ang baywang! At ang ganda mo pa rin, `no? Halos wala ka ngang wrinkles. Buwisit, nakakainggit. Do you know how many women are willing to kill just to have a face and body like yours?”
Thank God for her good genes. People in her family seemed to age so well. But not as well as Kenneth though. That bastard had aged to perfection like fine wine. Nakadagdag sa kaguwapuhan ng lalaki ang pagiging matured ng mukha, mas naging prominente ang bone structure. Naging mas chiseled ang panga, lalaking-lalaki ang dating. And his eyes… Heaven help her. Mas nakakalunod nang tumingin ang mga iyon. He was emanating with so much confidence and allure, he could devour your soul with his mere eyes.
Hindi si Sydney ang babaeng madaling nababali ang composure, kaya niyang dalhin ang sarili sa kahit na sino. Pero kaninang kumakain at nag-uusap sila ni Kenneth ay daig pa niya ang isang mabuway na puno sa gitna ng bagyo.
Pawang tungkol lang sa LVT ang naging usapan nila, halatang pinipigil na ungkatin pa ang tungkol sa kanilang nakaraan. What for, right? Matagal nang nangyari iyon at naririto na sila ngayon bilang magkatrabaho.
Kung makakaya nga ni Sydney na maging katrabaho ang lalaking nag-iwan sa kanya ng maraming alaala.
“Nakakainis! Kung sana tumaba siya at napanot, eh, di mas madali kong nadala ang sarili ko sa harap niya,” pagmamarakulyo ni Sydney.
“Uy, affected pa rin? Akala ko ba naka-move on ka na?”
“`Itsura ang pinag-uusapan dito. Hindi ko lang matanggap na naging mas guwapo at macho ngayon ang mokong na `yon.”
“Weeeh! Iba ang tono ng boses mo, eh,” taas-baba ang isang kilay na tudyo ni Andrew. “Nalalasahan ko ang pait.”
Muli niyang inirapan ang kaibigan. “Andrew, ha? You’re not helping at all.”
“Dali na kasi, punta ka na sa salon at magpa-makeover. `Yang buhok mo, `day, walang kabuhay-buhay kagaya ng sex life mo. It badly needs highlights. At isuot mo na uli ang mga sexy mong damit para maakit sa iyo si Kenneth na single pa pala. Yiii!” Humagikgik si Andrew, patakip-takip pa ng bibig.
“Puwede ba. Wala akong balak akitin siya.”
As if pupuwede pa iyon sa edad ni Sydney na thirty-six. Magmumukha lang siyang katawa-tawa. Saka parang hindi na interesado sa kanyang pisikal na kaanyuan si Kenneth, napakakaswal lang nitong nakikipag-usap sa kanya. Of course he wouldn’t be sexually interested in her anymore. She was older now and she was sure that this brute had been fucking women ten to fifteen years younger than him.
“Pero ikaw ang naakit bigla sa kanya?”
“Andrew!” tili niya at mahinang pinitik ang webcam ng laptop.
Nasukol siya ng kaibigan. Kahit gaano pa ikaila ni Sydney sa sarili ay naakit nga siya kanina sa dating nobyo. Sino ba namang babae ang hindi maaakit dito? Ugh! Kaya siguro wala pang asawa ay dahil kabi-kabila ang mga babae ni Kenneth ngayon.
Bakit ba niya pinoproblema ang lalaking iyon? Ang LVT dapat ang pagtuunan niya ng pansin at ang mga pagbabagong magaganap sa kompanya.
“`YOU STILL hate me for this?” tatawa-tawang kantiyaw kay Kenneth ni Greg habang nagliligpit siya ng mga gamit na dadalhin niya sa magiging opisina niya sa LVT.
“You could’ve at least told me beforehand,” nakasimangot niyang sabi at padarag na isinara ang drawer ng kanyang office table.
“Baka hindi ka pumayag.”
Kung bakit naikuwento pa niya ang buong buhay sa kanyang amo. Si Greg pa naman ang uri ng taong nakakaalala ng kahit maliliit na detalye.
“Sydney needs help in managing the company. Halos papalubog na ito. At ikaw lang ang alam kong makakatulong sa kanya.”
Hindi na siya umimik. Kung kailangan nga ni Sydney ang tulong ay walang abog niyang ibibigay iyon.
“Isn’t she beautiful?” tudyo pa nito. “Single pa pala gaya mo. At walang boyfriend o steady date, ayon sa sinabi sa akin ng secretary niya.”
“At iyan ang dahilan kaya binili mo ang kalahati ng La Vida Transit?”
“No. I just thought it’s a good business venture, kailangan lang ng dagdag puhunan at mas tutok na pangangasiwa. And, well, partly, yes. Gusto kong magkalapit kayo uli. Malay mo, magkaayos din kayo at magkatuluyan sa huli?”
Nahilot ni Kenneth ang noo. “Alam mo naman ang nangyari sa amin. She still hates me. Nararamdaman ko iyon.”
Amidst the uneasy look in Sydney’s eyes, he felt an unspoken rage. Ramdam niyang galit pa rin sa kanya ang babae at pinapaibabawan lamang nito iyon ng professionalism. But, fuck it all to hell. Napakaganda pa rin ng dating nobya. In fact, he thought she looked more beautiful now. Nagkaroon ng magandang contour ang muha nito—mas prominente ang cheekbones at baba nito ngayong nawala na ang baby fats sa mukha. Parang mas nagkaroon ng substance ang ganda, mas nakakaakit. And, damn, she was smoking hot! Parang sina Charlize Theron, Salma Hayek, at Victoria Beckham na nadagdagan ang hotness nang tumanda.
Mabuti na lamang at na-practice na nang maigi ni Kenneth ang pagkakaroon ng stability under pressure dahil nagugulo ang hormones niya kaninang kasama niya si Sydney. Her short hair was wickedly sexy. Hindi siya sigurado kung sinasadya nitong haplusin ang mahaba nitong leeg at hilutin ang batok habang nag-uusap sila dahil na-turn on siya dahil doon. Muntik nang magwala si Junior kung hindi niya nasaway agad ang isip na papunta na sa pag-iisip ng porn scenes kasama ang babaeng ka-business meeting.
Matagal na rin palang hindi nakikipag-sex si Kenneth dahil nga tinatamad na siyang lumabas sa gabi. So his lust for his ex-girlfriend was just nothing but a normal reaction of a man who had been deprived of sex for quite sometime now? Damn. He needed to get laid.
“This is all yours, Ken.”
Kunot-noong tiningnan niya sa mukha si Greg. “What do you mean?”
“Ang kalahati ng LVT. Ipapangalan ko sa iyo paglaon.”
“W-why?”
Ngumiti ito. “Munting pasasalamat ko sa iyo sa pagtulong mo sa akin na palaguin ang kayamanan ko. You deserve this.”
“You don’t owe me anything, Greg. I’m just doing my job. Besides, you’re already overpaying me.”
“It’s not enough. Nagpapasarap ako sa buhay habang ikaw naman ay subsob sa trabaho na dapat ay ako ang gumagawa. Halos ikaw na lagi ang uma-attend sa mga meeting ko. Wala kang utang-na-loob sa akin kahit na kaunti, Kenneth.
“Habang pinapag-aral kita noon ay pinapakinabangan ko na ang serbisyo mo. Ako ang may malaking utang-na-loob sa iyo at hindi ko iyon mababayaran ng kahit na anong halaga. Kundi dahil pa sa iyo ay hindi ko matutuklasan na matagal na pala akong niloloko ni Jerome.”
Si Jerome ang dating in charge sa lahat ng finances ni Greg na natuklasan niyang matagal na palang nagdidispalko ng pera. “You saved my ass. You made me richer. You treat me like a blood relative. I owe you everything, kid.”
Nagkibit-balikat lang si Kenneth.
“You can’t say no to this,” pilit ni Greg.
“Kailangan mo na kasing mag-asawa at magkaanak para may pagmamanahan ka ng kayamanan mo’t hindi mo na lang ipinamimigay sa ibang tao,” umiiling niyang sabi.
“Hindi ka na ibang tao sa akin at alam mo `yan.”
Napangiti si Kenneth sa narinig.
“Oh, fuck. Let’s stop this drama bullshit already. Balitaan mo na lang ako ng score ninyo ni Sydney. Make your old man proud, son.”
Muli siyang napailing. “You’re hopeless.”