noveltoon logo noveltoon
Heat

Chapter 21

Ch. 22 / 29 Apr 09, 2022

LIHIM na nagpasalamat si Sydney dahil hindi humiling si Greg na ipabago ang pangalan ng LVT o pamunuan nito ang buong kompanya. Ayon dito ay wala rin itong ibang taong ipapasok doon kundi si Kenneth lang. So there would be no major reshuffling to be done. Ipinaubaya naman sa kanya ni Kenneth ang pagpili ng kapalit ni Daniel sa pagiging operations manager.

“Lily?!” inis na tawag ni Sydney sa kanyang sekretarya sa intercom.

Kanina pa niya ito tinatawag pero wala yata sa mesa nito. Nagpalipas pa siya ng sampung minuto bago tumawag muli. Walang sumagot. Nababanas siyang lumabas ng kanyang opisina para siya na mismo ang kukuha sa mga papeles na ipina-type niya sa sekretarya nang mamataan niya itong palabas ng katabi niyang opisina ni Kenneth. Tatawa-tawa itong ihinatid ng lalaki sa may pinto. At hindi nakaligtas sa mga ito ang nagpupuyos niyang imahe sa tabi ng mesa ng sekretarya.

Agad na napalis ang maluwang na ngiti ni Lily pagkakita kay Sydney na nakapameywang at halos umusok ang bumbunan. Lulugo-lugo itong lumapit sa kanya.

“Nasaan na `yong pina-type ko sa iyo?” pigil ang pagtaas ng boses na sita niya rito nang makalapit sa mesa.

“Tinatapos ko pa po, Ma’am.”

“Tinatapos? Inutusan kita kanina pang alas-onse ng umaga. Pasado ala-una na ngayon ng hapon, Lily.”

“S-sorry po, Ma’am. Tatapusin ko na po.”

Nang makita niyang sumara ang pintuan ng opisina ng VP ay sinita niya si Lily. “What were you doing in Mr. Nikolas’ office?”

“May mga tanong lang po si Sir Ken.”

Ken? Nickname basis talaga? “Anong mga tanong?”

“Marami po. Tungkol sa kompanya, sa rules, ganoon po.”

“Look, hindi mo trabaho ang sagutin ang mga tanong ni Mr. Nikolas, okay? Kung may tanong siya tungkol sa kompanya ay ako ang dapat niyang kausapin, maliwanag ba?”

Tumango si Lily. “Yes, Ma’am.”

Pagkaupo nito sa mesa ay agad nagmartsa si Sydney patungo sa opisina ni Kenneth. Nakatatlong katok siya bago siya nito pinagbuksan ng pinto.

“Hey,” maluwang ang ngiting bati ng lalaki at hinawakan pa siya sa braso para papasukin sa loob.

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. “Kailangan mo pala ng sekretarya, pasensiya na at hindi ko naasikaso agad.”

Amused itong tumingin sa kanya saglit bago sumagot. “I like Lily, puwede bang siya na lang?”

Pinaningkitan ito ng mga mata ni Sydney. “Are you flirting with my secretary, Mr. Nikolas?”

“Flirting?” Tumawa ito.

Bakit ba napaka-sexy pa rin ng tawa ng lalaking ito?

“Can we please drop the formality and just call each other on a first-name basis? Hindi na tayo bago sa isa’t isa,” sabi pa nito.

“I will give you your own secretary. Hindi mo na kailangang istorbohin si Lily, marami siyang trabaho sa akin,” sabi ni Sydney, iniiwas ang mga mata mula sa kausap.

Sumeryoso ang mukha ni Kenneth. “How are you, Sydney? Hindi mo pa sinasagot ang pangungumusta ko.”

Ibinuka niya ang dalawang kamay. “Heto, kita mo naman, buhay pa rin.”

Pinagsisihan niya ang pagsagot nang pasarkastiko. This man had clearly moved on with his life already, and here she was, bitter pa rin. She should feel like a total loser.

Pero naka-move on naman siya, hindi ba? Ilang ulit niyang ipinayo sa sarili na ang nangyari sa kanila noon ni Kenneth ay bunsod lamang ng kanyang kabataan. She was twenty-five; curious, arrogant and stupid. She had never thought that she would look back and realize that she was actually young at that age. Siguro dahil sa edad niya ngayon ay mas marami na siyang napatunayan sa buhay.

Tumikhim si Sydney. “Marami pa akong gagawin. Bukas na bukas ay magkakaroon ka na ng sarili mong sekretarya. Have a good day, Mr. Nikolas.”

Tatalikod na sana siya nang pigilan siya ng lalaki. “Kenneth,” sabi nito. “Tawagin mo akong Kenneth, Sydney.”

Awang ang mga labing napatingala siya sa mukha nitong napakalapit sa kanya. Sinaway niya ang sariling sumisigaw sa kanya na huwag siyang titingin sa mga mata nito.

“I want to hear you say my name,” banayad pero may awtoridad na himok ni Kenneth. “Say it.”

“K-Kenneth,” halos bulong ni Sydney, nakapagkit ang mga mata sa binatang nakatingin naman sa kanyang mga labi.

Humina ang boses nito, namaos. “Say it again,” banayad nitong himok, may halong… lambing?

“Kenneth.”

Lumunok ito. At parang nakalimutan na yata nila pareho ang huminga.

“I miss hearing my name from your lips, Sydney.”

I miss having your lips on mine… God, did she just think of that?!

Napapikit si Sydney nang ilapit pa ni Kenneth ang mukha sa kanya. He was going to kiss her! And, her whole body quivered from intense anticipation. Hinihintay niya ba ang ganito? God, it had been forever…

Pero hindi nangyari ang kanyang inaasahan. “So, sino ang ibibigay mong secretary sa akin?” sa halip ay tanong ni Kenneth.

Nagdilat siya ng paningin at nakitang lumayo na ang mukha ng lalaki mula sa kanya. What the— Argh!

Hindi napigilan ni Sydney ang inis, pahablot niyang binawi ang braso mula rito.

“Maghintay ka. Very soon ay makikilala mo na siya,” sabi niya at mabilis na nilisan ang opisina ng VP.

NAPANGISI si Sydney nang papasukin ni Lily si Kenneth sa kanyang opisina kinaumagahan.

“This is a joke, right?” bungad nito sa kanya.

Nagpigil siyang tumawa. “Anong joke?”

“My secretary!” inis nitong sabi.

“Look, sabi mo kailangan mo ng sekretarya, binigyan naman kita. May problema ba?”

“Yes, but is it really necessary that—”

“That what?” naghahamong untag ni Sydney, tumayo at naglakad patungo sa harap ng kanyang mesa. “That she’s old and married? Walang discrimination against age and marital status sa kompanyang ito, Kenneth.”

“I know that and I always support equality.”

“Eh, ano’ng problema mo ngayon?”

“Sinadya mo itong gawin, iyon ang problema.”

“Sinadya?” Noon na tumawa si Sydney. “Mrs. Eladia Capistrano is perfect for the job. Mapagkakatiwalaan siya at mabilis siyang magtrabaho.” Nagsasabi siya ng totoo. Mahigit sampung taon nang administrative assistant ang singkuwenta’y-tres anyos na si Eladia at ngayon ay natutuwa’t magbabago ito ng puwesto. Matagal na raw itong nabu-bore sa monotonous na trabaho.

Si Kenneth naman ang ngumiti. “Is that so? May naaamoy kasi akong iba.”

“Anong iba?”

Lumapit sa kanya ang lalaki. Iniwasan niya namang umatras. Sydney was confident to face him now that she looked better. Bumigay na siya sa pangungulit ni Andrew, kahapon ay maaga siyang umalis ng opisina at nagpa-highlights ng buhok. Bumili rin siya ng mga bagong makeup. Mamaya pa siya magsa-shopping ng mga bagong damit dahil karamihan sa mga office outfit niya ay wala na sa uso.

“You,” sagot ng lalaki at tumigil sa kanyang harap, may kalahating dipa ang lapit sa kanya. “You smell nice today,” sabi nito, saka ngumiti.

She smelled nice today? So, meaning kahapon ay mabaho siya, ganoon?

Matagal na rin pala siyang hindi nagwiwisik ng pabango kung papasok siya sa trabaho. Mabuti at naisipan niya kaninang gamitin ang Dior J’adore. That made her smell sophisticated and sensual. Tama nga si Andrew, pinabayaan na niya ang kanyang sarili.

“You look great, too,” compliment pa ni Kenneth.

“Thank you,” nagmamalaking sabi ni Sydney na bahagyang itinaas ang baba at iniliyad ang dibdib na sadya niyang ini-expose ang cleavage sa nakabukas na dalawang butones ng sleeveless white blouse na matagal na niyang hindi nasusuot. Naisipan niyang iterno iyon sa kanyang gray flare dress pants.

At oo, sinadya niya ring tanggalin kanina ang itim na blazer para ipakita kay Kenneth na hindi lumaki ang kanyang mga braso.

“So, may problema ka pa ba kay Eladia, Kenneth?” nakangiting tanong niya rito.

Nakangiti ring umiling ang lalaki. “Wala. Siniguro ko lang na hindi mo sinadyang hindi ako bigyan ng bata, maganda, at sexy na secretary tulad ni Lily.”

“At bakit ko naman gagawin iyon?”

“Oo nga, bakit mo nga naman gagawin iyon?”

Napalis ang ngiti ni Sydney. “Are you implying something?”

“It depends.”

“Depends on what?”

“Depende kung may gusto ka pa sa akin.”

Napanganga siya sa narinig. “Why you— Ang k-kapal ng mukha mong sabihan ako niyan!” angil niya sa lalaki.

Nagkibit ito ng mga balikat, lumuwang ang ngiti. Now she wanted to punch him in the face. A ng poise, Sydney. Poise!

“Just saying.”

Huminga si Sydney nang malalim at lalo pang iniliyad ang dibdib bago bumira ng counterattack. “Hindi por que’t may mamahalin kang kotse ngayon at nakabihis nang maganda ay libre ka nang mag-assume na may gusto pa ako sa iyo. Your looks don’t even impress me much.”

“Maybe this will impress you then.”

At bago pa nakahuma si Sydney ay nakalapat na ang bibig ng binata sa kanya. Nanlalaki ang mga mata niyang sinalakay nito ng halik. Mapangahas na halik. Mainit. Malalim. Nasukol siya nang buong-buo.

No, this wasn’t just a kiss. He was savagely fucking her mouth with his tongue and she couldn’t do anything but to accept the overpowering invasion.

Sydney moaned in her throat as she closed her eyes. Hanggang sa kusang kumawit ang mga kamay niya sa batok ng lalaki, kusang tumugon din ang kanyan mga labi. Her tongue gave in, wrestled—mated with his.

Napakasarap ng halik, nakakaliyo, nakakabuhay ng dugo. Nakakapag-init ng kaluluwang tila matagal na nagkulong sa lamig ng kadiliman. She didn’t remember him kissing her like this before. Walang tenderness sa halik ni Kenneth ngayon kundi purong mapag-angkin at puno ng pagnanasa. She felt like she was melting into a puddle.

Sydney was out of breath when he was finally done with her. Tumatahip ang dibdib niya, parang nanlalabo ang kanyang paningin. Kumapit siya sa mesa para suportahan ang nanlalambot na sarili. There was this familiar ache inside her, from her breasts, to her tummy and down… That kiss had sexually aroused her.

Fuck, fuck!

“Get out,” nakuha niyang sabihin kay Kenneth sa pinatigas na boses. Itinuro niya ang pinto. “OUT!”

PINAGLALARUAN siya ni Kenneth. Iyon ang agad na sumagi sa isip ni Sydney habang papauwi siya mula sa opisina. Maaga siyang lumabas dahil sa init ng ulo.

Damn it. Nararamdaman pa niya sa bibig ang ginawa ni Kenneth. Her lips felt wet and swollen. At napakatanga naman niya dahil nasarapan siya sa mapusok na halik na iyon at parang uhaw na uhaw na nakipagsiilan ng bibig.

That bastard was overly confident to assume than she was still all over him. Isa rin palang gago. Kung talagang wagas ang pagkagusto niya rito ay hindi niya sana ito pinakawalan noon. But, no. She chose to do the right thing and moved on without him. Kung bakit pa ito bumalik-balik sa buhay niya. Ngayon ay nagdududa na siya kung totoo ngang hindi alam ni Kenneth sa umpisa ang pagbili ni Greg ng kalahati ng LVT.

Paano kung sinadya nitong mangyari ang lahat para magkita silang muli? Para mapagtawanan siya nito sa kanyang pagbagsak bilang negosyante? Para ipamukha sa kanya na heto na ngayon ang pobreng lalaking itinaboy niya noon— Wait, bakit ba kung magsalita siya ay parang siya ang may kasalanan kung bakit sila naghiwalay noon ni Kenneth? It was his fault. He was still in love with another woman and he didn’t learn to let go. Ibinigay niyang lahat pero sa huli ay ipinamukha lang ng lalaki na hindi siya nito kayang mahalin dahil si Paula pa rin ang mahal nito kahit ano’ng mangyari. Ano pa ang dapat gawin ni Sydney noon kundi siya na ang maunang makipaghiwalay kay Kenneth. Ayaw na niyang hintayin na ang lalaki mismo ang magpaalam sa kanya dahil baka bumaba lang lalo ang tingin niya sa sarili.

“Makikita mo, makikita mo!” gigil na sambit ni Sydney at imbes na sa bahay tumuloy ay sa Rustan’s siya nagpunta.

Buong weekend ay walang ginawa si Sydney kundi ang mag-shopping ng mga bagong damit, sapatos, at accessories. And, underwear! Kailangan na niyang magbalik-loob sa mga lacy bra at panties. Nagpa-bikini wax din siya at nagpa-facial. Nagtitipid man siya sa pera ay hindi na niya pinanghinayangan ang mga nagastos. Para ito sa bagong misyon niya. Her mission to prove to Kenneth Nikolas that it was him who was still so much in lust with her. Ipapamukha niya rito iyon.

Linggo ng gabi ay halos hindi siya makatulog. Was she being excited? Hindi siya sigurado. Hindi pa niya naranasan ang magpapansin o mang-akit ng isang lalaki.

Isang dark gray na bestida na above-the-knee at hapit sa katawan ang suot ni Sydney kinabukasan. Sleeveless iyon at medyo mababa ang neckline. Natuwa siya nang masilayan ang imahe sa harap ng salamin. Tama si Andrew, sexy pa rin siya. Her boobs and butt were still rounded and firm; her long legs were still shapely and flawless.

Humanda ang Kenneth na iyon.

At hindi nabigo si Sydney. Dahil sa kanyang pagpasok sa opisina ay nagkasabay sila sa lobby ni Kenneth. Hindi nakaligtas dito ang bago niyang outfit. Kitang-kita niya kung paano parang elevator ang mga mata nitong taas-baba sa kanyang kabuuan.

That’s right. Maglaway ka ngayon.

Hindi na nagtaka si Sydney nang pumasok si Kenneth sa opisina niya nang mag-alas-diyes ng umaga. May ipapapirma daw.

“You have a secretary now, Kenneth. Hindi na kailangang ikaw mismo ang magdala sa akin ng mga ito,” sabi niya habang pumipirma.

“I just wanted to see you,” walang abog naman nitong sabi.

Nang mag-angat siya ng ulo, nakangiti ang lalaki sa kanya. She smiled back. A sexy, lopsided smile.

Ipinagpatuloy ni Sydney ang pagpirma ng mga papeles pero hindi nakaligtas sa kanya ang maiinit na tingin ni Kenneth. He was undressing her with his eyes and she was starting to feel warm all over. At iyon na naman ang masakit sa kanyang puson…

Nang tumayo siya’t iniabot ang folder ay hindi lang iyon ang hinawakan ng lalaki kundi pati ang kanyang kamay.

“I lied,” sabi ni Kenneth, inilapag ang folder sa ibabaw ng kanyang mesa. “I just didn’t want to see you, Sydney.”

She licked her lower lip, anticipating.

Lumunok ito bago nagsalita. “I wanted to fuck you.” Kinabig siya nito palapit, mahigpit.

Hindi na nagpigil pa si Sydney. Iyon din ang kagustuhan ng katawan niya ngayon. “Then fuck me. Right here. Right now.”

Agad na ibinaba ni Kenneth ang neckline ng kanyang damit at itinambad ang mga nangungulila niyang dibdib. Parang gutom na gutom itong halinhinang sinipsip ang dalawang utong.

Hindi rin magkandaugaga si Sydney sa pagdama sa katawan ng binata. Hindi na siya nag-aksayang hubarin pa ang mga kasuotan nito. Ang zipper agad ng pantalon nito ang binuksan niya.

“You want this?” panunukso sa kanya ni Kenneth at bumaba ang mga kamay nito sa kanyang puson.

“Yes. Oh, please, yes!” she cried. “I need this, so bad. Give it to me, please,” nangangatal na pakiusap niya.

“I will, baby. I will give you everything that you need.”

“Oooh, oh, God! Just rip my panties, rip them. I don’t care!” she squealed, her body shaking wantonly.

Hinablot ng lalaki ang bagong bili niyang Victoria’s Secret red lacy panties. “I will fuck you real hard,” bulong nito, saka kinagat ang puno ng kanyang tainga.

“Yes, fuck me… fuck me `til I’m out of breath,” she purred.

He swiped his middle finger over her slick, wet heat. “That’s my girl,” nasisiyahang usal ni Kenneth bago ibinaon ang mahabang daliri sa kanyang pagkababae at mabilis inilabas-masok.

Hindi naman siya nakontento lang sa daliring iyon. She wanted more. “Your cock, darling, I need it badly. Put it in now. Hurry, oh, gosh, hurry!”

Napasigaw si Sydney nang mabilis siyang napasok ni Kenneth. Noon siya nagmulat ng mga mata, saka maang na napatingin sa kinaroroonan.

Wala siya sa kanyang opisina. Wala ring Kenneth sa paligid. There was no dick inside her but her vagina was oozing with her own sex juice. But she was in her bed! Paanong—

“Shit!” mura niya at bumalikwas nang matantong panaginip lang pala ang maiinit na eksena nila ni Kenneth. PANAGINIP!

Muli siyang napamura nang makita ang oras ng desk clock. Pasado alas-nuwebe na ng umaga.

“FUCK me `til I’m out of breath?!” usal ni Sydney sa sarili. “What the hell?!” At napatili siya sa loob ng kanyang kotse habang nagmamaneho papunta sa opisina ng LVT.

Hindi pa rin siya makapaniwala. Nag-wet dream siya at si Kenneth ang napanaginipan niyang ka-sex niya. Hindi lang iyon, sarap na sarap pa siya sa panaginip niyang iyon. What the hell? Sexually deprived na ba siya’t kung ano-ano nang kamunduhan ang napapanaginipan niya? Come to think of it, ni wala nang panahon si Sydney na mag-masturbate man lang. It had been ages. Baka hindi na gumagana si Puday , gaya ng laging ibinibiro ni Andrew sa kanya. But, no. Her sex organ was still working. Ebidensiya na lang ang nadama niyang pagkabasa nang magising siya mula sa kanyang wet dream.

Dahil doon ay hindi tuloy isinuot ni Sydney ang gray dress na iyon at dahil late siyang nagising ay hindi na rin siya nakapag-makeup. May meeting pa siya sa mga department heads bago mag-lunchtime. Sa pagmamadali ay ang midnight-blue na skater dress na lampas-tuhod at may mahabang manggas ang kanyang naisuot. Biro noon ni Andrew ay para daw siyang a-attend ng libing sa outfit na iyon.

At parang nananadya pa yata ang pagkakataon dahil nakasabay niya sa elevator ang mismong lalaking napanaginipan niya.

“Hi,” nakangiting bati ni Kenneth sa kanya. May hawak itong iced coffee mula sa Starbucks.

“Hello,” kaswal na bating pabalik ni Sydney. “Bakit ikaw ang bumili niyan?” mayamaya ay tanong niyang nakatingin sa kapeng hawak ng lalaki. “Puwede mong utusan ang secretary mo o ang messenger natin.”

“Hindi ako sanay na nag-uutos,” sabi nito, saka sumipsip sa straw. “Do you wanna share? Ang laki pala nitong venti.”

“No, thank you,” pasupladang sagot niya, sabay ismid.

Hindi napapalis ang ngiti ni Kenneth. “We used to share food and drinks.”

Noon na niya ito hinarap. “ Used to . Hindi na ngayon,” asik niya, saka naunang lumabas ng elavator.

The nerve! Humanda ito bukas. Bukas siya mag-aayos nang maigi at paglalawayin ito.

Pagpasok ni Sydney sa kanyang opisina ay nagtaka siya nang may madatnang magandang flower arrangement sa ibabaw ng kanyang mesa. Sari-saring mga bulaklak iyon na nakalagay sa vase. Nang tingnan niya ang maliit na note na nakakabit sa isang tangkay ng pulang rosas ay SMILE! ang nabasa niyang nakasulat doon. Pagkatapos sa ibaba ay ang letrang K . Kilala niya ang maayos na penmanship na iyon. Galing kay Kenneth ang mga bulaklak.

Gusto niyang batukan ang sarili dahil hindi niya napigilan ang pagdapo ng kilig. Shit. Kilig talaga? Parang first time niya nabigyan ng mga bulaklak, ganoon? What was wrong with her? Dapat ay maasar siya sa lalaking iyon pero heto’t parang gusto niyang mamilipit sa kilig.