TAHIMIK lang si Kenneth habang nagmamaneho pauwi sa malaking bahay kasama si Sydney. Kanina pa sulyap nang sulyap ang dalaga sa kanya at nag-uumpisa na siyang maasiwa.
“May problema ba?” sita niya rito nang hindi na siya makatiis.
“Hindi mo sinagot ang tanong ko kanina. Ayaw mo ba akong maging girlfriend?”
Muntik na siyang maubo. “Seryoso ka ba tungkol doon?”
“Yes. You think basta na lang ako mag-o-offer ng ganoon?”
“B-bakit… bakit gusto mo akong maging boyfriend?”
“Bakit naman hindi?”
“Sydney…” Nagbuga siya ng hangin bago itinabi ang sasakyan sa shoulder ng barangay road. “Kung gusto mo akong maayos na kausap, huwag mong sagutin ng tanong ang mga tanong ko.”
Matipid na ngumiti si Sydney, mukhang nasiyahan o namangha sa pagpapakita niya ng kaarogantehan. Bata pa si Kenneth ay tinuruan na siya ng ama na huwag magpaalipin at magpailalim sa kahit na kanino. Kung sa palagay niya, tama siya, dapat niyang ipaglaban ang katwiran.
“Yes, I want us to be steady, Kenneth. Not just exclusive lovers or plain bed partners. I want you to be my boyfriend, I want us in a real relationship,” dere-deretsong sabi ni Sydney. “`Yong relasyon na may kahalong commitment, may patutunguhan.”
“Bakit nga ako?”
“I like you a lot. You always impress me. And I admit that I’m very attracted to you as well. Nakikita ko sa iyo ang potensiyal na wala sa mga ibang lalaking kakilala ko—ang potensiyal na maging asawa ko.”
Noon na pinanlakihan ng mga mata si Kenneth. “A-asawa?!” bulalas niya.
Tumawa si Sydney. “But of course you have to be my boyfriend first. From there ay tingnan na lang natin ang puwedeng mangyari. Kung hindi ka papasang maging asawa ko, `di hihiwalayan kita. Ganoon lang naman kasimple iyon.”
Shit. Here she was again. Ginagawang parang business deal pati ang pag-aasawa. Pambihira talaga ang babaeng ito.
“Sydney, wala akong yaman—”
“I don’t need rich men. May kayamanan na ako, bakit ko pa hahanapin ang kayamanan ng iba?”
Hindi inaasahan ni Kenneth ang lahat ng mga sinasabi ng dalaga. Sobra-sobra na para sa kanya ang pasya nitong maging lovers sila, ngayon naman, may halong commitment na ang hinihingi nito.
“Baka may masabi ang mga kamag-anak mo, ang ibang tao.”
“Hindi ako malapit sa mga kamag-anak ko kaya wala silang pakialam sa mga desisyon ko. As of other people, I don’t give a shit about what they think about me. This is my life. Ako ang magpapatakbo nito, ako lang,” matigas na pasya nito.
Tumingin si Kenneth sa labas ng bintana ng kotse, mabilis na nag-isip. Kaso nalulula siya at hindi makapagdesisyon agad-agad.
“You told me that you want me to experience the beauty of sex. Don’t you think na baka mas makakatulong kung hindi lang tayo sex partners kundi in a relationship din? I think mas magkakaroon tayo ng koneksiyon sa ganoong paraan. Baka mas maging komportable ako na isuko sa iyo ang sarili ko nang buong-buo. Siguro ay kailangan ko lang ng assurance na karelasyon nga kita. Gusto kong subukan, Kenneth. Gusto kong magtiwala.”
May punto si Sydney. Aaminin ni Kenneth na iba pa rin kapag girlfriend niya ang ka-sex, gaya ni Paula. Pero mahal niya ang dating nobya. May halong pag-ibig ang pakikipagtalik niya rito. He didn’t love Sydney. Pero gusto niya ang babae, nalilibang siya rito. At may masidhi siyang pagnanasa sa dalaga na daig pa ang init ng araw. At kahit pa sabihing hindi nila mahal ang isa’t isa sa ngayon, hindi naman maitatanggi ang solidong respetong mayroon sila para sa isa’t isa. Ilang tao ba ang kakilala niyang naghahayag ng pag-ibig pero hindi naman nagpapakita ng respeto?
“You got nothing to lose,” pangungumbinsi pa ni Sydney. “If anything, makikinabang ka at ang pamilya mo sa magiging relasyon natin. Wala akong ipagdadamot sa inyo.”
Ibinalik niya ang tingin sa dalaga. “Hindi ko iniisip ang bagay na iyan.”
“Hindi mo iniisip pero aminin mo, malaki talaga ang magiging tulong ko sa pamilya mo. You can go back to school, kahit si Dianne. Ipapagamot ko ang tatay ninyo. Bibigyan ko kayo ng mas magandang tirahan. You would be a fool to say no to all of these.”
Ilang beses na napamura si Kenneth sa loob-loob. Heto na, heto na… Lahat-lahat ng mga bagay na ni hindi niya pinangarap, inihuhulog na sa kanyang mga palad. Ilang tao lang ba ang nagkakaroon ng ganitong tsansa sa buhay? Ilang beses lang ito dumadating? At gaya ng lagi niyang iniisip, madalas ay kailangan ng tulong sa pag-unlad, hindi sapat ang sipag at tiyaga lang. Kailangan din ng suwerte. At ngayon dumating na ang tulong at suwerte sa kanyang buhay.
“Puwede bang pag-isipan ko muna?” pakiusap ni Kenneth kay Sydney.
Ngumiti ito. “Okay. Hindi naman kita minamadali.”
Nagbuga uli siya ng hangin. Tumawa naman ang babae.
“Are you all right?” sita nito.
“H-hindi. Parang nalulunod ako sa mga sinabi mo,” pagtatapat niya.
“I never thought I would do something like this, too. But trust me, I know what I’m doing. Saka gaya ng sabi ko, it’s not as if we’re gonna get married right away. Relasyon muna ang kailangan ko sa ngayon. One step at a time. If we fail then we’ll part ways. At least I tried my luck with you.” Mukhang planadong-planado na ni Sydney ang lahat.
Ini-start na niya ang kotse. “Bukas mo malalaman ang sagot ko.”
“Good. Akala ko pa naman magpapakipot ka pa nang matagal,” natutuwang sabi nito, saka siya inabot at hinalikan sa bibig.
Napailing at napangiti na lang si Kenneth nang paandarin ang sasakyan. Parang isang magandang panaginip si Sydney Vida. At hindi na niya nais magising pa…
I DID it! tili ni Sydney sa loob-loob habang papasok sila ni Kenneth sa malaking bahay. Bitbit nila ang mga pinamili at iniwan ng lalaki sa kotse ang para sa pamilya nito. Hindi siya pumayag na maglalakad ito bitbit ang mga iyon mamaya pag-uwi nito.
Never in her wildest dream had she thought that she was capable of doing something like this. Hindi lang sex ang hiningi niya sa isang lalaki kundi ang makarelasyon din nito. Oo nga’t iba siyang mag-isip kaysa sa mga babaeng kaedad niya, but, damn, this was too bold.
But, why not? Why ask for romantic love just to be in a relationship? Ang importante, nagkakasundo sila ni Kenneth. Papasok siya sa isang commitment, oo, pero may kapangyarihan pa rin siyang kumalas kapag ayaw na niya. May kontrol pa rin siya sa sitwasyon.
Sana lang ay pumayag ang binata.
“Sino pala si Lenita?” usisa niya habang ipinapasok nila ang mga ipinamili sa kanyang silid. “Ex-girlfriend mo?”
“Hindi ko siya naging girlfriend. Nag-date lang kami—steady dates,” sagot ni Kenneth at inilapag ang mga shopping bag sa ibabaw ng kama.
“Parang nagselos yata?”
“Sinabi mo kasing girlfriend kita.”
“So, gusto ka pa rin niya kahit hindi na kayo nagde-date?”
Nagkibit-balikat ang binata. “Hindi ko alam.”
“You still like her?”
Umiling ito.
“Are you sure? Parang gusto mo siyang sundan kanina.”
“Hindi ko lang gusto na sumasama ang loob ni Lenita. Napakabuti niya sa akin.”
“Bakit hindi na kayo nagde-date?” usisa pa ni Sydney, sabay upo sa kama.
“Nagkabalikan kasi kami noon ng ex-girlfriend ko.”
“Ah. Ano’ng nangyari sa inyo ng ex mo?”
Malamlam na ngumiti si Kenneth. “`Ayun, ex na uli kami.”
“Bakit?”
Tumabi si Kenneth sa kanya. “Ang dami mong tanong.”
“I just want to know more about you, Ken.”
Bumuntong-hininga ito bago bumigay sa pangungulit niya. “Maraming bagay ang hindi namin napagkakasunduan ni Paula.”
Si Sydney naman ang ngumiti nang malamlam. “It sucks, isn’t it? Ganyan din kami ng ex ko. Ganyan din ang parents ko. I just don’t know why people fall for the wrong person.”
“Kung puwede lang mamili.”
“Why not? Life is made of choices. Nasa atin ang lahat ng pagpapasya sa buhay natin. Kung puwede tayong pumili ng mas karapat-dapat na karelasyon sa hindi tipikal na paraan, bakit hindi?”
Humarap sa kanya ang binata. “Sydney, napakalaking bagay ang iniaalok mo sa akin. Para mo akong inaalayan ng isang panaginip.”
Inabot ni Sydney ang mukha ni Kenneth at masuyong hinaplos iyon. She smiled to find out that she was actually able of doing tender gestures like that. Akala niya talaga ay hindi siya malambing na klase ng tao.
“Are you being overwhelmed? Don’t. I’m not that special, Kenneth. Pera lang ang nasa pagitan nating dalawa, wala nang iba. I’m not a dream. Abot-kamay mo lang ako,” mabining sabi niya.
Ang malamlam na mukha ni Kenneth ay unti-unting umaliwalas, parang nagkaroon ng pag-asa. Nagbunyi si Sydney sa loob-loob nang ilapit nito ang bibig sa kanya at nagsalo sila sa isang mainit na halik.
Gutom. Uhaw. Ang mga iyon ang naramdaman niya mula sa uri ng mapag-angking paghalik ni Kenneth. He was devouring her mouth, and she felt like combusting in his arms.
Umungol si Sydney sa lalamunan ng binata nang lumapat ang isang palad nito sa kanyang isang dibdib at pinisil iyon. At nang lumipat sa kanyang leeg ang nagbabagang bibig ng lalaki ay gumalaw naman ang dalawang kamay nito para itaas ang kanyang pang-itaas na suot kasama na ang kanyang bra.
Hawak ang buhok ni Kenneth, hinila ito pababa ni Sydney para igiya patungo sa kanyang nangungulilang dibdib. Alam na alam naman nito ang eksaktong gagawin dahil pagbaba ng mukha nito sa mga iyon ay agad nitong hinuli ang isang utong at maingay na sinipsip iyon.
Iniliyad ni Sydney ang katawang unti-unti nang nilalamon ng masarap na apoy. Isa pa ring misteryo sa kanya kung paano siya napapainit nang ganoon kabilis ni Kenneth. Kung paano nito natutunaw ang kanyang malamig na depensa.
Kaunti na lang, alam ni Sydney, darating din siya sa puntong iyon… Soon, she would be surrendering everything to him, and there would be no turning back neither looking back.
Pinatayo siya ni Kenneth sa harap nito at bumaba sa kanyang puson ang bibig nito. He twirled and flicked his playful tongue on her navel, then his hands went up her short skirt and pulled down her panties.
Patalikod siyang pinaupo ng lalaki sa kandungan nito at nakita niya ang kanilang repleksiyon sa malaking salamin sa dingding.
“God, it looks ugly,” nakangiwing sabi ni Sydney nang ibuka ni Kenneth ang kanyang mga hita at nakita niya sa salamin ang pagkababae.
Mahinang tumawa si Kenneth. “Hindi pangit sa tingin ko,” sabi nito, saka pinadaan ang gitnang daliri sa basang hiwa. She gasped at the intoxicating sensation.
Napaawang ang bibig ni Sydney at nagsimula siyang suminghap-singhap nang bilisan ng binata ang paghagod sa kanyang ari.
“Tumingin ka sa mukha mo,” utos nito sa kanya. His fingertips went to her clitoris, pressed them to it and he wiggled his hand.
“K-Ken…” Ang hirap panatiliing nakadilat ang kanyang mga mata dahil namimigat ang mga talukap ng mga iyon.
“Look at yourself, Sydney. Tingnan mo kung paano nagbabago ang mukha mo kapag hinahayaan mong alipinin ng init ang katawan mo. Gusto kong makita mo kung gaano ka kaganda.”
Sinunod niya ang utos ng lalaki at pinagmasdan ang kanyang mukha sa salamin. Her face was flushed, even her neck and ears were as red as tomatoes. Ang kanyang mga mata ay parang binabaan ng hamog, malaki ang awang ng kanyang bibig. Larawan siya ng isang babaeng nagnanasa, nagtatampisaw sa init. Isang babaeng makamundo. Yes, she looked strangely prettier like that.
“You’re a very sensual woman,” anas pa ni Kenneth sa kanyang tainga.
Ngumiti si Sydney at tumingin sa lalaking nagpapaligaya sa kanya. “Ikaw ang tumulong sa akin para mailabas ang sensuwalidad ko, Kenneth.”
Inabot niya ang bibig ni Kenneth, saka hinalikan nang malalim. At kusang bumitaw ang kanyang mga labi mula sa bibig nito nang maramdaman niyang malapit na siya sa sukdulan.
“I’m gonna c-come soon…” namimilipit niyang sabi at muling tumingin sa salamin, nasisiyahan sa napapanood doon.
Binilisan naman ni Kenneth ang paggalaw ng kamay. “I want you to look at me when you come.”
She started quivering as she felt her inner walls contracting. “O-oh! Oh, God!”
Oh, such delicious kind of heat. Sino ang hindi mababaliw sa ganoong klaseng init, lalo pa’t dulot ng isang lalaking animo’y perpekto sa larangan ng pagniniig? Sa palagay ni Sydney, malululong siya sa ganoon. Kahit sinong babae ay malululong sa lalaking ito.
“Tumingin ka sa akin, Sydney,” paalala ni Kenneth sa kanya nang mapapapikit sana siya.
When she looked at him, she felt like his eyes were mating with hers, too. Ganoon kalandi ang tingin nito sa kanya, ganoon kainit. Ah, tama nga ito na ang sex organ ng isang tao ay hindi lang iyong nasa ibaba ng puson.
“Ooooh, Ken! I’m co… miiing!”
Dilat ang mga mata na inabot ni Sydney ang luwalhati habang magkatagpo ang mga mata nila ni Kenneth.
Niyakap siya nito nang mahigpit nang manlata siya sa mga bisig nito, panay ang halik sa kanyang buhok.
“Gosh, you’re a terrific lover,” mayamaya ay sabi ni Sydney at humalik sa pisngi ng binata. “Kahit ano’ng gawin mo yata sa akin, magka-come ako. I love all our sessions.”
Inilayo naman ni Kenneth ang kanyang kamay nang tangkain niyang haplusin ang namumukol na pagitan ng mga hita nito.
“Huwag. Uuwi pa ako sa bahay, baka hindi na naman nagluto si Dianne.”
Hindi na siya nagpumilit pa. Aaminin niyang isa sa mga nagustuhan niya kay Kenneth ay ang pagmamahal nito sa pamilya. She had never met someone so compassionate like him.
“Gamitin mo ang kotse. Huwag ka nang maglakad. MaRami kang bitbit.”
Sydney smiled when Kenneth raised her hand and tenderly kissed the back of her palm. Ito pa ang umayos sa bra niya at nagsara sa kanyang blusa. Hinalikan siya nito sa noo pagkatapos.
“You’re a wonderful person, `you know that?” malambing na sabi ni Sydney sa binata. Wala siyang maalalang taong sinabihan niya ng ganoon.
He smiled brightly. “At isa kang pambihirang babae, Sydney.”