“ANO KA ba , Kuya? Tawag ka nang tawag,” nasusuyang sagot ni Dianne nang tawagan ito ni Kenneth sa pangatlong araw na nasa La Union siya.
“Alam mo namang hindi lang ako sanay na malayo diyan. At wala akong tiwala sa iyo,” inis ding sabi niya sa kapatid.
“Okay lang kami dito sabi. `Yang girlfriend mo diyan ang asikasuhin mo.” Humagikgik si Dianne. “Grabe, Kuya, hindi ko naisip na pati si Sydney, masisilo mo. Ang tindi talaga ng kamandag mo kahit kailan! Ang gagandang babae ang mga nagkakandarapa sa iyo. Nanghinayang ako na pinakawalan mo noon si Lenita, pero meron pa palang mas jackpot kaysa sa kanya.”
Napailing si Kenneth, nagpipigil barahin nang husto ang kapatid.
“Huwag mo na siyang pakawalan pa, type ko siyang maging hipag,” sabi pa nito.
“Dahil sa pera niya?”
“`Sus. Bakit? Huwag mong sabihing hindi rin iyon ang dahilan ng pakikipagrelasyon mo sa kanya? Maganda si Sydney, kahit na sinong lalaki ay mahuhumaling sa kanya, kaso kilala kita, Kuya. Si Paula lang ang nasa puso mo.”
“`Yong mga bilin ko sa iyo,” paalam na niya kay Diane.
“Oo sabi. Basta mag-enjoy ka na lang diyan.”
Napapailing na pinindot ni Kenneth ang end call sa smartphone na pinilit bilhin ni Sydney para sa kanya kahapon. Ni hindi niya inakalang mapapalitan pa ang kanyang Nokia 3310 na nabili pa niya noon nang second-hand. Pero heto, naka-iPhone na siya ngayon, pinakabagong modelo pa.
Pagkabulsa niya sa smartphone ay nakita niyang naglalakad sa buhanginan si Sydney palapit sa kinaroroonan niya sa gilid ng dagat. Imbes na salubungin ang dalaga ay para lang siyang naestatwa doon, malaya itong pinagmasdan.
God, she was so gorgeous. Nakadagdag pa sa ganda ng dalaga ang taglay na kapangyarihan at tiwala sa sarili. Kung ibang lalaki lang si Kenneth, baka ma-intimidate siya kay Sydney. But not him. Mas nananaig ang nararamdaman niyang atraksiyon sa babae para makaramdam pa ng intimidation.
He was being consumed by her beauty so much that it started to get hurt. He was aching to take her, to give her the pleasure of complete sex… Pero kailangan niyang maging matiyaga pa kay Sydney. Wala pa siyang babaeng naikama nang sapilitan lang. Lahat ng mga iyon ay nagnasa sa kanya, nagtiwala. At hihintayin ni Kenneth kung kailan tuluyang magpapatupok sa init ang dalaga kasama niya.
Parang namamatandang nakatitig lang siya kay Sydney habang papalapit sa kanya. Ang mayuming hangin na nagsasayaw sa buhok ng babae at ang suot na sarong ay lalong nakadagdag sa pagiging kaakit-akit nito. Ang sinag ng papalubog na araw ay animong nakayakap sa kabuuan nito. The scarlet and amber hues suited her very well. Para itong naglalakad sa tabi ng apoy.
Inilahad ni Kenneth ang kanang palad nang isang metro na lang ang kanilang agwat. Nakangiti namang humawak si Sydney sa kamay niya.
“Let’s take a walk?” yaya nito.
“Sure,” tugon niya, saka pinagsalikop ang kanilang mga daliri.
Marahan silang naglakad-lakad sa parte na kung saan naaabot ng tubig ang kanilang mga paang may sapin na gomang tsinelas.
“Ano’ng iniisip mo?” pagbasag ni Kenneth sa katahimikan. May tatlong minuto na siguro silang naglalakad at kapwa walang imik.
Tumingin sa kanya si Sydney, parang nagtaka o nagulat na ganoon ang tanong niya rito.
“Gusto ko lang malaman,” nakangiting sabi ni Kenneth.
Ngumiti rin ito. “Ikaw lang kasi ang nagtanong sa akin niyan.”
“Sa iyo lang din ako nagtanong ng ganito,” pagtatapat niya.
Bumuntong-hininga si Sydney bago sumagot. “Iniisip ko ang iniwan kong trabaho, iniisip ko ang magiging buhay ko ten years from now.” Muli itong sumulyap sa kanya. “Iniisip din kita… Tayo. Kung ano ang kahihinatnan ng relasyong ito.”
“Huwag mo munang isipin ang kinabukasan, hindi mo makokontrol iyon. Saka nagdudulot daw iyon ng anxiety.” Pinisil niya ang palad ng dalaga. “Huwag mo ring isipin ang iniwan mong trabaho, sabi mo naman, maaasahan ang mga tauhan mo. Magtiwala ka lang sa kanila, Sydney.”
“Yeah, you’re right. Hindi ko lang maiwasan. Siguro ganito lang talaga `yong mga taong nag-iisa sa buhay.”
“Hindi ka nag-iisa. Kasama mo ako ngayon.”
Nang muling sumulyap si Sydney sa kanya ay nakangiti na ito.
“Kahit maikli man ang panahong pagkakakilala natin ay masasabi kong isa kang uri ng tao na gustong in control sa lahat ng bagay, kalkulado ang mga kilos mo. Pero may mga punto rin sa ating buhay na kailangan mo lang hayaan ang sarili mong pasukin ang isang hindi pamilyar na daan, ang maligaw.”
Umangat ang isang sulok ng bibig ni Sydney. “You’re saying that you want me to get lost with you, huh?” she teased him.
Pero seryoso si Kenneth sa mga sinabi niya. “Parang ganoon. Kalimutan mo muna ang lahat—ang trabaho mo, ang buhay mo sa siyudad. Huwag mo munang isipin ang nakaraan o hinaharap mo. Mag-focus ka muna sa ngayon, ngayong kasama mo ako.”
Tumigil ito sa paglalakad at nagkaharap sila. “How about you, ano ang iniisip mo ngayon?” may paghahamong tanong naman ng dalaga.
Siya naman ngayon ang bumuntong-hininga. “Marami. Si Tatay, si Dianne…”
“Si Paula?”
Nagkibit-balikat siya. “Oo.”
Heto siya’t may bagong nobya na at posibleng mag-angat na sa kanyang pamumuhay, pero naiisip pa rin niya si Paula na ilang beses nang nang-iwan sa kanya. Para siyang gago. Ipokrito pala siya sa pagsasabi kay Sydney kung ano ang dapat nitong isipin ngayon.
“Magiging madamot ba ako kung hihilingin ko sa iyo na ako muna ang isipin mo ngayon?” Nakikiusap ang boses ni Sydney, hindi nagmamando, hindi pumipilit.
“Pinipilit kong gawin.”
How hard could it be? Nasa maayos naman ang lahat, wala siyang dapat ipag-alala ngayon sa kanyang ama. At si Paula… oras na para mag-move on mula rito. Oras nang putulin ang kagaguhang dulot ng pag-ibig niya sa babae. Isang pag-ibig na ni hindi alam ni Kenneth kung tama ba, kung tunay bang kaligayahan ang hatid niyon sa kanya.
“Kenneth, I trust you. That’s why I’m with you right now. Kaya naisipan kong magkaroon tayo ng relasyon na hindi lang seksuwal. Higit pa roon ang pagpapahalaga ko sa iyo.”
Alam ni Kenneth ang gustong ipahiwatig ni Sydney. Gusto nitong patunayan niyang karapat-dapat siya sa pagtitiwala nito.
Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ng dalaga. “Hindi mahirap ituon ang pag-iisip sa iyo, Sydney. Mula pa umpisa ay payag na akong maligaw kasama mo.”
Ngayon lang nararanasan ni Kenneth iyon, ang mapukaw ang lahat ng parte ng kanyang katauhan. The passion was swallowing him whole. At si Sydney lang ang makakapagbigay sa kanya niyon, kay Sydney lang niya iyon naramdaman. Parang malalagutan siya ng hininga kapag naiisip na hindi niya ito makakasiping isang araw.
“I’ve been wanting you, too,” tugon ni Sydney sa mainit niyang pagtitig dito. “And I think I’ll be ready anytime soon.”
Ngumiti si Kenneth nang tumingkayad ang dalaga at ginawaran siya ng mabilis na halik sa pisngi. Masaya silang ipinagpatuloy ang paglalakad.
NARAMDAMAN ni Sydney na may mga daliring humahaplos sa kanyang noo at pisngi at unti-unti siyang nagigising. She murmured and moved to her side and then she opened her eyes. Mabilis niyang kinuha ang baril sa ilalim ng kanyang unan at bumalikwas ng bangon.
“Ako ito, si Kenneth!” bulalas ng nobyong nakataas ang dalawang kamay. “Ibaba mo `yang baril.”
“Fuck,” mura ni Sydney at naihilot sa noo ang kamay na may hawak sa baril. “What the hell are you doing here in my room?” kastigo niya sa lalaki.
Nagbaba ito ng mga kamay. “Alas-diyes na ng umaga, hindi ka pa gumigising. Nag-aalala lang ako kaya ako pumasok dito. Akala ko may sakit ka kaya dinama ko ang noo at pisngi mo. Wala na akong ibang ginawa, peksman !” mabilis nitong paliwanag.
“Sorry,” sabi ni Sydney at ibinalik ang baril sa ilalim ng unan.
“Muntik mo na naman akong mabaril,” pagtatampo ni Kenneth.
“The safety’s on. Don’t worry, hindi ako trigger-happy. Responsable akong gun owner.”
“Sorry din kung nagising kita.”
Bumaba na si Sydney mula sa kama, hindi na niya ikinahiya ang suot na puting sando at pink panties. Wala na siyang dahilan para magtago pa ng katawan sa lalaking ito.
“Napasarap ng panonood ko ng mga videos kagabi, `di ko namalayan na madaling-araw na pala nang antukin ako.”
“Anong videos?”
“Wala ka na doon!”
Tumawa si Kenneth. “Porn?”
“Erotica for women. Iba ang porn doon,” pagtatama niya na sinamahan pa ng irap.
“Ah.”
Mahina niyang hinampas si Kenneth sa dibdib. “Sa susunod, kumatok ka muna para hindi ka mamatay sa maling akala.”
“Hindi kita kinatok dahil ayaw kitang magising.”
Noon na siya unti-unting ngumiti. “Talaga, nag-alala ka sa akin?”
“Oo.”
She was both touched and swooning at the same time. Hindi siya sanay na may nag-aalala sa kanya at gumagawa ng effort para masiguro lang na ligtas siya. She could always take care of herself but she wouldn’t deny that she was grateful for Kenneth’s act of chivalry.
“Thank you,” aniya, pagkatapos ay tumingkayad at hahalikan sana ang lalaki sa pisngi pero mabilis naman nitong ipinaling ang mukha para sa bibig nito dumapo ang kanyang mga labi.
“May morning breath ako,” nakangiwi niyang sabi.
“Wala akong pakialam.” Kinabig siya ni Kenneth palapit, saka inilabas ang kabibili lang niyang iPhone para dito. “Wala pa pala tayong picture na magkasama.”
“Ayoko! Not now, please. Kagigising ko lang, ang pangit ko pa!” tanggi naman niya at tinangkang kumalas mula sa lalaki.
Tumawa ito, hindi siya pinakawalan. “Ikaw ang pinakamagandang babaeng bagong gising. Babasagin ko ang mukha ng sinumang kokontra.” Itinapat ni Kenneth ang smartphone sa kanila.
“Bolero,” angil ni Sydney.
“Ngiti na, giliw ko,” paglalambing naman ng lalaki.
Ngumiti naman siya. At nagustuhan niya ang kuha nilang magkadikit ang mga mukha. Her hair was messy but it looked sexy. In fact, they both looked sexy together. Kung bigyan niya ng caption ang picture, isa lang ang naiisip niya: Something happened last night.
Kaso wala namang nangyari sa kanila ni Kenneth kagabi. Patawa pa siya.
“I will cook lunch today. Bawal kang tumanggi,” sabi niya sa lalaki matapos titigan ang picture nila sa iPhone.
“Takot ko lang sa baril mo.”
ISANG hapon, dinalaw nina Sydney at Kenneth ang ipinapagawang istasyon ng LVT sa bayan ng Agoo. Inilibot niya roon ang nobyo, interesado naman itong nagtanong tungkol sa operasyon ng mga bus at matiyaga niya itong sinagot.
“Bakit hindi rin kayo mag-operate ng mga minibus?” suhestiyon pa ni Kenneth. “Uso `yon dito sa probinsiya, mura ang pamasahe kaysa regular na bus. Puwedeng short trips lang, madalas sakayan ng mga estudyante at mga pupuntang trabaho. Kung maglulunsad kayo ng minibus na may aircon at kaunti lang ang diperensiya ng pamasahe sa regular bus, baka kumita kayo. Marami na ngayong mga college student at trabahador ang nagco-commute ng hanggang dalawang oras. Madalas nga punuan sa umaga.”
“I will think about that,” sagot ni Sydney.
Nakangiti niyang ibinigay ang palad sa nobyo nang alalayan siya nitong umakyat papunta sa ikalawang palapag ng ginagawang maliit na gusali. Masarap din pala sa pakiramdam kapag hinahayaan niyang maging gentleman sa kanya ang isang lalaki.
“Kaya pala may rest house dito sa Agoo ang lolo’t lola mo dahil plano nilang magtayo rin dito ng substation,” komento ni Kenneth nang nakadungaw sila sa bintana.
“They enjoyed road trips together, kaya nang ibenta sa kanila ang LVT na dating may thirty buses lang na biyaheng Manila-Laguna-Cavite-Rizal, hindi sila nagdalawang-isip na bilhin iyon. They gave up their furniture business at pinalaki ang operasyon ng mga bus. Fifteen years ago, kinailangan ng LVT ang investment ng pamilya ni Jacob para mag-expand hanggang Aparri ang biyahe,” kuwento ni Sydney.
“May biyahe sa buong Luzon ang LVT,” namamanghang sabi naman ng lalaki.
“Yes.”
“Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit bumili ng bahay sa Sta. Barbara ang lolo’t lola mo. Bukirin at kakahuyan lang ang meron doon.”
“Lumaki pareho sa siyudad ang dalawang matanda, maybe they just wanted a place that was away from too much people. Saka magandang investment ang pagbili ng bahay at lupa dahil tumataas ang value niyon. May mga property din sila sa Laguna, Tagaytay, Baguio, Vigan… Pero `yong sa Sta. Barbara ang pinakatahimik at secluded ang location.”
“Kaya doon mo napiling magpunta?” nakangiting usisa ni Kenneth.
Nakangiti rin siyang tumango. “Yup.”
“`Buti na lang pala. Kung hindi ay hindi tayo magkakakilala.”
Kinilig yata si Sydney sa sinabi nitong iyon. “Right. Baka nagmumukmok pa rin ako ngayon.”
Inakbayan siya ng lalaki. “At nangangahoy naman ako.”
Natawa tuloy siya nang maalala kung paano sila unang nagkita ng nobyo.
Humalik ito sa kanyang sentido. “`Buti na lang hindi mo ako binaril.”
Humagikgik siya at lalong kinilig. She had never really heard herself giggling like a silly schoolgirl so often. “Muntik na. Kapag ibang lalaki lang `yon at inatake ako ay babarilin ko talaga.”
“`Buti na lang pala at mabait ako’t hindi mapagsamantala,” pagmamalaki ni Kenneth na sinamahan pa ng pagliyad ng dibdib.
“Uh-huh. But you had dirty thoughts about me that time,” she teased him, pinching his side.
“Masisisi mo ba ako?” Kenneth said with a wicked grin. Ang kamay nito sa kanyang balikat ay bumaba sa kanyang baywang. Inilapit pa ng lalaki ang bibig sa kanyang tainga at bumulong. “Ever since that day, I’ve been wanting you like hell you don’t have any idea how it hurts.”
Damang-dama ni Sydney ang pagkasabik, ang pagnanasa sa boses nito. Tumatagos din sa kanyang kaibuturan ang sakit na tinutukoy ng nobyo. She couldn’t imagine his pain, his longing… his lust.
Ang kilig na nararamdaman niya ay unti-unting napalitan ng mas masidhi at nakakakiliting sensasyon. Mainit. Masarap. Masakit. Kung wala lang sigurong ibang tao sa paligid nila nang mga sandaling iyon ay hinalikan na niya si Kenneth sa bibig, niyaya na higit pa sa halik ang kanilang gawin…
Pag-alis nila sa istasyon, sa isang restaurant sila tumuloy. Kung hindi lang sinabi ni Kenneth na nagugutom na, sa beach house sana ito yayayain ni Sydney. She was aching for a session. And for some reason, the ache that she was feeling at this moment was more intense that the previous ones.