NATUWA si Sydney na hindi pa nagbabalak umuwi si Kenneth sa bahay nito kinaumagahan. They even had a bit of role-playing wherein she played a prim and proper professor who was secretly being sex-starved. Ginamit niya sa sarili ang dildo na padala noon ni Andrew habang nakaupo siya sa kanyang home office. Kumpleto siya sa outfit, with eyeglasses pa. Kenneth played the role of her nerdy student taking up his master’s degree who was furtively lusting for her.
Naninilip kunwari ang lalaki sa kanya habang lihim niyang pinapaligaya ang sarili. He was pumping his hot rod with his hand, sinasabayan siya sa bawat pagbayo ng dildo sa kanyang pagkababae. At nang nasa kainitan na sila pareho ay mabilis itong lumapit sa kanya, wala nang pang-ibabang saplot. Inagaw nito ang dildo at walang sabi-sabing ibinaon ang ari sa kanyang butas. Kunwari naman ay gulat na gulat siya pero nang naglaon ay nagbago na ang kanyang facial expression. Nag-umpisa na rin siyang humalinghing.
“My cock is bigger than your dildo, Miss Vida. You’ll like this better,” sabi ni Kenneth, naka-immerse talaga sa role, habang bumabayo nang maririin. Binaklas nito ang suot niyang blouse at agad nilaro ng bibig ang kanyang mga suso. “I can give you what you want. I can fuck you whenever you want.”
“Galingan mo, Nikolas,” hamon ni Sydney, saka siya humawak sa mga balikat nito. “Fuck me real good or ibabagsak kita sa subject ko,” sensuwal na sabi niya at pinadaan ang dila sa tainga nito.
“Wala kang pagsisisihan. I’ll give you my word.”
Hinigit siya ng lalaki mula sa swivel chair at sapo nito ang kanyang pang-upo na itinaas-baba siya sa pagkalalaki habang nakatayo ito. “Oh, gosh, I never thought you’re this strong!” tili niya. “Yes, fuck me like that. Yes, oooh yes! You’re so huge. And so good, so good! Aaaah!” Tumitirik ang mga mata ni Sydney sa matinding sarap at hindi lamang arte iyon.
Kenneth finished her off on the table, withdrawing his penis from her and shooting his load at her belly. They were both laughing when they were done.
“Parang sa porn lang,” nakatawang sabi ni Sydney.
“Marami tayong tatalunin sa kanila,” wika naman ni Kenneth habang pinupunasan siya sa tiyan ng facial tissue.
“Uh-huh. At least I’m not like those porn actresses na hindi nasasarapan sa mga ginagawa nila. I can’t fake anything with you.”
Nakangisi itong nagyabang. “No, you can’t.”
And now, it was already past lunch and they were both famished.
Naningkit ang mga mata ni Sydney nang sagutin ang landline phone sa salas. Pabalik siya noon mula sa kusina, para dalhin ang mga pinagkainan nila ng almusal ni Kenneth kanina. Si Paula ang tumatawag, hinahanap ang binata.
“Worried lang ako, hindi niya kasi sinasagot ang cell phone niya.”
“He’s in the shower right now,” kaswal niyang sabi. “Sasabihin ko sa kanyang tumawag ka, Paula.”
“No need. Sigurado naman akong itse-check niya ang cell phone niya.”
“Okay—”
“Binalikan ka pala ni Kenneth.”
Tinumbasan niya ng tigas ang boses ng babae. “Iyan ba ang sabi niya sa iyo?”
“So, hindi pa officially na kayo, ganoon?” Tumawa ito.
Sa lahat naman ng mga inaping babae ay ang gagang ito ang nakukuha pang tumawa nang parang kontrabida sa pelikula.
“You have a problem with that?” hamon niya rito.
“You mean, problem sa pagse-sex n’yo ni Kenneth? Wala naman. Sex lang `yan, Sydney. Puwedeng makuha `yan ni Ken sa kahit na sinong babae. Sa huli ay uuwi pa rin siya sa babaeng tunay niyang mahal.”
Napakuyom ang isang palad ni Sydney. “Is that so? Oh, so ikaw `yong babaeng tunay niyang mahal?”
“Sino pa nga ba? Alam naman natin ito noon pa, hindi ba?”
Narinig niyang bumukas ang pinto ng master’s bedroom sa itaas. “Well, I have to go now, Paula. Tapos nang mag-shower si Kenneth. Magse-sex uli kami,” mapang-asar niyang paalam dito.
Binagsakan naman siya ng babae ng telepono.
“Hey, `you ready?” tanong sa kanya ni Kenneth na pababa sa hagdanan, init-itsa sa ere ang hawak na susi ng kotse.
Sinimangutan ni Sydney ang lalaki at pabagsak na naupo sa sofa. “Did you check your phone yet? Tumawag si Paula dito ngayon lang, mukhang kailangang-kailangan ka niya.”
“Nag-text na ako.” Lumapit ito sa kanya at tumabi ng upo.
“Hindi ka pa ba uuwi? She’s so eager na makita ka, eh.”
Inakbayan siya ni Kenneth. “Magla-lunch pa tayo sa labas, `tapos dinner. Sinabi kong gagabihin ako ng pag-uwi.”
Humalukipkip si Sydney.
“Hey, what is this?” natatawang sita ng lalaki.
“You tell me!” asik niya rito.
“Babe, c’mon…” pang-aalo ni Kenneth. “I didn’t give her your landline number, by the way. Baka nakuha niya kay Jane.”
Sinimangutan lang ito ni Sydney.
Humalik naman ang lalaki sa kanyang buhok. “I don’t want us to fight,” malambing na sabi nito. “Ayokong nagagalit ka sa akin.”
“Ano’ng sinabi mo kay Paula tungkol sa atin?”
“Sinabi kong magkatrabaho tayo, at girlfriend na uli kita.”
Ipinaling niya rito ang mukha. “Girlfriend?”
“Para wala na siyang masyadong tanong.”
Inismiran ni Sydney si Kenneth at binawi ang tingin. Oo nga naman. Awkward namang sabihin ng mokong na ito sa babaeng iyon na nae-enjoy lang nila ang company ng bawat isa, lalo na ang sex.
Masuyong hinawakan ni Kenneth ang kanyang baba at ihinarap ang kanyang mukha rito. “Huwag mo nang isipin si Paula,” nakangiting sabi nito, saka mabilis na hinalikan siya sa mga labi. “It’s just you and me today, okay?”
Nabura yata lahat ng inis niya. Kung bakit may kakayahan ang lalaking ito na magpalimot sa kanya sa kinaroroonan niya tuwing hinahalikan siya nito, lalo na kung kinakasiping siya.
IMBES na natutulog na sana si Sydney nang gabing iyon ay heto’t nanggigigil na nagpe-pedal siya sa stationary bike na kabibili lang noong isang araw. Patulog na siya kanina nang magpadala si Paula ng picture sa kanyang smartphone. Katabi nito sa kama si Kenneth na nakahubad-baro.
Sydney knew that Paula was bluffing just to piss her off. Pinasok siguro ng gagang iyon ang kuwarto ni Kenneth at tumabi rito, saka nag-
selfie.
Or what if… Argh. No, no. Ayaw niyang pagdudahan si Kenneth.
Mahigit isang oras siyang nagbuhos ng sama ng loob sa bike, saka hihingal-hingal na tumigil. Pabalik na si Sydney sa kuwarto nang mag-ring ang kanyang smartphone.
Si Andrew ang tumatawag.
“Check your E-mail, I just sent you a very important file,” kaagad nitong sabi pagkabati nila sa isa’t isa. “Sorry at hindi ko ipinaalam ito sa iyo, Syd. Hindi ko kasi alam kung papayag ka.”
“Tungkol saan ito, Drew?”
“It’s about Paula. Wala talaga akong tiwala sa babaitang iyon kaya umupa ako ng detective sa Canada para imbestigahan siya. Everything you need to know is in that file, dear.”
Dali-daling binuksan ni Sydney ang kanyang laptop matapos silang magpaalaman ni Andrew. Hindi na siya nagtaka sa mga impormasyong nakuha ng private detective.
Naging pabayang ina at asawa si Paula, nalulong ito sa pakikipag-party at paggasta ng pera. Ayaw rin nitong magtrabaho. Umabot na sa puntong muntik nang mapahamak ang tatlong taong gulang na anak ng babae dahil iniiwan nito ito sa loob ng kotse habang nagmo-mall. Hanggang sa nagpasyang i-divorce si Paula ng asawa. Kung kani-kaninong kaibigan din ito nakituloy sa Canada, pero likas na tamad at walang matagalang trabaho ang babae. May posibilidad din na nabalitaan nitong umasenso na sa buhay si Kenneth kaya nagpasyang bumalik sa Pilipinas.
Mabilis na nag-iisip si Sydney. Hindi siya mapakali kung ano ang unang gagawin. Kailangang malaman ni Kenneth ang lahat pero ayaw niyang gisingin ang lalaki ngayong gabi.
Naghahanda na siyang matulog nang tumunog ang text alert ng smartphone niya. May ipinadalang picture uli si Paula, this time, she was lightly kissing sleeping Kenneth on his lips.
Tinawagan niya ang babae. “Hindi mo na ako maaasar pa, Paula. I already knew what happened to you in Canada. I mean, `yong totoong nangyari sa iyo,” mabilis niyang sabi pagkasagot ng babae sa cell phone.
Saglit itong natahimik bago matigas na nagsalita. “Magkita tayo, ngayon na mismo.”
Mabilis na sumang-ayon si Sydney sa paanyaya ni Paula. Nakipagkita ito sa isang park na katabi ng village na kinaroroonan ng bahay ni Kenneth.
Gusto pa niyang matawa sa sitwasyon. What, gaya ba ito sa telenovela na sasaktan siya ni Paula, sasabuyan ng asido sa mukha? Wala siyang maramdamang takot. Kaya niyang labanan ang babae.
“Hindi ko na tatanungin kung paano mo nalaman ang naging buhay ko sa Canada,” bungad agad ni Paula nang magkita sila sa ilalim ng lamppost. “Pero kung sa akala mo ay makakatulong iyon para layuan ako ni Kenneth ay nagkakamali ka.”
“Tingnan natin,” sabi naman ni Sydney.
Pero hindi natinag ang babae. “Wanna bet? Hindi mo kilala si Kenneth, Sydney. Akin siya noon at ngayon, pati na bukas. Ilang babae na ang nagdaan sa buhay niya pero sa akin pa rin siya bumabalik. Paulit-ulit. Isaksak mo `yan sa kukote mo.”
“Bakit ka nakipagkita sa akin, Paula?”
“Para ipamukha sa iyo ang katotohanan, de-puta ka! Sex lang ang habol sa iyo ngayon ni Kenneth. Maliban doon ay wala ka nang kayang ibigay sa kanya, lalo pa ngayon na siya na ang magmamay-ari sa kalahati ng LVT. Kung noon nga na wala siyang pera ay nakuha ka niyang talikuran, ngayon pa kaya?”
Napatda si Sydney. What the hell was this bitch talking about?
Hindi naitago sa kausap ang kanyang pagkagulat. “Oh! Hindi mo pa alam?” Ang lakas ng tawa ni Paula, tawang nangungutya. “Binili ni Greg ang kalahati ng kompanya para ibigay kay Kenneth. Kawawa ka naman, mukhang natutulog ka sa pansitan.” Tumawa uli ito. A victorious witchy laugh.
Pinigil ni Sydney ang matinding urge na sapakin ang babae. Gahibla na lang talaga ang natitira niyang pasensiya rito. Napatiim-bagang na lang siya.
Bumanat uli si Paula. Mukhang pinaghandaan talaga ang pagkikita nila. “Nagtaka nga ako nang sabihin sa akin ni Kenneth na kayo na pala uli. I mean… after nang mga nangyari noon? Imposible. Hindi mo na ba naisip na baka plano ka lang gantihan ni Kenneth sa pagkamatay ng tatay niya?”
Nagsalubong ang mga kilay ni Sydney. “A-ano’ng kinalaman ko sa pagkamatay ng tatay niya?”
“So, hindi mo pala alam? Namatay si Mang Simon more than eleven years na, noong araw na naghiwalay kayo ni Kenneth. Noong hindi ka nagpadala ng pera kay Dianne para sana maitakbo sa mas magandang ospital si Mang Simon.”
Parang mabilis na umikot ang paligid ni Sydney, kailangan pa niyang balansehin ang tayo habang ina-absorb ang huling sinabi ni Paula. Nasapo niya ang sariling noo.
No, no…
“So, paano na ba `yan? Hindi mo na mabibili si Kenneth, Sydney. Kapantay mo na siya ngayon. Baka nga mas marami na siyang pera kaysa sa iyo. Kaya maghanap ka na lang ng ibang lalaking bibilhin, `yong siguradong hindi ka iiwan para sulit ang bayad.”
Naputol ang pagtawa si Paula nang bigwasan ito ng kamao ni Sydney. Sapo nito ang bibig nang iwan niya sa park.
Pasakay na siya sa kanyang kotse nang marinig na sumisigaw si Paula. Noong una, akala niya na siya ang sinisigawan ng babae, pero nang lingunin niya, may isang lalaking humihila pala sa bag nito.
Shit!
Dali-daling bumaba ng kotse si Sydney pagkakuha sa baril sa kanyang bag. Patakbong lumapit siya kay Paula at sa nagtatangkang magnakaw rito.
Inasinta niya ang lalaki at binaril ito sa balikat. Nakatakbo naman ito, dala ang bag ni Paula. Hindi na ito napaputukan uli ni Sydney dahil pumasok ang lalaki sa halamanan. Nakabuwal naman sa lupa si Paula. Nang lapitan niya ito ay natuklasan niyang may sugat ito sa braso, parang nasaksak.
“Dalhin mo ako sa ospital! Daliii!” tili ni Paula sa kanya at inabot ang kanyang kamay. “Oh, my God. Ang daming dugo. Dugo, dugo! Mamamatay na yata akooo!”
Walang tigil ito sa pagngawa habang nasa kotse sila, namimilipit at nagpapapadyak. Aray nang aray sa pagitan ng mga mura.
“Calm down and put pressure on your wound,” sabi ni Sydney sa babae, sumulyap saglit sa sugat sa kanang braso nito na tinalian niya kanina ng panyo. “Malapit na tayo sa ospital.”
“Kasalanan mo itong punyeta ka! Kung hindi ka sana nakipagkita sa akin—”
Sininghalan naman niya si Paula. “Ako pa ang may kasalanan? Ikaw itong nagsabing magkita tayo ngayong gabi, gaga!”
“Kasalanan mo pa rin, `tang-ina mo! Tingnan natin kung sino ang kakampihan ngayon ni Kenneth. Magkakaalaman na—”
“I swear to God, kapag hindi ka tumigil diyan ay dadagdagan ko ang nararamdaman mong sakit ngayon.”
Agad nagtikom ng bibig si Paula.
NASA emergency room si Paula nang tawagan ni Sydney si Kenneth. Parang nawala ang antok ng lalaki nang mabilis niyang ibalita rito ang nangyari. Mabilis itong nakarating sa ospital, naka-pajama lang at puting T-shirt. Kausap ni Sydney ang dalawang pulis nang abutan sila ng binata sa lobby.
She had mixed of emotions upon seeing him almost running towards her. Marami siyang na-realize, marami siyang gustong sabihin. Maraming katotohanan din ang parang bigla na lang bumuhos sa kanya, nangunguna ang pinakamalaking katotohanan na kay tagal din niyang iniwasan.
“N-nasa emergency room si Paula, baka puwede ka nang pumasok doon. Don’t worry, hindi naman malala ang lagay niya,” agad na sabi ni Sydney kay Kenneth pagkalapit sa kanya. Pinipigil niya ang maluha.
“Are you all right?” nag-aalalang tanong ng lalaki, humawak sa kanyang braso. “Nasaktan ka ba?”
“Kanina ka pa niya hinahanap—”
“Sydney, are you okay?” tanong uli nito. Nang hindi siya sumagot ay niyakap siya ni Kenneth, mahigpit.
“I’m f-fine. I’m fine,” usal ni Sydney. Kumalas siya mula sa lalaki.
“God, I’m so worried about you.”
“Hinihintay ka na ni Paula,” pagtataboy na niya rito. “Sige na, Kenneth. Marami pang itatanong sa akin ang mga pulis.”
Bumuntong-hininga si Sydney nang makalayo si Kenneth. Sumilip na lang siya sa emergency room nang matapos na mag-report sa mga pulis. Nakaupo si Kenneth sa gilid ng kama ni Paula, wala pa ring tigil sa pagngawa ang babae. Narinig niyang paulit-ulit nitong isinusumbong na sinapak niya ito sa mukha na para bang mas malaki ang tinamong damage mula roon kaysa sa saksak sa braso nito.
Ilang saglit ding tinimbang ni Sydney ang nararamdaman bago tumalikod at naglakad. Hindi pa siya gaanong nakakalayo nang humabol naman sa kanya si Kenneth.
“Paula was right, hindi ako dapat nakipagkita sa kanya sa ganitong oras,” sabi niya agad sa lalaki bago pa ito makapagsalita. “I should’ve been the bigger person at hindi na lang siya pinatulan—”
“Sweetheart, I’m not blaming you. Siya ang may gustong makipagkita sa iyo.”
“You’re not blaming me?” Ngumiti nang mapakla si Sydney. “Noong namatay ang tatay mo, hindi mo ba ako sinisi?” Napakabigat ng kanyang dibdib, parang kakapusin siya ng hininga nang mga sandaling iyon. “I-I don’t know what happened, Kenneth. Pero pakitanong si Dianne kung ano ang nangyari sa padala kong one hundred thousand pesos sa kanya. Nag-text ako sa kanya noon pero hindi siya sumagot. Hindi rin siya sumagot noong tumawag ako. Pero noong i-track ko ang Western Union ay na-receive naman daw ang pera.”
Halatang nagulat si Kenneth sa kanyang sinabi, parang hindi alam kung ano ang sasabihin. Napahilamos ang palad nito sa mukha’t hinilot ang sariling batok.
So, all this time, pinaniwalaan ng lalaki na hindi siya nagbigay ng tulong noong hiningan siya nito?
Sydney wouldn’t want to think of the possibility that Paula was right—that Kenneth was playing her all along for revenge. Hindi ito ganoong tao. Hindi kailanman naging masama sa kanya ang lalaki. Hindi niya kailanman naramdaman iyon. Lahat ng mga yakap, halik at pakikipagniig nito sa kanya ay totoo… hindi maikakaila ang init.
Pero iyon lang naman iyon, hindi ba? Iyon lang ang pinanghahawakan niya kay Kenneth. Iyon lang ang kaya nitong ibigay sa kanya. And that was all that he needed from her. Heat. Nothing more.
“Maraming problema sa akin, alam ko naman iyon. Pero alam ko ring hindi ako masamang tao, Kenneth. H-hindi ko ginustong mamatay ang tatay mo.”
Hindi mabasang maigi ni Sydney kung ano ang eksaktong nararamdaman ni Kenneth. He looked overwhelmed, confused... mad.
“Alam mo ba, ngayon ko lang na-realize…” Hindi napigilan ni Sydney ang pag-alpas ng isang hikbi. “N-na kaya pala ang sakit-sakit noong inamin mo sa akin na mahal mo pa rin si Paula… kasi, k-kasi mahal na pala kita noon.”
“Sydney—”
Naputol ang sasabihin ni Kenneth nang marinig nila ang boses ni Paula mula sa emergency room. Tinatawag nito ang lalaki, ipinahanap sa mga nurse. Akmang iignorahin sana nito iyon nang may lumabas na nurse mula roon at tinawag ito.
“Paula needs you,” sabi ni Sydney kay Kenneth at mabilis na lumayo.