HINDI tumanggi si Kenneth nang yayain ito ni Sydney na tumuloy sila ng Baguio matapos ang dalawang linggong pananatili sa La Union. Sinabihan niya itong maaaring umuwi muna sila sa Sta. Barbara pero ang binata naman ang tumanggi.
Nagpapalamig pa rin ito mula sa pakikipag-away sa ama at hindi niya alam ang iisipin tungkol doon. She never argued with her parents. Lahat ng gusto niya, ibinigay ng mga ito, hinayaan siyang magdesisyon para sa kanyang buhay. They gave her everything but their love and attention. Kinontento na lang niya ang sarili para doon, pinilit tinanggap ang katotohanan na ang mga magulang ay hindi pare-pareho. She wouldn’t even be shocked if ever she’d find out that she might have been conceived because her parents wanted an heir to their business.
“Bakit ikaw ang nagluluto?” sita sa kanya ng lalaki isang araw habang nagluluto siya ng pananghalian sa kusina ng rest house sa Quezon Hill.
Nasa gilid ng bangin ang bahay na may tatlong silid-tulugan. Mayroong chimney iyon sa malaking salas at patio sa likuran na nakatanghod sa kabundukang hitik na ng mga bahay. Pangatlong beses pa lang ni Sydney sa bahay na iyon at gusto pa sana niyang magtagal pero may usapan na sila ni Kenneth na lumuwas sa Metro Manila nang magkasama.
Marami silang napag-usapan nitong mga nagdaang araw. Gustong mag-enroll ng nobyo ngayong pasukan at gustong matuto tungkol sa pagnenegosyo. Nakikitaan ito ni Sydney ng seryosong determinasyon dahil nakababad ito sa Internet at nagre-research tungkol sa business kung wala silang ginagawa. Matalino si Kenneth at praktikal. Alam niyang magiging katuwang niya ito sa pagpapatakbo ng LVT kung sakaling magtagal ang kanilang relasyon.
“Sawa na akong kumain sa mga restaurant,” sagot ni Sydney.
Yumakap ang nobyo sa kanyang baywang mula sa likuran. “Puwede naman kitang ipagluto,” malambing na sabi nito. “Sorry, napasarap ang pagbabasa ko sa Internet, hindi ko namalayan na magtatanghalian na pala.”
“Hmm, boyfriend na kita. Hindi na kita alalay,” natatawang sabi niya.
Hiwalay pa rin sila ng kuwartong tinutulugan. Ayaw munang masanay ni Sydney na katabi sa pagtulog si Kenneth. Alam niya na darating din sila sa puntong iyon. Saka parang mas exciting ang mga session nila kasi hindi lang nila pinag-iinit ang isa’t isa nang dahil lang magkatabi sila sa kama. Almost everything was spontaneous. Unplanned. Gaya na lang noong minsang nanonood sila ng TV at nagkatinginan sila at nauwi sa mainit na pagtatalik sa sofa.
Marami na ring natutunan sa pakikipagtalik si Sydney sa loob ng maikling panahon. Magaling magturo si Kenneth at sabi nito ay natural na rin sa kanya ang maging sensuwal at mapusok, kinailangan lang siya nitong tulungang mailabas iyon. They also tried some positions from the Kama Sutra book. She particularly liked Glowing Juniper, Indrani, Sphinx, Kneeling Wheelbarrow, and Splitting Bamboo.
“Oo nga, pero gusto ko pa ring pagsilbihan kita,” sabi ni Kenneth.
“Ayaw mo lang yata ng mga luto ko,” kunwari ay hinampo niya naman.
Humalik sa kanyang leeg ang lalaki. “Wala pa akong hindi nagustuhan sa mga luto mo.”
“Kenneth, ha? Madaling masunog itong beef kaldereta, kailangang bantayan.”
Tumawa ito. “Sorry, hindi ko mapigil. Ang sexy kasi ng suot mo,” sabi nito at hinimas ang kanyang puwit na nagyayabang ang umbok sa suot na maikling shorts.
Yup, short shorts. Sa Baguio. Tanda ni Sydney na tatlong taon na ang nakararaan, nalalamigan siya sa klima roon sa kaparehong buwan. Hindi na ngayon. Totoo nga yata ang global warming.
Pabirong siniko niya ang nobyo. “Ano ka ba?” natatawang singhal niya, pero hindi naitago ang pagka-arouse sa ginawa nito.
Ganito ba katindi ang kapangyarihan ng lalaking ito sa sex at para siyang tuyong dahong nagniningas kapag niroromansa nito? Halos nakalimutan na niya kung paano manlamig sa sex dati. She had totally gone astray under his sexual prowess. Lost and enjoying the heck of it.
Bumulong si Kenneth sa kanyang tainga. “Nagustuhan mo ba ang ginawa natin kagabi sa ilalim ng pine tree?”
Nakiliti si Sydney sa sensasyong dulot ng mainit na hininga ng nobyo at ang halos pagdampi ng bibig sa kanyang punong-tainga.
Nagustuhan? Kung hindi lang sila nasa labas ng bahay noon ay hinayaan niya sana ang sariling sumigaw dahil sa walang katumbas na sarap.
Nasa labas sina Sydney at Kenneth at nagpapahangin kagabi nang bigla na lang siyang isinandal ng nobyo sa puno at pinaghahalikan. Hindi naman siya nakatanggi dahil iyon din ang gusto niyang mangyari mula nang hawakan siya nito sa baywang habang nag-uusap sila.
Sa ilalim ng ilaw mula sa lamppost ay kitang-kita kung paano nag-ulap ang mga mata ng lalaki at hindi na nakikinig sa kanyang mga sinasabi. Siya naman ay parang hindi na rin naiintidihan kung ano ang pinagsasabi. Iisa na lang ang gusto nilang mangyari. Sapat na ang maiinit nilang titigan para maintindihan ang bawat isa.
Napapaligiran ng mga puno at halaman ang kinaroroonan nilang bakuran kaya malakas ang loob nilang magtalik doon. Isa pa, hindi na nila nagawang pumasok pa ng bahay dahil doon na inabutan ng matinding pagnanasang daig pa ang uhaw sa tag-araw na kailangang maibsan agad o ikamamatay nila pareho.
Napasinghap si Sydney nang ipasok ni Kenneth ang gitnang daliri sa kanyang ari at mabilis na iniurong-sulong iyon. He hit her G-spot when he curled up his finger and that had pushed her to the rim.
“Take me now— Hmmpph… Ken. N-now!” marahas na utos niya, napakagat siya sa balikat ng nobyo para kontrolin ang pag-ungol.
Kenneth had managed to enter her with her clothes on. Hindi rin ito naghubad ng mga kasuotan. Inilabas lang nito ang ari mula sa suot na sweatpants at sumulong agad sa kanyang sabik na pagkababae.
Isinampay ng lalaki ang isang hita niya sa braso nito kaya mas malalim ang naabot nito sa kanya. He was pounding incessantly, deeply. Walang balak patagalin ang pagsisiping nilang iyon. Oh, no. Not that time. Walang puwang ang pag-delay ng orgasm sa kanilang dalawa sa mga sandaling iyon.
Nayuyugyog ang malaking puno dahil sa lakas ng salpukan nila. They couldn’t slow down, they couldn’t stop. They needed to come right there. Fast.
“Sydney… Sydney! I have to warn you,” he mumbled. “Hindi ko na… m-mapigil.”
“Yes, yes. I’m getting there. I’m with you, Ken. Ah, aaaah!”
At ang mga eksenang iyon ay sapat na para makaramdam si Sydney ng pamamasa sa kanyang pagkababae. But damn it, she was cooking.
Hindi naman lingid kay Kenneth ang kanyang pagka-arouse dahil chineck talaga ng loko ang pagkababae niya. Kinurot niya ang kamay nitong nakasuksok sa kanyang shorts.
“Kaldereta o ako?” he teased her, swirling his fingers on her clitoris.
She gasped. “Kenneth!”
“Mabilis lang ito, parang kagabi.”
“Nakakainis ka!” angil niya sa nobyo pero ayaw niya namang magprotesta talaga. She was already feeling so hot she needed a release.
Hindi napigilan ni Sydney si Kenneth nang patayin nito ang kalan. “Makapaghihintay ang kaldereta,” biro nito at maliksi siyang binuhat, saka ipinatong sa kitchen table. “Subukan natin `yong Padlock.”
Agad napuno ng mga halinghing at ungol ang buong kabahayan.
LIMANG araw silang nanatili sa Baguio bago tumuloy ng Makati. Hindi sinunod ni Kenneth ang mungkahi ni Sydney na dumaan muna ng Sta. Barbara. Noong isang gabi ay narinig niya itong kausap si Dianne sa telepono at galit pa rin daw ang ama rito. Ayaw nitong makita si Kenneth at labis namang nasasaktan para doon ang binata.
What could she do? What could she tell him? Wala siyang maipapayo sa nobyo tungkol sa pamilya dahil hindi pangkaraniwan ang naging setup niya sa mga magulang. Ayaw rin niyang buksan uli ang paksang iyon dahil parang dumidilim ang mundo ni Kenneth tuwing iyon ang pinag-uusapan nila. Ayaw niyang mangyari iyon, nalulungkot din siya kung malungkot ang nobyo.
Dinala ni Sydney si Kenneth sa main office ng LVT sa ikalawang araw nila sa lungsod. Nagbunyi siya sa loob-loob nang makitang nagdilim ang aura ni Jacob nang ipakilala niya rito si Kenneth bilang nobyo.
What an asshole. May gana pa itong sumama ang loob sa kanya? What, inaakala ba nitong hindi siya makaka-move on agad mula rito? Na magmumukmok siya, mag-iiyak? Babalik sa trabahong lulugo-lugo at may posibilidad na himukin itong bumalik sa kanya? Well, tough shit. Nagkamali ito ng babaeng niloko.
Alam ni Sydney na nabulabog ang buong opisina ng LVT sa pagdating nila roon ni Kenneth. Alam niya ring marami sa mga empleyado ang naiintriga sa pagkatao ng kanyang nobyo. Inaasahan na niya ang mga ganoong reaksiyon. Kahit naman sino ay magtataka kung sino itong lalaki na mabilis niyang ipinalit kay Jacob. At wala naman siyang pakialam kung ano man ang iisipin ng mga empleyado.
Ang pinakamasaya sa mga tao roon ay ang kaibigang si Andrew. Niyakap pa ng hitad si Kenneth, hindi na talaga itinagong bading ito. Binigyan na rin ng permiso ni Sydney na si Andrew na ito na ang mag-announce sa mga kaibigan nilang nasa ibang lugar na may bago na siyang karelasyon. Natutuwang bumati naman ang mga ito sa kanya sa telepono, humingi pa ng picture nila ni Kenneth.
“Andrew, I need you to take Kenneth to go shopping tomorrow,” pakiusap niya sa kaibigan nang mag-lunch silang tatlo sa labas ng opisina.
Malanding tumawa si Andrew at hinampas pa ang braso ni Kenneth. “Alam na alam mo talaga ang expertise ko!” nagmamalaking sabi nito sa kanya, saka bumaling sa kanyang nobyo. “Don’t worry, Ken, ako’ng bahala sa iyo. I promise you, tatalunin mo ang mga lalaking model ng Versace, Gucci, at Dolce and Gabanna pagkatapos nating mag-shopping bukas,” sabi nito, sabay kindat.
Muntik nang matawa si Sydney nang parang nag-aalalang tumingin sa kanya si Kenneth, parang nagpapasaklolo. Natatakot na baka pagsuotin ito ni Andrew ng suit na yari sa crocodile o leopard skin, at makintab na matulis na puting sapatos.
“Relax, hindi pipili ng pangit na mga damit si Andrew,” nangingiting sabi niya sa lalaki.
“Trust me on this,” paniniguro ng kaibigan kay Kenneth. “Pagharap mo kay Sydney bukas ay baka pabakuran ka na niya ng bodyguards dahil maraming babae ang magtatangkang mang-agaw sa iyo.”
Noon na natawang tuluyan si Sydney, asiwa namang ngumiti si Kenneth.
“May I also suggest a trip to the salon? I think boyfie needs a haircut. I mean, hot ngang tingnan ang medyo mahabang hair niya, pero… you know, parang mas guguwapo siya `pag short hair. Well, kung gusto mo lang naman, Ken. Hindi kita pinipilit magpagupit, ha?”
“Sa palagay ko, oras na nga para magpagupit,” sang-ayon naman ni Kenneth. “Mainit sa pakiramdam ang buhok ko.”
KINABUKASAN, maghapon sa opisina ng LVT si Sydney at gaya ng inaasahan ay hindi naiwasang magkrus ang landas nila ni Jacob.
“You have a secretary. Bakit ikaw ang nagdala ng mga ito dito?” sita niya sa dating nobyo habang pinipirmahan ang mga ibinigay nitong papeles.
Hindi umimik si Jacob, nanatili itong nakaupo sa harap ng kanyang mesa. Deretso niyang sinalubong ang tingin nito nang matapos siya sa pagpirma.
“Thank you,” sabi ng lalaki sa mababang tinig.
Hindi maitatanggi ni Sydney na mayroon pa rin siyang inis na nararamdaman para sa dating nobyo. Hindi na yata mawawala pa iyon kahit tuluyan na niya itong napatawad. Hindi niya gusto ang ginugulangan o niloloko ng ibang tao.
“May sasabihin ka pang iba?” sita niya sa lalaki nang hindi ito tumayo.
“Sino si Kenneth?”
Natawa sa loob-loob si Sydney. “I told you already, haven’t I?”
“Hindi ako naniniwala.”
Noon na niya pinakawalan ang mapaklang tawa. Just as she thought! “Hindi ka makapaniwalang maipagpapalit kita agad? Ako nga, naipagpalit mo habang tayo pa, hindi ba?”
“So you just got yourself a new boyfriend in retaliation for what I’ve done?”
“Not everything is about you, Jake.” Humalukipkip siya. “Hindi ko maintindihan kung bakit pinapakialaman mo pa ang personal kong buhay.”
“You can’t be in love with this guy, Syd.”
“Jacob!” bulalas ni Sydney. “What the hell? Wala kang pakialam kung sino ang gusto kong maging boyfriend at lalaking mamahalin, all right? Wala ka nang karapatang panghimasukan ang buhay ko. Our relationship now is purely business, huwag mong kakalimutan `yan.”
“Hindi ko kinakalimutan,” paglilinaw ni Jacob. “`Yan nga ang dahilan kaya nagtatanong ako tungkol kay Kenneth. Tagasaan siya, kaninong pamilya siya? What is his occupation?”
“I don’t see any relevance—”
“Look, my family owns thirty percent of LVT. Gusto ko lang makasiguro na ang lalaking maaaring mapangasawa mo ay may kakayahan ding magpatakbo ng negosyong ito.”
Umakyat ang dugo sa ulo ni Sydney. “Are you telling me that you just made me your girlfriend because of business purposes? Dahil since tayo ang may-ari ang LVT, dapat lang na tayo rin ang magpakasal?”
“I was just being reasonable. Minahal din kita, Sydney.”
Tumayo siya. “Pangalawang rason lang ang pagmamahal mo? O minahal mo nga ba talaga ako? Kasi sa tingin ko, hindi mo ako magagawang lokohin kung talagang may pagmamahal ka nga sa akin.”
Tumayo rin si Jacob. “Here we go again. Ilang beses ko pa bang ipapaliwanag ang sarili ko sa iyo?”
“Oh, I completely understand you now.”
Negosyo. Pera. Ang mga iyon pala ang pangunahing dahilan ng lalaking ito kaya siya niligawan. Of course. Nagulat pa ba siya roon? Noon pa boto ang kanyang mga magulang kay Jacob, at gaya ng mga ito ay business-minded din ang lalaki, may pagpapahalaga sa LVT.
“I still care about you. I don’t want you to get hurt in the end.”
“You already hurt me.”
“All that I’m saying is… Pumili ka ng mapapangasawang hindi ka lolokohin sa pera.”
Ngumiti si Sydney nang mapait. “Pero okay lang na lokohin ako sa ibang bagay gaya ng ginawa mo, ganoon ba?”
Hindi nakaimik si Jacob.
Itinuro niya ang pinto. “Kung wala ka nang ibang kailangan ay puwede ka nang umalis.”
Hindi na nagsalita pa si Jacob at tinungo ang pinto ng kanyang opisina. Saktong pagbukas nito ng pinto ay paparating naman ang isang matangkad at makisig na lalaki. Kung hindi pa ito lumapit nang tuluyan sa pintuan, hindi niya makikilalang si Kenneth pala iyon. Iniwan namang bukas ni Jacob ang pintuan para dito.
Saglit na nagpalitan ng tingin ang dalawang lalaki, saka naghiwalay ng landas. Pagkapasok ni Kenneth sa kanyang opisina ay humalik ito sa kanyang pisngi.
“Hindi kita agad nakilala,” nakangiting sabi ni Sydney at muling pinasadahan ng tingin ang nobyo mula ulo hanggang paa.
Ang galit na naramdaman niya kanina para kay Jacob ay unti-unting napalitan ng tuwa pagkakita kay Kenneth.
Maikli na ang buhok nitong nakaayos gamit ang molding cream. Nakasuot ito ng blue plaid long-sleeved shirt na may nakapatong na brown sweater vest. Dark gray ang suit coat nito at khaki ang pantalon, itim ang leather shoes na suot.
“Tama si Andrew, marami kang tataluning models,” puri ni Sydney sa nobyo.
A shy smile flashed on his gorgeous face. “Para akong magdya-judge sa reality show o emcee sa pistang bayan,” biro ni Kenneth.
Tumawa siya. “But you really look great!”
“Oo na. Basta ikaw ang nagsabi, maniniwala ako. Umuwi na pala si Andrew, napagod yata sa lakad namin.”
“Yeah, nag-text siya kanina lang. Hindi iyon napagod, tinamad lang na bumalik pa dito since hapon na.” Dinampot ni Sydney ang iPhone mula sa mesa. “Picture tayo,” yaya niya kay Kenneth na pinaunlakan naman nito.
He was kissing her hair when the phone’s camera captured them, and she was smiling sweetly. Napaka-tender ng dating ng picture. Parang larawan ng dalawang taong nagmamahalan.
Nagmamahalan. Yeah, right. Kailan ba naman may nagmahal talaga sa kanya? Everything about her was nothing but a business deal. Ang parents niya, si Jacob. Need she remind herself that she also used her money to persuade Kenneth? Inamin din ng lalaki na isa iyon sa dahilan kaya pumayag itong makipagrelasyon sa kanya.
“Are you okay? Ano’ng ginawa sa iyo ni Jacob?” mayamaya ay usisa ni Kenneth. “May sinabi ba siyang hindi maganda?” nag-aalalang sabi nito na halatang nagpapakahinahon. Tipong handang bumasag ng mukha para sa kanya.
Hindi pala naitago ni Sydney ang emosyon mula sa nobyo. O siguro ay magaling lang itong makiramdam pagdating sa kanya.
Yumakap na lang siya kay Kenneth. “Just hold me,” mahinang sabi niya, ibinaba lahat ng depensa sa katawan at hinayaan ang sariling maging mahina sa mga bisig nito.
Nang mga sandaling iyon, pinilit niya munang alisin sa isip ang tungkol sa pera. Nang mga sandaling iyon, inisip niya muna na totoo ang ipinapakitang pag-aalala ni Kenneth sa kanya, na walang perang nagbunsod dito para maramdaman iyon.