noveltoon logo noveltoon
Heat

Chapter 27

Ch. 28 / 29 Apr 09, 2022

PILIT na pinapahupa ni Kenneth ang galit habang nagmamaneho papuntang Tarlac kung nasaan si Dianne. Palipat-lipat ito ng bahay kasama ni Bronson, depende kung saang lugar tumatagal ang gig ng banda ng lalaki. Mahigpit ang bilin niya sa kapatid na makikipagkita ngayong araw. Naabutan niya naman sa inuupahang bahay ang babae.

Hindi na napigil ni Kenneth ang sikdo ng kumukulong dugo, mahigpit niyang hinawakan sa magkabilang-balikat si Dianne at kinastigo tungkol sa sinabi ni Sydney.

“Totoo ba?!” bulyaw niya nang hindi ito sumagot, nakanganga lang, takot na takot. “Sumagot ka!” Niyugyog niya ang kapatid sa balikat.

“O-oo, Kuya, nagpadala nga siya ng pera—”

“Putang-ina!” halos umusok ang ilong na mura ni Kenneth.

“Kuya, please!” tili ni Dianne, nanginginig na sa takot. “Pakinggan mo muna ako. S-sabi kasi ng doktor na kahit ilipat si Tatay ay hindi na siya makakaligtas. May multiple organ failure na siya at ni ayaw niyang lumaban pa para mabuhay, gusto na niya talagang mamatay kaya nga ayaw niya magpadoktor noon pa,” umiiyak na paliwanag nito. “Alam mo naman `yan, `di ba? Walang ibang may kasalanan na namatay siya, Kuya. Wala!”

Hawak ang leeg na itinulak niya ang kapatid sa dingding. “Kung ganoon ay bakit mo kinuha ang pera at bakit hindi mo sinabi sa akin?”

“K-kailangan kasi noon ni Bronson ng pera, kailangan ng banda ng mga bagong instrumento. Since sabi mo na hiwalay na kayo ni Sydney ay umasa akong hindi na kayo magkikita o mag-uusap muli k-kaya naglakas-loob akong ilihim sa iyo na kinuha ko ang pera.”

Napasuntok si Kenneth sa dingding. Napasigaw naman si Dianne. Humahagulhol na ito at halos mawalan ng kulay ang mukha.

“Buong buhay ko, ibinigay ko lahat-lahat ng pangangailangan mo. Wala akong hiningi ni anumang kapalit. Nakuha mo akong gaguhin nang ganito katagal? Anong klase kang kapatid?” nagtatagis ang mga ngipin na sabi niya.

“K-Kuya, sorry, patawarin mo ako. Natukso lang naman ako noon, maniwala ka. K-kung natuklasan mo naman noon nang maaga ay aamin din ako, pero hindi mo na nalaman kaya nanahimik na lang ako. Bitiwan mo na ako, please.”

Matigas at mapait na nagsalita si Kenneth. “Magmula ngayon ay bahala ka na sa buhay mo.”

Binitiwan na niya ang leeg ni Dianne. Kahit ano pa sigurong kasamaan ang ginawa sa kanya ng kapatid ay hinding-hindi niya ito mapagbubuhatan ng kamay. Hindi siya ganoong klaseng kapatid.

Walang imik na tinalikuran ni Kenneth ang babae. Hahakbang na siya papunta sa pintuan ng bahay nang pigilan siya nito.

“Huwag mo akong itatakwil, Kuya! Buntis ako, one month. Maawa ka sa pamangkin mo.”

Mahigpit ang hawak ni Dianne sa laylayan ng kanyang T-shirt. Nang muli siyang humakbang ay hinila nito ang T-shirt niya, halos mapunit na iyon.

“Buntis talaga ako, hindi ako nagsisinungaling! Promise, magtatrabaho na ako, basta tulungan mo lang akong makapasok. Hindi ko pababayaan ang anak ko, sumpa ko `yan. Maawa ka sa amin, Kuya Ken!”

Saktong dating naman ni Bronson, may hawak itong mga plastic bags na sa tingin ni Kenneth ay lutong pagkain na binili nito. Halatang natakot ang lalaki pagkakita sa kanya.

“Buntis nga ba ang kapatid ko?” sita ni Kenneth.

Sunod-sunod ang mga tango ni Bronson. Nabitiwan pa ang mga supot ng pagkain nang kuwelyuhan niya ito.

“Makinig kang mabuti, dahil hindi ko na uulitin pa ito. Magtatrabaho ka nang maigi para masuportahan ang pamilya mo.” Sumulyap si Kenneth sa umiiyak pa ring si Dianne. “Magtutulungan kayo ni Dianne, magsusumikap kayo. Dahil malaman ko lang na magiging pabaya kayong mga magulang ay gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para makuha ko ang bata sa mula inyo at hindi n’yo na siya makikita pang muli,” pananakot niya.

“O-oo, oo! Hindi ko sila pababayaan.”

“Siguruhin mo `yan kundi sasamain ka talaga sa akin,” may pagbabantang sabi niya.

“Sa katunayan niyan, m-may nahanap kaming restaurant dito na kinontrata kaming magbanda, pangmatagalan din `yon kaya baka dumito na kami sa Tarlac. Maghahanap din ako ng iba pang trabaho.”

Duda pa rin si Kenneth pero sa ngayon ay panghahawakan niya ang salita ng dalawa. Kapag nagkataon, tototohanin niya ang banta sa mga ito.

Magda-drive na sana siya pabalik ng Metro Manila, pero nang tumawag siya sa bahay ni Sydney at nakausap ang kasambahay nito ay nagbago ang kanyang isip.

She was not home. Umalis daw ng bahay pero hindi sa opisina nagpunta.

Alam na alam ni Kenneth kung saan hahanapin ang dalaga…

Hindi na niya maalala kung kailan huling nagpunta sa Sta. Barbara. Ang kanilang lupa’t bahay ay ibinenta noon ng kanilang Tiyo Abner ilang buwan lang pagkatapos mailibing ang kanyang ama. Labinlimang libo lang ang ibinigay nitong parte sa kanilang magkapatid.

Sa birthday yata noon ni Peter may dalawang taon na ang nakararaan ang huling yapak niya sa bayang sinilangan. Nagkita sila ni Lenita at nalungkot siya’t may pagtingin pa rin sa kanya noon ang babae. Ibinalita naman sa kanya ni Peter ilang buwan na ang nakakaraan na nakahanap na rin ng nobyo si Lenita. She had finally moved on.

Gusto sana itong i-date uli noon ni Kenneth, pero wala na siyang madamang koneksiyon sa babae. In fact, he didn’t feel connected to any of the women whom he dated these past years. Yes, ever since he got separated from Sydney. Noong iwan siyang tuluyan ni Paula ay nagulat siya’t hindi nasaktan man lang. He got disappointed, but wasn’t hurt. Inaasahan pa nga niyang mangyayari iyon.

That perfect chemistry, that strong connection… he only felt them with Sydney Vida. Akala ni Kenneth dati ay dahil angat at kakaibang babae ito sa lahat ng kakilala kaya natural lang na iba ang pakiramdam niya rito mula noon pa. But no. There was something else. It took him many years to finally realize it, to finally accept it.

Wala si Sydney nang dumating si Kenneth sa malaking bahay sa Barangay Lupac. Hindi siya nagdalawang-isip pa, pumaroon siya sa lugar na alam niyang pupuntahan ng babae at hindi nga nagkamali nang may marinig siyang nagsalita mula sa likuran.

“Hands up in the air.”

NAKANGITING humarap si Kenneth kay Sydney pagkatutok niya ng Glock 21 dito. Kahit kailan ay hindi talaga niya matatakot ang lalaking ito.

“I thought I’d find you here,” tuwang-tuwang sabi ng mokong. “I was expecting you to be naked though.”

Inirapan naman ito ni Sydney, hindi nagpahalatang natuwa rin na nagtagpo silang dalawa sa lugar kung saan sila unang nagkita.

“Kararating ko lang dito. Why are you here?” mataray niyang sita sa lalaki.

Humakbang ito palapit sa kanya. “To be with you. Bakit ka umalis? Bakit mo pinatay ang cell phone mo?”

Umatras naman siya. “What do you care anyway?”

Nagkibit-balikat si Kenneth. “You’re my girlfriend, of course I do care.”

“Excuse me? Hindi por que ine-enjoy ko ang mga pagse-sex natin ay payag na akong maging girlfriend mo uli.”

Tumawa ang lalaki. “Babe, please put the gun down. Let’s talk.”

Nakasimangot na sumunod si Sydney. Ibinalik niya ang baril sa dalang Michael Kors clear tote na may lamang tuwalya, isang tub ng Pringles at isang litrong bottled water.

“O, bakit iniwan mo si Paula? Baka nahimatay na `yon dahil wala ka sa tabi niya,” sabi niya at umirap, saka ibinaba ang bag sa lupa.

“She’ll be all right. We had a long talk last night, inamin na niya lahat sa akin ang nangyari sa kanya sa Canada. Pero bago iyon, bago pa kayo nagkita kagabi ay nag-usap na rin kami tungkol sa pag-alis niya sa bahay ko. Hinanapan ko na siya ng tirahan at ipapasok ko siya sa LVT Cubao station. Umayaw siya noong una, maraming idinahilan pero nagmatigas naman ako. Iyan siguro ang rason kaya kung ano-ano ang sinabi sa iyo. Alam naman niyang dahil sa iyo kaya hindi ko na uli siya matanggap sa buhay ko,” paliwanag ni Kenneth.

Kumunot ang noo ni Sydney sa kabila ng pagpipigil pa ring mangiti. She was happy, all right. But she needed answers. Praktikal pa rin siyang tao kahit nagmamahal.

“And, sweetheart, I am not blaming anyone for my father’s death,” sabi pa ng lalaki, nabasa siguro sa kanyang mukha na kailangan niya ng mga paliwanag. “Sorry, hindi ako naka-react agad noong sinabi mong nagpadala ka pala ng pera. Galit na galit lang ako sa kapatid ko nang mga sandaling iyon.”

“H-hindi sumama ang loob mo sa akin noong inakala mong hindi ako nagpadala ng tulong?”

“Nagtaka ako, oo. Pero hindi sumama ang loob ko. How could I hate you? Napakarami mong ibinigay noon sa akin kahit hindi ko hiningi. Noong una ay sinisi ko ang sarili ko sa kamatayan ni Tatay, pero pinilit ko na lang tanggapin ang lahat.” Bumuntong-hininga si Kenneth, hindi naikubli ang lungkot. “Sumuko siya sa kamatayan at hindi niya ako binigyan ng tsansang tulungan siya. Dahil din doon ay mas namulat ako sa maraming katotohanan ng buhay. I decided not to give up on life, no matter how hard, no matter how hopeless it could be. Patuloy pa rin akong makikibaka, makikisagupa sa lahat ng pagsubok.”

Sa mga sandaling iyon ay lalo pang napamahal si Sydney kay Kenneth. Napakalaki ng puso nito. At doon mismo ay ipinangako niya sa sarili na iingatan ang pusong iyon. She would never break it, she would never hurt it. Handang-handa na siyang iparamdam sa lalaki ang pag-ibig niya.

Kaninang umaga bago bumiyahe papuntang Sta. Barbara si Sydney ay dumaan siya sa sementeryo kung saan nakalibing ang kanyang mga magulang. Nag-alay siya ng mga bulaklak at kandila; pati na rin ng panalangin. At lumuluhang nagsalita sa harap ng puntod ng mga ito.

“Mom, Dad… I’m sorry kung hindi ninyo naramdaman ang pagmamahal ko sa inyo, pero gusto kong malaman ninyo na minahal ko kayo sa paraang alam ko. Tulad na rin siguro ng pagmamahal ninyo sa akin na hindi ko naramdaman. But that’s okay, I’ve learned from it. I’ve decided not to hold back anymore. I will love so hard and I will not let anything stop me from showing it.”

Magaan ang pakiramdam niyang lumisan sa libingan, puno ng pag-asa ang dibdib. May panibagong tapang na haharap sa lahat ng ibibigay ng buhay sa kanya—masakit man o kaligayahan.

“Bakit pala hindi mo sinabi sa akin na magiging iyo ang kalahati ng LVT?” naisip niyang itanong kay Kenneth. “Bakit nakuha mong sabihin kay Paula at hindi sa akin?”

“Sinabi ko lang iyon sa kanya dahil ayaw niyang magtrabaho sa LVT dahil sa iyo. And I didn’t tell you because that would never happen. I will never own any part of LVT. Sa oras na ipapangalan na sa akin ni Greg ang kalahati ng kompanya ay sa iyo ko iyon ibibigay.”

Nanlaki ang mga mata ni Sydney. “Y-you’d do that?”

“Why not? Sobra-sobra na sa akin ang anumang mayroon ako ngayon, Sydney. Isa pa, alam kong matutuwa ka kung magiging pagmamay-ari mo ang kabuuan ng LVT. You deserve to have full ownership of your family’s legacy.”

Noon na siya ngumiti. Ngumiti na rin uli si Kenneth. And she just realized, he only smiled like that for her. Ngiting mainit at humahaplos sa kanyang kalooban. Kanya lamang, pag-aari niya ang ngiting iton.

“Pumayag lang ako sa gusto ni Greg na maging vice president ng LVT dahil sinabi niya ang kalagayan ng kompanya. Naisip kong kailangan mo ng tulong sa pagma-manage.” Napakaluwang at kasing-aliwalas ng asul na kalangitan ang ngiti ng lalaki. “And, well, I wanted to see you again. I missed you, Sydney. All those years, it was you whom I have been longing for. Only you. And, now, I know why.”

Pigil-pigil ni Sydney ang hininga. She could feel it now. Oh, God. Hindi na kailangan pang sabihin ni Kenneth. Sigurado na siya sa nararamdaman nito.

“Inamin mo kagabi na minahal mo pala ako noon.” Sumeryoso uli ang lalaki. Kitang-kitang ang intensidad ng emosyon sa mga mata nito, ang pagpipigil na yakapin siya nang mahigpit dahil kailangan pa nilang mag-usap nang maayos. “Well, then, sweetheart, I will make you fall in love with me again. Dahil ikaw lang… ikaw lang ang bukod-tanging babaeng kinabaliwan ko nang ganito.”

Gusto niyang maluha sa tuwa. Posible pala talaga iyon, iyong tinatawag na tears of joy. Hindi pa iyon nararanasan ni Sydney sa tanang buhay niya. Hindi pa siya sumaya nang ganoon kasidhi.

“Pumayag akong umalis noon at bumalik kay Paula dahil akala ko, iyon ang tamang gawin. And you didn’t deserve to get hurt. I also felt that I didn’t deserve you.”

“You didn’t need to be anything more than yourself to deserve me, Kenneth. Alam mo `yan. Noon ko pa sinabi sa iyong hindi ako isang panaginip, na abot-kamay mo lang ako.”

“Maybe I just felt the need to better myself on my own, without your help. Pride, I guess.”

“Punyetang pride `yan,” naluluhang sabi ni Sydney, saka natawa. “Mahal pa rin kita hanggang ngayon.”

“I’ve been wondering about that,” nakangising sabi ni Kenneth.

“I thought I had managed to move on and forget about that stupid feeling, pero pagkakita ko sa iyo… God, bumaliktad ang mundo ko.”

Tuluyan na niyang hinayaan ang sariling umiyak sa kaligayahan.

Lumapit pa sa kanya si Kenneth at masuyong pinahid ang kanyang mga luha. “Bumaliktad in a good way?” nangingiting tanong ng lalaki.

“Yes!” Tumango si Sydney at suminghot. “Nakakainis ka. Nilandi-landi at inakit-akit mo pa ako.”

Tumawa ito. “Bumigay ka naman.”

Hinampas niya sa braso si Kenneth at kinurot sa tagiliran.

“What could I do? My ex-girlfriend is so damn hot!” dahilan naman nito.“When I saw you again, iisa lang ang gusto ko uling mangyari—ang mapasaakin kang muli. Hindi ko lang alam noong una kung ano ang gagawin ko sa iyo kasi galit ka pa sa akin.”

“Well, you have me now.”

“Yes.” Kinabig siya ni Kenneth sa baywang. “`Buti na lang pala alam ko kung paano ka hanapin.”

“Nagpapalamig lang ako. Baka kasi kapag nakita ko pa si Paula, eh, masapak ko na naman. Babalik din ako agad.”

“Matagal nang wala akong nararamdaman para kay Paula, napatunayan ko iyon nang iwan niya ako. Kumakapit lang pala ako noon sa maling akala. Naaawa lang ako sa kanya ngayon kaya ko siya tinutulungan.”

“Good. Dahil wala na akong balak pakawalan ka. Handa na akong agawin ka mula sa baliw na `yon kahit nagkataong mahal mo pa siya. Gagawin ko ang lahat—itataya ko ang anumang meron ako. I will give you everything, Kenneth.”

Lumapat ang kamay ng lalaki sa kanyang leeg. “I don’t need your everything, Sydney. I just need you. Only you . Wala na akong hihilingin pang iba.”

“Then you will have all of me,” buong pagmamahal na sambit ni Sydney.

“Ayokong ngayon lang ito. Gusto kong mangarap, ang magplano para sa kinabukasan kasama mo. At kung ipapahintulot mo ay mamahalin kita hindi lang ngayon, kundi pati na sa mga susunod pang araw. Pa-apply na rin para maging asawa mo. Hindi ka magsisisi sa piling ko, pangako `yan.”

She giggled. “Fine. Let’s be together, forever.”

And just like the ending of a sappy romance story, they embraced and liplocked in full passion. Nakakatawa dahil ngayon lamang naramdaman ni Sydney na matagal na pala silang naghahalikan nang puno nang pag-ibig. She was just too afraid to assume that it was really true love.

Matagal na ikinulong Kenneth ang kanyang mukha sa mga palad nito nang tapusin nila ang halik, nakapikit sila pareho habang magkadikit ang mga noo.

God, they were here now. Back to where everything started. Together. Gusto niyang isipin na mahabang panahon ang kanilang sinayang pero ang mga taong lumipas ay naging mahalaga rin sa paghubog ng kanilang mga pagkatao. Now was the right time—the perfect time. Now they were both ready to love each other without holding anything back.

“Uwi na tayo?” nakangiting tanong ni Sydney nang humiwalay sa kanya si Kenneth at damputin mula sa lupa ang kanyang bag.

“I have a better idea,” sabi naman nito, pilyo ang ngiti, mahigpit ang hawak sa kanyang palad.

Alam na alam niya kung ano ang ideya na iyon. Tumatawang mabilis silang tumakbo ni Kenneth patungo sa damuhan sa tabi ng batis. Hindi nagtagal ay napalitan ng mga ungol at maiingay na paghinga ang mga tawang iyon.

At nang pag-ugnayin nila ang mga katawan ay bumulong sa kanya si Kenneth. “I love you, Sydney. I’m so in love with you, baby,” he declared in between heavy breathings and tiny kisses on her hair.

Iniangat ni Sydney ang balakang para isagad ang kanilang pag-iisa. “I thought I would never hear that from you.”

He began pounding her fast like a piston, deeply penetrating her, so deep as if he wanted to reach something inside her. Probably her heart, or her soul…

“Oh, Kenneth… I love you, I love you so much!” she wailed with tears in her eyes as she was climbing the pinnacle of passion with him.

A hard, long orgasm took over them like a powerful force as they got lost in its magic.