noveltoon logo noveltoon
Heat

Chapter 23

Ch. 24 / 29 Apr 09, 2022

“E-ENOUGH, please enough,” nanghihinang sabi ni Sydney kay Kenneth, maiingay ang putol-putol na paghinga.

That was one hell of an orgasm and she was thinking she could never climb that high again— Oh, no. Not this time. Baka himatayin na siya sa susunod.

Tumigil naman ang lalaki. Marahang hinugot ang tatlong daliri sa kanyang ari at inabot niya naman ang karton ng Kleenex na katabi ng mesa. But he didn’t want to wipe his soaked fingers instead, he began licking each one of them. God, he looked so sexy.

“Taste yourself.” He then offered her and pushed his forefinger inside her mouth. “Suck it, sweetheart,” utos pa nito.

Parang wala sa sariling sinunod ni Sydney ang ipinagawa sa kanya ni Kenneth habang magkahinang ang kanilang mga mata.

She should feel shame, she should feel dirty. Hinayaan lang naman niyang paglaruan siya ng lalaking ito sa mismong opisina niya. Pero wala siyang nararamdamang anumang kahihiyan o pandidiri. She liked what he did to her. It made her feel so hot it reminded her that she was still alive. Na babae siya, may pangangailangang sekswal, sabik sa init. In fact, he could’ve fucked her with his cock and there would’ve been no reluctance from her. She still wanted him like hell. God help her.

Ang lalaking ito lang ang pinagnasaan niya nang husto na halos ikapugto ng kanyang hininga. Tanging si Kenneth lang ang nakakapagbigay sa kanya ng kailangang init. At ngayong nagbalik ito sa kanyang buhay ay gusto niya uling mapaso sa masarap na init na iyon.

She needed that heat. She wanted it so much like the air that she breathed. Nakahanda si Sydney na sumuko sa init na iyon, ilublob nang buong-buo ang sarili at hindi na aahon pa. Diyos na mahabagin. Ganito ba katindi ang kapangyarihan ng init ng lalaking ito kaya kaya siyang patalikurin mula sa sakit ng kahapon?

“You’re very beautiful, Sydney,” buong-paghangang usal ni Kenneth, hindi inialis ang paningin sa kanyang mga mata. Mataman itong nakatingin sa kanya, masuyo. Mainit. “Nababaliw pa rin ako sa iyo,” pag-amin pa nito.

Halos mamilipit si Sydney sa kilig sa kanyang narinig. Hindi na pala niya kailangang mag-ayos o magsuot ng flattering outfits. Maganda pa rin siya sa tingin ng dating nobyo kahit kulay-maroon na handkerchief skirt at beige blouse lang ang mga suot niya ngayon; face powder at lip gloss naman ang nasa kanyang mukha.

She wiped his wet lips and chin; smiling tenderly, he grabbed a handful of facial tissues and he wiped her messy thighs and vagina. Her panties were soaking wet. Mabuti na lang at palagi siyang may baong extra sa kanyang bag.

“Ibaba mo na ako,” nakangiting sabi niya kay Kenneth. “Baka kumatok bigla si Lily.”

Lalo namang tumitig sa kanyang mukha ang lalaki, parang mas nabighani pa.

“Kenneth!” bulalas ni Sydney.

“I’m sorry. I just missed your smile,” sabi nito, saka siya maliksing ibinaba mula sa mesa at tinulungan pang ayusin ang kanyang damit. “How about lunch?” ungot ni Kenneth.

Hindi na nagpakipot si Sydney. What for? Sukol na sukol na siya ng lalaki at sa edad nilang iyon, pag-aaksaya na ng oras ang pagkukunwari.

“But first,” anang lalaki pagkatapos niyang pumayag sa alok nito. “I need to take care of Junior,” nakangising sabi nito at itinuro ang namumukol sa ibaba ng puson. “Can I use your rest room?”

“Go ahead. Can I help?” nakangisi ring sabi ni Sydney.

Tumawa ito. “I would like to, but no, not this time. Ayokong mabulabog ang buong floor ng building na ito dahil kaya mo akong pasigawin.”

“Can I watch?” tudyo niya.

Hinawakan ni Kenneth ang kanyang palad. “Baby, just you, looking at me is already enough to send me screaming like a mad man. Baka magtawag sila ng bumbero.”

Para itong isang prinsipeng humalik sa likod ng kanyang mga palad, saka matikas na naglakad patungo sa rest room ng kanyang opisina. Dali-dali namang pinalitan ni Sydney ang panloob. Natawa pa siya nang matuklasang granny panties pala ang baon niya sa bag. Sana hindi makita ni Kenneth.

My God , I’m letting myself fall again, frustrated na usal ni Sydney sa loob-loob habang nakahawak sa braso ng lalaki habang papasok sila sa People’s Palace.

Ano ba ang nararapat niyang gawin? Hindi niya kayang iwasan si Kenneth Nikolas. Umaayaw ang malaking parte ng kanyang pagkatao. Natatabunan ng kilig at saya ang nararamdaman niyang sama ng loob sa lalaki, parang singaw na nawawala sa hangin dahil sa taglay nitong init. O kung dapat pa ba niyang maramdaman iyon. Napakatagal nang panahon ang lumipas. Matanda na sila pareho, hinog na hinog na sa buhay.

Marami na silang nalampasan, at alam ni Sydney na mas matinding pagsubok at paghihirap ang pinagdaanan ni Kenneth para marating ang kinaroroonan ngayon. Maybe it was already time to pick up the pieces and be whole again.

Hindi siya mapakali noong una pero magaling naman ang lalaki sa pagpapakalma sa kanya. Kinumusta siya nito, nagtanong ng mga personal na bagay na isa-isa niya namang sinagot. Napangiti sila pareho nang ma-realize na nawawala na ang malamig na pader sa kanilang pagitan.

“How about you? Kumusta na ang family mo?” naisip itanong ni Sydney.

“Wala na si Tatay,” malungkot na balita ni Kenneth, lumamlam ang kanina’y maaaliwalas na mukha.

Parang may kumurot naman sa kanyang dibdib, gusto tuloy niyang abutin ang mukha ng binata at masuyong haplusin iyon.

“Sorry to hear that,” sabi niya.

Nagkibit-balikat ito.

“Si Dianne, kumusta na siya? May asawa’t anak na ba?” sunod na tanong ni Sydeny.

“`Ayun, nakikipag-live in sa dating boyfriend niya, wala pa silang anak. Wala yatang balak.”

“‘Yong nasa banda?”

Tumango si Kenneth.

“`Yong binugbog mo noon?” natatawa niyang naalala.

Natawa rin ang lalaki. “Oo.”

“Ikaw, bakit wala ka pang asawa?” lakas-loob niyang tanong. Iniwasang tanungin pa ang tungkol kay Paula dahil baka mawalan siya ng ganang kumain.

Nakangiting sumagot si Kenneth. “Walang mapili.”

“You mean you don’t have a girlfriend?”

Umiling ito. “If I have a girlfriend right now, `you think I would be flirting with you and asking you out?”

Tinaasan ito ni Sydney ng kilay. “Asking me out? What, is this a date or something?” Hindi niya alam kung ano ang dumapo sa kanya, kilig ba o nerbiyos. Or maybe both?

“I wanted to call it a date, but since dinugtungan mo ng or something, can we call it something else, then?”

Ang lakas ng personalidad at tiwala ni Kenneth sa sarili ay nag-uumapaw. Hinasa ng hirap at panahon ang lalaking ito na ngayon ay matibay na at nagmamalaki. And somehow, Sydney found it so hot.

“ Something , hmm…” nakangiti niyang usal, saka kinuha ang nakakabit na strawberry sa rim ng baso ng kanyang daiquiri at mapang-akit na kinagat iyon.

She could tell that he was out of breath. “Yeah, something ,” usal din ni Kenneth, saka lumunok nang walang laman ang bibig. “ Something indeed.”

Kapwa sila nakangiting bumalik sa opisina, at sa sasakyan ng lalaki, hinayaan nilang mamayani ang katahimikan. Ramdam nila na marami pa silang gustong sabihin sa isa’t isa pero hindi alam kung paano bubuksan ang usapan o kung kailangan pa bang pag-usapan ang nasa kanilang mga isip.

Hanggang sa hagilapin ni Kenneth ang palad ni Sydney at hawakan iyon. “I missed you, Sydney,” mahinang deklara nito, sa kalsada lang nakatingin.

“I missed you, too,” pag-amin niya naman.

HINDI matandaan ni Kenneth kung kailan siya umuwi ng kanyang bahay na nakangiti. Sa loob ng mahabang panahon ay halos pulos trabaho ang kanyang inatupag at hindi sapat ang magagandang babaeng nakakasiping para mangawit ang panga sa kangingiti gaya ngayon. He was giddy and happy. And now he was looking forward to going to work everyday.

Sydney still wanted him. Walang puwedeng makapagkakailala niyon dahil ramdam na ramdam niya ang pagnanasa nito sa kanya. Mas matindi, mas maintensidad, mas mainit. She looked so steamy—being in denial and furious like that. And when she folded in his arms and let him finger-fuck her… she looked even hotter, fiercer. Galit ang babae pero hindi napigilan ang pagnanasa. That turned him on big time.

Dalawang palapag ang nabiling bahay ni Kenneth sa Taguig; malaki iyon, apat ang maluluwang na silid-tulugan at may swimming pool sa harap. Wala siyang kasama kundi ang day maid na si Jane, singkuwenta anyos na biyuda. Hindi na problema sa kanya ang pera at kung minsan ay hindi pa rin siya makapaniwala sa lahat ng mayroon siya ngayon.

Everything that he had was acquired with his own blood and sweat. Hindi biro ang dedikasyon niya sa trabaho at malasakit sa amo. And it was his loyalty, wit and perseverance that made him earn huge amount of money. Dahil sa malaking pasuweldo sa kanya ni Greg ay nakabili na rin siya ng stocks sa ilang malalaking korporasyon sa bansa.

Malaki na ang ipon ni Kenneth dahil hindi naman mabisyo. Ang tanging ginagastusan niya ay ang kapatid na buwan-buwang pinapadalhan ng pera. Ayaw nitong mag-aral o magtrabaho dahil ayaw mahiwalay kay Bronson na nasa banda pa rin. Ayaw na niyang makialam pa sa buhay ng mga ito. Matanda na si Dianne, hindi na tinatablan ng anumang payo niya. Ni hindi na matandaan ni Kenneth kung kailan sila huling nagkita o nag-usap sa telepono.

Gusto niyang sabihing wala na sana siyang mahihiling pa sa buhay pero magsisinungaling siya. Parang may kulang pa. Maybe Greg was right. Maybe he needed to settle down already.

Pero hindi ba’t kalokohan naman iyon kung gagawin niya lang dahil parang may pupunan siyang pagkukulang sa kanyang buhay? Saka sino naman kung sakali? Wala siyang nobya. Wala siyang magustuhan sa mga babaeng kakilala. Sex was great all right, but he didn’t want to make that as a basis or a requirement for getting hitched.

And speaking of sex… Man, he had never been this excited before. Si Sydney lang talaga ang nakakapagbigay sa kanya ng kakaibang kasiyahan pagdating sa aspetong iyon. At ngayon ay mas nagliliyab pa ang pagnanasa ni Kenneth para sa babae. How he wanted to just take her right in her office. Napakatindi ng ginawa niyang pagpipigil sa sarili kanina. Pero gusto niya itong masiyahan muna, aminin sa sarili na gusto pa rin siya nito.

Sa ngayon ay ang mga palad muna niya ang makakapiling ni Junior.

Bago natulog si Kenneth nang gabing iyon ay tumawag si Greg, nangungumusta.

“You know that Lily could get in trouble sa oras na malaman ni Sydney na siya ang nagtsitsismis sa iyo?” umiiling na sabi ni Kenneth sa matanda nang sabihin nito ang ipinarating ni Lily kanina—na magkasama raw silang kumain ng tanghalian ni Sydney sa labas.

“Ako’ng bahala,” tumatawang sabi naman ni Greg. “So, what’s the score? May gusto pa ba sa iyo?”

“I don’t know, all right? Mahirap ang mag-assume palagi. Alam mo naman kung gaano kakomplikado ang mga babae.”

Napangiti si Kenneth nang maalalang inamin din ni Sydney na na-miss siya nito. Nararamdaman niyang mayroon pa ring sama ng loob sa kanya ang dating nobya pero kaya niyang lusawin iyon tuwing inaakit ang babae.

“Huwag kang babagal-bagal diyan. Kung pakakawalan mo siya, eh, baka ako ang manligaw. Come to think of it, she’d be a perfect wife for me. Beautiful, smart and fierce—”

“You will not!” bulalas ni Kenneth.

Tumawa si Greg. “Just sayin’.”

Ngumiwi siya. “You’re not her type. Good night, Gregory.”

NAPANGITI si Sydney nang mabasa ang natanggap na text message galing kay Kenneth nang gabing iyon.

Sleep early. Don’t think about me so much.

Kilalang-kilala pa rin siya ng lalaki. And damn, his balls were made of steel para magmayabang ito sa kanya nang ganoon.

Uh-huh. Iyon lang ang reply niya na sinamahan ng smirking face na emoji.

Kidding. Ako yata ang hindi makakatulog nang maaga. I can’t stop thinking about you, babe.

Natawa si Sydney nang makita ang kasamang emoji ng text ni Kenneth. Smiling face with heart-shaped eyes talaga?

Kinikilig na naman siya! Kusa na talaga siyang nagpapatangay sa nararamdamang kaligayahan na para bang wala nang mas mahalaga pa nang mga sandaling iyon kundi ang magaan na pakiramdam na hindi niya nalasap nang napakatagal na panahon.

She wanted to get scared, yes. But being scared should be the last thing in her mind. Totoo nga siguro ang sabi nila, nabubuhay ang tao sa mundo para hanapin ang kanyang kaligayahan.

Good night, Ken. See you tomorrow.

At dinagdagan ni Sydney ng heart emoji ang kanyang text message.

Hindi na niya maalala kung kailan nagising nang masaya at atat pumasok sa opisina nang maaga. Maaga siyang nakatulog kagabi na may ngiti sa mga labi.

Nadatnan niyang may mga bagong bulaklak sa ibabaw ng kanyang office table. This time, the flowers were red roses. Kinikilig na inamoy niya ang mga iyon nang may kumatok sa pinto. Halos patakbong binuksan iyon ni Sydney.

“Good morning, gorgeous,” nakangiting bati sa kanya ni Kenneth na hindi itinago ang paghanga sa hitsura niya ngayong umaga.

Nakasuot siya ng kulay-olive-green na damit na isang dangkal ang taas mula sa mga tuhod at hapit sa katawan. Nagmamalaki ang kanyang cleavage sa Queen Anne neckline niyon. Nag-apply rin siya ng light makeup at inayos ang buhok sa pamamagitan ng texture cream.

“`Morning. Ang aga mo yata?” nakangiti rin niyang sabi sa lalaki.

Mag-aalas-otso na nang umaga at wala pang tao sa opisina kundi ang mga tagalinis.

“I had a feeling that you’d be early today, so…”

She playfully raised one corner of her lips. “Ah.”

“Care to join me for breakfast?”

“Ang aga ng something natin ngayon, ah,” tudyo ni Sydney.

Tumawa si Kenneth. “Daig ng maagap ang masipag,” sabi nito, sabay kindat.

Nang nasa elevator sila ay masuyo siyang kinabig ng binata at hinalikan sa mga labi. Mababaw lang ang halik pero ubod ng tamis at nakakagaan ng loob. Iyong tipong kapag ganoong klaseng halik ang matitikman kada-umaga ay magkakaroon siya ng magandang mood buong maghapon, araw-araw.

“I miss kissing you in the morning,” nakangiting sabi ni Kenneth, umakbay sa kanya.

Ngumiti lang si Sydney. She was too happy to say something.

NASUNDAN pa ang mga paglabas-labas nina Sydney at Kenneth. Everything was unplanned—basta na lang nagyayayang kumain sa labas ang lalaki, o manood ng sine. At ngayong araw ng Sabado ay nagulat siya dahil pumunta sa bahay niya ang binata, may dala-dala pang mga bulaklak.

“Ura-urada kang pumarito, ang aga-aga pa!” natatawang sabi ni Sydney habang inaamoy ang sari-saring kulay na isang dosenang rosas.

He was wearing a pair of blue faded denims and plain black body-hugging shirt. Dark gray Nike mesh casual shoes na may white accent ang sapin ng mga paa nito. He looked so fresh and dreamy.

“Naisip ko lang pagkagising ko kanina. Is it a bad time?”

“Hindi naman. Wala naman akong ibang gagawin ngayon. At kahit meron, ika-cancel ko para sa iyo.”

“Ang lakas ko pala sa iyo.” Naningkit ang mga mata ni Kenneth sa tila kinikilig na ngiti nito. He looked so cute she wanted to pinch his cheeks.“Pasyal tayo,” mayamaya ay yaya nito.

“Saan?”

“Kahit saan. Sa Manila Zoo… Sa Manila Ocean Park?”

“Manila Ocean Park… Oh, wow. Hindi pa pala ako nakakapunta doon.”

“Ako rin. Let’s go!” parang batang sabi ni Kenneth.

“Maliligo muna ako. Can you wait for a while?”

Kumindat ang lalaki at dume-kuwatro sa pagkakaupo sa sofa. “I can wait for you forever.”

Magkasama sila buong maghapon, sinamahan siyang mag-shopping ni Kenneth pagkatapos mamasyal sa Manila Ocean Park at ito ang nagpumilit na magbayad ng mga pinamili niya na hindi niya naman tinanggihan. How could she refuse him?

Idinaan nito sa lambing ang pangungulit hangga’t hindi siya pumayag. Hindi nahiya ang lalaki na yakapin siya at halikan sa buhok sa pampublikong lugar. Inihatid siya nito pauwi pagkatapos nilang mag-dinner sakay ng asul na Jaguar F-PACE. She thought his two cars were as sexy as him.

“Huwag ka nang lumabas ng kotse,” nakangiting sabi ni Sydney kay Kenneth nang palabas na siya ng kotse nito at akmang lalabas din sana ito. “Good night, Ken. I had a great time.”

Isang halik ang sagot ng lalaki sa paalam niya. Halik sa bibig na hindi seksuwal ang dating. They had been kissing like that lately, parang kusa silang umiiwas na mauwi nang higit pa sa halikan ang gagawin. Not that they had a chance to have sex anyway. Sa labas naman sila nagkikita madalas.

Siguro dahil sa mas matanda na sila ngayon, mas naha-handle nilang mabuti ang sexual urges. Kaya kahit hindi maikakaila ang sexual tension sa pagitan nina Sydney at Kenneth ay nagagawa nilang bale-walain iyon at mag-focus sa ibang bagay na nakakapagpasaya sa kanila habang magkasama.

Kapwa nila ine-enjoy ang ganong setup, parang mga teenagers na nagde-date lang. Hindi na kayang ikaila ni Sydney ang kaligayahan. Ayaw na niyang mag-isip ng iba pa—ng hinaharap, o kahit ng mangyayari sa kinabukasan, o mamaya. She was so happy that she was with Kenneth right now and she wanted to bask on that happiness.