noveltoon logo noveltoon
Heat

Chapter 16

Ch. 17 / 29 Apr 09, 2022

“PAULA?” kunot-noong sagot ni Kenneth sa tumawag sa kanya sa cell phone.

“Kilala mo pa rin ang boses ko,” humahagikgik na sabi ng babaeng nasa kabilang linya. “Ibinigay ni Dianne sa akin ang bagong number mo, pinilit-pilit ko pa ang bruha. Uy, nasa Makati ka pala ngayon?”

Napahilot si Kenneth sa sentido sa mga narinig. Nang mga oras na iyon ay gusto niyang sakalin ang madaldal na kapatid.

“So, mayaman pala ang ipinagpalit mo sa akin, ha?”

Maliwanag na nai-imagine niya ang imahe ni Paula na nakatulis ang nguso habang nagsasalita. At gaano kadami ang sinabing impormasyon dito ng kanyang kapatid?

“Kumusta naman siya? Mas maganda ba siya sa akin? Mas magaling sa—”

“Paula!” bulalas niya bago pa matuloy ng dating nobya ang sasabihin. “Bakit ka ba napatawag?”

“Bakit ka naman naiinis? Dati `pag tumatawag ako, natutuwa ka,” pagtatampo nito.

“Sagutin mo ang tanong ko. Ano’ng kailangan mo sa akin?”

He heard her scoff. Hindi siguro makapaniwala si Paula sa malamig na pakikipag-usap niya rito. Oo, malamig. Pero sa loob-loob niya, hindi maitatangging may nararamdaman siyang pangungulila sa babae. Gusto niyang sapakin ang sarili.

Hindi naman nagpatumpik-tumpik pa si Paula. “Ikaw, ikaw ang kailangan ko, Ken.”

“May girlfriend na ako.”

“Wala akong pakialam. Alam kong ako pa rin ang mahal mo.”

Sapol.

“Hindi na gaya ng dati ang lahat, Paula,” paninindigan niya.

Pero mas matindi ang paninindigan ng dating nobya. “Ilang beses na itong nangyari sa atin, `di ba?”

“Oo. At nakakapagod na.”

“Hindi ako napapagod.” Muling sumigla ang boses nito. “Kailan tayo magkikita?”

“Hindi tayo puwedeng magkita,” tanggi ni Kenneth.

Nagpumilit si Paula. “C’mon, Ken! Hindi mo ba kayang takasan si Sydney? Sandali lang tayo. Miss na miss na kasi kita.”

Alam na alam ni Kenneth kung ano ang “sandali lang tayo” na iyon. Doon siya muling nabibingwit ni Paula. Walang-wala siyang kawala.

But everything was different now. May nobya na siyang iba.

“Sorry, hindi kita mapagbibigyan,” aniya sa pinatigas na boses. At bago pa nakapiyok si Paula, binabaan na niya ito ng tawag. Kailangan niya talagang ibaba iyon dahil alam niyang tatawag at tatawag uli ang dating nobya.

Lumabas si Kenneth sa maluwang na salas ng malaking bahay. Ang mga muwebles doon ay nakikita lang niya dati sa mga larawan o telebisyon. Lahat ng parte ng bahay ay inayos ng magaling na interior designer. Pati ang mga display, mamahalin din at binili pa galing sa ibang bansa. Ni sa panaginip ay hindi niya akalaing makakaapak siya sa isang marangyang pamamahay.

Mayroong kasambahay at driver-gardener na kasama roon si Sydney, mga tagasilbi pa ng mga magulang nito noon. Pinagbakasyon muna ng dalaga ang dalawa habang naroroon sila dahil hindi naman daw nila kailangan ng tagasilbi kapag magkasama. Pero umamin din ang nobya na pinaalis muna nito ang mga kasambahay para makapagsolo sila, dahil mahilig silang magtalik nang hindi sa kuwarto lang. Sa ilang araw pa lang na pananatili nila roon, ilang parte na ng bahay ang kanilang namarkahan.

Sa bawat pagniniig nila ni Sydney ay lalong nalululong si Kenneth sa dalaga. Walang-sawa nilang pinapaligaya ang isa’t isa, tinutuklas ang bawat sarap, luwalhating hatid ng pagsisiping.

He was so crazy about her. Kayang-kaya siya nitong ihatid sa ibang mundo tuwing katalik niya ang nobya, tuwing hinahayaan niya itong magmaniobra. Her muscle control technique was always his weakness. Tuwing ginagamitan siya niyon ay halos mamatay siya sa masidhing sensasyon. He had awakened the sleeping sexual siren inside of her. And, now, that siren was in full rage—consuming him whole.

Hapon na nang umuwi si Sydney na lumabas para mag-shopping kasama ni Andrew. Hiniling nitong magsolo muna ito at ang kaibigan at wala namang problema iyon sa kanya. Hindi siya ang klase ng nobyo na nagger at clingy. Kailangan niya ring mapag-isa para makapagbasa sa Internet ng maraming impormasyon tungkol sa pagnenegosyo.

Mahigpit na yumakap si Sydney kay Kenneth matapos maibaba sa sahig ang mga pinamili. “I bought us dinner,” sabi nito, saka humilig sa kanyang balikat. “I miss you all day.”

Ngumiti siya. Inaamin na nasasabik din siya ngayon sa babae matapos ang maghapong hindi sila nagkita. Nakakaamoy siya ng mausok na pagsisiping mayamaya.

“Nakapatay ba ang phone mo? I tried to call you earlier para sabihing huwag ka nang magluto.”

“A— Nakalimutan ko i-charge. Nakababad kasi ako sa laptop maghapon,” pagsisinungaling ni Kenneth.

He hated it. Ayaw niyang nagsisinungaling sa nobya pero ayaw niya namang ipaalam dito na ginugulo siya ni Paula. Problema niya iyon na kailangan niyang ayusin.

HINDI pa rin sanay si Kenneth na kahalubilo ang mga taong kakilala ni Sydney. Lalo na sa pagtitipon na gaya ng birthday party ni Andrew na ginaganap sa bahay nito. Maingay ang pagtitipon, baha ang mga pagkain at inumin. Naroroon halos lahat ng mga taong nakilala niya sa opisina ng LVT, pati na si Jacob na kanina pa tingin nang tingin sa kanila ni Sydney.

Ramdam niyang hindi maganda ang dating ng pagkakakilala sa kanya ni Jacob, ayaw lang iyong sabihin sa kanya ni Sydney. Mapanuri ang tingin nito sa kanya, puno ng pagdududa. Sinikap niya namang maging komportable sa mga kasuotan at hindi ipinahalatang naninibago ang katawan sa mga mahal na damit. Nakatulong naman ang kanyang natural na lakas ng loob para magmukhang confident sa harap ng mga tao. Isa pa, buo ang suporta sa kanya ng nobya. Hindi niya kailanman naramdaman na ikinahiya siya ni Sydney o ang hayaang manliit siya tuwing kasama nito. She always treated him as her equal.

Pero bilang lalaki ay hindi pa rin maiwasan ni Kenneth na mahiya kapag binibigyan siya ng pera o ibinibili ng mga gamit ni Sydney. He appreciated everything that she was giving him but he was silently hoping that one day, he could also shower her with gifts. Medyo matagal pa siguro ang someday na iyon dahil mag-aaral pa siya at magtatrabaho, saka lang siya kikita ng sariling pera. Hinding-hindi niya bibiguin ang nobya, mag-aaral siyang mabuti at masigasig na magtatrabaho. Ipapakita niya ritong hindi ito nagkamali ng pagpili sa kanya.

Nang parehong nakainom na sila ni Sydney, lakas-loob silang sumali sa mga nagsasayawan. Tawang-tawa pang nangantiyaw si Andrew na hindi raw dating nagsasayaw ang kaibigan nito. Kahit siya man ay patagong nagsasayaw dati dahil hindi naman siya nakakapunta sa mga kasayahang gaya niyon.

Hawak-hawak ni Kenneth sa baywang si Sydney at sabay silang gumigiling. Natutuwa namang nadiskubre ng babae na kaya pala nitong magsayaw nang maharot at siya ang pinagpapraktisan.

Lagot. Si Junior ay nagwawala na habang sumasagi rito ang umiikot na puwit ng nobya.

“You’re turning me on,” bulong ni Kenneth kay Sydney na tuloy pa rin sa paggiling ng katawang nakadikit sa kanya.

“Ako rin,” mahinang sagot nito. “Ganito pala ang sayaw na sexy. Para na ring foreplay. Gosh, I feel so hot!” Hindi pa ito nakontento sa paggiling habang nakatalikod sa kanya. Nag-twerk pa ito.

Nataranta siya nang maramdamang sumisikip na ang kanyang pantalon. “Shit, Sydney. Kailangan nating tumigil. Ayokong magkalat dito, utang-na-loob.”

Malandi itong tumawa. “But I don’t wanna stop. Saka magagalit si Andrew `pag umuwi na tayo.”

She was teasing him! Wala itong planong magpigil sa nararamdaman nilang pag-iinit ngayong gabi. Ano na ang gagawin niya?

“Umupo na lang tayo,” pasya ni Kenneth.

Luminga-linga si Sydney sa paligid. “I have an idea, let’s go,” mayamaya ay sabi nito at hinila siya sa kamay.

Umakyat sila sa ikalawang palapag ng bahay ni Andrew. Ayon kay Sydney, ang kolehiyong kapatid ni Andrew ang kasama nito sa bahay na iyon. Nasa Italy ang mga magulang nito at nakakatandang kapatid.

“Here,” nagmamadaling sabi ni Sydney nang mabuksan ang isang silid doon. “Now let’s do our business,” wika nito at sumandal sa dingding.

Nakangisi niyang itinaas ang itim na evening dress ng babae. A quick, sneaky fuck. Who wouldn’t want that?

Tinakpan nila pareho ang kanilang mga bibig para hindi umalpas ang mga ungol nila habang mabilis na nagtatalik. Hindi na nila kinailangan pa ng foreplay dahil sa maharot na sayaw nila kanina. They were both ready to explode.

Sydney came first and Kenneth followed in a jiffy. He came deep inside her, crushing her body against the wall. Mabuti na lang at konkreto ang dingding na iyon kundi ay siguradong lumikha na iyon ng ingay sa mararahas na banggaan ng kanilang mga katawan.

“That was fun, I can’t believe we did that!” bulalas ni Sydney nang makaraos sila. “Now I need to clean myself. Ang dami mong inilabas.”

Mabilis na inayos ni Kenneth ang mga kasuotan, abot-tainga ang kanyang ngiti. “Kailangan ko ring magbanyo.”

Pinauna niya si Sydney sa banyo na natagpuan nila sa dulo ng hallway. Palabas na ito mula roon nang mag-ring ang kanyang iPhone. Napamura siya sa isip nang mapagsino ang tumatawag.

“A-ahm, mauna ka na. `Kita na lang tayo sa `baba,” sabi niya kay Sydney.

“Okay,” nakangiting sabi nito. “Who’s calling you?” mayamaya ay sita nito nang patuloy pa ring nagri-ring ang kanyang smartphone.

“Si Dianne,” pagsisinungaling niya.

“Oh, I hope everything’s fine,” nag-aalalang sabi ni Sydney.

Humakbang na si Kenneth papasok ng banyo. “Sana nga.”

Hinintay niya munang makalayo ang nobya bago sinagot ang tawag.

PASIMPLENG naglakad si Sydney pabalik sa birthday party ni Andrew. Luminga-linga siya sa mga tao roon at wala naman sa palagay niya ang tumitingin sa kanya nang may pagdududa. She grinned mischievously, still in disbelief that she snuck a quickie with her boyfriend upstairs.

Natanggal na talaga ang lahat ng reserbasyon at hiya sa kanyang katawan. Buong-buo siyang nagpapaangkin kay Kenneth at wala siyang pagsisisi ni katiting. Parang may natutulog na parte ng pagkatao niya ang nagising na ngayon at nagwawala. Gusto niya ang pagwawalang iyon, nakakaramdam siya ng isang masarap na klase ng kalayaan.

She was very glad she made this choice. And she was gladder that she chose him. She couldn’t imagine doing this with anyone but Kenneth Nikolas.

Bumalik si Sydney sa kanilang mesa para doon hintayin ang nobyo, nang may biglang sumundot sa kanyang baywang mula sa likuran.

Si Andrew. “Gosh, Sydney. It’s so obvious,” tukso nito at umupo sa harap niya.

Nabigla siya at agad na nataranta. “A-ano’ng obvious?”

Oh, my God! Alam ng kaibigan ang kahalayang ginawa nila ni Kenneth sa mismong birthday party nito?

“You’re in love!” halos tili ni Andrew.

Tinampal niya ang braso nito. “Anong in love? Hindi, `no?” tanggi niya. “B-bakit mo naman nasabi `yan?” Nakahinga siya nang maluwag. Mukhang clueless ang birthday celebrant.

“Anong hindi? Ibang-iba kaya ang hitsura mo ngayon mula nang last tayong nagkita. Bago ka umalis ay mukha kang isdang parang natuyuan ng dagat.”

Ang lakas ng tawa ni Sydney. “Gaga!”

“I’m serious! Look at you now. You’re blooming like a teenager on her first date. Blushing, grinning and everything!”

“T-talaga?” nangingiti niyang sabi, tucking her hair behind her ear. Kung nagba-blush man siya ngayon, epekto siguro iyon ng pagsisiping nila kanina ni Kenneth. Great sex could make you look beautiful and radiant, they say. And what they did against the wall was so insanely hot!

Pero paano kung totoo nga ang sinabi ni Andrew, na in love na siya kay Kenneth? Would it be possible that she was just unaware of it? Gusto niyang ihambing ang nararamdaman niya ngayon sa naramdaman niya noon kay Jacob, pero parang malayo ang diperensiya. O posible rin kayang hindi niya talaga minahal noon ang unang nobyo?

Oh, the struggle of someone like her who was not always in touch with her emotions!

“And that!” sabi pa ni Andrew na itinuro ang mukha ni Sydney.

“What?” natatawang sita niya rito.

“That dreamy face,” kinikilig pang sabi nito, saka nangalumbaba sa mesa. “You look so beautiful, Syd. Really,” anang kaibigan na parang natutunaw sa kinauupuan.

“Ang OA mo lang talaga kahit kailan.”

“Hindi, `no? I’m sure hindi lang ako ang nakakahalata. `Tamo nga, ang sama ng tingin sa inyo ni Jacob, mukhang sising-alipin na ang gago’t pinakawalan ka.”

Napasimangot tuloy si Sydney sa narinig. “Hindi `yan nagsisisi, believe me.” Nagpasya siyang ikuwento sa kaibigan sa ibang araw ang mga sinabi sa kanya ni Jacob.

“Gusto ko rin ng Kenneth for me,” mayamaya ay nakangusong sabi ni Andrew. “I’m so inggit. May sex life na ang best friend ko. Ako ay tigang na naman.”

Hinila ni Sydney ang patilya ng kaibigan. “Wala kang kupas kahit kailan.”

Nang matanaw nila si Kenneth na naglalakad palapit sa kanila, napangiti siya at nakaramdam ng pagmamalaki sa nobyo kung paano nito dalhin ang sarili. He looked so confident and oblivious around him. Sa kanya lang ito nakatingin, matipid na nakangiti.

“Haaay, He looks so sexy and dashing. Para siyang isang prinsipe o kabalyero mula sa fairy tale,” parang nangangarap na sabi ni Andrew na sinamahan si Sydney sa pagtitig sa papalapit na si Kenneth. “`Yong fairy tale na porn.”

Napahalakhak tuloy si Sydney at nakurot sa tagiliran ang kaibigan.