N ANG matapos si Alexandra sa pagsira sa dollhouse, may nakita siyang impormasyon sa likod ng isang pader. Iyon lang ang hindi akma sa lahat ng nadiskubre niyang petsa. Isa lang iyong pangalan na may katabing numero. The name was Luca. Nanginginig ang kamay na tinawagan niya ang numero.
“Pronto,” sagot sa kabilang linya. It was an old person’s voice.
“Ciao,” sabi ni Alexandra. “I would like to speak to Luca, thank you.” Hindi siya nag-Italian para malaman kung nagsasalita ng Ingles ang kausap.
“Alexandra?” tanong nito, walang pagkabigla.
Para siyang mabibingi sa lakas ng tibok ng puso. Kilala siya ng lalaking nasa kabilang linya, pero wala siyang naaalalang Luca na ipinakilala ng ina. Bigla niyang naisip na baka ito ang kanyang ama, ang totoo niyang ama. Dahil hindi na niya sigurado ngayon kung totoo ang ibang mga impormasyon tungkol mismo sa kanya na sinabi ng ina—kabilang na ang impormasyon tungkol sa kanyang ama. Hindi na tumutugma ang mga kuwento ng ina.
Ang buhay ng kanyang ina bago siya isilang, imposibleng konektado sa diumano ay kanyang ama, na isa raw piloto ng US Airforce. It seemed impossible. Binuo niya ang mga nawawalang panahon sa buhay ng ina base sa mga balita at sa personal niyang alaala. Base sa mga balita, habang buntis ang kanyang ina sa kanya, dalawang pagkakataon pa itong “nakapagtrabaho.” Puwede kayang walang ideya ang kanyang ama kung ano ang totoong trabaho ng kanyang ina o talagang hindi totoo ang impormasyong sinabi sa kanya ng ina?
Naiisip ni Alexandra na siguro, pumili lang ng isang random US Airforce pilot ang kanyang ina na puwedeng gamitin sa purpose ng pagiging ama ng anak nito. Alexandra even wondered if she was conceived the traditional way. Baka isa siyang test tube baby. Who the hell knew? Ang binanggit ng kanyang ina na kanyang ama, isang ulilang piloto at namatay in the line of duty. May paraan para makumpirma niya ang lahat ng kanyang hinala, pero hindi sa ngayon. Sobra-sobra na para dumagdag pa iyon sa kanyang isipin. Bukod doon, kapag nalaman ni Alexandra na isa siyang test tube baby, alam niyang malabong maibigay sa kanya ang record kung sino ang donor. Hindi rin mahalaga sa kanyang malaman pa kung sino ang sperm donor. Must be some kid who wanted to get paid. Hindi siya nangailangan ng isang ama dahil naging sapat ang kanyang ina.
Sa kabila ng lahat ng nararamdaman ngayon—pagkalito, takot, pagkasindak—hindi siya kahit kailan nakaramdam ng galit. For her mother had always been a good mother. Naramdaman niyang totoo ang pagmamahal nito. Bukod doon, sigurado siyang ito ang kanyang ina. They looked almost identical, except her mother had softer features and darker hair color.
“Alexandra?” tawag ni Luca sa kabilang linya.
“Yes,” sabi niya, may bumara sa lalamunan. Gusto niyang mapaluha. Sa wakas, isang taong may alam tungkol sa kanya at sa kanyang ina.
“I wasn’t expecting you to call so soon. Where are you?”
“Back home, the Philippines.”
“Would you like me to come over and pick you up or would you prefer to come see me in Italy?” tanong ni Luca, parang wala pa ring pagkabigla. She wondered how someone could be so calm while expecting a call from someone he had not even met yet.
“How did you know it was me?” tanong niya, kahit nahuhulaan na ang sagot. Gusto niyang marinig, gusto niyang mabuhay ang kanyang pag-asa.
“Through your mother, of course. I kept this number for her and only her. And now, for you, Alexandra. I live in Tuscany and I would like to invite you to come over and spend some time here with me and my family.”
“Okay,” was all she could say. Paano siya makakatanggi sa isang imbitasyong malaman pa ang ibang bagay tungkol sa ina? “I’m sorry, that’s all I can say. I don’t know anything anymore.”
“I understand. I can only imagine what you must feel. I will call you back when I have made arrangements.” Tinapos na nito ang tawag.
Natulala lang doon si Alexandra. Mayamaya, nag-ring uli ang phone at sinabi ni Luca na may susundo raw sa kanya sa loob ng dalawang oras at nakahanda na rin ang plane ticket niya papuntang Italy.
Mabilis niyang inayos ang mga gamit, humanap ng puwedeng pagtaguan ng lahat ng mga clue na nakuha. Wala nang magiging silbi pa ang lahat ng iyon, malibang protektahan ang alaala ng kanyang ina, pero wala pa rin siyang balak na makuha ng kahit na sino. Not that anyone would even try. Napasok na ang bahay at alam na ng mga nanggaling doon na wala nang makukuha pa. Nevertheless, she made sure she hid the evidence well.
Nag-empake na siya at naghintay sa sundo. Walang kaba sa kanyang puso tungkol sa seguridad. Hindi magtitiwala ang kanyang ina sa isang tulad ni Luca kung hindi nito napatunayan ang sarili. Her mother was almost a recluse, not having friends like normal people. Ang mga kaibigan nitong ipinakilala sa kanya, acquaintances, mga kapitbahay o kaya magulang ng kaklase niya. Hindi ito bumubuo ng kahit na anong malalim na pagkakaibigan. Nag-iisa si Francine sa mga nakilala ni Alexandra at nalaman ngang aksidente lang itong naipakilala sa kanya ng ina.
Mayamaya, dumating na nga ang isang sasakyan. It was a black town car. Ibinigay ng driver ang kanyang ticket. She was booked first class. Inihatid siya nito sa airport. Mahaba ang biyahe at may ilang oras na layover sa Dubai at Rome. Her final destination was Pisa Airport. Nandoon na rin ang sasakyang nagdala sa kanya sa isang vineyard.
Walang kahit na anong inaasahan si Alexandra kay Luca, pero hindi pa rin niya naisip na sa isang vineyard ito naroon. Parami nang parami ang kanyang mga tanong sa lalaki. Naipon ang mga tanong habang nasa biyahe siya at kung puwede lang, agad niyang sasabihin ang mga iyon pagdating na pagdating pa lang.
Who was Luca? Obviously, someone who knew her mother, but what was his role in her mother’s life? Luca, what a common name in Italy. Siguro, hindi iyon ang totoo nitong pangalan. Pero “Rachel” din ba ang totoong pangalan ng kanyang ina? Kahit iyon, hindi niya alam kung totoo. Sa passport, “Rachel Smith” ang pangalan ng kanyang ina, pero napaka-common na hindi na siya magtataka kung kahit iyon, hindi nito totoong birth name. Wala rin siyang nakapang pagtatampo dito kung sakali mang hindi iyon ang totoo nitong pangalan. Who cared about names? Ang mas mahalaga, ang mismong papel na ginampanan nito sa kanyang buhay.
May pag-alon sa puso ni Alexandra habang pumapasok ang sasakyan sa kalsada ng vineyard. Hindi pa namumunga ang mga ubas, pero malapit na. The place itself with its rolling hills was colorful and beautiful. Kahit ilang ulit na silang nakapuntang mag-ina sa Italy noon, hindi sila nakadaan sa Tuscany. It was her first time. Kung naiba-iba ang sitwasyon, na-appreciate niya siguro ang tanawin. But looking at all the colors around with questions hovering above her made it impossible to appreciate any beauty.
Mayamaya, natanawan na niya ang isang bahay. Malaki iyon, pero hindi matatawag na mansiyon. The structure looked old, typical Italian lodging in that region. Yari sa bato ang bahay, malapad at mataas. May isang matandang Italyano na naghihintay sa kanya sa labas niyon. He looked old enough to be her grandfather. He was a nice-looking gentleman, wearing peasant clothing—an old shirt, pants, suspenders, a hat. May hawak itong mataas na tungkod, kahit parang hindi pa naman ganoon katanda para gumamit niyon.
Nakangiti ang matandang lalaki sa kanya nang sumalubong. “Welcome to Tuscany. My name is Luca. You are, of course, Alexandra. You look exactly like your Mami .”
“Thank you. I have so many questions—”
“Ah-ah-ah,” saway nito. “You didn’t travel so far just to skip rest before the questions. I had my family prepare a nice, warm meal for you, our very special guest.”
Gusto sanang sabihin ni Alexandra na hindi siya interesado sa kahit na ano hangga’t hindi nasasagot ang kanyang mga tanong, pero naisip niyang siguro nga, mas mabuting magpahinga muna siya at lagyan ng laman ang sikmura.
Pumasok na sila sa loob ng bahay. It was very old school, very Italian. Halos gawa lahat sa kahoy ang mga gamit na halatang antigo. Nang makarating sila sa komedor, simple rin lang iyon, kahit kayang maglaman ng dalawampung katao ang dining table. Natatanawan niya ang kusina. She could see a brick oven and ladies busy in the kitchen.
Nakahain sa mesa ang isang masaganang pagkain. May salad na may keso, fresh mozzarella and tomatoes, bruschetta, tortellini, lamb. Lahat ng iyon, ipinagmalaki ni Luca bilang galing sa “family recipe” nito.
“This is my favorite,” sabi nitong tumusok ng isang tortellini. “The ladies worked all morning to make this.”
“Your family lives here with you, all of them? The women in the kitchen, they are your family?” curious na tanong ni Alexandra. Kung kilala nito ang kanyang ina mula sa industriya, normal lang ba sa mga ito ang magkaroon ng regular na pamilya? Her mother did not have one. Inakala niyang sadyang ganoon lang ang buhay nila, na ulila ito at ganoon din ang kanyang ama. Now that she was thinking about it, she never actually met any of her family members. Ang sabi ng kanyang ina, nag-iisang anak lang ito. Ang lola naman daw niya, matagal nang pumanaw, pati ang isang kapatid niyon na isang spinster. Now, she was not sure anymore.
“They are my family now. I was married once, but I was never blessed with children. Your mother was lucky to have you. Try this. It’s pizza margherita. I love this one,” sabi ni Luca, kumain na. He seemed very fit, in fact, for his age. Ngayong inoobserbahan ni Alexandra ang matanda, naisip niyang talagang hindi nito kailangan ng tungkod. In fact, looking closer, she could tell he was not as old as she first thought. Una, inisip ni Alexandra na nasa late seventies na si Luca. Ngayon, naiisip niyang mas matanda lang siguro si Luca nang sampung taon sa kanyang ina.
“If you don’t mind, Luca, how old are you?”
“Approaching seventy.”
“You’re not related to anyone here?”
“In Italy, everyone is related.”
Sa madaling sabi, hindi direktang kalinya sa dugo ng matanda ang mga tao sa lugar na iyon. Dumagdag ang mga tanong sa kanyang isip, pero hindi na muna nagtanong pa tungkol doon. Mas importanteng malaman ang mga bagay tungkol sa kanyang ina, kapag handa na ang matanda. Mukhang gusto pa nitong kumain nang kumain. She liked the old man, she had to admit. Nakikita niya rin kung bakit ito nagustuhan ng kanyang ina at pinagkatiwalaan. There was something about his face that said he was a kind old fellow.
“Eat up. Eat up, child.”
Sumubo na si Alexandra at naalala ang matinding gutom. Kaya pala ipinagmamalaki nitong mabuti. Ang sarap ng pagkain. “This is very good, Luca… What should I call you?”
“Your mother used to call me ‘Papi’ as a joke. You can call me ‘Luca,’ like everyone does. It makes me feel young.”
Tumango siya at nagpatuloy na sa pagkain. Nangalahati na ang pagkain sa kanyang pinggan nang dumating ang isang babae at sinabing may bagong dating na bisita. Bago pa man nakapagsalita si Luca, dumating na sa kusina ang isang taong hindi inaasahan ni Alexandra. Connor, no less.
“You!” sabi niya.
“You,” sabi nito.
Magkasabay silang nagsalita, halatang parehong nabigla. Sa lahat naman ng lugar sa mundo, doon pa sila nagkita uli. Ang totoo, hindi na niya inaasahang makikita pa uli ang lalaki. What business did he have there?
Bago pa man niya maitanong, nasagot na rin niya sa isip.
Of course, there was a possibility that the man could find his way there. Si Luca, nakilala ng kanyang ina dahil magkasama ang dalawa sa iisang industriya at bahagi rin si Connor ng industriyang iyon.
“You know each other?” Luca asked, he seemed surprised and amused.
Bigla, ang lungkot ni Alexandra at gulo ng isip sa mga pangyayari ay nauwi sa inis nang sabihin ni Connor, “Of course, I know her! She blackmailed me into giving her fifty grand. She owes me fifty grand. You owe me, lady, and you know it.”
Halos mapanganga siya sa sinabi nito. Ang lakas ng loob ng buwisit! Siya pa ang may utang, samantalang ito ang walanghiyang nang-scam sa kanya! It was a scam, clearly. Ito at si Francine. Siguro nga, mas malaking scammer dito si Francine, pero hindi ibig sabihin na hindi scammer si Connor. Kung hindi niya kinuha rito ang pera, babalik naman siya kay Francine na hindi niya alam kung ibibigay na ba talaga ang kanyang pera. Malinaw na pinagpasahan siya ng dalawa, ayaw bayaran nang buo. At ngayon, siya ang palalabasin ni Connor na manloloko sa harap ni Luca? How dare he!