noveltoon logo noveltoon
Danilo Cardinal (Cardinal Bastards Series 6)

Chapter 11

Ch. 11 / 25 Apr 09, 2022

K ULANG ang sabihing kabado si Alexandra. Nanginginig ang kanyang mga kamay. After all, this was going to be the most daring thing she had ever done. Umaasa siyang iyon na rin ang huli. Sana pagbalik niya kay Luca, may maiaalok na itong bagong impormasyon tungkol sa kanyang ina.

Nang pagmasdan si Connor, napansin ni Alexandra na cool pa rin ang lalaki. Tulad ng sa kanya ang suot nito, overalls na itim na magkukubli sa kanila sa liwanag. They were going to be shadows moving in the dark and hopefully no one would see them. May nakakabit ding belt bag sa tagiliran ni Alexandra kung saan naroon ang tools na kailangan niya sa operasyon.

Nang matapos ang pagpaplano kanina, naghintay lang silang dumilim. Two hours of waiting. Habang umaandar ang oras, pinaplantsa niyang lalo ang plano sa isip, isinasaulo ang kailangang gawin.

“Ready?” tanong ni Connor.

Tumango si Alexandra. Kailangan niyang aminin na may pananabik sa kanyang dibdib, ayaw man niyang i-tolerate ang ganoong pakiramdam. Para siyang nagtataksil sa lahat ng kabutihang itinuro ng ina. Was it normal to feel that way? To have a certain part of herself wanting to actually do something she knew from the time she was young was a bad thing. Hindi tama na patuloy niyang isipin ang ganoong klaseng bagay. Kailangan niyang lakasan ang loob kaya nag-focus siya sa gagawin.

“Let’s go.” Napansin niyang nakatitig sa kanya ang lalaki at parang gusto niyang mairita. “What?”

“Sigurado ka ba?”

“What the hell do you think you’re doing? We’re in the middle of a job and you’re asking me that? Man up.”

“I was just asking you because you’re very pale.”

Napahawak si Alexandra sa mga labi. Totoo nga kaya? Siguro. Nanlalamig ang kanyang katawan, pero ganoon din ang kanyang naramdaman noong unang trabaho niya. Normal iyon. “Listen, you do your thing, I do mine, all right?”

“I was just trying to be friendly.”

Maybe a bit too friendly, she thought. Hindi na lang siya umimik.

Nagmuwestra ang lalaki, itinuro ang daan na pupuntahan niya. Magkaiba sila ng pupuntahan. Si Alexandra sa control room ng camera, habang si Connor naman ay papunta sa control room ng alarm system. Magkaiba ang lugar ng dalawang kuwarto, which made it a two-man job.

Gamit ang key card na nakuha ni Connor, nakapasok si Alexandra sa control room, habang ito naman, kinopya ang key card para makapasok din sa pupuntahan. Natuon na sa ginagawa ang buong atensiyon niya. She was now a different person. Nawala ang panginginig ng kanyang kamay, natuon sa trabaho ang focus ng isip.

She connected a cord to a red cable—the one that connected every camera to the system. She bypassed the system using a hack, a program she herself wrote. Pinalitan niya ang may sampung feed mula sa footage na kinunan nang nagdaang gabi. It was a loop, which she made the night before. Kahit nakatingin ang mga security personnel sa monitor, hindi mapapansin ang pagbabago. She added a static clip before the loop, which would serve as the video’s “transition.” It was not seamless, it was not supposed to be, but it would not cause alarm. They would think it was a split-second glitch. Maganda dahil hindi gumagalaw ang mga camera, kundi nakatutok lang sa iba’t ibang lokasyon.

“Done,” sabi niya kay Connor.

“Really?” Parang hindi makapaniwala ang lalaki.

Parang gustong matawa ni Alexandra. “Why, are you having a hard time? I thought you’re pro?”

Hindi umimik ang lalaki. Iyon ang lamang niya rito, mas mabilis siya pagdating sa programmed systems. It was her expertise.

Mayamaya, sinabi nito, “I’m done here.”

Iyon na ang senyales para magtagpo sila sa isang exit, kung saan may vent papunta sa itaas ng exhibit room. Mula roon, kukunin nila ang Faith Diamonds. Pumasok sila sa vent, nauna si Alexandra at agad na sumunod si Connor. Wala na silang pinag-uusapan sa puntong iyon.

Isinuot niya ang laser enhancement glasses. May laser beams na nagkukrus sa lugar kung saan nila ilulusot ang rod na may kable. Sa kable, may nakakonektang glass cutter na bubutas sa glass enclosure ng pedestal kung saan nakapatong ang Faith Diamonds.

Parang may pinag-usapan sila ni Connor, parang choreographed ang mga galaw nila. Nakapuwesto na rin ang lalaki sa isa pang vent. Pareho silang hindi direktang nasa ilalim ng pedestal. Walang kahit na anong nasa direktang itaas ng pedestal. Pero walang problema. Their gadgets were all advanced, custom made according to their specifications. Si Connor ang nagpagawa ng mga iyon base sa mga paunang larawan ng exhibit room na mula kay Luca. Ikinabit ni Alexandra sa pinagmumulan ng laser beam grid ang isang signal jammer. May isang buton iyon at isang signal light na nang maging kulay green ay pinindot na niya ang buton. A flap automatically slid out and dropped down to block the infrared beams. Technically, she was tripping the alarm but was also blocking the signal so it would not alert the main system.

Nararamdaman niya ang pagtulo ng pawis. It all was going down without a glitch. The rod will fit into the vent. Ipinasok na niya iyon doon. Mukha iyong fishing rod, ang kaibahan lang, automatic ang reel at mataba at gawa sa alloy ang string. Awtomatikong nag-extend iyon. Kailangan niyang maging maingat dahil ang loop ng video sa exhibit room ay hindi para sa buong kuwarto. She only looped the ones near the pedestal.

Hindi pa nagtagal, nakababa na ang alloy string at ang dulo niyon na may glass cutter ay nasa itaas na ng glass enclosure ng pedestal. Tumingin siya kay Connor. Abala ito sa ginagawa. Nauuna ito sa kanya kahit mas malayo ang puntirya nitong pedestal mula sa kinaroroonan.

The man nodded, it meant it was time for her to do her shit. Pinindot na niya ang button control ng rod. A moving mechanism came out of the tip of the alloy string. Suction iyon na kumapit sa salamin. Sa itaas niyon, lumabas ang nakakonektang diamond cutter. It cut the glass in a few seconds. The power of the device was good for only one go. Sa liit niyon, maliit din lang ang battery life. There was now a three-fourth inch hole on top of the pedestal. She retracted the device. Isang katulad na device ang ipinasok niya sa butas. Ang kaibahan lang, ang dulo niyon na parang may mga galamay ng gagamba ang kukuha ng diamond na mas maliit sa quail egg.

It took thirty seconds before the diamond was safely inside a case tucked inside her bag. Sabay na silang gumapang ni Connor palabas ng vent na pinagmulan nila. Siniguro nilang naka-screw ang vent. That would give them more time.

“So what now?” tanong ni Alexandra habang naglalakad sila palayo. Pumasok sila sa isang supply room. Doon nila hinubad ang overalls. May suot siyang damit sa ilalim niyon. Ipinasok niya sa isang laundry bag ang mga damit, kasama ang gadgets. Inilagay din doon ni Connor ang mga gamit nito. He was now wearing a tuxedo. May malaking party sa cruise ship sa gabing iyon.

“The gem?”

Ibinigay niya iyon sa lalaki. “Tell me how you’re getting rid of that.”

“Just trust me.” Kumindat ito, inabot mula sa kanya ang laundry bag, at lumabas na ng kuwarto. Wala na siyang nagawa kundi ang tumuloy sa cabin. It took two hours before the alarm was sounded off. Lumabas siya ng kuwarto, tulad ng inaasahan sa lahat ng mga pasahero.

The security was the best. Mabilis na nainspeksiyon ang kanyang kuwarto, katulad ng katabing cabin. The deck was locked down. Kahit maraming nagreklamong pasahero, hindi natinag ang kapitan. As long as they were in that situation, she thought it was safe. Ibig sabihin, hindi pa natatagpuan ang jewels, wala pang nahuhuling kriminal at walang problema.

By now, the crew was probably inspecting all their security video footages. Sigurado ring nainspeksiyon na ng mga ito ang key card na gamit ng mga pasahero para ma-access ang iba’t ibang bahagi ng barko, pati ang on board credit card na konektado sa boarding pass ng mga pasahero. She wished time to fly by. Ang hirap na parang naghihintay siya ng trahedyang may posibilidad na dumating o maiwasan.

Finally, it was announced that they had reached the port. Sistematiko silang pina-disembark. Sumunod si Alexandra sa procedures at tulad ng kanyang hinala, naging mas mahigpit ang pagpapalabas sa lahat ng pasahero. Hindi niya makita si Connor. Nakalagpas siya sa security at sa wakas, nakita ang lalaki. Pero halos hindi niya ito makilala. He was wearing a wig, glasses, and a fake mustache. Nakauniporme ito na katulad ng iba pang empleyado ng garbage collection.

Holy shit, the gems are still in the ship! she realized. Nasa basura ang mga iyon, ngayon niya nasiguro. Of course the garbage would be inspected as well. But she guessed Connor took care of it. Sumakay na si Alexandra sa taxi at nagpahatid sa isang hotel. Doon din naka-check in si Connor.

Para sa kanya, malinis ang trabaho, maliban na lang kung pumalpak si Connor. May dalawang oras siyang naghintay hanggang sa may kumatok sa pinto. Binuksan niya iyon at nakita si Connor, nakangiti.

“The package has been sent off. Call Luca.”

Iyon mismo ang ginawa ni Alexandra. Luca confirmed. Binalingan niya si Connor. “Is there anything else?”

“I was just thinking to ask you to have some champagne with me. To celebrate. We did a great job.”

“No.” Umiling siya. “I don’t think I wanna celebrate with you.” Bukod sa tingin niya ay maling mag-celebrate para sa pagnanakaw, wala rin siyang balak na maging kaibigan ang lalaki.

“All right. How about brunch? Or lunch. Come on.”

“No.”

“Oh, come on.”

Bakit ba nangungulit ang lalaking ito? Wala na silang dapat pang pag-usapan. Tapos na ang trabaho. Hindi ba nito naiisip na hindi sila ordinaryong co-workers na pagkatapos ng isang araw ng trabaho, lalabas para magkasayahan nang kaunti? They were thieves. Mas maganda kung hindi sila ma-associate sa isa’t isa. Hindi sa mayroon pang nag-oobserba sa kanila, pero hindi tama na magkaroon siya ng kaibigan, maliban na lang siguro kay Luca, na pinagkatiwalaan ng kanyang ina noon. Not Francine, nor Connor should be accepted into her life as a friend. Mananatiling pribado ang kanyang buhay at ang mga totoong bahagi niyon ay nasa mundong malinis, sa mundong komportable siya. Sakaling magkita sila ni Connor o kahit ni Francine sa kung saan, aakto silang hindi magkakilala. Iyon lang naman ang dapat at tama.

“You’re such a kill joy. You need to lighten up. You don’t know how to have fun, you don’t have any sense of humor, what else?”

Nabuwisit si Alexandra kay Connor. “Hindi ko alam na kasama pala sa job description mo na isa-isahin ang lahat ng kapintasang makikita mo sa akin. And I don’t think me not having fun or any sense of humor would matter to the job we did. As far as I’m concerned, I did a damn good job. Hindi na kasama ang brunch sa trabaho natin. Hindi tayo magkaibigan. Gusto kong linawin `yon sa `yo. We are not friends and we will never be because I don’t like you.” Na-realize ni Alexandra na nakapag-Tagalog siya, pero itinuloy-tuloy niya dahil malinaw na naiintindihan nito. He had Asian features, particularly Filipino features. Pero sa panahon ngayon, sino ba ang makapagsasabi sa totoong lahing pinagmulan ng isang tao? Tulad niya.

“You’re hurting my feelings, honey,” sabi ng lalaki, maarteng humawak sa sentro ng dibdib, parang hindi naman apektado at halatang nang-iinis lang.

“Get out, please.” Nilakihan niya ang awang ng pinto at lumabas doon ang lalaki.

“Last chance, Alex.”

“Oh, my God!” sabi niya, isinara na ang pinto, saka tumuloy sa couch. Ibinagsak niya roon ang katawan, iritado. Pero naalala rin niya na maayos nilang nagawa ang lahat. Mayroon siyang nakapang saya para doon, ginhawa. Tama si Luca na silang dalawa ni Connor ang nababagay para sa trabahong iyon. Connor did more, she was aware of it. Hindi na rin kailangang sabihing mas nag-research ang lalaki at gumawa ng mas mahirap na assignment kumpara sa kanya.

Salamat doon, pero nakakainis pa rin. Dapat sinabi nito sa kanya. Obviously, he still saw her as an amateur. And she probably was. Nag-mental note si Alexandra na sa susunod na trabaho—kung mayroon man—kailangan din niyang lawakan pa ang pagpaplano. There should be backup plans. Hindi lang isa, kung maaari. Kailangan din niya ng mas maraming koneksiyon. Natural na mas maraming nagawa si Connor dahil mas may alam ito sa trabaho at mas maraming karanasan. It was only her second job. Hindi na siguro mabilang kung ilang ulit nang nakapagnakaw si Connor. He was a professional criminal. Ganoon na rin si Alexandra technically, pero hindi siya napunta roon nang kusang-loob at hindi magpapatuloy kung hindi kailangan.

Lumabas na siya ng kuwarto mayamaya. She was famished. Tumuloy siya sa restaurant ng hotel, saka naisip na mas magandang mag-lunch sa poolside. Doon na niya ipinahatid ang pagkain. Pero nakita niya roon si Connor na may kalandiang isang Mexicana. They were in Mexico. Maganda ang babae. Oh, well, ano pa ang aasahan niya sa isang tulad nito?

Muntik nang mapaismid si Alexandra nang makita kung paano mambola ng babae si Connor. Hindi niya maiwasang maikumpara na naman ang lalaki kay Preston. Kahit kailan, hindi magiging ganoon ka-flirty ang boyfriend niya. Kahit kailan din, hindi niya gugustuhing magkaroon ng relasyon sa isang tulad ni Connor. Hindi na rin siya nagtaka kung bakit hindi na nito girlfriend si Nadia. Siguro, ganoon na lang kung magpalit ng girlfriend ang lalaki. May mga lalaki talagang tulad nito. How she hated men like him. Ilang Eba na kaya ang umiyak dito?

But it was his loss. Habang si Alexandra, hindi niyakap nang buo ang ganoong trabaho, si Connor ay mukhang iyon na ang nakasanayan. Sa pagtatapos ng kanyang misyon, hindi na siguro siya babalik sa TAG, pero magkakaroon siya ng normal na trabaho. Normal na buhay. Disenteng buhay. She would marry Preston, like they agreed upon. She was going to marry the love of her life, they were going to buy a house in the suburbs, and raise children who are going to be good people. Hindi tulad ni Connor.

Connor would probably be the biggest womanizer and shall live the rest of his life being a thief. Buhay nito iyon at masyado nang inookupa ng lalaki ang kanyang isip. She decided to forget about him and focus on her plans. If only it were that easy.